"Simula pa lang naging unfair ka na sa'ting dalawa. Not knowing that along the run of our story, ako yung magiging unfair. Naging unfair ako. Hindi lang sa'yo, kundi pati na din sa kanya...."
***
(Anna's POV)
"Bueno, mga anak, maiwan ko na kayo dito." Sabi ni nanay sa kanila saka ako tiningnan. "Anna, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Bibisita lang ako kayla Tita Blessie mo," Paalam ni 'nay bago kami iwan.
Malamang makiki-chika lang 'yun kay tita.
Tumango lang ako kahit hindi naman ako nakatingin sa kanya dahil nakatingin pa din ako du'n sa babaeng hindi ko kilala.
Sino ba 'to?
"Girlfriend yan si Kerwin," napatingin ako kay Cyrus na bigla na lang nagsalita.
"Hah?" Napabaling ang tingin ko sa kanya.
"Yang tinitingnan mo, girlfriend yan ni Kerwin." Pag-uulit pa nito sa kanyang sinabi.
Wala sa sariling napatango ako kay Cy. "Ah... okay,"
Kailan pa nagkagirlfriend 'yang mukhang tuod na si Kerwin? Weh? Hindi nga?
Bumalik ang atensyon ko sa babae nang tumayo ito sa sofa at naglakad palapit sa akin.
"Hi." Nakangiting bati nito sa'kin. "You're Anna,right? I'm Rae Angel Samson. But you can call me Raegel nalang," Pakilala nito sa akin.
Maganda sya. In fact, mukhang anghel. But something's off about her. Pakiramdam ko may tinatago sya. Parang pilit lang ang ngiti nito sa'kin.
Kailan pa 'ko natuto bumasa ng tao? Natuto ako sa kanya na kaibigan/pinsan mo. Psychology student kasi sya. At natuto din ako sa'yo--dahil sa'yo natuto akong maging mapili sa taong papapasukin ko sa buhay ko para hindi ako nasasaktan.
Pilit lang din akong ngumiti dito. Plastikan pala, ha. Tingnan ko lang kung gaano sya katibay.
Binalingan ko ng tingin ang walo na nakaupo pa din sa sofa. "Uh... guys, bakit kayo nandito?"
"Maglalaba kami, besh. Nandito kami sa inyo para makilaba." Sarkastikong sagot ni Robi na mukhang badtrip.
Parang alam ko na kung bakit.
"Yung totoo?" Tanong ko ulit sa kanila. Buti naman ay may matinong sumagot. Si Virgo.
"Kasi aayain ka namin sa amusement park?" Parang patanong na sagot sa akin ni Virgo.
"Bakit ako lang ang huling nakaalam na may lakad pala tayo ngayon?" Para kasing planado na nila lahat na gumala ngayon. Halata naman sa mga ayos nila.
Isa-isa ko silang tiningnan habang naghihintay ng kasagutan.
"Kasi kino-contact kita mula kahapon kaso hindi ka sumasagot." Sabi ni Airene. Oo nga pala naka-flight mode ako simula nung isang araw--yung araw na nagdecide akong magpaka-ermitanyo dahil sa accounting.
Napatango ako sa rason ni Ai. Nalipat naman ang tingin ko sa katabi nitong si Angel.
"Kasi hindi ka nagrereply sa group chat." Ni hindi nga ako makapagtext dahil busy ako, mag-oonline pa ako?
Napatango ulit ako at napatingin naman sa katabi nitong si Robi
"Kasi sasabihan dapat kita kahapon kaso nakita ko yung ate mo na nasa terrace nyo, hindi na ko tumuloy,"
Ok. Acceptable yung reason. Given the fact na mainit talaga yung dugo sa kanya ni ate. Napatingin naman ako sa katabi nito na si Crimson.
"Kasi nakalimutan ko na sabihan ka, insan." At talagang nakuha nya pang magpacute at mag peace sign. "Gumagawa kasi ako kahapon ng experiment,"
Ok. Honest answer. Nakalimutan. Napatango ulit ako. Pero napataas naman ako ng kilay sa huling sinabi niya. Experiment.
"Anong experiment na naman yung ginawa mo, ha, Crimson?" Tanong ko dito. Pag sinabi kasi nya na nag-experiment sya, ibig sabihin no'n ay gumawa sya ng bagong recipe.
Ironically, yung isip bata pa ang marunong mag luto sa'min.
Napangiti sya sa tanong ko. "Gelatin, lychee flavor. Sakto, malamig na 'yun ngayon. Kung umuwi muna kaya ako ng bahay at magdala dito para ma-try nyo bago tayo mag-amusement park? Gusto n'yo?" Suggestion nito na umani ng iba't ibang reaksyon.
"No, thanks. I'm already full, man." Sabi ni Cyrus na may nakapaskil na pilit na ngiti sa mukha. Naku. Kung hindi ko lang alam, sawa na'to sa Gelatin na iba't ibang flavor dahil kay Crimson.
"Next time na lang," sagot naman ni Virgo sabay tumawa ng peke. Isa pa 'to eh.
"Me," napatingin naman kaming lahat sa girlfriend kuno ni Kerwin na kakasalita pa lamang. Nakataas ang kamay nito nito na parang nagrerecite habang nakangiti. "I want to try it."
Hindi ko alam pero hindi talaga maganda ang kutob ko sa babaeng ito.
"Pabida," narinig kong bulong ni Robi.
Badtrip talaga sya.
"Excuse me?" Tanong naman nung girlfriend ni Kerwin na animo'y hindi narinig ang bulong ni Robi.
"Dadaan ka ba?" Papilosopong sagot ni Robi habang nakataas ang kaliwang kilay.
Kilala si Robi sa pagiging masungit at maldita sa harap ng iba. Sanay kaming ganyan sya pag iba na ang kausap nya.
But for heaven's sake! Kahit naman ayoko din dun sa girlfriend ni tuod, sana i-try nya man lang na plastikin--I mean, pakisamahan pala.
I mentally face-palmed. Baka mahalata sya ng mga kabarkada namin nyan sa pinagsasasalita nya eh.
Bago pa may mangyaring kung ano ay nagsalita na 'ko. "Guys, baka tanghaliin na tayo ngayon, Crimson next time mo lang ipa-try yung experiment mo sa girlfriend ni Kerwin,"
Sumang-ayon naman silang lahat sa sinabi ko.
Napabuntong hininga ako.
Sana walang mangyaring gulo.