"Walang tayo. Walang naging 'tayo'. Ang meron lang ay isang 'ikaw' na dumating sa buhay ng isang 'ako' na gumulo ng dahil sa isang 'sya'."
***
(Anna's POV)
"Anong meron?"
Lahat kami ay nabaling ang atensyon sa kakadating lang na si Airene. Marahil ay kakatapos lang ng meeting ng Student Government officials.
"Yung kasing dalawa..." sagot naman ni Angel at itinuro pa talaga kami ni Virgo. "Kumo-couple shirt, oh. Bagay sila diba?"
Parang gusto ko nang sabunutan ang sarili ko sa inis at frustration na nararamdaman ko.
I sighed. "Coincidence nga lang 'to,"
Parang hindi yata narinig ni Airene ang sinabi ko at sumegunda pa sa pang-aasar sa'min ni Virgo--more like sa'kin pala, dahil ako lang naman ang napipikon dito.
"Uyy~ kayo ha, ni hindi man lang kayo nagsasabi sa'min." Sabi ni Airene at umupo sa bakanteng upuan.
"I ship ViNa for the win!" Pang-aasar ulit sa'min ni Angel. ViNa? Saang planeta nya ba napulot 'yon? Sino ba kasi ang nagpauso ng ship-ship na yan? Shit lang.
"I ship...." napairap ako. "....not." Pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha sa iritasyon na nararamdaman ko ngayon.
"Guys..." napabaling ang atensyon namin kay Ai na ngayon ay nakapangalumbabang nakatingin sa'min. "I think hindi sila... bagay. Imagine, paano kaya magkakaroon ng conflict sa pagitan nilang dalawa? Isang miss prim and proper na laging may point magsalita at isang typical nice guy na mukhang hindi marunong magalit. Parang... hindi balance."
"Tama," pag-sang ayon ko sa kanya. Kahit na hindi ako sang-ayon sa description nya sa'min, sang-ayon ako sa pino-point out nya.
Bigla namang mahinang tumawa si Apacible kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "May naisip lang ako, naimagine ko lang kung paano sila mag-aaway na dalawa,"
"Paano naman, aber?" Taas-kilay na tanong ni Robi.
"Like this..." umubo pa muna Apacible na parang nagvovocalize habang hawak ang kanyang lalamunan para gayahin ang boses ko. "Sasabihin ni Anna 'Mahal, nagagalit nako' nakangiti pa sya habang sinasabi 'yon tapos malambing pa ang boses. Tapos sasabihin naman ni Virgo..." umubo ulit sya at boses naman ni Virgo ang ginaya nya"'ako din, mahal. Galit na'ko' pero all smile pa din habang sinasabi 'yon." Tumawa pa sya na para bang may nakakatawa sa sinabi nya.
Ha? Ano daw? May nakakatawa ba?
Ang weird mag-imagine ni Apa.
"Sabagay..." napatango naman si Angel "Hindi nga balance. Parang boring kapag kayo ang nagkatuluyan. Para kasing hindi kayo marunong magalit pareho."
What the? Napailing ako. Ang advance talaga nila mag-isip.
"What if... Paano kapag si Robi at Apacible naman ang nagkatuluyan?"tanong ni Airene na ngayon ay nakapangalumbaba pa din habang nakatingin naman doon sa dalawa--kay Robi at Apa.
Nagkatinginan naman sina Apacible at Robi at parehas silang umaktong parang nandidiri at nasusuka sa isa't isa.
"Never in a million years!"-Apacible.
"Not in this lifetime or the next!"-Robi.
Halos sabay na sabi nila. Natawa ako sa inakto nila.
"Ang cute!" Wala sa sariling nasabi ko.
"YUCK! Aso lang ang cute. Mukha ba 'kong aso, ha, Anna?" Pinaniningkitan ako ng mata ni Apa habang sinasabi 'yon. At dahil nga singkit talaga sya, parang wala na talaga syang mata.
Antipatiko talaga ang lolo nyo. Isang sign 'yan na naaasar na talaga sya, pati sa'min na barkada nya nag-susungit na s'ya.
"Hindi ako cute!" Nakasimangot na sabi ni Robi. "Maganda ako, hindi cute. MAGANDA. AKO." Full of conviction na dagdag nya.
I tapped her back. "Okay lang yan, besh. Perception is reality naman." Pang-aasar ko dito.
Natawa naman ang iba sa'min sa sinabi ko.
"Imagine, kung si Apa at Robi ang magkatuluyan... parang laging may world war 3 sa magiging bahay nila. Parehas kasing ayaw patalo."
Pare-parehas kaming natawa sa sinabi ni Angel pwera na lang syempre kela Apacible at Robi.
"Ayoko nga sa kanya." Sabi ni Apa.
"Bakit? tinanong mo ba 'ko kung may gusto ako sa'yo? Ha?" Pambabara sa kanya ni Robi.
"Bakit? Kailangan pa bang tinatanong 'yon? Anong gusto mong itanong ko sayo? 'Ayaw ko sa'yo, Ayaw mo din ba sa'kin?'" Sagot naman sa kanya ni Apa.
Ibang klase. Mga ayaw talagang patalo. Isa na naman ito sa episode ng 'This-is-How-the-Deanslisters-Do-Their-Debate' na nasaksisan ko.
"Bakit ba--" napatigil si Robi sa pagsagot dapat kay Apacible nang may tumunog na cellphone.
Only to found out that it was mine. Kaagad kong tiningnan kung sino ang nagtext. It's Crimson. Nireply-an ko lang ito at ibinalik na din ang cellphone sa bag ko.
Bumalik ang pansin ko sa mga kaibigan ko at nakita kong nakatuon sa'kin lahat ang atensyon nila na parang hinihintay nilang mag salita ako.
"Uh..... nagtext si Crimson. Vacant period na daw nila ngayon, tinatanong kung nasa'n tayo." Paliwanag ko.
"Anna, wala man lang bang kaibigan yung pinsan mo sa section nila?" Tanong ni Apacible.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko nga din alam eh. Pero parang wala. Sa'tin lang naman kasi sya sumama madalas,"
Katulad ni Apa, naitanong ko na din kay Crimson nung minsan kung may kaibigan ba sya sa section nila. But he never answered my question directly. He just said that hindi daw 'friendly' yung mga lalaki sa section nila tapos yung mga babae naman daw sobrang 'friendly' sa kanya--sa sobrang friendly naiilang daw sya. Well, hindi ko nga lang alam kung ano ang definition ng salitang 'friendly' para sa kanya. Kaya nga samin na lang daw sya sumasama.
Few minutes after, dumating si Crimson. Hindi ko nga lang alam kung anong trip nya sa buhay ngayon dahil kakaiba ang get up nya--naka-suspender at nerdy glasses s'ya ngayon. Isip bata na nga, pati yung porma nya ngayon pang-isip bata din. Pero in all fairness, pogi sya para maging nerd.
"Hello..." bati nya samin bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Taas kilay ko syang tiningnan.
"Bakit ganyan get-up mo?"
Nginitiaan nya lang ako. "Trip ko lang. Cute ko 'no?"
Kailan pa 'to naging vain?
"Ang 'cute' para lang sa aso. Ngayon, gusto mo pa bang maging Cute?" At eto na naman po kami sa pinaglalaban ni Apacible kanina pa.
Nagpout naman ang pinsan ko. "Ang harsh mo naman. Aso talaga?"
"Truth hurts," Umirap pa si Apacible pagkasabi no'n. Bakit gano'n? kapag yung ibang lalaki umirap, mukhang bakla? Bakit sya, hindi?
"Hindi ba kayo pupunta sa Café Lorenzo ngayon?" Tanong ni Crimson na nakapout pa din.
Ano namang meron do'n?
"Bakit? Ano namang meron do'n?" Tanong ni Airene. Parang sya na ang nagtanong ng nasa isipan ng iba sa'min.
"Namimigay daw do'n ng free doughnuts and croughnuts ngayon. Birthday daw kasi nung may-ari ngayong January 21. Kaya nga January daw yung pangalan."
Awtomatikong napatingin naman sa'kin silang lahat.
"Di'ba kakilala mo 'yung may-ari, Anna?" Tanong ni Angel.
"Pero ang pagkakatanda ko, hindi January yung sinabi sa'tin ni Anna na pangalan nung may-ari," sabat ni Virgo.
"Ano nga ulit 'yon?" Tanong ni Apa.
"JIGS" napabuntong hininga ako. "Short for January Ivan Gyver Sage,"
"Ang haba naman pala ng pangalan." Nakapout na sabi ni Crimson.
''Siguro close kayo nung may-ari nung Cafe? Nickname kasi nya ang sinabi mo sa'min no'n nung nagtatanong kami..." mahinang sabi ni Virgo.
I just shrugged. "You may be right. You might be wrong." I answered indirectly.
Close ba kami?
Pwedeng oo. Pwedeng hindi.
Kahit ako hindi ko alam kung ano nga bang tamang sagot. Magulo. Magulo ang mga nangyari dati.
Nag-aya silang pumunta sa Cafe. Then, the next thing I know is that we're walking on our way to the cafe.
Kasalanan 'to ni Crimson eh. Bakit nya ba kasi sinabing may libre ngayon do'n? Yung mga kaibigan ko pa naman yung mga perfect example ng mga 'mayamang kuripot' na mahilig kapag may libre. Ayan tuloy.
"Guys, na-ccr pala ako, kayo na lang ang pumunta. Uwi na'ko," palusot ko. Ayoko talagang makita si Jigs ngayon.
Ayokong makakita ng kahit sinong konektado sa'yo... naalala kasi kita at pati na din s'ya..
Airene snaked her arms toward mine. "Maki-cr ka na lang do'n. Close naman kayo nung may-ari eh," she said teasingly.
Wala ba talaga akong takas?
Napatampal tuloy ako sa aking noo. Naramdaman kong napatingin sa'kin sila dahil sa ginawa ko. Kaya nakaisip na naman ako ng panibagong palusot na lihim kong ipinagdadasal na sana umubra.
"Patay!" Tinampal ko pa ulit ang noo ko para mas maging convincing ang mga susunod kong sasabihin. "Nakalimutan ko, may lakad pala kami ngayon ni nanay sa salon. Paano ba 'yan guys? Una na 'ko..." akmang tatanggalin ko na ang braso ni Ai na naka-angkla sa braso ko nang magsalita si Crimson.
"Insan baka mali ka ng alala? Diba kakapa-salon nyo lang ni tita at ni mama nung nakaraang linggo?" Inosenteng tanong ni Crimson.
Uh-oh. Patay.
Dahil sa sinabi ni Crimson ay mas humigpit ang pagkaka-angkla ni Airene ng braso nya na parang ayaw akong paalisin at nagdududang nakatingin sakin silang lahat pwera na lang kay Crimson na mukhang wala pa ding kamuwang-muwang sa ginawa nyang panlalaglag sa'kin.
"Umamin ka nga, Anna..." parang nanunuri ang tingin ni Apacible habang nagsasalita.
"Anna, anong meron sa inyo nung "Jigs" na 'yon?" Pati si Robi ay nang-iinterogate na. She used her hands to quote at mid-air while saying Jigs' name.
"W-wala!" Wala naman talaga. Teka, bakit ba ako kinakabahan?
Well, Sino bang hindi kakabahan kapag nakapalibot sa'yo lahat ng kaibigan mo at iniinterogate ka na parang may karumal-dumal kang ginawa?
"Eh, bakit parang umiiwas ka?"-tanong ni Angel.
"Bakit parang ayaw mo syang makita?"-tanong naman ni Virgo.
Wala naman akong ginawang krimen o kahit anong karumal-dumal na bagay pero bakit pakiramdam ko ay parang pinagpapawisan ako ng malapot habang nakapalibot sila sa'kin?
"Umamin ka nga, Anna, may past ba kayo?" Nakakalokang tanong ni Airene na nakapulupot pa din ang braso sa'kin.
Past?
Tayo nga hindi ko alam kung matatawag bang 'past' ang mga nangyari sa'tin dati tapos kami ni Jigs, may past?
Ewan ko pero bigla na lamang akong natawa.
"Mga baliw, ang a-advance nyo mag-isip masyado!" Hindi ko alam kung ano nga bang tinatawanan ko--yung advance nilang pag-iisip o yung ideya na pumasok sa isip ko tungkol sa'tin.
"Sus. Wala naman pala. Tara na nga!" Aya ni Apacible bago nya ipagpatuloy ang kanyang paglalakad na sinundan naman nilang lahat. Wala na'kong magawa kundi ang sumunod sa kanila.
Napabuntong-hininga ako.
May past ba tayo? Wala namang tayo di ba? We never had. And we never will. Walang 'tayo'. Ang meron lang ay isang 'ikaw' na dumating sa buhay ng isang 'ako' na gumulo ng dahil sa isang 'sya'.