"I should move forward. That's what everyone was telling me. That I should move on from you. Pero paano ko 'yon magagawa kung na sa'yo ang puso ko? You stole something from me. And that made my whole world stop..."
***
(Anna's POV)
"Ano 'yan?" Usisa ng bagong dating na si Apacible. "Bakit ang seseryoso n'yo? Ano ba 'yan, half day lang kami nawala ni Virgo pero mukhang pambiyernes santo yung mga mukha n'yo kaagad? Sabi ko na nga ba eh, mamimiss n'yo kaagad ang kagwapuhan namin eh..."
Binatukan naman s'ya ni Robi. "Sira. Kayo mamimiss namin? Si Virgo pwede pa, Pero ikaw? No way!"
And here comes World War 99. Bakit World War 99? Tapos na kasi nila ang World War 3 hanggang World War 98 eh...
Napahawak naman ng ulo si Apa. "Defensive," mapang-asar na ngumiti si Apa kay Robi.
Umarte naman na parang kinikilabutan si Robi. "Geez! Umamin ka. Saan mo itinago ang totoong Xian Jhay Apacible? Buwisit lang 'yon, Pero hindi gwapong-guwapo sa sarili! Kinuha ba ng mga alien na kasama mo at dinala sa planeta n'yo?"
Ngumisi naman si Apa ulit. "Hanep! Kumain ka ba ng krimstix? Imagination mo kasi ang limit eh!"
Nilingon ko naman si Virgo na kasamang dumating ni Apa na kanina pa tahimik.
My forehead creased, "Sa kalahating araw na pagtambay n'yo sa chess institute nitong university, anong nangyari sa isang 'yan?"
Yes. Kaya hindi namin kasama ang dal'wang itlog kanina ay dahil nasa chess institute sila. Ni-recrute sila as a member ng psychology professor namin na coach din ng chess institute.
Virgo just shrugged his shoulders at my question. "Ewan,"
"Pero seryoso... anong pinag-uusapan n'yo kanina bago kami dumating? Mukhang dibdiban.." usisa ni Apacible.
"Wala naman," sagot ni Robi.
Ngumuso si Apa. "Wala naman talagang dapat dibdibin sa'yo, Wala ka namang dibdib eh..."
Namula naman si Robi at bigla n'yang naihampas kay Apa ang folder ng group project namin. "Bastos,"
"A-aray!" Daing naman ni Apacible habang hawak ang kaliwang braso n'ya na ngayon ay mamula-mula na sa hampas ni Robi sa kanya.
"Yung totoo? Si Apacible ba talaga 'to? O abducted by an alien ang totoong Apacible?" Tanong naman ni Airene habang nakatingin ngayon kay Apacible.
"Mga baliw," komento naman ni Apacible. "Ang O-O.A. n'yo,"
O...kay? Harsh magsalita. Back to his old self na s'ya.
"Ito totoo na talaga, did we miss something nung wala pa kami dito kanina?" Tanong nya.
Tiningnan naman ako ni Angel at Airene. Parang nag-papaalam kung pwede bang sabihin ang mga sinabi ko sa kanila kanina.
Napabuntong-hininga ako.
"It's a girl thing. Tsaka kailan ka pa naging chismoso, ha, Apa?!" Sagot ni Robi sa kanya.
"Girl thing like what?" Usisa pa ni Apa. "Those cheesy, giddy and mushy stuffs? Crushes? Exes? Boyfriends?"
Walang filter talaga ang bunganga ng lalaking 'to kahit kailan. Kung ano ang nasa isipan nya sinasabi nya talaga.
Crushes?
Exes?
Boyfriend?
Napangiti ako. Pero alam kong hindi ito umabot sa mga mata ko. Sa dami ng hinula nya walang tumama. Muntik lang...
Muntik..
It's just an almost.
"We're talking about my greatest almost," lahat sila ay napatingin sa'kin nang magsalita ako. Si Robi ay bahagya pang nanlaki ang mata habang nakatingin sa akin. Marahil ay dahil sa gulat.
Ito ang isang bagay na hindi ko nagawa dati--ang mag open-up sa mga kaibigan kay Robi at Mavee nung highschool pa kami. Hindi ko man lang naikuwento sa kanila yung mga nangyayari sa'kin dati.
Naningkit naman bigla ang mga mata ni Apacible habang nakatingin sa'kin. "Akala ko ba wala kang naging boyfriend? Mukha ka kasing manhater. You're turning down everyone na nagtatangkang manligaw sa'yo. I thought sobrang taas lang talaga ng standards mo sa mga lalaki."
Napangiti naman ako sa sinabi nya. "No. Wala talaga akong boyfriend. No. Hindi ako manhater. And no again, hindi naman masyadong mataas ang standards ko.. nagkataon lang talaga na ayoko na."
Nakita kong tumaas ang kilay sa'kin ni Apacible.
"Pero... sino yung lalaki?"
"He who must not be named," biro ko pa. What's the sense kung sasabihin ko sa kanila ni Virgo ang pangalan?
"Sino 'yon? Si Valdemort? Tss. Pangalan lang oh. Ano nga?" Pangungulit ni Apacible.
"Bakit?" Bakit naman nya hinihingi? For online stalking din katulad ni Angel?
"Wala lang." Apa shrugged his shoulders. "Para... asdfghjkl kay Virgo." Pabulong na pahabol na sabi nya.
"Pardon?" Hindi ko kasi naintindihan yung sinabi nya.
"Ang sabi ko para--"naputol ang sasabihin n'ya dapat nang takpan ni Virgo ang bibig nya.
Weird.