Nang makarecover siya, Naiinis niyang sinabi.
"Lintik na gurang yan! nagdusa ang mga tao para lang makapanood siya ng mga tentacles na chuma chambe! Kaya pala pina-evolved niya kami para di siya masyado maguilty! walang hiya ka! para kang si Mang Kanor!"
Walang habas na nagsisigaw si Ye Song para mailabas niya ang galit na kinikimkim niya sa kanyang kalooban. Habang siya ay nagwawala, narinig niya ang boses sa kanyang kaisipan.
*Hindi lamang yan ang rason kung bakit nasakop ng halimaw ang daigdig. Araw-araw nakakaranas ng Cy-Heaven Attack ang Heaven System mula sa ibat ibang mundo na gusto ring sumakop sa ating daigdig at ito ang naging dahilan para makagawa ng flaw ang virus sa Heaven System*
Medyo kumalma si Ye Song ng marinig niya ang sinabi ng system at nagtanong siya tungkol dito.
"Cy-Heaven Attacks? Ano yun?"
*Ito ay short term para sa Cyber Heaven Attack. Maraming taga ibang planeta ang gustong sumakop sa Earth kaya ginagawa nila ang lahat para pahinain ang depensa ng ating system. Ang Monster World o Mundo ng mga halimaw ang responsable sa virus na nakaapekto sa Heaven System. Kaya sila ang unang tagalabas na nakapasok*
"Hmph! kung hindi lang nagdownload ng bold si tandang gurang, hindi sana mapapasok ng mga halimaw itong mundo natin. bakit pala tayo gustong sakupin ng mga taga ibang mundo?"
*Wala akong data tungkol dito*
May mga ilang bagay pang tinanong si Ye Song ngunit parehas lang ang sinasagot sa kanya ng system.
"Sige ito last na tanong ko na. Paano nagawa ng mga halimaw iyon? ang pagkakaalam ko base sa napanood ko sa TV ang mga halimaw ay walang pag iisip at ang alam lang nila ay pumatay"
*Ding*
*Ang Host ay mali sa impormasyong ito. lahat ng nilalang ay mayroong kaisipan. Ang mga halimaw na sumasakop ngayon sa Earth ay mga Low-level lamang at ang alam lang nito ay sundin ang command na binigay sa kanila. Ang mga nagbibigay ng mga simpleng command, ito naman ay mga Mid-level creatures. sila ang mga namamahala sa mga low-level na halimaw. At ang pinakahuli sa lahat at ang pinakamapanganib, sila ang nagbibigay ng mga utos sa Mid-level na halimaw at ang utak sa pananakop dito sa ating mundo. Sila ang mga High-level creatures ng Monster World*
Ikinagulat ni Ye Song ang kanyang nalaman.
"So, may mga High-Level na halimaw pala pero hindi nito nasagot ang tanong ko. Pano nila nagawa iyon?"
*Ding*
*Iniisip mo ba na tayo lang ang may system sa mundo? Kung meron tayong system, ang ibig sabihin ay meron din ang ibang mundo*
Nang marinig niya ang sinabi ng system, naintindihan na ni Ye Song ang ilang bagay na gumugulo sa kanyang isipan.
*Ngunit hindi mo kailangang mag alala na sasakupin din tayo ng ibang mundo. Hindi na tayo mapapasok ng iba. Pagkatapos ng update ay na quarantine na ang virus at ang space crack ng Monster World lamang ang natitira*
"Hindi ba kaya ng Heaven System isara ang space crack na iyon?"
*Hindi, ang space crack na iyon ay nakaapekto na sa system. Kailangan nating mag reboot kung gusto nating isara iyon kaso pag ginawa natin iyon, magiging vulnerable ang system sa lahat ng attacks at ito ay masyadong mapanganib kaya ang pinakamagandang solusyon ay i-update na lang ang system. Kahit na andyan pa rin ang space crack, meron ng kakayahan ang mga tao para labanan ang mga halimaw dahil pina evolve na sila ni Old Man Heaven*
Habang nasa malalim na pag iisip si Ye Song ay may sinabi ang system na kanyang ikinabigla.
*Meron pang isang solusyon para masara ang space crack na iyon. Kailangan mong hanapin ang responsable sa Monster System at isara ang space crack mula doon*
"Ang ibig mong sabihin pumasok ako sa portal papuntang Monster World?!"
*Kung kayang gawin ng mga halimaw ay kaya ding gawin ng mga tao*
"Sigurado ka bang kaya namin?"
*Oo, Ang Heaven System ay ang pinakamalakas na system*
Hindi malaman ni Ye Song ang kanyang gagawin ng marinig niya ang mga bagay na sinabi sa kanya ng system.
"So, ang problema lang nating ay ang mga halimaw di ba?"
*Oo, Hindi titigil ang mga halimaw sa pagsakop hanggat bukas pa ang space crack*
"Saka ko na lang iisipin yan, sa ngayon kailangan ko munang ayusin sarili ko"
Tiningnan ni Ye Song ang screen sa kanyang
harapan.
"Bakit ang dami kong skill points pero hindi ko nakikita mga skill ko"
*Kailangan mong pumatay ng mga halimaw gamit ang sarili mong kakayahan para makakuha ka ng skills. Ang emergency skill na ginamit mo kanina ay isang external force kaya hindi ito matatawag na sarili mong skill o kakayahan*
Kahit na disappointed si Ye Song sa sagot ng system, masaya pa rin niyang tinanggap ito dahil isa na siyang evolved at magbabago na ang buhay ng kanilang pamilya.
"Mukang kailangan kong magsumikap! humanda na kayo mga halimaw mag eenjoy akong huntingin kayo!"
Pasigaw na sinabi ni Ye Song habang naglalakad siya pauwi sa bundok na kanilang tinitirahan.
-
-
-
-
-
Chapter 3 na tayo wooo. makupad pa rin author pero let's be understanding. [Bilisan mo mas mabagal ka pa sa pagong!]
*Ding*
*Tagalog na nga tamad pa rin magsulat tsk*
(Madami lang ako ginagawa saka wala pa naman nagbabasa nito kaya wag kayo magmadali!)
Nagdahilan ka na naman budoy. pinaasa mo na nga kami sa english version pati ba naman dito sa tagalog. pwe!
*Oo nga! pwe! bagay sayo budoy pangalan HAHA*
Oo nga! Haha budoy! pst budoy!
(Itigil ko na lang kaya ulit ito?)
ALAM MO ITONG AUTHOR NATIN ANG PINAKAGWAPO AT PINAKAMABAIT SA BUONG MUNDO SOBRANG HUMBLE NIYA PA ETC.
*Ding*
*Oo nga Host, Sobrang pogi ng author natin. tapos masipag pa etc. I love you po author*
Sana all katulad ni author...