"Why to keep someone? If in the first place, you don't really care for that one."
***
(Anna's POV)
"Yung nanay mo, nasaan?"
"Nagsusugal po,"
"Eh yung tatay mo?"
"Natutulog po ngayon, lasing po kasi umuwi kanina,"
Kasalukuyan kaming nasa student's park at iniinterogate ni Apacible ang batang namamalimos sa'min. Naniningkit ang mga mata nito sa nagiging sagot ng bata. Gumagana na naman yung pagiging antipatiko nya pagdating sa ibang tao. Hindi na naawa dun sa bata.
Pero hindi ko naman sya masisi. Maging ako ay ganun din ang reaksyon. Naningingkit ang mga mata ko dahil sa naririnig kong sagot ng bata.
Pambihira. Anong klaseng mga magulang ba ang mga magulang na napunta sa batang 'to? Sinong matinong ina ang hahayaang mamalimos ang anak habang sya ay nagsusugal lang naman? Sinong matinong ama iiwanan lang ang anak sa bahay at babalik ng lasing?
Ano bang klaseng 'ilaw' at 'haligi' ng tahanan ang mga magulang nito?
Pundidong ilaw ng tahanan at ina-anay na haligi ng tahanan?
"Parang awa nyo na po, palimos po." Sabi ulit ng bata sa'min katulad ng kanyang sinabi nung una syang lumapit sa'min. Katulad ng mga pulubi na normal nang makita ng tao na pakalat-kalat sa kalsada ay ganu'n din ang itsura at pangangatawan ng bata--payat at buto't balat.
Akmang aabutan na ito ng pera ni Angel, Virgo at Robi nang pinigil ko sila dahilan kung bakit napatingin sa'kin silang lahat. Si Apa ay naniningkit pa din ang mata habang nakatingin sa'kin. Kaming lima lamang ang magkakasama ngayon. Well, dapat talaga ay kasama din namin si Airene pero dahil may meeting ang officials ng S.G. ay wala sya ngayon dito.
"Mas magandang pagkain na lang ang ibigay natin imbis na pera," kapag kasi pera ang iniabot sa bata, naisip ko na baka hindi naman yung bata ang makinabang.
Pinaupo muna ni Angel at Robi ang bata habang nagvolunteer akong ibili ito ng pwedeng makain sa malapit na 7/11. Pati si Virgo ay nagvolunteer na samahan ako. Baka daw kasi hindi ako makadala. As if naman. But on the other side, naisip ko na swerte yung kung sino mang magiging girlfriend nya. Sa bait ba naman nya n'yan, baka ma-under pa nga sya eh.
Habang naglalakad kami pabalik sa student's park at galing sa 7/11, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa naririnig kong bulong-bulongan ng mga taong nakakasalubong namin.
Kung bakit kami lang dalawa ang magkasama(?)
Na baka daw 'kami' na talaga (?)
Mayroon pa nga akong narinig na bumulong ng salitang "confirmed" daw (?). Geez! Ano kaya 'yun? Anong 'confirmed'?
Pero ang pinaka nakakaloka lang ay yung narinig kong may nagsabi na ang cute daw namin sa couple shirt namin.
Dahil do'n ay napatingin ako sa suot kong damit at maging sa suot nya.
Black and white stripes na damit ang suot namin parehas. Nakakaloka. Nagkataon lang na parehas yung style ng damit namin ngayon, couple shirt agad? Hindi ba pwedeng coincidence lang?
Napansin nya yatang sa kanya nakatuon ang pansin ko habang naglalakad kami kaya naman napatingin sya sa'kin.
"Bakit ganyan ka makatingin, Anna? Pinagnanasaan mo na ba 'ko ngayon?" Asar nito sa'kin.
Dahil sa sinabi nya ay parang gusto kong mag-sign of the cross ng hindi oras. Parang may sariling utak ang kaliwang kamay ko at kusa itong gumalaw upang batukan sya ng isa.
"Sira," yun lamang ang sinabi ko at nauna na 'kong maglakad sa kanya.
"Sus, kunwari ka pa...." narinig kong bulong nya mula sa likuran.
"Asa," pagkatapos kong sabihin 'yon ay narinig kong may ibinulong syang kung ano na hindi ko naman naintindihan.
Pagkabalik namin sa student's park ay kaagad naming ibinigay sa bata ang mga pagkaing binili namin sa 7/11.
"Salamat po!" Paulit-ulit pa itong nagpasalamat sa'min. Imbis kainin ay iuuwi na lang daw nya ito sa bahay nila para daw makakain na din yung mga kapatid nyang maliliit. Tinanong namin kung ilan ba silang magkakapatid. At nakakaloka lang, dahil anim daw silang magkakapatid.
Paano kaya sila natitiis ng mga magulang nila?
Nang umalis ang bata ay napailing na lang ako. Pambihira talaga yung mga magulang nung mga bata na 'yon.
Habang nakatingin sa direksyon kung saan naglakad palayo ang bata ay hindi ko maiwasang mapakunot ang noo ko.
"Anyare, Anna? Bakit parang badtrip ka?" Tanong ni Angel.
"Ha?" Mukha ba talaga akong badtrip?
"Yung mukha mo, ineng, lukot na lukot." Sabi ni Apacible.
"Paano ba naman akong hindi mababadtrip? Nakakabadtrip yung mga magulang ng bata na 'yon. Aanak-anak tapos hindi naman kayang alagaan,"
"Easy lang, besh. Kalma. Yung puso mo," biro naman ni Robi.
"Kung hindi naman nila pala kayang alagaan edi sana ipinaampon nalang sana nila,"
"Easier said than done, Anna." Virgo stated matter of factly.
Hindi ko maiwasang maisip ka na naman.
Ikaw? Ganoon din kaya ang totoong mga magulang mo? Ano kayang klase ng tao ang mga magulang mo para ipaampon ka?
Sumagi ka na naman sa isipan ko. Nabalik lamang ako sa realidad nang pekeng umubo si Virgo.
"Kanina nakatingin ka sa'kin nung pabalik na tayo mula sa convinience store," yung damit mo nga ang tiningnan ko kanina. "Tapos ngayon, nakatulala ka habang nakatingin sa 'kin," nakatulala lang talaga ako. "Umamin ka nga, Anna, may gusto ka sa'kin 'no?" Asar ulit ni Virgo.
Nakakabanas lang. Kanina nya pa ini-insist 'yan.
"Virgo, accounting book ka ba? Kasi angkapal mo eh," asar ko din pabalik sa kanya. "Asa ka. Yung damit mo yung tinitingnan ko kanina."
"Anong meron naman sa shirt nya, ha, besh?" Tanong naman ni Robi.
"Para kasi silang naka-couple shirt. Tingnan nyo," pati ba naman si Apa? Ganun din ang tingin?
"In all fairness, bagay nga kayo!" Asar naman ni Angel.
Asdfghjkl!!! Paano kami naging bagay?
"Tao kami. Tao. Hindi bagay." Depensa ko, dahilan kung bakit parehang nagthumbsdown ang dalawa sa grupo namin at sabay pa talaga silang nagsabi ng salitang 'corny'--ang prangka at ang maldita. Si Apa at si Robi.
At ngayon ay kasalukuyan kaming pinagtutulungang asarin ni Virgo ng mga kabarkada namin(pero parang ako lang yata ang naaasar dahil pati si Virgo ay parang natutuwa pa).
Argh! Gumagamit ba si Virgo ng reverse psychology sa kanila para mapahinto sila sa pangshi-ship at pang-aasar sa'min? O talagang.....
Napailing ako. Hindi pwede.
Napahinto lang sila sa pang-aasar nang may biglang nagsalita. Isang taong kakadating pa lang.
"Anong meron?"