"Niloko mo 'ko--niloko nyo ako. Hindi ko man lang namalayan, na pati pala sarili ko... niloko ko din."
***
(Anna's POV)
"Diba nga't sinabi ko sa inyo nung una na buhay sya? Oo, wala na sya pero mananatili syang buhay sa aking puso at ala-ala..."
Binatukan ako ni Airene na ngayon ay maluha-luha. "Shit kang babae ka! Bakit ang galing mong magsulat ng story?"
Napadaing naman ako habang hawak ang batok ko.
Ibang klase. Ilang ulit na nilang pinanood yung film na gawa sa philosophy class namin sa laptop pero ganun pa din ang reaction nila.
Napangiti naman ako sa kanila. Bakit nga ba ako nahilig sa pagsusulat? Ewan. Siguro dahil yon sa--
"Nagmahal. Nasaktan. Nagsulat." Nalipat naman ang tingin ni Airene at Angel sa nagsalita na si Robi. Maging ako ay ganun din. Actually, kaming apat lang ang magkakasama ngayon.
"So... nagkaboyfriend na dati si Anna?" Tanong ni Angel.
Nagkibit-balikat naman si Robi. "Maybe no. Maybe yes."
"Sandali lang, ha. Medyo nagloading yung utak ko do'n."sabi naman ni Airene na ngayon ay sa'kin na nakatingin. "Na-inlove ka sa isang tao pero naging kayo na parang hindi naging kayo? Nasaktan ka. Tapos naging writer ka? Kaya pala.... May pinanghuhugutan ka pala talaga."
Napaiwas ako ng tingin sa kanila. I felt guilty sa mga sinabi nila. Writing is my only diversion.
I felt someone shake my left arm.
"Uy, ano nga?" Pangungulit ni Ai. Pero hindi ako sumagot. Nakaiwas pa din ako ng tingin sa kanila.
Patlang.
Katahimikan.
"So, totoo?" Tanong ni Angel na s'yang bumasag sa katahimikan.
Napatingin ako sa kaniya--sa kanilang dalwa ni Airene na ngayon ay naghihintay ng sagot ko. Maging si Robi nakatingin lang sa'kin.
Pakiramdam ko nagkaroon ng de' javu. Umulit bigla yung mga pangyayari dati. Nagtatanong yung mga kaibigan ko dati tungkol sa'yo pero mas pinili kong hindi sumagot. Ganoon lang talaga siguro ako ka-selfish pagdating sa'yo. But now? What's the sense kung ipagdadamot kita? What's the sense kung ipagdadamot ko ang isang taong hindi naman talaga sa'kin at kahit kailan hindi naging akin? What's the sense kung ipagdadamot ko ang isang bagay na wala na at kahit kailan hindi na babalik pa?
I simply smiled at them.
"Andaya! Ayaw magsalita!" Airene stamp her feet on the floor. Parang bata pero cute. She shifted her gaze to Robi. "Robi, ikaw na lang ang magkwento,"
Robi just smiled at her. "Sorry. Wala akong ibang alam kundi yung pangalan lang nung lalaki,"
Angel hastily fished out her phone from her pocket. "Anong pangalan?"
Naguguluhan kaming napatingin sa kanya.
"Bakit? Anong gagawin mo?" Parang si Airene na ang nagtanong ng nasa mga isip namin.
"I-se-search ko sa facebook," sagot ni Angel. "Nakaka-curious. Gusto ko lang malaman kung sino ba ang dahilan ng lahat ng ka-bitter-an ni Anna sa mga story nya."
Tiningnan ako ni Robi. Parang humihingi ng permiso sa'kin kung pwede nya bang sabihin ang pangalan mo.
"Wala kang mase-search Angel, kung meron man baka kapangalan lang. That 'guy' is not into facebook," I said matter-of-factly.
Airene and Angel look puzzled.
"Trust me. Na-try ko na 'yan," ngumiti ako sa kanila. "I tried searching him online pero wala eh.. Although in the first place, alam kong wala talaga syang facebook account. Kasi busy s'yang tao..." sa pag-aasikaso dati sa kapatid nya--kay Hanna.
Hindi makapaniwala silang napatingin sa'kin.
"May tao pa palang walang facebook ngayon?" Sabi ni Airene.
"That person.. must be living under the rock," komento naman ni Angel. "Skype? Twitter? Kahit anong social media account wala ba sya?"
Umiling ako. "That person is really busy..." busy sa pagkakaconfine at pagpapagaling sa ibang bansa.
"O... kay? Pero ano ngang pangalan?" Pangungulit ni Angel na mukhang gusto pa ding i-search ang pangalan sa facebook.
Napabuntong hininga ako.
"Cedrick Kenneth Sanchez... at Mac Earl Lorenzo."
Napakunot naman ang noo nila habang nakantingin sakin pwera na lang kay Robi.
"Sabi mo busy "sya"? Sya as in singular form of pronoun. So... bakit dalwang pangalan ang sinabi mo?" Litong tanong ni Airene. "Ano 'yon? Screen name nya yung isa tapos totoong pangalan naman ang isa?" Biro pa nya pero hindi ko magawang tumawa.
Umiling ako. "Magkaibang tao sila. Magpinsan at magbestfriend pa nga eh," napayuko ako bago magpatuloy sa pagsasalita. "Busy s'ya--busy si Cedrick, at alam kong wala talaga syang social media account. S'ya yung tinutukoy ko kanina.. "
"What about yung isa? Ano nga ulit yung isa pang pangalan na sinabi mo kanina?" Usisa pa ni Angel.
"Si Earl... imposible nang ma-contact yun kahit kailan..." halos pabulong na sabi ko.
"Bakit naman?" Tanong pa ni Airene.
"Wala na sya..." i answered, almost voiceless.
"Wait. Wala as in patay na--" naputol ang pagsasalita nya ng mapatingin sya sa aking mukha. Bahagyang namilog ang kanyang mga mata. "Hala. Sorry. Sorry for being insensitive,"natataranta syang kumuha ng tissue paper at ibinigay ito sa'kin.
Taka akong napatingin sa kanya.
"Besh, umiiyak ka na ng hindi mo alam," sabi ni Robi,napahawak naman ako sa pisngi ko at naramdaman ko ngang basa ito.
"Sorry talaga," paghingi ng paumanhin ni Airene.
Tinanggap ko ang tissue paper at nagpasalamat. "Okay lang. Tama ka naman eh..." patay na sya at kasalanan ko 'yon.
I made him my rebound. I made him a substitute though in our story, he's the one who deserves to be loved the most.
Niloko mo 'ko--niloko nyo ako. Hindi ko man lang namalayan, na pati pala sarili ko... niloko ko din.
I hastily wiped the tears off my face. "Pasensya na kung ang drama ko ha, masyado lang talagang mababaw yung luha ko pagdating sa kanila,"
I tried to smile. Sana nga lang hindi nagmukhang pilit.
Nakakatawa. Ang tagal-tagal ko ng umiiyak ng dahil sa iyo--dahil sa inyo pero hanggang ngayon hindi pa din na nauubos ang mga luha ko.