Guess

"Kalokohan na yung umasa na babalik ka pa. Pero mas kalokohan yatang isipin na may 'mga' babalik pa."

****

(Anna's P.O.V.)

Hey.

Hey.

Hey.

Please Reply.

Sunod-sunod na personal message ang natanggap ko sa Webnovel app galing kay @CK_Sanchez. Hindi ko magawang magreply dahil na din siguro sa gulat sa mga nauna n'yang message sa'kin.

"Ano yan?" Tanong ni Virgo habang sinisilip ang screen ng cellphone ko kaya naman mabilis ko itong iniiwas sa kanya.

"Wala lang 'to," sabi ko habang mabilis na itinago ang phone sa bag ko kahit na naramdaman kong parang nag-ba-vibrate na naman ang cellphone ko.

Yumuko s'ya upang magpantay kami habang unti-unting naniningkit ang mga matang tumingin sa'kin. Nilapit n'ya pa ng kaunti ang mukha n'ya sa mukha ko kaya napaatras ako. Balak n'ya bang bilangin ang pores sa mukha ko?! Jusko, ano ba naman 'tong lalaking 'to?!

"B-bakit?" I asked, stammering. Patuloy pa din ako sa pag-atras habang patuloy naman s'ya sa pag-abante.

"Umamin ka nga, anong meron d'yan sa cellphone mo?" He asked. Thanks God, he halter from moving forward kaya naman tumigil na din ako sa pag-atras nang may sapat na espasyo na sa pagitan namin. "Nung naabutan kita kanina sa publication office masyado kang tutok sa phone mo that you didn't even recognize my presence when I entered, and now, you even halted from walking just to check something. Umangin ka nga... anong meron do'n sa phone mo?"

Napatawa naman ako sa tanong n'ya. Mukhang hindi lang pala ako ang naprapraning dito. Pati yata, si Virgo. Ano nga naman bang meron sa phone ko? Wala naman eh!

"I'm just checking personal messages from a reader on my stories on webnovel. Alam mo naman yun di ba?--Yung webnovel?--I'm posting my stories there," paliwanag ko sa kanya.

Sa hindi ko malaman na dahilan, mukha naman s'yang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko. "Akala ko..." umiwas sya ng tingin sa'kin at napansin kong namula ang tenga n'ya.

Kahit na mas mataas s'ya sa'kin ay ipinatong ko ang isa kong kamay sa ulo nya. Ginulo ko ang buhok n'ya, dahilan kung bakit napatingin sya ulit sa'kin.

"Ang cute mo pala kapag namumula yung tenga mo." I smiled at him as I teased him.

Tinabig n'ya ang kamay ko mula sa ulo n'ya. "Tss. Cute lang?" Nakasimangot na sabi nya kaya natawa naman ako sa ekspresyon na ipinakita nya.

"Tinuruan ako ng GMRC teacher ko nung elementary na 'wag magsinungaling pero dahil kaibigan kita, Sige na nga. Hindi ka lang cute kundi isa kang guwapo, mabait, mayaman, talented, edukado at mukhang mabango na nilalang. Ayos na?" Lalo s'yang napasimangot sa mga sinabi ko.

"Anna, Intangible Asset ba'ko para sayo?" Tanong n'ya. Tingnan mo 'tong isang to, naisipan pang magtanong ng out of the blue na pick up line! Jusko!

"Bakit?" Tanong ko pabalik sa kanya. Tungkol pa talaga sa accounting yung tanong ni Virgo. Hindi pa ba 'to nagsasàwa? Ako nga umay na umay na kay debit at credit eh!

"Kasi kahit anong gawin ko, hindi mo pa rin ako makita-kita."

Binatukan ko nga ng isa. "Sira! Nakikita naman kita eh! Paano tayo naging magkausap ngayon kung hindi naman kita nakikita!" I jested. Pagkatapos ay tumawa ako.

Piningot ko sya at hinila para maglakad. "Kung ano-anong sinasabi mo. Tara na nga sa student park! Kanina pa naghihintay yung mga 'yon do'n, malamang inip na yung mga 'yon!" Lalo na si Apa, sa aming lahat 'yon pa naman ang pinakaayaw ang salitang 'paghihintay'. Di ko malaman kung may pinanghuhugutan ba o kung ano eh.

"A-aray! Aray!" Daing nya habang pilit kumakawala sa'kin. Pero tinawanan ko lang sya at hindi ko pa din binitawan.

Habang papunta ng student park ay ganoon ang ayos namin. Pingot-pingot ko s'ya sa kanyang tenga, dahilan kung bakit napapatingin samin yung mga taong nakakasalubong namin.

May narinig pa nga akong bumulong eh. Kawawa daw si Virgo ang tali-talinong tao at deanslister pa man din pero nagpapa-under daw sa'kin.

May isa pa nga akong narinig na kung kasing ganda ko naman daw yung mang-a-under, okay lang.

Yung isa naman na nakasalubong namin, ang sabi naman ang cute daw namin at bagay daw kami.

Utang na loob! Biglang nanindig ang balahibo ko sa batok sa sinabi nung mga nakakasalubong namin!

Dahil sa mga narinig ko ay binitiwan ko na si Virgo sa kanyang tenga at nauna nang maglakad papuntang student park.

"Narinig mo 'yon? Cute daw natin," sabi ni Virgo na kasunod kong naglalakad.

Hindi ko s'ya sinagot o kahit nilingon man lang at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Anna, utangan kaya kita?" Out of the blue na tanong ni Virgo. Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko sya ng nakataas ang isa kong kilay.

"Bakit?" Tanong ko. Wala ba s'yang dalang pera ngayon? Nakalimutan kaya nya ang wallet nya sa bahay nila?

"Para magkaroon ka ng interest sa'kin,"

Binatukan ko nga s'ya ng isa, "Sira! Anong interest! Anong akala mo sa'kin, Bumbay?!"

Napayuko sya habang hawak nya ang batok nya ng ilang segundo, nagulat ako ng bigla na lang syang tumawa.

Kunot-noo naman akong napatingin sa kanya. "Bakit? Ano bang nakakatawa?"

Tiningnan nya ko ng ilang segundo, pagkatapos ay hindi makapaniwala ulit s'yang tumawa. "Writer ka ba talaga, Anna?"

Ha? Ang weird na naman ng tanong nya.

"Bakit ang slow mo pagdating sa'kin?"

Paano naman ako naging slow? Slow... ako?

Napangiti naman s'ya habang nakatingin sa lito kong mukha.

"Wag mo na lang intindihin yung sinabi ko, Tara na!" Sabi nya sabay hila sa'kin. "Kanina pa naghihintay yung mga 'yon,"

Hindi na lang ako nagsalita at nagpatangay na lang din sa kanya. Baka humaba pa ang usapan. As I said earlier, mainipin ang barkada, especially, Si Apa.

Pero mali pala ako. Hindi naman mukhang inip ang barkada nung makarating kami ni Virgo dahil mukhang entertained na entertained sina Angel at Airene dahil sa kina Robi at Apa. Bakit? Ano pa bang aasahan sa dalawang 'to?

Tahimik lang kaming umupo ni Virgo sa bakanteng upuan. Tinanguan lang kami ni Angel at Airene nang napagtanto na nandito na kami. Pero si Robi at Apa? Ayun! Masyadong busy sa sagutan nila na hindi man lang yata napansin na dumating kami!

And here comes World War Number... ewan... I've lost count na kung pang-ilan...

"Robi, ang kagandahan mo parang Accounts Receivable. Doubtful!" Hanggang dito ba naman, accounting pa din?

"Apa, ang kagwapuhan mo parang intangible assets. Hindi ko makita!" Parang kanina lang, kay Virgo ko narinig ang 'intangible asset' na yan ah!

"Robi--" magsasalita pa sana si Apa, but I decided to interfere. Hindi kami makakapaglibot ngayong Valentine's sa mga stalls kung walang aawat sa kanila. Mukha kasing walang gustong magpadehado sa asaran nila eh.

"Hello, guys. Sorry kung ngayon lang kami," buti naman at nakuha ko ang atensyon nila, specially, Apa and Robi.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Apa na ngayon ay taas kilay na nakatingin sa'kin. Bakit kahit nakataas ang kilay nya, okay lang? Bakit kapag iba ang gumawa mukhang bakla?

"Magpapasa sana ako ng entry sa publication office kaso pagdating ko do'n wala namang tao kaya tumambay muna ako do'n para maghintay ng darating. Tapos dumating naman si Virgo kaya hindi ko na din nahintay," paliwanag ko.

"Wag kayong maniwala d'yan. Nagdate talaga kami kanina kaya kami na-late," biro pa ni Virgo.

Hindi ko alam pero parang may sarili yatang utak ang kamay ko at bigla ko na lang s'yang nabatukan.

"Siraulo!"

Sakto namang may biglang dumaan na mukhang jejemon na tricycle sa kalsada sa gilid na may malalaking speakers na tumutugtog.

🎵🎶...but we can never be more than friends and it hurts me...🎵🎶

Bigla na lang tumawa si Apa ng malakas, kaya naman natuon ang atensyon ng lahat sa kanya.

"Pfft~ ang epic--"naputol ang sasabihin n'ya dapat nang tingnan sya ng masama ni Virgo, pero itinuloy nya din yung pagsasalita n'ya pagkatapos ng ilang segundo. "I mean, ang epic nung tricycle, ang jeje na nga ng itsura, ang jeje pa nung kanta." Pagkatapos ay tumawa ulit s'ya.

Paunawa. Kung sino man ang magiging girlfriend ni Apacible dapat ay sanayin na nya ang sarili nya sa harshness nito.

And after that conversation, nagsimula na kaming maglibot sa stalls. Madalas yung mga pang-couple yung items na tinitinda.

"Besh... ipaalala mo nga sa'kin kung bakit pa tayo pumunta dito?" Tanong ni Robi habang nakatingin sa mga couple na nasa paligid at pati na din sa stalls.

"Para makakita ng mga couple na masaya at magpakabitter kung ano bang mali satin," napasimangot naman s'ya sa sinabi ko kaya natawa naman ako sa ekspresyon na ipinakita n'ya.

Bigla namang umakbay si Airene samin ni Robi kaya bahagya kaming nagitla dahil dito. Iniikot n'ya kami ni Robi, dahilan kung bakit kaharap na namin ngayon sina Virgo, Angel at Apa.

"Magpahula tayo guys!" Aya ni Airene sabay turo sa may bandang kanan kaya naman napalingon kami do'n. May nakita kaming isang maliit na parang kwarto na nababalutan ang harap ng itim na tela.

Weird.

Naningkit naman bigla ang mga mata ni Apacible habang nakatingin sa itinuro ni Airene. "Ayoko. Demonic ang mga hula. Black magic. Hindi galing kay Lord,"

Ironically, kahit gaano pa ka-harsh, ka-prangka at ka-antipatiko 'tong si Apa, he's a Christian Catholic. Religious s'yang tao... walang hiya nga lang ang bunganga minsan, dahil kung ano-anong salita ang lumalabas.

"Grabe ka Apacible! Malay mo naman hindi!" Sagot ni Airene. "C'mon! Guys, sige na please!" Dagdag pa n'ya. Mukha gusto n'ya talagang subukang magpahula dahil kulang nalang magkaroon na ng spark yung mga mata n'ya.

Pag ganyan s'ya, nakakatakot s'yang tanggihan. Ang hirap. Siguro kasi s'ya ang pinakabata samin. Inshort, s'ya ang "bunso" ng barkada.

Kaya wala na din kaming nagawa kundi ang pumayag lahat, well except for Apa. Si Apa lang talaga ang matigas na ayaw magpahula kasi hindi daw yun galing kay Lord.

Pumasok kaming lahat do'n sa parang maliit na kwarto at nakakita kami do'n ng isang taong naka-cloak--na isa palang babae. Pinilabas kaming lahat at nagpaiwan lang ng isa sa loob na huhulaan--which is si Airene dahil ivinolunteer n'ya kaagad ang sarili nya. Isa-isa lang daw dapat ang pagpapahula.

Pero bago pa kami makalabas lahat para hulaan si Airene ay itinuro ng manghuhula si Apa.

"Ikaw, lalaking nakacheckered. Alam kong napipilitan ka lang na sumama dito. Ayaw mong magpahula diba? Sorry to tell you this, pero nahuhulaan ko na isa lang sa taong malalapit sa'yo ang makakatuluyan mo. Maaaring nandito. Maaaring wala dito."

"Tss. Kalokohan," bulong ni Apacible bago naunang lumabas at sumunod na lang din kami.

Lumipas ang ilang minuto at isa-isa nang natapos magpahula sina Virgo, Airene, Angel at Robi.

Pagkalabas ni Robi ay sumunod na'kong pumasok.

Nakita kong may sumilay na ngiti sa labi ng babae kahit na halos matakpan na ng kanyang cloak na suot ang kanyang mukha. Kahit madilim sa loob ay pakiramdam ko ay nakatuon ang mga mata nya sakin.

"Pangungulila. Pagsisisi. Panghihinayang." Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa mga sinabi n'ya. Parang nanindig ang balahibo ko habang kaharap sya. "Yan ang mga bumubuo sa'yo ngayon, tama? Nangungulila ka sa mga taong wala. Nagsisisi ka dahil naputol na lang bigla ang koneksyon mo sa isa at pinakawalan mo naman yung pangalawa. Nanghihinayang ka kasi wala ka dating nagawa--o mas tamang sabihin na wala ka dating ginawa. Tama ba ang mga sinabi ko?"

Wala sa sariling napatango ako.

"Paano kung sabihin ko sa'yong may mga babalik mula sa nakaraan mo... at malapit na."

Napangiti ako sa sinabi nya. Maniniwala na dapat ako kung hindi lang sya sumablay sa dulo. "Sigurado po kayo? 'Mga' po talaga?"

Imposible.

"Sa maniwala ka man o sa hindi, may mga babalik sa buhay mo,"

Kalokohan. Naglolokohan na lang kami dito.

Kumuha ako ng pera sa bulsa ng shoulder bag at ibinigay ito sa kanya.

"Sige po. Thank you na lang po," sabi ko at naglakad na'kong palabas mula doon.

Kalokohan. Akala ko kalokohan na yung umasa pa kong may babalik. Pero mas kalokohan yata ang narinig ko kanina--may mga babalik.

Paano yun mangyayari?