Bagong Equipment

[Golden Chain Mail Shirt]

Isang armor na gawa sa hindi kilalang metal sa monster-world. may isang mahiwagang kapangyarihan ang nakatago sa nakasuot.

STR + 5, DEX + 5, AGI + 5, Add a 5% resistance against Stun, Stone

ATK + 3%, Reduces skill delay by 10%. Increases heal effectiveness by 6%

Maximum HP + 10%

ASPD +5% , Perfect Dodge + 3

[Hidden Feature]

Critical Rate + 5%

Increases physical damage by 10%

Hindi makapaniwala si Ye Song sa kanyang nakikita. hindi niya inaasahan na maganda ang mga effects ng armor na ito.

Tumawa ng malakas si Ye Song at kaagad na isinuot ang armor sa kanyang katawan.

*DING*

[You equipped Golden Chain Mail Shirt]

Si Ye Song ay tumingin sa salamin upang makita kung ano ang kanyang itsura habang suot ang Golden Chain Mail Shirt ngunit nadiskubre niya na hindi siya mukhang cool kapag suot ito.

Dahil doon ay tinanong niya ang system para sa isang solusyon.

*Maaari mong gamitin ang [Hide Armor] function upang maging invisible ito kahit na nakasuot ito sa iyong katawan*

Ginawa niya ang sinabi ng system at pinindot ang [Hide Armor] sa ilalim ng [Equipments] at sa isang iglap ay biglang nawala ang Golden Chain Mail Shirt sa kanyang katawan.

Pagkatapos ay tiningnan niya sa [Equipments] at nakita niya na nakasuot pa rin sa kanya ang armor.

Nakaramdam ng tuwa si Ye Song sa pagkatuklas na ito. ngayon ay pwede na niyang i-equip ang mga items sa kanyang sarili at itago ito upang hindi madagdagan ang kanyang timbang.

Habang siya ay masaya, dali-dali niyang pinindot ang [Heaven Gift Box] upang subukan ang kanyang kapalaran.

[Gusto mo bang buksan ang Heaven Gift Box?]

"Bigyan mo ako ng blade please! sana maging blade lumabas!"

"Yes!" sinabi ni Ye Song na habang nakapikit.

Opening 10%

40%

80%

*DING*

[Opening complete!]

[Congratulations dahil nakakuha ka ng isang item!]

[Nakuha mo ang Sword of Lore!]

[Sword of Lore]

Ang espada na ginamit ng makapangyarihang diyos na si Lore, ang lawless heroine.

Critical Rate + 10%

Increase damage inflicted on Boss monster by 5%

Increase damage received from normal monster by 10%

All Stats + 2

Indestructible

Slightly increases Attack Speed

Nang makita niya na espada ang kanyang nakuha, naglabas ng buntong hininga si Ye Song ngunit mabilis niya na binago ang kanyang pakiramdam nang makita niya ang description nito.

Kahit na ito ay isang espada, pwede niya pa rin itong magamit nang walang problema dahil sa nakuha niyang skill na [Dual Wield Mastery].

Maaari niyang gamitin ang anumang sandata na gusto niya at hindi siya mahihirapan na gamitin ito.

Dahil dito ay kumpleto na ang kanyang araw at mabilis siyang natulog upang maghanda para bukas.

-

Sunod na araw ..

Maagang nagising si Ye Song at dumiretso sa pangunahing kalsada ng bayan ng Malaya kung saan nagtitipon ang mga tao.

Pagdating niya doon ay hinihintay na siya ng mga tao.

"Mukhang nasasabik din sila sa gagawin at hindi nakatulog kagabi" sinabi ni Ye Song sa kanyang sarili.

Naghihintay na din ang mga LEMONS sa labas ng bayan kaya't hindi na nag atubili pa si Ye Song at kaagad na nagtungo sa silangang bahagi ng bayan.

Ang silangang bahagi ng bayan ay isang open field na bukirin. kaya partikular na pinili ni Ye Song ang lugar na ito dahil malapit ito sa ilog at madaling mapoprotektahan ng mga LEMONS ang buong lugar.

Hinati niya ang bukid sa tatlong bahagi.

Ang unang bahagi ay ang magiging Rice Field kung saan magtatanim ng bigas ang mga magsasaka.

Ang pangalawa ay kung saan magtatanim ang mga tao ng mga prutas at gulay.

At ang pangatlo o pinakahuli ay kung saan sila mag aalaga ng mga hayop para hindi maubos ang supply ng karne.

Ang sakahan na ginawa ni Ye Song ay halos sumasaklaw sa buong silangang bahagi ng malawak na bukid.

Nang makita ng mga tao kung gaano kalaki ang bukid, nakaramdam sila ng pananabik sa kanilang mga puso.

Kapag nagtagumpay silang palaguin ito ay hindi na sila mag-aalala tungkol sa kanilang kakainin at mabubuhay nang maligaya dito sa bayan.

Pagkatapos ni Ye Song hatiin ang bukid, inutusan niya ang mga armored gorilya at ilan sa mga kung fu turtle na bantayan ang bukid at protektahan ang mga tao kung sakaling umatake ang mga halimaw sa lugar.

Malugod na tinanggap ng kanyang mga alaga ang gawaing ibinigay ni Ye Song at nagsimulang kumalat sa bukid.

Pagkatapos utusan ang mga ito ay lumingon si Ye Song at binigyan ng mga quest ang natitirang LEMONS upang mabilis na mabawasan ang kanyang utang.

Nang matapos na niya ang mga kailangan niyang gawin, tinawag niya ang penguin commandos at si Ahoka upang mag hunt ng mga halimaw kasama niya.

-

Pagkaalis ni Ye Song at ng iba pa sa bukid ay pumasok sila sa likurang bundok, papunta sa pinaka malalim na parte ng kagubatan.

Tumawid sila sa likuran ng bundok na may ilang daang milya, malapit sa hangganan ng Freedom Land.

Ang kagubatan na malapit sa hangganan o border ay isang napakalawak na kagubatan. nasa higit sa sampung teritoryo ng lungsod ang laki nito at iba't ibang mga halimaw ang naninirahan sa loob ng kagubatang ito kaya nagpasya si Ye Song na mang hunt ng ilang mga halimaw habang naglalakbay dito at bumalik pagkatapos nilang manghuli.

Si Ye Song at ang kanyang mga alaga ay pumatay ng maraming halimaw sa kagubatan habang naglalakbay.

Si Ahoka at ang penguin commandos ay nagbigay sa kanya ng isang pahiwatig kung paano makikilala ang Angelwings mula sa Devilslave Monsters.

Ang Monster World ay nahati sa dalawang faction dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga layunin. ang iba ay gustong sakupin ang Earth at kalapit nilang mundo habang ang iba naman ay gustong mamuhay ng mapayapa.

Ang Angelwings ay ang mga halimaw na gustong mamuhay ng mapayapa at ang Devilslaves naman ay ang mga halimaw na umuubos sa sangkatauhan.

Sinabi nila kay Ye Song na ang mga halimaw mula sa Devilslave ay magkakaroon ng kaunting pulang mata kumpara sa mga halimaw mula sa Angelwings.

Ang pagkapula ng kanilang mga mata ay dahil sa pagpatay nila sa mga nilalang sa ibang mundo. kinakain nila ang mga ito upang mag evolve o lumakas kaya naging pula ang kanilang mga mata.