Juliet
I sighed for the hundredth time.
Nakaupo ako ngayon sa labas ng kubo kung nasaan si Niño at ilang minuto na rin siguro akong hindi mapakali dahil hindi ko alam kung maililigtas ko ba talaga siya sa pagkakataong 'to.
Napatingin ako sa mga kamay kong nagtanggal ng mga bala at nagtahi sa mga sugat ni Niño. Hindi pa rin ako makapaniwalang ginamot ko siya at sa ngayon ay... buhay pa siya. Naging maayos naman ang paggamot ko sa kaniya dahil hindi rin naman gaanong kalala ang mga tama niya ngayon pero hindi talaga ako mapapakali hangga't hindi ko siya nakikitang dumilat.
Napalingon agad ako sa pinto nang marinig ko 'tong tumunog at nakita si Fernan.
"Fernan," Sambit ko sa pangalan niya nang magtama ang mga tingin namin. Umupo siya sa tabi ko atsaka humarap sa akin.
"Patawarin mo ako sa inasal ko kanina, binibini. Masiyado akong nadala ng aking takot na maaaring nauubusan na ng oras si Niño." Sabi niya.
Napayuko ako nang maalala ko 'yun. Sa totoo lang, natuwa akong ginawa 'yun ni Fernan dahil kung hindi niya ako pinush na kumilos ay malamang nabato nalang ako roon sa kaba at mas lalong hindi ko nagamot si Niño.
"Ayos lang 'yun, Fernan. Kung hindi mo 'yun ginawa malamang natulala nalang ako roon dahil nawala talaga ako sa sarili ko kanina." Sagot ko at tumingin na ulit sa kaniya.
Nagtama ang mga tingin namin at ewan ko ba bakit hindi ko na nagawa pa ulit alisin ang tingin ko sa mga mata niya. Maganda ang mga mata ni Fernan at parang ang dami nitong gustong sabihin. Para 'tong malalim na dagat na punung-puno ng emosyon.
"M-Maaari ko bang... hawakan ang iyong kamay?" Tanong niya na nakapagpabigla sa akin.
Ewan ko ba bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig 'yon at ang weird! Bakit naman niya gustong hawakan ang kamay ko? Huhulaan ba niya ako? Lilinisan ng kuko? Or... dahil nagsorry siya, baka gusto lang niya akong i-comfort? Pagcomfort ba ang paghawak sa kamay sa panahon na 'to? Omyghad, I have no idea! Anyway, wala namang masama sa paghawak ni Fernan sa kamay ko so...
"Sige..." Sagot ko na parang alangan pa ang tono dahil ang weird lang talaga huhu.
Nakita ko ang pag slight curve ng labi ni Fernan nang marinig ang sagot ko at parang... nagmelt ang puso ko kasi ang genuine ng ngiti niya ngayon. Nakita kong mas lumawak at mas tumamis ang mga ngiti niya nang makita ang ginawa niyang pulang bracelet na suot-suot ko.
"Binibini..." Narinig kong malumanay na tawag niya at naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sandali rito at ibinalik din ang tingin sa kaniya.
"Mag-iingat ka palagi." Sabi niya habang nakatigtig sa mga mata ko at 'yung mga tingin niya talaga parang may sinasabi pero hindi ko alam kung ano.
Kung siguro ibang tao 'to, naaawkwardan na ako ngayon sa eye contact namin pero dahil si Fernan ang katitigan ko ngayon, ewan ko ba bakit hindi ako makaramdam ng ilang. Sa simpleng pagtititigan at paghawak niya sa kamay ko, I feel safe.
He bit his own lips and looked down. Parang siyang nag-iisip ng sasabihin, para siyang may gustong sabihin pero mukhang nag-aalangan pa siya kung sasabihin ba niya.
"M-May... gusto ka bang sabihin?" Tanong ko.
"Sa totoo lang... marami akong gustong sabihin sa'yo, binibini." Balik niya ng tingin niya sa akin at naglock na naman ang mga tingin namin sa isa't isa.
"Ngunit sa ngayon, isa bagay lang ang gusto kong malaman mo." Dagdag niya atsaka huminga nang malalim na para bang bumwelo.
"Alam kong hindi ito ang tamang oras para sabihin ko sa'yo ito ngunit hindi ko alam kung magkakaroon pa ulit ako ng pagkakataon kaya... n-nais kong malaman mo na m—"
"Binibining Juliet!" Sabay kaming napalingon sa tumawag at nakita si Angelito Custodio—wait—ANGELITO CUSTODIO?! Anong ginagawa niya rito??
Nabalik ang tingin ko kay Fernan nang maramdaman ang pagbitaw niya sa kamay ko pero agad ko ring ibinalik ang tingin ko kay Angelito kasi BAKIT SIYA NANDITO???
"Kailangan mong sumama sa akin." Nagmamadaling sabi niya pagkababa sa kabayo niya at lumapit sa akin.
"Ha? Bakit?" Tanong ko pagkatayo namin ni Fernan.
"Walang maaaring makaalam na nagpunta ka rito, maliwanag ba?" Nagmamadali pa ring sabi ni Angelito at hindi ko pa rin gets bakit siya natataranta.
"Saan mo siya dadalhin?" Tanong ni Fernan na mukhang nawi-wirduhan din ngayon kay Angelito.
"Sa kanilang tahanan. Kailangan niyang makauwi bago sumikat ang araw. Pinaghahanap na ngayon si Niño Enriquez at maaari siyang mapahamak kapag napag-alaman na may kinalaman siya rito." Sagot ni Angelito Custodio at tinangay na ako pasakay sa kabayo niya.
"Iuwi mo siya nang ligtas, Angelito." Rinig kong sabi ni Fernan at akala ko aandar na 'yung kabayo pero lumingon si Angelito kay Fernan.
"Hindi mo ako sundalo kaya't huwag mo akong utusan." Sagot ni Angelito na nakapagpataas sa isang kilay ko. Anong problema nito?
"Simula ngayon, huwag mo nang dinadamay si Binibining Juliet sa ganitong mga bagay." Sabi pa niya na nakapag-WTH sa akin.
Seriously, anong problema nito??
Napatingin ako kay Fernan at bakas sa mukha niyang sinisisi niya ngayon ang sarili niya dahil siya nga naman ang nagdala sa akin dito kahit na alam niyang pwede akong mapahamak.
Bababa na sana ako mula sa kabayo dahil nabadtrip na ako pero nakalock ang mga braso ni Angelito sa harapan at likuran ko dahil naka princess-style na upo ako sa harapan niya. Bakit kasi required mag-saya sa panahon na 'to eh! Hirap kaya sumakay sa kabayo nang ganito ang upo!
"Sumama ka na sa kaniya, binibini. Mag-iingat kayo." Narinig kong sabi ni Fernan at magsasalita pa sana ako nang paandarin ni Angelito ang kabayo.
"Ibaba mo nga ako!" Reklamo ko habang tumatakbo ang kabayo.
Lumingon sa akin si Angelito atsaka ko narealize na ang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa at parang nag-iba na ang aura niya ngayon compared nung kasama namin si Fernan. Naging maamo na ulit ang itsura niya at naging friendly ang vibes, WTH PAANO NIYA NAGAGAWA 'YUN??
"Bakit, binibini?" Malumanay na tanong niya kaya biglang nawala ang inis ko.
"H-Hindi ako nakapagpaalam nang maayos kay Fernan..." Yuko ko at hinihintay na huminto siya pero hindi 'yun nangyari.
"Kailangan na kitang iuwi dahil maaari kang mapahamak pati na ang iyong pamilya kapag nahuling tumulong ka kay Niño Enriquez." Sagot niya at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang banggitin niyang pwede ring madamay ang pamilya ko rito.
Wala akong pakialam kung mahuli ako at ako ang parusahan o ano pero hindi ko yata kakayanin kapag nadamay pa sila Ama, Ina, at Caden dito kaya tumahimik nalang ako.
"P-Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko habang umaandar pa rin ang kabayo. Medyo na-a-awkwardan akong lumingon dahil malapit lang ang mukha namin ni Angelito sa isa't isa.
"Hindi na 'yon mahalaga. Ang mahalaga ay maiuwi kita nang ligtas at walang nakakakita." Sagot niya kaya napalingon ako sa kaniya dahilan ng pagkaka eye contact namin.
Parang bigla akong nabato nang magkatinginan kami dahil nakakaintimidate talaga ang maganda niyang kulay brown na mga mata. Pansin ko rin na pinagpapawisan na siya ngayon siguro dahil sa pagkakataranta pero kahit ganun hindi ko siya makitang dugyot, bakit ganun? Bakit kahit pinagpapawisan siya ngayon eh ang fresh pa rin niyang tignan sa puting long sleeves polo na suot niya? Ang daya!
"M-May problema ba?" Tanong niya na parang biglang nahiya na ewan atsaka ko narealize na tinititigan ko nga pala siya kaya siguro siya nailang.
Omyghad, Juliet! Staring is rude lalo na sa hindi mo naman close! Ghad, nakakahiya ka talaga!
Agad akong yumuko nang matauhan na ako. "W-Wala."
Naramdaman kong binalik na rin niya ang tuon niya sa daan at ilang sandali pa'y nakarating na kami sa bahay. Nakasabit pa rin ang pinagbabaan namin ni Fernan kanina kaya nakaakyat din ako agad.
Bago tuluyang pumasok sa kwarto ko ay dinungaw ko pa ulit si Angelito mula sa terrace. Ngumiti siya't nagbow nang kaunti bago tuluyang umalis atsaka ako pumasok.