A Song for "Him"

(Anna's POV)

"Sino 'yan, Anna?"

Due to my reflexes, dumistansya ako ng kaunti kay Jigs at hinarap ang kakadating pa lang na si Robi.

Uh-oh. Patay ako nito.

"Ah... eh..." I'm running out of words.

Paano ko ba ipapakilala si Jigs kay Robi? 'Eto nga pala yung may-ari nitong Cafe?' Then, ano na? Siguradong itatanong ni Robi kung paano ko ba sya nakilala. Anong sasabihin ko? 'Pinsan nga pala sya ni Cedrick at Earl?' If I would tell that, that won't end there. Siguradong may follow up questions.

Bigla akong nakaramdam ng uneasiness. Parang mali na ipakilala ko si Jigs kay Robi. Ni hindi ko man lang kasi nagawa yung bagay na 'yon para sa'yo. Ni hindi kita nagawang ipakilala dati sa mga kaibigan ko. For the nth time, pakiramdam ko unfair na naman ako sayo kahit wala ka na.

Ramdam yata ni Jigs ang uneasiness ko kaya s'ya na ang nagpakilala sa sarili nya.

"I'm January Lorenzo, the owner of this cozy cafe. And you are?"

"I'm her best friend," sabi ni Robi at itinuro pa talaga ako.

"Oh. Okay," napangiti naman si Jigs. Siguro ay dahil 'yon napagtanto nyang walang pakialam si Robi sa looks nya. Ni hindi man lang na-stunned sa kanya.

Napataas lang ng kilay si Robi at lumipat ang tingin sa'kin. "Akala ko ba sandali ka na lang dito? Akala ko pa naman

natabunan ka na ng tissue paper dito o nakatulog ka na sa comfort room, yun pala--" before she could finished her sentence, Jigs cutted her off.

"Miss-I'm-Her-Bestfriend, I think that's my fault that she took too long here. My apologies," hingi ng paumanhin ni Jigs kay Robi. Imbis yata na maging maayos mas naging malala pa. Mukha kasing naasar si Robi sa 'apology' ni Jigs.

"Mister. Hindi ikaw ang kausap ko! Tsaka may pangalan ako!" Robi shorted back.

"You're being rude on me. Don't you think? Shouting over the most authoritative person here," pokerface na sabi ni Jigs.

"You're being rude, too. Don't you also think of that? Calling you're customer 'Miss-I'm-Her-Bestfriend' knowing the fact that I have a name--shet! Napapa-english ako ng hindi oras!" Tugon naman ni Robi. Looking at the two of them, mukha silang aso't pusa.

Nagkibit balikat lang si Jigs. "Well, I'm asking who you are awhile ago. You answered me 'I'm her best friend'. That's why I called you by that. I'm being logical here." Ngayon ay nakangisi si Jigs habang nakatingin kay Robi na halatang naasar na sa kanya.

"Besh, tara na nga!" Inis na tugon ni Robi sabay hila sa'kin sa aking braso.

Wala na akong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya papalayo.

"Paano mo ba 'yon nakilala, besh?" Pabulong na sabi ni Robi sa'kin habang naglalakad kami pabalik sa table naming magkakabarkada. Ramdam ko pa din ang inis sa boses nya.

Napabuntong-hininga ako. Dahilan para mapatingin si Robi sa'kin.

Heto na naman kami sa tanong na 'to.

"Nung tinanong ka namin dati ng barkada kung bakit mo kilala yung may-ari nitong Cafe, sabi mo may common friend kayo. By any chance, kilala ko din ba yung 'common friend' na sinasabi mo?" Tanong nya pa ulit sakin.

Napahinto ako mula sa paglalakad dahil sa tanong nya. Napatingin sya diretso sa aking mga mata habang hinihintay ang sagot ko.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. She deserves to know the answer. Ngunit hindi ko alam pero parang may kung anong pwersa sa'kin ang nagsasabing wag na lang sagutin ang tanong nya.

Ang sama kong kaibigan. Ni hindi ko man lang kayang mag-open up ng kahit anong tungkol sa'yo at sa mga taong konektado sa'yo.

Once again, I'm being selfish. Sinalubong ko ulit ang tingin nya. I summoned all of my guts to answer her question. Ayoko nang maging selfish.

"Kilala mo....." hindi man personal na nagkakilala pero alam kong kilala nya kung sino ang common friend na tinutukoy mo.

"Sino?" Kita ko ang kuryosidad sa mga mata nya.

"Si Cedrick at si Earl...." halos pabulong na sagot ko.

Bahagya syang natigilan sa sinabi ko.

"Pinsan ni Jigs silang dalawa..."  halos walang boses na dagdag ko pa.

Ang unfair ko. Ang kapal ng mukha ko. Ang daya ko. Nagawa kong ipakilala si Jigs. Pero ikaw? At sya? Hindi ko man lamang 'yon nagawa para sa inyo. Ni hindi ko kayo nagawang ipakilala sa mga kaibigan ko dati.

***

"Miss, hindi po kami umorder ng mga ito," naguguluhang sabi ni Airene sa waitress na kakababa lamang sa table namin ng kung ano-anong pagkain na nasa menu. Kakabalik pa lang namin ni Robi mula sa comfort room nang may waiter na naglapag ng dalawang tray(which is confusing since kasalukuyan na nilang nilalantakan yung mga order nila pati na din yung crougnuts and doughnuts na freebies pagdating namin ni Robi)

Ngumiti naman ang waitress sa kanya.

"Hindi nga po, treat daw po 'yan ni Sir January para kay Miss Anna at pati na din daw po sa inyong mga kaibigan ni Miss," natatandaan ko na, eto nga din yung waitress na nag serve sakin dati ng blueberry cheesecake at chocolate frappe.

"Naku miss, Pakisabi dyan sa boss mo thank you!" Ani Apacible. Ganyan ba talaga ang mayayaman? Mahilig sa libre. Mga kuripot!

"Miss thank you kamo! Di'ba Anna?"sabat naman ni Angel sabay siko sa'kin.

Napakamot naman ng batok ang babaeng waitress. "Uh... kay Miss Anna po kayo dapat mag thank you. Sabi po kasi ni Sir, hindi daw po talaga 'yan libre unless kumanta daw po si Miss Anna sa ministage,"

"WHAAAAAAAATTT?" Lahat kami ay nagitla sa biglaang pagsigaw ni Robi. "Papakantahin nya si besh?"

This would be the first time na maririnig nila akong kumanta kung nagkataon. Sa mga pagkakataon kasing nasa KTV Bar kami ay hindi ako kumakanta, taga-ubos lang ako pagkain na inoorder namin. At mas lalong sinisigurado kong maaga akong pumapasok kapag ethics ang subject namin dahil ayokong mapakanta ng prof sa harap ng mga kaklase namin.

Napailing naman ako. "Hindi. Hindi ako kakanta. Miss, pakisauli nalang ng mga 'yan sa boss mo," sabi ko sabay turo sa tray na inilapag nya sa table kanina.

"Miss Anna, papagalitan po ako ni Sir January kapag ibinalik ko po ang mga yan. Baka po sisantihin po ako no'n," parang takot na sabi ng waiter na syang ipinagdalawang-isip ko.

Malabo.

"Miss, wag kang matakot. Hindi marunong magalit yung boss mo," sagot ko. Jolly type of person kasi si Jigs. Well minsan para lang talaga syang typical asshole sa paningin ng iba.

"Miss, pagbigyan nyo na po yung request ng boss ko... birthday nya naman po ngayon...." pakiusap nito sakin.

Napabuntong-hininga ako.

"Kakanta na yan!" Kantyaw ni Apacible na ginaya naman ng iba.

"Kakanta na yan! Kakanta na yan! Kakanta na yan!" Kantyaw ng halos lahat ng kasama ko sa table pwera na lang kay Virgo na ngayon ay tahimik lang, kay Kerwin na mukhang inaantok at pati dun sa girlfriend nya na nakatingin lang sa kanya at kinakausap sya pero hindi  naman sumasagot si Kerwin sa kanya. I don't know kung dahil ba sa antok sya o nakakaantok lang yung sinasabi ni Raegel kaya hindi sya sumasagot dito.

"Kakanta na yan! Kakanta na yan! Kakanta na yan!" Mukhang nakakuha ng atensyon ang boses nila, dahilan kung bakit halos lahat ng customer ay nakatingin na sa table namin! Geez.

"Oo na! Oo na! Tumahimik lang kayo please, andami nang nakatingin sa'tin," Napipilitan kong sagot para lang tumahimik na sila.

"Miss thank you po at napagbigyan nyo po ang request ni Sir January!" Nakangiting saad ng waitress pero ni hindi ko man lamang magawang ngitian sya pabalik sa inis na nararamdaman ko ngayon.

In-assist pa 'ko ng waitress papuntang stage dahilan para makakuha ako ng atensyon sa bawat table na madadaanan ko.

Matalim kong tinitigan si Jigs nang mahagip sya ng paningin ko na prenteng nakapwesto sa isang gilid at ngayon ay nakangisi sa'kin.

"The stage is all yours po miss Anna! Enjoy singing po!" Nakangiting sabi sakin ng waitress bago ako iwanan sa mini stage ng cafe.

Tiningnan ko ulit si Jigs na nakangisi pa din sa isang gilid. Naalala ko ang sinabi nya kanina.

'Sing in the mini stage. Not for me. But for them. Especially for him. And also, for yourself. Sing your heart out.'

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago kuhanin ang isang gitara.

I don't know what has gotten into me but I just found myself strumming the guitar and humming.

I closed my eyes as I've started singing.

"So many times, I've tried not to think of you... Each time I tried the more I can't get over you..."

Minsan pinipilit kong kalimutan na lang kita. Kalimutan ang mga nangyari sa'ting dalawa. Pero... hindi ko kaya.

"Memories of our love story still hunt me every single day. So I pray, you'll be back in my arms someday..."

Isa. Dalawa. Tatlo. Hindi ko na mabilang pa kung ilang beses ko nang hiniling na makita ulit kita. Kahit alam kong hindi na... hindi na maaari pa.

"Oh every morning just before the sun arises, how I long to see your smile...."

Namimiss kita. Pero anong sense kung sasabihin ko ito ngayon? Namimiss kita. Pero anong sense kung isisigaw ko ito? Maririnig mo ba ko? Syempre, hindi dahil wala ka.

"I still long to see your face. And feel the warmth of your embrace. And so I asked the stars the skies why can't I have you back in my life?"

Pwede bang bumalik ka? Pwede bang bumalik ka ulit sa buhay ko? Pwede bang bumalik ka... kahit na hindi para sakin. Basta bumalik ka..

Dumilat ako at tumingala upang mapigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Patuloy pa din ako sa pag-strum ng gitara kahit na hindi ko na nagawa pang kantahin ang kasunod na lyrics.

Nang magawa ko ng pakalmahin ang sarili ay pinagpatuloy ko pa ang kanta kahit may nalagpasan man akong lyrics.

"I still long too see your face and feel the warmth of your embrace. And so I asked the stars in the skies, bring back the love I once had in my life...."

I sang until the song ends. I have to congratulate my self for not breaking down in front of many people. But still, ang bigat ng loob ko.

At the end, I still manage to smile a bit.

Gaya nga ng sinabi ko, isa akong mapagpanggap na tao. Kinakaya kong ngumiti kahit na ang totoo, gustong gusto ko ng umiyak habang kumakanta ako.

Muli akong tumapat sa mike.

"Happy birthday Jigs." Bati ko. Ngayon ko lang ulit sya natingnan, pagkatapos kong kumanta. Kung kanina ay nakangisi pa sya bago ako kumanta ngayon naman ay seryoso lang syang nakatingin sa'kin.

***

"Pinsan talaga sya nung dalawa? Weh, di nga?" Kasalukuyan kaming nasa waiting shed ni Robi at naghihintay ng jeep pauwi. At kanina nya pa ko kinukulit tungkol sa bagay na 'yan.

"Oo nga...." hindi ko na alam kung ilang beses ba kaming paulit-ulit. Sya, paulit-ulit ng tanong. Ako naman, paulit-ulit ng sagot. "Teka lang, nakakahalata na 'ko sayo, kanina pa tayo paulit-ulit. Tell me, intetesado ka ba sa kanya?"

"Hindi ah!" Mabilis na sagot nya sa'kin. "Curious lang ako kung bakit parang close kayo!"

Nakibit-balikat ako. "Wala lang,"

***

(Anna's Memory Box)

To: Mavee, Robi

Hindi ako pwede eh. Sorry. Next time na lang. Babawi ako. Pramis.

I clicked the send button after typing my reply.

Bakasyon na namin and thanks God nagkabati din kami before the graduation. Nag-aaya sila na gumala but I refused their offer.

May gala din kasi kami ni Earl ngayon. 'Gala' para sa'kin. 'Date' para sa kanya.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Parang ginagawa ko syang panakip butas. But still, okay lang daw sa kanya.

Naging unfair ako.

Naging unfair ako sa inyong dalawa.

Naging unfair sa'yo. Kasi parang nagsisimula na kitang makalimutan ng dahil sa kanya.

Naging unfair din ako sa kanya. Ginagamit ko sya para makalimutan ka. Nag-eenjoy akong kasama s'ya. Pero..  parang... may kulang pa din. Hindi ko alam kung ano pero... parang may kulang.

Masyadong akong nag-enjoy sa company ni Earl na hindi ko namalayan ang pagtakbo ng panahon since nagsimula ang OPERATION:MEFCFTD or should I say Operation: Make Ella Forget  Cedrick For Thirty Days. Ang corny. Ang corny nya. Ni hindi ko inexpect na may ganung side pala sya.

I thought it's just like another ordinary day. We went out. Dinala nya 'ko sa isang cafe na malapit sa university na plano kong pasukan kapag college na'ko.

Café Lorenzo.

Lorenzo. Sa kanila kaya ito? Posible. Mayaman naman kasi sila.

"Family business n'yo?" Tanong ko sa kanya pagkaalis ng waiter na kumuha ng order.

"Nope," sabi nya habang nakangiti sakin. Simula nung nagsimula kaming lumabas-labas parang naging madalas ang pagngiti nya. Parang hindi sya. Malayong-malayo kasi sa unang pagkakakilala ko sa kanya dati nung pinakilala ni Cedrick sakin ang mga kaibigan nya nung second year highschool pa lang ako. Para kasing automatically kong na-ite-turn on yung switch nya sa pagka beast mode. Para kasing kumukulo ang dugo nya sa'kin nung mga panahon na 'yon. Sabi nya sa'kin kaya lang daw siya ganun noon kasi naiinis sya sa nakikita nya na nagpapakantanga ko para kay Ced.

"Bakit Café Lorenzo yung pangalan nitong Cafe? Coincidence lang na kaapelyido mo pero binati ka ng waiter kanina sa pangalan mo nung umorder tayo?" Tanong ko sa kanya.

He chuckled softly. "You got me there. Hindi 'to family business. Kay Jigs lang itong Cafe," paliwanag nya.

Kumunot ang noo ko. "Weh? Kay Jigs itong Cafe na 'to? Pero parang ang bata nya pa para...."

"Gurang na 'yon!" Tatawa-tawang sagot nya sa'kin.

"Nagsalita ang hindi gurang~" I teased him. Dahilan kung bakit parehas kaming napatawa.

I enjoyed his company. Too much. To the extent na nakalimutan ko ang oras. Nakalimutan ko na lahat ng bagay ay may katapusan.

Then, the 30th day comes...

"Nakalimutan mo na ba sya?" I know that this day will come, pero bakit parang hindi ako handa? Parang hindi ko kaya.

"Hindi pa...." hindi ko pa din ikaw makalimutan ng buo kasi pakiramdam ko talaga may kulang. Nakakalimutan na kita kahit papaano pero may pagkakataong naalala pa din kita.

If I could turn back time, ibabahin ko ang naging sagot ko sa tanong nya. Ibabahin ko kasi.... yun ang naging pinakamalaking pagkakamali ko.

Naestatwa ako ng bigla nya akong niyakap. "It's okay.... if you can't forget him. At least I tried. I tried so fucking hard. But in the end, wala eh. Siya pa din. Siya pa din pala. Please, always remember me. I... I love you, Ella."

Kinalas nya ang pagkakayakap nya sa'kin. At mabilis nyang pinahid ang kanyang mga mata. But there's no use, nakita ko din naman na ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko ay nagsisimula na ding manlabo ang mata ko.

Naninikip ang dibdib ko. Parang hindi ako makahinga.

Hinawakan nya ang kamay ko at may nilagay do'n na kung ano.

"Goodbye, Ella..." tumalikod sya at nagsimulang maglakad palayo habang ako'y tulala lamang na nakatayo mula sa aking kinatatayuan.

Napatingin ako sa kung anong nasa kamay ko. A mini stuff toy.

Gusto ko syang habulin. Gusto kong sabihin na hindi ko na sya nakikita ngayon bilang isang kuya lang. Na nag-iba na ang tingin ko sa kanya. Pero hindi ko ginawa. Hindi ko sya hinabol. Gusto ko muna kasing alamin kung ano yung kulang. Gusto kong alamin yon ng mag-isa. Pagkatapos ko 'yung gawin ay tsaka ko pa lamang sya magagawang habulin.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ang lumipas na nakatayo lamang ako at nag-iisip. Bumalik lamang ako sa realidad ng ilang ulit na'kong mabangga ng mga taong nagdadaan. Para silang nagmamadali at may pupuntahan na kung ano. Sinundan ko ng tingin ang direksyon kung saan sila patungo.

'Yun din ang direksyon kung saan sya naglakad palayo kanina.

Nakarinig ako ng wang-wang ng ambulansyang parang papunta din sa direksyon kung saan patakbo ang mga tao.

Hindi kaya....

Mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon na pinuntahan ng mga tao at pati na din ng ambulansya habang tahimik na nananalangin.

May nakita akong kumpulan ng mga tao. Pilit akong nakisingit at nakisiksik para makarating ako sa harap. Base sa mga naririnig kong usapan ng mga tao ay may nasagasaan daw ng truck.

Parang huminto ang mundo ko nung makita ko sya...

Halos maligo na sa sariling dugo at halos wala ng buhay na isinasakay sa ambulansya.

Napatakip ako ng bibig ko at nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko.

Parang ayaw tanggapin ng utak ang nangyayari. Parang ayaw kumilos ng katawan ko. Hindi ko alam kung paano ko nakaya, pero nagawa kong sumunod sa ospital na pinagdalhan sa kanya ng ambulansya.

I prayed. I prayed so hard for him. But I guess my prayers are not enough.

Dead on Arrival.