The 'OUAT' Story

"You do always make me smile. But right now, all I could do is to cry..."

***

(Anna's POV)

"Ang tagal ng jeep. 'Yan yung mahirap sa paghihintay eh, yung hindi mo alam kung may hinihintay ka pa ba o wala na," kasalukuyan kaming nasa waiting shed sa labas ng university ni Robi at kulang-kulang isang oras ng naghihintay ng jeep nang maisipang kong humugot.

It is now January.

Kaya technically speaking, class resumes.

Himala nga lang at hindi ako binara ni Robi sa sinabi kong hugot. Kung ibang pagkakataon ay baka binatukan na 'ko nito ng isa.

But, no. Instead ay nakihugot din sya.

"Minsan, hindi ka naman dapat talaga na naghihintay pa. Minsan, ikaw lang naman talaga ang dahilan kung bakit nahihirapan ka. Yung tipong hindi naman sinabi sa'yong maghintay ka pero naghihintay ka pa din. Pinapagmukha mo lang tanga ang sarili mo kakaasa sa wala,"

Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin nito sa kalsada. Mugto ang mga mata nito. Once in a blue moon ko lang syang makitang ganito.

Dahil sa mga sinabi nya ay napaisip ako.

Mukha na 'kong tanga kakaasa na babalik ka. But still, umaasa pa din ako.

Pwede bang kapag bumalik ka, patayuan mo naman ako ng rebulto?

Natawa ako. Sa kakahintay ko na bumalik ka(kahit imposible na), kung ano-ano tuloy ang naiisip ko.

Malabo.

Malabong mangyari. Malabong bumalik ka pa... di ba?

Sa pagkakataong ito ay napatingin sa akin si Robi marahil ay dahil sa pagtawa ko.

"So, magsisimula na ba tayong maglakad pauwi? Wala naman sinabi yung jeepney driver na maghintay tayo--na dadating sya--na umasa tayo sa kanya," biro ko.

"Sira," yung lamang ang sinabi nya. Mukha syang tamad na tamad ngayon. Sabagay, sino ba namang gaganahan kung yung taong gusto mo ay laging may kasamang girlfriend diba?

It's been two weeks. Two weeks since the class resumes, at sa two weeks na 'yon laging kasama ni Kerwin yung girlfriend nya. Sa tuwing makikisabay samin ng lunch si Cy at Kerwin ay laging may plus one(which is yung girlfriend nya).

Bakit mugto ang mata ni Robi ngayon? Well, dahil 'yon sa nangyari kahapon. Robi and Raegel bump into each other, parehas silang napatumba sa sahig dahil sa impact and their beverages pour into each others dress. But Kerwin chose to help Raegel first.

Syempre, 'girlfriend' eh.

Pero hindi naman 'yon yung iniyakan ni Robi. Masyadong mababaw kung 'yon ang rason.

Ikaw ba naman ang magpagsabihan ng 'hindi ka nag-iingat' ng boy bestfriend mo since diaper days pa lang dahil lang sa leche nitong girlfriend which is sya naman talaga yung 'hindi nag-iingat'.

In other words, kung yung taong gusto mo na matagal ka ng kilala, mas piniling paniwalaan yung taong kakakilala nya pa lang kesa sa'yo, hindi ba sasama yung loob mo? Hindi ka ba iiyak?

Kaya ayan, yung once in a blue moon na pag-iyak ni Robi, nangyari na.

Para tuloy gusto kong bigyan ng trophy yung si Raegel kahapon at ipukpok sa ulo nya. "Award" yung acting nya kahapon eh.

Naputol ang pag-iisip ko tungkol sa nangyari kahapon dahil sa narinig ko syang bumuntong hininga.

"Besh, hihintayin ko pa ba yung panahong makikita nya ako? O sisimulan ko nang ituon ang pansin ko aa ibang tao?"

Nakakaloko yung tanong nya. Ano nga ba? Ano nga ba dapat ang sagot? Teka, sino ba 'ko para sagutin yung tanong nya?

This time, ako naman yung napabuntong hininga.

"Ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo, besh. Try to weigh things. Ayokong magbigay ng advice dahil hindi naman ako yung nakakaramdam ng nararamdaman mo. Mamaya yung binigay ko sa'yong advice ay yung mali pala. Pero wag kang mag-alala, sooner or later magbebreak din sila," I said, then I smiled at her. "Besh, parang ang sarap tukuran ng toothpick ng mga mata mo para dumilat kahit papaano, para kasing papikit na sya in any time dahil sa sobrang singkit," I added, jokingly. Para naman gumaan kahit papaano yung atmosphere namin.

"Nagsalita ang hindi mugto ang mata," she answered, teasingly. Nakalimutan kong sabihin na pumi-friendship goals pala yung mga mata namin ngayon. Tinatanong nga ng mga kaibigan namin kung bakit mugto yung mga mata namin eh. Gumawa na lang kami ng alibi na nanood kami parehas ng nakakaiyak na movie kahapon (kahit hindi naman talaga).

Tiningnan nya 'ko diretso sa'king mga mata.

"Huhulaan ko ha, nagsulat ka naman ng isang story part ng story nyo. Ano nga bang title no'n? Ah, basta yung may initials ng OUAT, tapos damang-dama mo naman bawat story part na sinusulat mo,"

Nakatingin lamang ako sa kanya habang pinagpatuloy nya pa ang pagsasalita.

"Tapos ano? Iniyakan mo naman yung pagsusulat ng flashbacks. Ano nga ulit yung tawag mo do'n?

Ah, Memory box." Napasimangot sya. "Andaya, ayaw mong ipabasa sa 'kin yung mga 'memory box',puro lang present happenings ngayong college at nung highschool pa tayo yung pinapabasa mo. Hayaan mo, gagawa din ako ng account sa wattpad at hahanapin ko yang story mo para mabasa ko kapag maluwag na yung sched ko. Minsan hindi ko lang maiwasang isipin kung baliw ka ba talaga besh."

Napakunot ang noo ko sa huling sinabi nya. "Bakit naman?"

"Kasi ni hindi ka nga sa'min nagkwekwento ni Mavee ng kahit ano, kung hindi ka pa namin kinulit ng kinulit baka pati yung pangalan ni "C.K." at ni "Kulot" ipagdadamot mo pa sa amin na mga bestfriend mo, tapos ngayon basta-basta mo na lang isusulat at hahayaang ipabasa sa iba. May saltik ka ba besh? Tapos ano ka ngayon? Mugto yung mga mata mo, siguradong umiyak ka na naman habang nagtatype ng chapter ng story na 'yon na may 'memory box'."

Natawa naman ako sa sinabi nya. "Siguro... malakas lang yung loob ko pagdating sa ibang tao kasi hindi naman nila ako makikita--yung readers ko hindi nila alam yung itsura ko o kung sino ba talaga ako. Makikilala o makikita lang nila ako if ever publish book na yung story ko at mayroong book signing at meet up, which is imposible namang mangyari,"

What I said is what I really think. Imposible naman talaga eh. Ang daming magagaling na authors sa wattpad, sino ba ako para maipublish yung mga sinusulat ko? I'm nothing.

"Malay mo naman. And besides, you're a great writer," she said, trying to cheer me up. "Walang halong bola. Sa'yo nga lahat awtomatikong nakatingin yung mga kaklase natin kapag nag-aanounce yung prof na may film making eh,"

"Sus, bola." Natawa ulit ako. Napakasupportive talaga nilang mga kaibigan ko pagdating sa passion ko sa pagsusulat.

"Hindi nga yun bola. Pag natapos mo na yung story nyo, ipasa natin yung manuscript sa publisher ha? Malay mo magustuhan. Tapos mapublish talaga. Tapos--" bago pa sya matapos sa pagsasalita ay inunahan ko na sya.

"Tapos pwede ding mareject. Pwede ding masayang lang ang effort ko."

I was actually thinking of that. Na magpasa ng manuscript ng story sa publisher. Pero nagkakasecond thought ako tungkol dyan kasi baka mareject.

Siguro dapat na kong makuntento sa ganito. Yung maishare ko lang yung story natin sa wattpad at hindi ko na pangarapin pa na maipublish ito as a book. Hindi ko nga akalain na may magbabasa eh. Thankful na'ko dun pa lang.

Natawa pa nga ako dun sa isang comment sa prologue yung 'hindi ka selfish ate, duwag ka lang,' , parang masyado akong self-service bias kung mag-aagree ako dun sa reader ko na 'yun, kasi sa kahit saang anggulo ko tingnan, selfish ako. Aminado ako dun. Selfish ako to the extent na umiiyak talaga ako mag-isa sa kwarto kapag nagsusulat ng story. Yung pagsusulat ng story yung way ko para kahit papaano mabawasan yung sakit. Kaya nga halos lahat ng story ko walang happy ending eh. Bigla akong nabibitter kapag malapit na yung ending.

Tayo nga hindi nagkaroon ng happy ending eh, now tell me, anong ginawa ng mga fictional characters ng mga story ko para maging deserving silang maging masaya sa dulo? Kung totoong "happy" bakit kailangan ng "ending"? Bakit kailangang tapusin ang isang bagay kung masaya ka naman?

Ironically, habang sinusulat ko yung storya natin, hindi nababawasan yung sakit. It's like I'm rubbing salt to my already bleeding wound. Sadista ako eh. Gusto kong binabalikan yung memorya natin kahit masakit.

Yun na lang kasi yung natira sa'kin--yung mga ala-ala natin.

"Besh, ayan na yung jeep. Tara na." Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Robi. Napatingin ako sa kanya na puma-para na ngayon ng jeep.

***

(Anna's Memory Box)

I squinted my eyes.

Pauwi na 'ko sa bahay galing school nang may nakita akong pigura ng isang lalaking pamilyar sa ilalim ng poste.

Nilapitan ko ito para makumpirma kung tama ang hinala ko.

Kaagad syang umayos ng pagkakatayo mula sa pagkakasandal sa poste nang makita ako.