"It is you who brought chaos in my mind. But it is him who drew obscurity in my heart. Magulo na, mas gumulo pa.."
***
(Anna's Memory Box)
I squinted my eyes.
Pauwi na 'ko sa bahay galing school nang may nakita akong pigura ng isang lalaking pamilyar sa ilalim ng poste.
Nilapitan ko ito para makumpirma kung tama ang hinala ko.
Kaagad syang umayos sa pagkakatayo mula sa pagkakasandal sa poste nang makita ako.
At first, I thought it was you, but then, it was him.
Earl.
It's been two weeks after that convinience store incident, at sa two weeks na 'yon, araw-araw ko na syang nakikita tuwing uwian while walking my way home. Tinanong ko sya minsan kung bakit nya tinatyaga na mag-uwian galing sa university nyo sa manila simula no'n, sabi nya sa'kin na tawag daw ng konsensya. Baka daw kasi mabalitaan na lang nya na nagpakamatay na 'ko out of depression kaya tinatyaga na mag-uwian araw-araw para i-check ang lagay ko.
Parang ewan lang.
Sinabi ko na ngang yung noodles yung iniiyakan ko no'n at hindi ikaw, ayaw naman maniwala sa'kin. Lokohin ko daw ang lelang ko, Psychology Student daw sya at alam nya kung kelan nag-sasabi ng totoo ang isang tao, alam nya daw na iniiyakan pa din daw kita.
Totoo naman 'yon--na iniiyakan kita(but not on that moment, dahil yung noodles talaga ang iniiyakan ko no'n). Kailan ba kita hindi iniyakan? Naging habbit ko na yata 'yon gabi-gabi eh. Kasama na yata 'yon sa daily sched ko. It's been 3 months, 2 weeks, 1 day, 5 hours and 35 minutes pero still no contact pa din ako sa'yo.
Should I let myself to look forward? Or to stuck myself under some illusion that maybe, just maybe, you still care?
Napabuntong hininga ako at napatingin sa taong nasa harap ko ngayon bago magsalita.
"Nandito ka na naman, Kulot. Ilang ulit ko bang kailangang sabihin sa'yo na hindi ako suicidal?" wala akong planong magpakamatay out of depression, hindi ako ganun kababaw.
Pinaningkitan nya ako ng mga mata na matagal naman nang singkit dahilan kung bakit mapaiwas ako ng tingin sa kanya. "Hindi ka pa suicidal ngayon, pero who knows? baka bukas..." napatigil sya sa pagsasalita at umiling-iling sya. "Nevermind, let's just go to somewhere else," yun lamang ang sinabi nya at nagsimula ng maglakad.
Sa two weeks na lagi ko syang nakikita tuwing uwian ay ganito ang lagi ang eksena. Sa kung saan-saan na kaming kainan napadpad around the area. Alam nya daw kasing depress ako(wag ko daw subukang itanggi at dahil dun ay nag-come up na naman sya sa famous line nya sa'kin nitong mga nakaraang araw na 'I'm a psychology student. I'm good at reading people'). Parang nagkaroon tuloy ako ng instant kuya sa pagkatao nya. Ewan ko pero parang nakaka-overwhelm pala sa pakiramdam na may nag-alala at concern sa'kin bukod sa'yo. Teka may pakialam ka pa nga ba sa'kin? Mukhang wala naman na eh. Si Earl na lang ang meron ako ngayon at ewan ko... pero... I'm starting to like him... as a big brother. I once tried to call him Kuya Kulot instead of calling him 'Kulot', just like always. But he just showed me a reaction I can't even name. He looked angry and said to me that never call him 'kuya' again, parang bumalik sya sa unang pagkakakilala ko sa kanya, but moments after, nag-sorry sya ng nagsorry sa'kin at baka natakot daw ako sa kanya. Tapos ngayon, ang bait na naman nya sa'kin.
May D.I.D. ba talaga 'tong kaibigan mo? O split personality?
Naputol ang pag-iisip ko ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Si Earl.
Nakatingin sya akin at parang bagot na hinihintay ako. Doon ko lamang napagtanto na nakatulos pala ako mula sa kinatatayuan ko mula kanina pa.
Nilapitan ako nito at hinawakan ang kamay ko para sabay kaming maglakad sa pagkakataong ito at hinayaan ko lang sya. This is what brothers do to their younger siblings, right?
Siguro iniisip nya na baka masagasaan ako sa kalsada kung hindi nya ako hahawakan kaya nya ginagawa. Judging from the first time we had a serious conversation. Yung time na muntik na akong masagasaan, yung time tinawag nya akong tanga at walang alam.
At sinabi nyang isa akong charity case para sa'yo.... siguro ganun din ang tingin nya sa'kin kaya nandito sya ngayon. Kaya nya hinahawakan ang kamay ko ngayon. Kaya sya concern.
Sinabi nya sa'king kapatid lang ang tingin mo sa'kin... siguro ganun din ang tingin nya sa'kin. Kaya sya nag-aalala sa'kin. Kaya sya nandito ngayon sa tabi ko.
After few minutes, nakarating kami sa isang ice cream parlor. He ordered for both of us. Nakakaloka nga lang kasi yung order nyang ice cream para sa'kin, parang pang-'last supper' ko na at parang gusto nya yatang ipabitay ako bukas. Susme. Anong akala nya sakin? Broken hearted ako sa'yo pero hindi ako construction worker.
I'm at the middle of munching on my food when I noticed that he's just staring at me, not giving attention to his own food.
"Kulot, ayaw mo ba ng flavor ng ice cream mo? Bakit ganyang flavor kasi yung inorder mo, tapos hindi mo naman kakainin?" I asked him.
"Ellah...." he trailed off. "What if tell you I like you?" He asked me, out of the blue.
That question made me dumbfounded. I never saw that coming.
Is he playing games on me? Or was I just assuming things?
Yes, maybe I was just assuming things. How can he be capable of liking someone like me?
What he said that day automatically plays inside my mind.
"Parang kapatid ka lang sa kanya. Charity case. Uto-uto. Kawawa."
Kung ganoon ang tingin mo sa'kin, ano pa kaya sya? Should I assume things and let myself get hurt again while I'm still hurting as of now because of you?
No.
I smiled at him. It's not my usual smile. It's a wry one.
"I like you too.. as a brother."