The Next Chapter

"Dapat hindi na. Dapat wala na. Dapat hindi na ako nasasaktan kasi wala naman akong karapatan."

***

(Anna's Memory Box)

Devastation.

Despair.

Disappointment.

Lahat yata ng negative na reaksyon o emosyon na nagsisimula sa letter 'D' makikita sa mukha ko ngayon.

February 14.

J.S PROM.

Pero imbis ma-enjoy ko ang event na 'yon ngayong fourth year high school student ako, hindi ko magawa.

It's been three months.

It had been a straight three months since the last time we had a small talk. 'Yon yung panahong tinanong kita tungkol kay Nia.... na si Hanna pala.

Ganyan ka ba ka-busy sa girlfriend mo? Ni hindi mo man lang ako na-inform na may girlfriend ka na pala.

Sabi mo sa'kin 'never believe in anything he's saying', paano ko naman gagawin 'yun kung alam kong totoo? Paano ako hindi maniniwala kay Earl kung kapani-paniwala yung mga sinabi nya? Paano ako hindi maniniwala kung.... mayroong ebidensya.

From that time when Earl confide to me who is Hanna, it's the last time I saw him. Bumalik na sya dyan sa manila.

And starting that moment, Earl started bugging my life. Earl sent me pictures of you, and you're always with someone on it. You seemed happy with that girl. It always break my heart apart seeing you like that--being happy with the other girl and not me.

He always do tell me through text to move on. That you're not the right one for me. That you already have your own life without me. That you already coped up with the fact of losing you're sister kaya wala ka ng pakialam sa akin ngayon.

And now, it's still a big question to me why he is meddling with our story.

Kaibigan/pinsan mo ba talaga 'yun? Ang layo nyo kasi sa isa't isa e. He was rubbing the harsh reality in my face. Parang gusto ko ng bawiin yung sinabi ko na hindi sya gago, at prangka lang talaga sya. Gago yata talaga sya.

Siguro... siguro tama yung kaibigan mo kasi ni isang text man lang, hindi mo magawa. Kahit nga tuldok lang ang i-text mo, okay na sakin. O kaya kahit blank text message. Pero wala eh.

I dialed you're mobile number for the nth time, but still the operator answered. Network busy. Binaba ko ang cellphone ko sa lamesa at sinimulang kumain ng cup noodles. Napapatingin sa'kin halos lahat ng taong pumasok ng convinience store para bumili. Bakit? Sino bang matinong tao na kumakain ng cup noodles sa 7/11 habang nakasuot ng gown?

It was my J.S Prom night, but I chose to ditch it.

Why?

I just feel like doing this. Or maybe I'm just out of my mind. Wala ka. Pati yung mga kaibigan ko parang nawala na din sa'kin.

Paano?

Kinukulit nila akong magkwento. Bakit daw parang madalas akong maging malungkot? Dati daw kasi parang mahipan lang ako ng hangin, masaya na 'ko, ngayon daw kasi hindi daw nila alam pero ramdam daw nila na may mali, kaya pinipilit nila akong magkwento. Pero ayaw ko. Ayaw kong mag kwento ng kahit anong tungkol sa'yo.

And with that, me and my friends had a small fight.

Nainis ako kasi tanong ng tanong si Robi at Mavee. Hindi ko tuloy sinasadyang masabihan sila na:'Wag nyong pakialaman ang buhay ko. May sarili kayong buhay, yun na lang ang pakialaman nyo.' It was bitchy of me, I know. And I'm sorry for it.

One week na nila akong hindi pinapansin simula ng mangyari 'yon, hanggang ngayon.

My fault, I know. I said sorry to them. Pero alam kong masama pa din ang loob nila dahil doon. Maybe it takes some time. Papansinin din nila ako kapag okay na sila. I hope so.

Kaya nga eto ako ngayon, loner at mukhang emo habang kumakain ng Lucky me Jiamppong na hindi ko inexpect na ganito pala kaanghang dahil first time ko lang naman i-try.

Ano ba 'to? Pakiramdam ko maiiyak na ko at tutulo na yung uhog ko at any moment sa sobrang anghang.

Ang lakas maka-emo na nga nung mga iniisip ko, pati ba naman yung noodles dadagdag pa.

Tatayo na sana ako para makahingi ng tissue sa cashier pero may biglang umupo sa bakanteng upuan sa tapat ko at naglahad ng puting panyo sa harap ko.

"Oh..." mas inilapit pa ng taong 'yun ang panyo sa harap ko. "Umiiyak ka na nga nung huling beses kitang makita, tapos ngayong makita kita ulit umiiyak ka na naman. Hanggang kailan ka iiyak ng dahil sa kanya?"

Pambihira. Anong sinasabi nito? Anong ginagawa ng isang 'to sa harap ko? May sa maligno ba 'to para laging lumitaw na lang bigla sa tuwing nagmomoment ako mag-isa?

"Hindi sya yung iniiyakan ko ngayon, ang anghang kaya ng noodles, wag kang assuming. Kulot." Hindi ko tinanggap yung panyo ng inaalok nya. Bagkus ay pilit kong sininghot pabalik yung sipon sa ilong ko at pinahid ko na lang ang nanginginig nang luha sa mga mata ko.

Napasimangot sya dahil sa tinawag ko sa kanya.

"I have a name, Ellah."

Kahit papaano ay napangiti ako dahil sa tinawag nya sa'kin.

"Pangalan mo naman talaga yun e, Kulot. Mac Earl Lorenzo. Mac Earl. Tunog 'Ma-Curl', parang maarteng way ng pagsasabi ng adjective na 'Curly'. Tapos kapag tinagalog mo yung Curly, e di magiging Kulot. Di ba tama naman ako, ha, Kulot?"

Napailing sya. "Ibang klase."

Sa tatlong buwan na hindi ka nagrereply sa mga text ko. O sa mga tawag ko. Sya ang madalas na naging kausap. Alam mo kung ano ang madalas naming topic? Ikaw.

Nung una, he's just sending me pictures of you with a girl and he's always telling me to stop meddling with your own life kasi masaya kana daw. Kasi may girlfriend kana. Kasi okay ka na daw at natanggap mo na daw yung katotohanan na wala na talaga yung kapatid mo kaya wala ka na daw pakialam sa akin.

Hindi ko nga alam kung anong pinaglalaban nya eh. Kasi nung una, galit sya eh. Parang galit sya sa'yo sa paraan ng pagkwekwento nya sa akin tungkol sa kapatid mo. Sinisisi ka pa nga nya.

Parang may mali eh.

Nung una kinakaya ko pa yung mga sinasabi nya sa akin. Pero nung minsang napuno ako, I started to argue with him. Then, the next thing I knew, nag-aasaran at nagpipikunan na kami.

He calls me 'Ellah' which comes from Sabriela. And in return, I call him 'Kulot' from Mac Earl (tunog Ma-Curl kasi e) and it pisses him off. Kaya nga yun ang tinatawag ko sa kanya, kasi alam kong napipikon sya eh.

Within three months na wala kang kahit anong paramdam, sya yung madalas na naging kausap ko.

Akala ko masama ang ugali nya, masama kasi kung makatingin dati. Yung parang pakiramdam ko kumukulo na 'yung dugo nya basta makita nya lang ako. Yun pala, gano'n lang pala talaga sya sa hindi nya 'feel' na tao. Maarte lang pala talaga sya para sa isang lalaki. (Hindi sya bakla, naikwento nya kasi minsan dati sa akin na may gusto syang babae, pero yung babae daw na 'yon nagpapakatanga sa kaibigan nya.)

Sa tatlong buwan na hindi kita makausap, parang hindi na kita kilala. Hindi ka kasi ganito dati.

Kabaligtaran naman ng nangyari sa'min ni Kulot. Dahil sa tatlong buwan na hindi kita makausap, parang mas nakilala ko sya. Hindi kasi sya ganito dati.

Time changes everything.

"J.S. n'yo ngayon ah, bakit ka nandito?" Tanong nya.

It has been a big question why he is meddling with our story, but maybe it's because he cares. He cares for me. He cares for me as a little sister.

Because, right now I am starting to see him.... I am starting to see him as a big brother.

I remember the time he said those four exact words: "Niloloko ka lang nya.". Na niloloko mo lang ako. Ginamit mo lang ako.

Not knowing na.... mas malala pa pala sya sayo.

***

(Anna's POV)

Christmas Vacation.

Kasalukuyan akong nasa bahay. Nakikipagdate ako sa accounting books. Eto ang disadvantage ng pagiging accounting student, eh. Yung bakasyon namin, hindi namin matawag-tawag na 'bakasyon'. Grabe kasing magbigay ng homework yung prof namin. Masyadong sadista. Tuwang-tuwa na nahihirapan kami. Palibhasa matandang dalaga.

Halos isubsob ko na ang pagmumukha ko sa Financial Accounting Volume Two Valix Book na kulang isang dangkal ang kapal nang marinig ko na tinatawag ni nanay ang pangalan ko mula sa labas ng kwarto.

Tamad na tamad akong lumabas ng kwarto para bumaba ng sala. Nagulat ako nang hindi lang ang nanay ko ang naabutan ko do'n. Silang walo ay nakaupo sa may sofa at feel at home na feel at home.

"Anna, hindi ka man lang--" nag-ayos bago lumabas. Bago pa man matapos yung sasabihin ni nanay na alam ko naman na kung ano ay tumakbo ako pabalik ng kwarto.

Dali-dali akong nag-ayos ng sarili. Bakit sila nandito? Wala man lang pasabi. Nagulat tuloy ako. Nagpalit ako ng mas mahabang short. Kahit naman sina Cy, Kerwin, Virgo at Apa lang naman ang nasa baba na alam kong matitinong lalaki ay naiilang pa din akong magsuot ng short shorts sa harap nila. Well, kay Crimson lang ako hindi naiilang na ganito ang itsura ko. Kahit yata rumampa ang isang babaeng naka-twopiece lang sa harap nya, hindi nu'n papansinin. Ang jelly Ace lang naman nakakaagaw ng pansin ang pinsan ko.

Nung makapag-ayos ako ay kaagad din akong lumabas sa kwarto.

Natigilin ako ng mapansin kong hindi lang pala sila ang nasa sala.

May kasama pa silang isang babae na hindi ko kilala.