To Feel The Pain (Part 2)

"Sabi ng iba, for you to move on, you have feel the pain, accept and let go first. Pero, ako? Bakit ba parang yung una pa lang ang hirap na sa'kin? Paulit-ulit lang ako do'n. How many times do I have to feel the pain for me to accept, let go and finally move on?"

***

(Anna's POV)

"Ouch. Ang sakit. :("

"Miss Author, true to life po ba to?"

"Ate, story n'yo po ba 'to?"

"Nakakaiyak naman 😢"

"Ate ba't mo pinakawalan?😭"

"Ang sakit ate. Parang lumalaklak ako ng katotohanan..."

Napangiti ako habang kasalukuyan akong nagbabasa ng comments ng story ko sa webnovel app. Anong story? It's entitled "Once Upon A Time". Madalas kong nakikita sa comments yung salitang "ang sakit" at madami na ding nag-p-p.m. sa'kin para lang itanong kung totoong buhay daw ba yung story.

Oo. Tama sila. Ang sakit. Ang sakit-sakit talaga. Kaya nga kapag tinatanong ng readers kung true to life yung story, napapangiti na lang ako. Siguro... baka mapagkamalan man akong baliw para sabihin ko 'to pero... umiiyak talaga ako habang isinusulat yung story na 'yon. Kaya nga parang totoo... kasi totoo talaga. Totoong ang sakit.

Sabi ko sa sarili ko, kapag sinulat ko yung story gusto ko ibahin yung ending. Yung tipong hindi talaga namatay si Earl at dinaya lang ako ng paningin ko ng mga panahon na 'yon. Yung tipong ipinaliwanag sa'kin ng maayos ni Cedrick lahat, hindi yung bigla na lang syang nawala. Yung tipong... yung... tipong... panaginip lang pala lahat. Minsan, sumasagi din sa isip ko 'yon--na sana hindi totoo yung lahat ng nangyari--na sana hindi talaga ako nasaktan at patuloy na nasasaktan--na sana wala akong iniiyakan ng paulit-ulit. Sana hindi ako umiiyak nang dahil sa sa'yo--dahil sa inyo.

Sana..

Sana...

Sana...

Madaming "sana" sa'ting tatlo na patuloy lang na mananatili bilang mga "sana". Madaming "sana" pero sa totoo lang... mas madami yung "sayang".

Sabi ko sa sarili ko, kapag sinulat ko yung story na'tin gusto kong ibahin yung dulo to the extent na natupad yung mga "sana" sa isipan ko at nawala yung mga "sayang".

Pero... wala eh. Naisulat ko 'yung story base sa mga nangyari talaga. Mukha pa nga akong baliw habang nagsusulat kasi iyak ako ng iyak. Ang bigat sa dibdib balikan yung mga nangyari para lang isulat sa isang istorya. But somehow, this helped me. Yung tipong... kahit hindi ko naikuwento sa bestfriends ko dati yung mga nangyari--kay Robi at Mavee--nagawa kong ikuwento sa readers ko yung mga nangyari sa 'kin. Nagawa kong ikuwento sa ibang tao kaya kahit papaano, gumaan yung pakiramdam ko.

Sabi ko sa sarili ko, gusto ko ng happy ending para sa 'tin pero paano ko nga ba tatapusin yung story na'tin? Kasi parang imposible na ang happy ending para sa'tin..

I smiled bitterly. Ano ba 'yan? Nagbabasa lang ako ng comments sa story, pero naalala pa din kita...

Babalik ka pa ba?

I was about to log out my account from wattpad. When a new notification suddenly popped out.

Napangiti ako. It's a message. Maybe from one of my readers.

Napa-awang ang labi ko nang tingnan ko ito.

The initials and the surname...

I shook my head. Baka nagkataon na ka-initials ng first names at ka-apelyido lang. Kasi imposible eh... madami naman sigurong taong may apelyidong Sanchez na may initial na C.K. ang first name di'ba?

I looked at the message again.

CK_Sanchez

---just now---

Hi.

Napatawa ako.

Naprapraning na yata ako. Bakit ko nga ba paghihinalaan na ikaw 'to? Kung ikaw nga 'to, "Hi." lang ba ang kaya mong sabihin sa'kin pagkatapos ng dalawang taon? Pagkatapos mo 'kong iwan? Pagkatapos ng lahat ng nangyari?

I shook my head off to remove the thought on my head. This person must be one of my readers and not you.

This must not be you..

I'm stil trying to convince my self as I type a reply.

----just now---

Hi din :)

I waited for a moment until he replied.

I've read your work entitled 'OUAT'. And it really made me bleed. Is it a real story?

Napangiti ako. I hastily typed a reply--a smiley face.

:)

Bakit smiley face? Ewan. Para kasing ang weird sagutin directly ng tanong na gano'n.

After a few seconds, I received a reply from him and the chat goes on...

So.. I must presume na ikaw nga 'yon(?) Sabi mo do'n sa story, you're waiting for Cedrick to comeback. Bakit? For closure? To patch things up? Minahal mo ba talaga sya o mahalaga lang s'ya sa'yo dahil s'ya yung pinakaunang taong nagpahalaga sa'yo? Bakit ka pa naghihintay na bumalik s'ya?

Saglit akong natigilan ng mabasa ko ang message nya.

Paano pala kung may girlfriend na sya ngayon?

Mas natigilan ako sa sunod na message nya. It's just that.. I didn't see it coming. Kahit kailan hindi pa sumagi sa isip ko na may iba na sya.

Paano kung sa pagbalik nya, hindi na sya yung kilala mong Cedrick dati?

Nanigas ako sa huli n'yang message.

That caught me off guard. It made me dumbfounded.

Sa sobrang gulat ko ay hindi ko namalayan na dumulas na pala ang cellphone mula sa pagkakahawak ko. Pero bago pa man ito mahulog sa sahig ay may sumalo nito--si Virgo.

Napatingin ako sa kanya nang itatapat nya mismo ang cellphone ko sa harap ng mukha ko.

"Valentines na valentine's day, pero nakatambay ka lang dito sa office ng publication ng university mag-isa at ka-date ang cellphone mo. Nice."

Inagaw ko ang cellphone ko sa kanya. "And so?"

Tinaasan ko s'ya ng kilay at napabuntong hininga naman s'ya.

"Akala ba namin ipapasa mo lang yung entry mo ngayon para sa literary magazine sa publication office tapos pupunta ka na sa tambayan? Bakit wala ka pa do'n?" Tanong nya.

I shrugged my shoulders. "Wala pa yung editor-in-chief, so I decided na hintayin s'ya dito.."

Wala talaga kaming pasok ngayon pero napagtripan ng barkada namin na pumasok para lang tumambay sa student park. Pag february 14 kasi, nagkalat ang mga vendors doon. Parang may bazaar, ganoon. Pero dahil kailangan kong ipasa ang entry ko para sa next issue ng literary magazine sa office, naisip ko munang dumaan dito at susunod na lang ako sa kanila.

Napaiwas sya ng tingin atsaka nagsalita. "Akala ko pa naman wala ka sa tambayan kasi... may valentine date ka."

Kunot-noo akong napatingin sa kanya. "Ano?" Tanong ko. Hindi ko kasi narinig ang huling sinabi nya.

"Wala..." sabi nya. "Wag mo nang hintayin yung editor-in-chief, iwan mo na lang sa desk yang ipapasa mo. Wala namang ibang kukuha n'yan d'yan. Hinihintay ka na nila do'n, ikaw na lang ang kulang."

Napabuntong hininga ako. "Okay,"

Habang nag-lalakad papuntang student park ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Pasimple ko itong sinilip.

It's another message on wattpad by @CK_Sanchez

Anong gagawin mo kung bumalik na s'ya?

Napatitig ako sa cellphone ko sa ilang segundo. Ikaw ba 'to?

Napailing ako. Imposible. Ganito na ba ako ka-praning na pati isang random na tao na ka-initials at ka-apelyido mo, paghinalaan kong ikaw?