Chapter 1: The encounter

Pagkatapos naming kumain sa canteen ay nakaramdam ako nang katamaran kaya naisipan ko'ng matulog nalang sa Hideout namin dito sa University

May secret hideout kami dito sa University,  lumang basement lang to sa likod , and walang gustong pumunta kasi nga ang creepy so yun.  Kaming member lang ng R.B.A Ang nakaka alam.

' Yiieeee si Revil oh? '

'Kyaaaa! Ang gwapo nya talaga. '

'Oo ang hot nya talagaaaa dama ko hanggang ditoooo! '

'Makita ko lang sya kompleto na araw ko wwiiii. '

' kahit hindi sya ngumingiti ang hot nya parin. '

Dinig ko'ng komento nang mga babaeng nadadaanan ko.  Psh!  Ang iingay!

" I love you Revil!! " Rinig ko'ng sigaw nang isang babae dahilan para matigil ako sa pag lalakad at lingunin sya.

Tinignan ko ang kabuuhan nya.

Maputi....Matangos ang ilong.... Maganda... Sexy.... WALANG KWENTA!!

Ipinihit ko ang mga paa ko papalapit sa kanya na ikiningitinan nya.

Huminto ako nang mismong nasa harap nya na ako.

"I love you Revil pwede ako nalang The One mo? " bakas sa tono nya ang confident kaya lalo ako'ng nakaramdam ng inis.

Dinamba ko ang kwelyo nang uniform nya at idinikit sa pader dahilan para ikanahimik ng lahat. May ibang estudyante pa ang lumayo sa paligid namin

"Pwede ba... Tigilan mo ang kakasabi sa put*nginang I love you na yan! " sigaw ko sa mismong mukha nya. Nakita ko pa ang paglunok nya.

"Tingin mo papatulan kita?  Pwe! Ang panget mo! " patulak ko s'yang binitawan at napa upo naman sya sa sahig na bakas ang pag kanginig.

Psh!  Isinuksok ko ang mga kamay ko sa bulsa at nag lakad na parang walang nangyari

You think I am bad? Well your wrong because I'M WORST!

Heartless, soulless, Inhuman, iron-hearted, Pitiless, unsympathetic, merciless, pachydermatous, ruthless.

Yan ang ilan sa mga salitang  deni-describe nila sa pagkatao ko.

Yes!  I'm heartless! Nobody can get my care! 

Nung nag lalakad na'ko sa corridor at papasok na sana sa kanto nang ~

"REVIL!"

Paglingon ko sa sumigaw ng name ko at naaninag ko agad ang isang lalaking kulay puti ang buhok

Si Jerville....Jerville Tejada

Member ng R.B.A and bestfriend ko din,  Actually friend din sya ni Keeil  kasi dati s'yang member ng B.S  at dahil nga una ko syang naging kaibigan keysa sa naging member ng R.B.S kaya 'yon lumipat sya sa'kin

Gwapo din to si Jerville 'eh lalong bumagay sa kanya yung white hair nya nag mukha sya lalong gangster. Sa unang tingin nakakasindak sya na akala mo walang patutunguhan pero wag ka dahil study lover 'to na ang layo sa mukha nya.

"Oh?  Bakit?  "

"Si Jonathan at Joshua, nakipag away nanaman ayun maga mga mukha."

"Alam ko, kasama nila ako. Hindi ba halata sa mukha ko? " sarkastiko kongbtugon na itinuro pa ang mukha ko.

"Huh? " sinuri nya kabuuhan ng mukha ko. "Hindi halata gago hahaha!" nangiwi nalang ako.

Nagago pa'ko. Batukan ko'to

"Kailangan ba, nagpabugbog  muna ako dun para lang mahalata mo'ng kasama nila ako?  Psh! "

"Easy, ang pikon ne'to hahaha!  Teka, pupunta kang H.O? Hindi ka papasok?  May test ah."

"Eh, Tinatamad ako pumasok ."

"Nanaman? aish! Test sa history iyon. Dami mo na ngang skip subject eh. "

Eto na naman ang magaling na study lover na si Jerville Tejada. Palakpakan whooo psh!

"Tch,  yaan mo na yun. "walang ganang sagot ko

"Hay.  Si Revil the Devil ka nga pala sorry nakalimutan ko hahaha! " Pang aasar nya. walang gana ko lang s'yang binalingan

"Sige mauna na'ko time na ni Sir. " tumingin pa sya sa relo nya at tinapek ang balikat ko saka mabilis na nag lakad

Pag punta ko sa hide out,  humiga agad ako sa duyan lagi naman ako dito eh

Haaaaooooo inaantok nako ~_~

BOOOOM!!

"Ano yun!!! " biglang balikwas ko sa duyan dahil sa kalabog na iyon

Agad akong pumunta kung saan nanggaling yung malakas na kalabog at bumungad sa akin ang isang babae

Ngayon ko palang sya nakikita...

Tinignan ko ang kabuuhan ng katawan nya.

Hindi sya pandak at hindi rin sobrang tangkad sakto lang, hanggang balikat ko nga lang ata sya, maputi naman pero hindi sobrang puti, hindi sya maganda pero hindi rin naman panget. Halata sa mukha nya na hindi nya marunong mag ayos ng sarili at... FLAT?  'Eh?  Ano nalang ang maipagmamalaki ng babaeng 'to?  Hindi na nga maganda flat pa.

Napailing ako sa sarili ko'ng naiisip

"Nako!  Sorry po kuya  hindi ko sinasadya. "

KUYA? 

"Sino ka?  Pano ka naka pasok dito? "Naka kunot noo kong tanong

"Sorry,  sorry 'eh naka bukas kasi iyong pinto akala ko may daan pa sorry talaga. "

Gaya nang sinabi ko kanina hindi sya kagandahan simple lang pero bakit ganon?  Naku kuytan (cute)  ako sa kanya Ugh! 

"Do you know me? "

"Hindi 'eh sino kaba? "

Boom!  Akalain mo may babae pa palang hindi ako kilala nainsulto ako dun ah

"W-What? "

"Transferee lang kasi ako dito and it's my first day. "

Wuuushuuuu new tranfer pala ang O.A mo kasi Revil -.-

"Alam mo ba'ng suicide ang pag pasok sa teritoryo ko? "

Ipinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ko.

"Hindi porket nakakita ka nang daanan ay basta ka nalang parang tanga'ng papasok roon. "

Ibinaba nya ang paningin nya sa mga paa nya

"Pero dahil tranferee ka sige pagbibigyan kita. Wag ka nalang uling papasok dito. "

Napapahiyang ibinalik nya ang tingin nya sa akin.

"By the way. I'm Revil Aungtrias,  Your Devil and this is my hell."

Bahagya pa akong nangisi sa sinabi ko lalo pa't kita ko sa mga mata nya ang pagkasindak

"

You,  what's your name ?"

Tanong ko pero tila hindi nya iyon narinig dahil sa relo nya sya nakatuon

"Halaaaa!  Late na'ko!! "

Kumaripas sya nang takbo palabas

"Teka!! " Sigaw ko pero hindi nya na ako nilingon pa

Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya badtrip!

O___O!

Nasinghal ako sa sarili ko'ng naisip

Psh!  Ano namang pakielam ko sa pangalan nang babaeng 'yon?Patawa!

CLAIRE POV

"Asa'n na ba kasi yang room ko na 'yon "

Nasa school ground ako ngayon

Ang laki naman kasi ne'tong Kingville University. Ang daming building. Saan ko hahanapin room ko nyan ?

"Claire  !!!" napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko

At nakita ko si Rye na patakbo na palapit sa'kin kasama si Julian

aish thanks god andito na sila

"Saan kaba nag punta?  Kanina pa kami nag hahanap sayo "-bungad ni Julian

"I've been texting you.  "- Rye

Halata sa mukha nila ang pag aalala sakin

"Ha?  Sorry may napasukan kasi ako'ng basement ata yun tapos may lalaki Revil daw. "

"Revil? " Gulat na tanong nila

Halata sa mukha nila na kilala nila iyon pero bakit sila nagulat? 

"Revil Aungtrias? "Ulit pa ni Julian

"Oo tinakbuhan ko na nga lang eh late nadin kasi ako.  "

Nagtinginan sila na parang hindi makapaniwala ano ba kasi talagang ng meron? 

Hindi na ako magtataka kung sabihin nilang isa iyon sa member ng gang na kaaway nila.

Sa dami nang kaaway nila malabong hindi ko maka encounter ang ilan.

Etong si Rye, simula pag kabata mag kakilala na kami. Alam ko na bawat ikot ng bituka nito. Ang pagiging cold nya tinalo pa yelo pag dating sa iba.

Kahit ganyan sya. Pag kaming mga kaibigan nya ang kasama nya pinipilit nyang bawasan ang pagiging cold nya lalo na pag ako ang kasama n'ya.

Kahit noon na sa ibang school pa ako nag aaral. Nilang kilala eto si Rye sa pagiging Cool pero Cold-Hearted

Pero kahit ganon,  andami paring nagkakagusto sa kanya.

"Ano?  Teka sinaktan ka ba nya? " Sinurk nya kabuuhan ng katawan ko at kusa di'ng tumigil nang mapagtantong wala naman ang galos or kahit na ano.

"Huh?  Hindi ah.. Bakit naman nya ako sasaktan? "

"Wag ka na ulit lalapit sa lalaking yon ah pag nakita mo sya tumakbo ka nalang ulit okay?"

"Bakit? "

Hindi ko maiwasang magtaka dahil sa mga ikinikilos nila. Sino ba talaga yung Revil na yun at ganito ang epekto sa kanila?

"Claire Gangster yun" Seryoso si Julian pero gusto kong matawa

"Eh ano naman? Kayo din naman ah. Hindi ako natatakot sa gaya nya. "

"Hindi sya basta gangster lang. He is the leader of Royal Blood Army buti kamo kina usap ka nya nang hindi ka na sasaktan.  "

Nalaglag ang panga ko sa sinabing yon ni Julian?  Yung lalaking 'yon ay ang leader ng R.B.A? 

"S-Sya ang kilalang heartless leader nang R.B.A " napalunok pa ako sa sarili kong tanong.

Kilala ko ang heartess leader nang R.B.A pero tanging bansag lang nya. Hindi ko alam miski ang pangalan nya.

Alam ko'ng sya ang pinaka kalaban ni Rye--nang gang nya! 

Marami na ako'ng naririnig tungkol sa pagiging heartless nya at masasabi ko'ng sa kwento palang ay nakakatakot na sya.

Hindi ako makapaniwalang nagawa ko'ng makaharap sya nang ganon kalapit at naka pasok pa ako sa hide out nila.

Yung lalaking iyon?  Yung mukhang maamo at hindi makabasag na pinggan nayon ang Heartless leader ng R.B.A?  Hindi ako makapaniwala!

Kung titignan kong ulit ang mukha nya ay talagang hindi bakas sa kanya ang kung ano mang bansag at kwento tungkol sa kanya.

Demonyo sya kung ilarawan nang mga taong natatakot sa knya pero nung makita ko sya ang para syang Anghel...

"Alam ko sanay kana sa mga gangster at badboy pero iba sya Claire, matindi sya. " bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Rye

"M-Maatindi pa sayo? " hindi ko alam saan ko pinulot ang tanong nayon.

Napakunot ng noo nya sa naging tanong ko

"O-Oo. "Parang hindi nya matanggap na sagot

Wuuah?  Ano mas matindi pa sya kay Rye?  Yung mukhang 'yun? Kung iisipin ay parang pareho lang sila ni Rye na mukhang anghel pero may kung anong nag tatago sa loob nila na hindi gugustuhin nang kahit na sino na makita. Pero magkaiba sila sa kung paano itago ito.

Talagang makikita mo sa kanila ang mga salitang dini-describe sa kanila kahit na titigan mo lang sila. At lahat nang salitang iyon ay sobrang nakakatakot...

"O-Oo, kalayuan ko ang taong 'yon.  miski anino nya hindi ko lalapitan" parang wala sa sariling bigkas ko

Nakita ko ang pag buntong hininga'ng ginawa nya bago ngumiti

"Okay.  "  hinimas nya ulo ko

"Grabe ka Claire, first day mo palang pinag alala mo na kami.  " natatawang sabi ni Julian na napakamot ulo pa

"I'm sorry if I made you guys worried. "

"Okay lang remember nangako kami dito kay Boss na lagi ka naming babantayan?  Hindi ka papayag na mapahamak ka. " Hinawakan nya ang balikat ni Rye

Nangiti ako dahil sa sinabi nya.

Masasabi ko'ng napaka swerte ko at sila ang naging kaibigan ko.

"Oh! sige na, Pupunta na'ko sa room ko at late na ako. Baka masermonan na naman ako nyan. Sige si Boss nalang maghahatid sayo sa room mo. "

Nagtinginan sila na para ba'ng may pinag uusapan sa mga titig na'yon.

Nag wave muna si Julian bago tumakbo palayo

Ang cute panoorin ni Julian habang tumatakbo kasi nag ba-bounce yung kulay brown pinkish hair nya.

"Tara.  Hatid na kita sa room mo.  " hinila nya mula sakin yung bag ko. Hindi ko na pinigilan sanay naman akong dinadala nya bag ko eh minsan pa nga sila Julian o Kevin at iba pang member ang nag bubuhat ng bag ko

Ay si Kevin nga pala hindi ko sya nakita ngayong araw ah.

"Si Kevin ?  "

Tanong ko habang naglalakad na kami

"Andito kanina pero habang hinahanap ka namin tumawag ang mom nya may emergency daw kaya umuwe pero bukas papasok din 'yon. Mag classmate kayo "

Lumapad ang ngiti ko nang marinig iyon.

"Talaga?!"

"Oo" nakangiting sagot nya at inakbayan ako

"Hi Keeil!! " bati nung mga babae pag hinto namin sa room ko.

Tinignan lang sila ni Rye na walang kagana gana at bakas sa mukha nyang wala s'yang paki sa mga eto. Tch. Ang lameeeeg!  Parang yelo grabeeee penging jacket hahahaha!

May prof na pag bukas ni Rye ng pinto at syempre huminto sya sa pag didiscuss at lumapit samin

'Sino yang kasama ni Keeil? '

'Yeah why so ugly? '

'Hahaha oo nga '

'Omg! Bag ba nang girl na yon ang bitbit ni Keeil? '

'Gad! Si Keeil may dala'ng bag ng girl?  Unbelievable! '

Rinig ko'ng malakas na bulungan ng mga maarte ko'ng  magiging classmate -_-

Sinamaan lang sila nang tingin ni Rye na ikinatahimik nila na parang takot na takot.

Ganito ba talaga ang isang Cool but Cold-Hearted Gang Leader sa ibang tao?

Hindi ko pa kasi naranasang matakot kay Rye kahit na alam kong ganito sya dahil hindi naman kasi sya nakakatakot pag nasa harap ko. Si Keeil Rye Mercader lang sya pag nasa harap ko wala nang iba, bestfriend ko lang...

"Sir. She's Claire Llobrera, sya yung new tranferee, hinatid ko lang.  "

Paliwanag nya sa prof na halatang hindi makapaniwala tinanggal nya pa salamin nya para tignan ng maiigi si Rye

"Ang isang Keeil Rye Mercader nag bitbit ng bag ng iba at nag hatid ng babae sa room nito?  Is really that you Mr. Mercader? "

Napa ngisi naman si Rye, kahit prof. namin hindi makapaniwala na kasama ko si Rye

tss Oo na! Tanggap ko naman na hindi ko ka level si Rye eh :/

"Yes. Sir ako talaga 'to. "Napapangising sagot nya

"Why? Is she your girlfriend?" turo sa'kin ni Prof

"Ay!  Na'ko hindi po Sir.. "Pag tanggi ko dahil lagi nalang kaming napagkakalaman na mag jowa pag magkasama kami at ako nalang lagi ang tumatanggi -_-

Bumalin ako kay Rye na blangkong naka tingin lang sa ID na suot ni Sir.

Ayon na naman ang walang expressiong mga mata nya.

Ganyan sya palagi pag itinatanggi kong mag syota kami.

Tinanggal nya mula sa pagkakasabit sa balikat nya bag ko at sinuot sakin at mabilis na humarap kay Sir.

"Yes! She's not my girlfriend! " mahinang sigaw nya saka humarap sa'kin "Sige,aalis na'ko" nakangiwing dagdag nya pa at isinuksok ang isang kamag sa bulsa saka tumalikod at nag lakad pero hindi pa man sya nakaka layo ay huminto sya at humarap sakin kasama parin iyong walang expression na mukha nya

"Antayin mo'ko mamaya, sabay tayo uwi. " malamig na dugtong nya saka muling tumalikod at nag lakad paalis

Hayst. Hindi na nga ata matatangal sa pagkatao nya ang pagiging cold :/

Pumasok pa ako ng kaonti sa room

Tinignan ko mga kaklase kong girl God!  Ang sasama ng tingin sakin pano narinig nila lahat ng conversation namin -_-

"So Ms.Llobrera, please introduce your self to your new classmates "

Tumango nalang ako at pumunta sa harap

"Hi I'm Claire Llobrera, sana maka close ko kayo lahat. "Ngumiti ako sa kanila

"Asa kapa ugly girl. "

Sabi nung mataray na babae na may blonde ang buhok may bangs din sya ang ganda nya pero ugh!  Mukhang masama ugali

Dahil sa sinabi nya nag tawanan yung iba

Tss oo dama kong ayaw nila sakin -_-

"Umupo kana Ms.Llobrera "sabi ni Prof

Naghanap nan na ako ng mauupuan

Kaso yung ibang vacant seat pinapatungan nila ng bag nila at sasabihing may naka upo na dito ugh saan nyo ako balak paupuin?

'Kapal ng face pangit naman. '

'Pano kaya sya nakilala ni Keeil agh!  That ugly girl pinansin sya? '

' Baka nilandi '

'Yuck. Sa mukha nyang yan pag iintirisan pa sya ni Keeil?'

Malakas na bulungan nung iba tss. Kala mo naman kung sinong magaganda. Oo pangit na'ko hindi mag kakagusto sa'kin kahit na si Keeil alam ko naman yun :/

"Psst!  Dito kana umupo"-G1

"Tara. "-G2

Aya sakin ng dalawang girl yon!  Mukhang may mababait naman pala

Nakangig akong umupo sa vacant chair sa tabi nila

"Hi Neia Vasquez and she's Raelin Abrigo" Turo nya du'n sa Raelin

"Hi "-Raelin

"Hayaan mo yang mga yan, mapang lait kala mo mag pe-perfect nila saka naiinggit lang yan sayo kasi pinapansin ka ni Keeil  hinatid ka pa ."-Neia

"Oo nga. Ano mo ba si Keeil? " Tanong pa ni Raelin

"Ah Bestfriend ko " nakangiting sagot ko

"Ano?! " mutik nilang nasigaw yun sa gulat

"Si Mercader may Bestfriend na babae? Wow! Swerte mo naman. "-Neia

"Samamtala'ng yung ibang nagkakagusto sa kanya kulang nalang pagmukhaing tanga sarili nila mapansin lang ng Cool but Cold-hearted na si Keeil" napapailing na sabi ni Raelin

Hindi nako nabigla kasi halos lahat naman ganyan sinasabi sakin na swerte ako kasi Bestfriend ko sya ang sungit naman kasi neto ni Rye sa babae pero hindi naman sya pumapatol ayaw nya lang na dinidikitan sya

At ayon pinag Tatanong pa nila ako about sa sarili at pano ko nakilala si Rye nag dadaldalan lang kami habang nag tuturo si Sir.

THANK YOUUUUUUUUU!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT FOR MY IMPROVEMENT

PLEASE SPREAD THE STORY ❤❤❤❤❤❤❤❤

[ For all silent readers that reading this please FOLLOW NYO KOOOOOOO!! Mwehehehe! ]