I

Juliet

"Wala naman na akong dahilan para itago pa ang katotohanan sayo." simula ni Caden.

"Pero sasabihin ko lang ang mga dapat, kailangan, at gusto mong malaman." dagdag niya at humakbang palapit sa akin.

"Napunta ka rito dahil dito." Pinakita niya ang relo na napulot ko.

"Hindi 'to ordinaryong relo, alam mo naman na siguro 'yon dahil ito ang dahilan kung bakit tayo napunta rito. Planado ko ang pagpunta ko rito dahil may kailangan akong asikasuhin pero hindi ko naman inaasahan na may makakasama pala ako sa paglalakbay."

"Hindi rin ako ordinaryong tao. Kaya kong magpabalik-balik sa mga lugar kung kailan ko gusto NGUNIT hindi sa pagitan ng mga panahon. Sa madaling salita, nakakapagteleport ako pero hindi ko kayang mag time-travel kung kakayahan ko ang pag-uusapan pero sa tulong nito," sabi niya at pinakita na naman ang relo niya.

"Nakakapagtime-travel ako pero limitado. Naka-set kung kailan ako makakaalis at makakabalik sa isang panahon at sa kaso ngayon, matagal-tagal pa bago ako makakabalik sa kasalukuyan dahil nai-set ko na ang alis at balik ko dati at wala nang kahit sino ang makakapagbago no'n."

"Don't tell me..." kinakabahang saad ko at tinapos na niya ang mga salitang hindi ko magawang sabihin.

"Hindi ka pa makakabalik sa kasalukuyan, Juliet." sabi niya na nakapagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko.

"Pero... pero paano 'yun? Kailangan kong ituloy ang clinical internship ko. Ga-graduate na ako next year, huy! Atsaka sina Tita Mommy at Tito Daddy ko, mag-aalala sila!"

"Sa realidad, hindi hihinto ang mundo para lang sayo pero ito ang realidad mo ngayon, Juliet. Kaya't dito tumatakbo ngayon ang oras mo." sabi niya pero naiwan lang akong nakanganga dahil wala akong nagets sa sinabi niya.

Napaupo nalang ako sa kama nung lumabas siya at nagluksa sa pagkadelay ng graduation ko. Ano kayang sasabihin sa akin nila Tita Mommy at Tito Daddy huhu.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yun at nakita si Caden.

"Magpalit ka muna kung ayaw mong maging sentro ng atensyon mamaya. Hindi puwedeng itago nalang kita dahil nakita ka na ni Ginoong Alba kanina." sabi niya.

Woah, teka... kilala niya 'yung Ginoong Alba so ibig sabihin ba...

"Mga walong beses ko na ring pinanood ang pagtatapos ng ika-19 na siglo at oo, nakikihalubilo ako sa mga tao tuwing bumabalik ako rito." sabi ni Caden.

Grabe, nababasa niya talaga 'yung nasa utak ko.

"Pero kilala mo rin silang lahat?" tanong ko.

"Wala akong nakakalimutang tao sa lahat ng nakakasalamuha ko, Juliet. Dahil sa ilang libong taon ko na sa mundong 'to, hindi pa ako nakakilala ng isang taong walang mahalagang gagampanan sa bawat siglo. Lahat ng pangyayari'y magkakaugnay." sagot niya.

"Sabi mo mga walong beses mo nang pinanood matapos 'tong siglong 'to pero ngayon napunta nalang ako bigla rito pero hindi naman talaga ako dapat nandito so... wala naman sigurong magbabago sa takbo ng history, 'di ba? Kasi sa original plot, wala ako rito. 'Di ba?" tanong ko pero tinignan lang niya ako at humakbang palapit.

"Magbihis ka na't may palabas at sayawan mamaya." Abot niya sa akin ng mga damit at sapatos or... sapatos nga ba 'to?

Nagpalit na nga ako ng damit at pinusod ko na rin ang buhok ko katulad sa mga babaeng nakita ko kanina.

Grabe, hindi ko inexpect na makakapagtime-travel pa ako sa buhay kong 'to.

Pagkalabas ko, may mga tao na ring nagbababaan. Lahat talaga ng lalaki ay nakacoat at ngayon ko lang narealize na hindi naman masyadong mainit ngayon. Siguro kasi wala pang global warming sa panahon na 'to, 'di pa uso ang greenhouse effect kasi wala pa namang mga pollution at gaanong chemicals.

Teka, 19th century ngayon so... ano bang nangyayari sa Pilipinas noong 19th century?

Hay nako, weakness ko talaga ang history eh. Iparecite niyo na sa akin ang anatomy ng tao, huwag lang mga pangyayari sa mundo.

Sumunod ako sa mga taong nagsisibabaan at nakakita ng mga nagsasayaw na pinapanood ng ilan. Kapansin-pansin ang pagkakahati ng mga binata sa dalaga kasi nasa bandang kaliwa 'yung mga binatang nanonood at nasa bandang kanan naman 'yung mga dalaga.

Nakisingit ako sa mga dalaga at nanood din sa mga nagsasayaw. Ang cute nilang tingnan! Parang ang saya rin magsayaw.

Habang nirereenact ko sa utak ko 'yung steps, kinabahan ako nang unti-unting nawawala 'yung mga dalaga sa harap ko kasi may nag-aayang magsayaw sa kanila. Paatras na sana ako kasi nakakahiya namang magstay pa eh wala namang nakakakilala sa akin dito kaya malamang walang mag-aaya sa akin nang may lumapit na mga kalalakihan at inabot ang kamay nila.

Napakunot ang noo ko. Ba't ang dami? Ilan ba dapat ang kasayaw ng isang babae?

"Pumili ka ng isa sa kanila, tanga."

Napalingon ako sa bumulong sa akin at nakita si Caden mula sa likod ko na may kasamang babae na nakahawak sa kamay niyang medyo nakataas tapos dumiretso sila sa dance floor. Grabe 'yung lokong 'yun maka-tanga ah.

"Aquí viene Heneral Niño." (General Niño's here.)

"Quítate del camino, viene Heneral Enríquez." (Get out of the way, here comes General Enriquez.)

Napalingon ako sa mga kalalakihang nag-usap-usap at unti-unting umaatras. Biglang nawala 'yung mga lalaking nakapalibot sa akin kanina pagkatapos nila magbulung-bulungan.

Aba, may bigla ba silang hindi nagustuhan sa akin tapos kinalat pa nila? Mga chismoso, hmph!

"Maaari ka bang maisayaw, binibini?"

Halos huminto ang puso ko sa pagtibok dahil sa pagkabigla. Bigla ring bumilis ang tibok nito dahil sa boses na narinig ko kaya napalingon ako sa likod ko at napatingala sa nagsalita.

Kulang nalang yata ay malaglag ang panga ko sa gwapo ng lalaking nasa harap ko. Gwapo si Caden pero 'di hamak na lamang ng ilang paligo 'to. 'Yung hugis ng mukha niya, 'yung korte ng mga mata niya pati ilong, grabe. Ba't... ang perfect?!

"Ah, hindi ka ba na-nanagalog? Kung gayon, te importaría si—" (Do you mind if—)

"O-Okay lang, okay lang." sagot ko nang akmang mag a-alien language siya pero napailang kurap siya atsaka ko lang narealize kung anong pinagsasabi ko.

"Ang ibig kong sabihin ay... ayos lang." sagot ko at nakita ang slight curve sa labi niya at shet! ANG GWAPO!

Pero ang tanga ko pa rin para sabihin 'yung word na 'okay' huhu.

Nilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman atsaka niya ako dinala sa sayawan at nagsimula na ang sayaw. Nung una nangangapa ako pero habang tumatagal parang halos paulit-ulit lang naman 'yung steps kaya nakasabay na ako nang hindi nangongopya sa iba.

"Madali kang matuto."

Napatingin ako sa kaniya at nakitang diretso siyang nakatingin sa mga mata ko habang nakangiti.

Shete! Ganun ba ka-obvious na nanggagaya lang ako kanina? Nakakahiya ako! Lupa, lamunin mo na ako huhu.

"Huliet ang iyong pangalan, kung hindi ako nagkakamali..." sabi niya habang nakatingin sa leeg ko.

"Juliet." pagtatama ko sa pronunciation.

"Patawarin mo ang aking pagkakamali, binibini." paghingi niya ng paumanhin at inalis na ang tingin sa akin na para bang ang laki ng kasalanan niya.

"Ok—I mean—a-ayos... lang 'yon." sagot ko habang patuloy pa rin kami sa pagsasayaw.

Ngayon ko lang napansin na iba ang suot niya sa karaniwang coat ng mga binatang nandito dahil hindi siya nakacoat. Pang-sundalo 'tong suot niya, if I'm not mistaken. Puti na uniform tapos ang daming nakapin na kung anu-ano. Mukha namang bata pa siya, mukha nga lang siyang mga 21 years old pero mukhang mataas ang ranggo niya. Colonel kaya siya or... ano ba 'yung mga military ranks? Hay, ayoko na nga hulaan.

"Kakaiba ang iyong pangalan... ito ba'y dahil sa hindi ka Filipino?"

"Pilipino ako ah!" defensive na sagot ko.

Grabe, bakit ba laging naku-kuwestyon pagka-Pilipino ko sa panahong 'to? Kanina nasabihan akong Briton tapos ngayon hindi raw ako Pilipino.

"Kapatid ka ni Ginoong Cordova, hindi ba?" tanong niya at saktong natapos ang tugtog.

"Oo."

Sabay kaming napalingon sa sumagot at nakita si Caden na mag-isa nalang ngayon at maayos na nakatayo, nakatingin sa amin.

"Magandang araw, Ginoong Cordova." bati ni... sino nga ba 'tong nakasayaw ko?

"Magandang araw din sa iyo, Heneral Enriquez."

HENERAL???!!!

Lumingon sa akin si Caden na nakakunot ang noo at binigyan ako ng bakit-ka-sumisigaw-mentally-naririnig-ko-at-ang-sakit-sa-tenga look.

Sorry, Caden huhu.

"Kailan ka pa nakabalik, Ginoong Cordova?" tanong ni Heneral Enriquez kay Caden, maayos din ang pagkakatayo. Grabe, ang gwapo talaga.

Nakita kong sumulyap sandali si Caden sa akin atsaka umiling-iling bago nagsalita.

"Kahapon ako nakarating sa daungan ng Maynila at dumiretso ako rito upang umabot sa pista ng San Sebastian." sagot niya.

"Kung gayo'y ikinagagalak kong imbitahan kayo sa salu-salo sa aming tahanan mamaya, ang bisperas ng pista. Nais kong muling masilayan ang ganda ng binibini, kung marapat lamang sa iyo... ginoo." sabi ng Heneral at sumulyap pa sa akin. Iba rin ang diskarte ng heneral na 'to, aba.

"Maaasahan mo ang aming pagdating, Heneral Niño." Ngiti ni Caden at naglakad na palayo at sumunod naman ako.