Kokoro mountain

Nang makita ni Ye Song na sineen lang siya at biglang nag offline si Old Man Heaven, napangiti siya sa galak.

Sa wakas ay nalabas na rin niya ang kinikimkim niyang sama ng loob kay tandang gurang.

Kung hindi dahil sa kanya, ang Earth ay payapa pa rin. pero dahil din sa pag uusap na yun ay naisip niyang kontakin lagi si Old Man Heaven para makakuha ng mga importanteng impormasyon.

Sa ngayon ay nagdesisyon muna siya na mag hunt pa ng mga halimaw pero nang makita niya ang oras, ipinagpaliban niya muna ito.

"Oops di ko napansin ang oras!" hindi na nag atubili pa si Ye Song at dali-daling umuwi papunta sa bundok kung saan sila nakatira.

-

Ang bundok kung saan nakatayo ang kanilang bahay ay tinatawag na Kokoro Mountain.

Nang dumating sila Ye Song sa evacuation center ay hindi na mabilang ang mga nasawi sa mga sundalo at sibilyan dahil sa pag atake ng mga halimaw. sa araw na iyon, ang sangkatauhan ay nakatanggap ng isang masamang paalala.

"The terror of being at their mercy" [Author: mahirap itagalog haha!]

Pinagdadasal na lang ng mga tao na sana ay buhay pa rin sila kinabukasan.

Ang laban para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay patuloy pa rin at nang dahil sa pagsisikap, ang One World nation nakatapos makabuo ng kuta o fortress sa boundary ng Russia at China.

Ang mga pader ay nagbigay sa mga tao ng kaunting kapayapaan at seguridad at ang kahihiyan na nauwi sila sa ganitong sitwasyon dahil walang silang laban ay naging malayong alaala.

Ang pamilya ni Ye Song ay itinalaga sa isa sa mga bayan sa Freedom Land na ang tawag ay Everest. Merong 20 na bayan ang nakakalat sa paligid ng Freedom Land at ang mga tao ay pinaghiwa-hiwalay sa iba't-ibang parte upang masigurado ang kaligtasan ng bawat lahi ng bawat bansa kung sakali mang atakihin ang isa sa mga bayan ng mga halimaw.

Nang una silang dumating sa bayan ng Everest ay tinanggihan silang makapasok. Ang sabi ng mga gwardiya ay wala silang kwalipikasyon para manirahan sa loob ng bayan. maraming tao ang nagalit dahil walang nagsabi na magiging ganito ang patakaran bago sila makapunta dito.

Ang mga mayayaman na madaming pera at koneksyon ay nakapasok agad habang ang iba na hindi sagana sa buhay ay walang pagpipilian kung hindi manirahan sa labas ng bayan.

Si Ye Song at ang kanyang pamilya ay hindi din pinalad dahil wala silang kwalipikasyon. Hindi sapat ang kanilang pera na hawak at wala rin silang kilala sa loob ng bayan kaya wala rin silang nagawa kung hindi manirahan sa labas.

Masama ang kanilang loob pero wala sila magagawa para baguhin ito.

Nagsimula silang maghanap ng lugar para matirahan at matapos ang mahigit na isang linggo ay nakahanap sila ng isang bundok at nag desisyon na dito manirahan dahil nakakita sila doon ng isang nayon o village na puno ng tao.

Ang mga taong nandito ay ang unang batch na nagpunta sa Freedom Land at tinanggihan sa bayan. Walang pagpipilian, naghanap sila ng angkop na lugar para manirahan at natuklasan ang bundok na ito.

Karamihan ng naninirahan dito sa bundok ay japanese kaya naman tinawag nila itong Kokoro Mountain.

Kokoro (Japanese) means "heart; mind; mentality; emotions; feelings.

Pinangalan nila ang lugar na ito na Kokoro upang magkaroon sila ng puso na hindi marunong sumuko at magpatuloy sa buhay kahit na marami man nawalang importanteng bagay sa kanila, hindi sila kailanman mawawalan ng pag-asa.

Ang pangalan ng kanilang nayon ay Kokobop.

Medyo malaki ito pag iyong pinagmasdan at maraming iba't-ibang klase ng bahay dito. marami ka ring makikitang gamit dito ngunit ang karamihan ay mga japanese na produkto. Ang pinakamahalaga sa lahat kaya sila nakuntento dito sa lugar na ito ay ang mga tao ay nagmamalasakit para sa isa't-isa.

Kaya naman nang pinili ng pamilya ni Ye Song na dito manirahan, maraming tao ang nag abot ng tulong upang mapabilis ang pagtayo ng kanilang bahay at ang iba naman ay binigyan sila ng makakain. Kahit na kakaunti lang ang kanilang pagkain ay binigyan pa rin sila ng mga ito.

-

Nang makauwi si Ye Song, sinalubong siya ng kanyang nakababatang kapatid at sinuri siya nito para makita kung siya ay nasugatan. napangiti ng bahagya si Ye Song ng mapansin ang ginagawa ni Ye Ri at binigyan niya ito ng mangga na nakuha niya habang pauwi siya ng bahay.

"Para sayo ito nakuha ko habang pauwi"

Napatalon sa tuwa ang kanyang kapatid dahil sa pasalubong na kanyang natanggap. Dali-dali itong pumunta sa kusina para sabihin sa kanyang ina ang tungkol dito.

Sinundan ni Ye Song ang kanyang kapatid at nakita ang kanyang ina na nakatitig sa kanya.

"Ma, sorry kung medyo na-late ako. Hindi ko napansin ang oras" Sinabi ni Ye Song habang kinakamot ang kanyang ulo.

Nang makita niya si Ye Song na humingi agad ng paumanhin ay napangiti ito ngunit pinagalitan pa rin ang kanyang anak dahil dito. Si Ye Ri naman na nasa gilid ay tinatawanan lang ang kanyang kuya na sinesermonan.

Ganito ang kanilang pamumuhay, simple lang pero lahat sila ay kuntento at masaya.

Pagkatapos ng lahat, nag alangan si Ye Song saglit pero nilabas pa rin niya ang karne na nakuha niya nang mapatay niya ang chameleon.

Nagpunta siya sa kanyang ina upang kausapin tungkol dito.

Nang makita ni Yuna ang karne, siya ay nasorpresa. Ang karne na dala ni Ye Song ay isang pork belly na may timbang na 5 kg.

Tiningnan niya ang anak at tinanong ito.

"Ninakaw mo ba ito? paano ka nakakuha nito?"

"Habang naglalakad ako sa kakahuyan ay may nakita akong baboy na sugatan kaya naman kinuha ko ang parteng ito" Sagot ni Ye Song.

Nagsinungaling si Ye Song tungkol sa kanyang pagiging Chosen dahil gusto niyang sorpresahin sila kapag nakakuha na siya ng lugar sa loob ng bayan kaya naman inimbento niya ang istorya tungkol sa baboy.

Ang karne ay para talagang pork belly. kahit na ito ay chameleon meat, ito ay pwede pa ring makain.

Kahit na si Yuna ay nagdududa sa kanyang istorya, tinanggap pa rin niya itong paliwanag. Niluto niya agad ang karne upang kanilang pagsaluhan dahil ngayon lang ulit sila makakatikim ng disenteng pagkain pagkatapos ng mahabang panahon.

Pagkatapos kumain ay nagpunta si Ye Song sa kanyang kwarto upang magpahinga.

Habang nakahiga ay hindi siya mapakali.

Hindi mawala sa kanyang isipan na siya ay isang Chosen na.

"Hindi na ko makapaghintay!"