Ang Simula
Prologo
"Ang lunas ay nabuo na matapos ang mahabang proseso."
Kanyang narining ang pagtunog ng makinang ilang buwan na niyang pinagtitiisang gamitin. Naitapon niya ang hawak-hawak niyang maliit na boteng may lamang sanlagók, atsaka nagmadaling naglakad patungo sa harapan ng makinang lumikha ng magpapagaling sakanyang anak. Malalim na napaisip ang lalaki. Kaagad na pumasok sa isip niya na sa oras na gumana at mapagaling ng sanlagók na ito ang kahit anong sakit, magiging kilala ang kanyang pangalan saanmang sulok ng mundo. Makikilala siya bilang kauna-unahang taong nakahanap ng lunas sa mga malulubhang sakit tulad ng HIV at Cancer.
Kasalukuyan siya ngayong nasa loob ng Unibersidad ng Erzeclein, isang lugar na napapalibutan ng puno, kung kaya't ang mga lupa'y natatakpan ng mga dahon. Mga nagtataasang mga bakod na nagsisilbing hangganan nito. Ang ihip ng hangin ay para bang mga boses na bumubulong, maging ang kaluskos ng mga tuyong dahon ay may nais ipahiwatig.
Ang lalaking ito ay matagumpay na pinamahalaan ang lugar na iyon nang walang nakakaalam. Lugar na nakatago sa kasulok-sulukan ng unibersidad na tanging siya lamang ang maaaring makapunta. Doon siya madalas manatili at ibinubuhos ang oras sa pagbuo ng mga bagong tuklas, lahat ay may kinalaman sa siyensya at sa pagbuo ng lunas para sa may sakit na taong napakalapit sakanyang puso. Hindi lamang siya pupurihin, makakalikom 'din siya ng napakalaking halaga ng pera kaya't magagawa niya ang nanaisin.
Siya'y nalunod sakanyang kagalakan. Binitawan niya saglit ang bote atsaka nagtungo sa harapan ng isang mesa, kung saan isang katawan ng babae ang nakahiga't nasa mahimbing na tulog. Walang hanggang pamamahinga. Araw-araw, wala siyang ibang nagawa kundi titigan at iyakan ito. Pero ito na ang huling araw na mararanasan niya pa ito. Magigising na ito sa pamamagitan ng nilikha niyang lunas.
Muli ay binalikan niya ang maliit na bote. Siya'y nagising sa katotohanan nang hindi niya natagpuan doon ang kanyang gawa. Sino ang nagnakaw ng pinakatatago niyang pormula? Nang mapatingin siya sa direksyon ng pintuan ay may nakita siyang aninong papalabas ng kanyang laboratoryo.
Nagmadali 'din siyang lumabas upang habulin ang magnanakaw. Nang makalabas siya sa kagubatang nagtatago sa munting laboratoryo niya'y hindi niya ito naabutan. Lumingon siya, balisa ang kanyang isip. "Hindi ito maaari! Ang lunas na iyon ay para saaking anak! Walang dapat na magmay-ari no'n kundi ako lang!" bigkas niya sakanyang sarili. Mahigpit ang pagkakasarado ng kanyang mga kamao. Sa sobrang higpit ay parang babaon ang kanyang mga kuko sa kanyang palad. Ngunit mukhang hindi ito alintana sakanya. Ang tanging nasa isip niya lang ay mahanap ang taong nagnakaw ng kanyang pormula.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Sakanyang pagpapatuloy ay nakakuha sa atensyon niya ang apat na estudyanteng nakatayo lamang doon at nagtatawanan sa isa't isa. Nang mapagtanto nilang mariin silang pinagmamasdan ng propesor, napatigil sila at napayuko. "Ano bang ginagawa ng apat na ito dito? Sila ba ang nagnakaw ng pormula kaya sila nagtatawanan? Kailangan ko iyong mabawi, anumang mangyari."
Hinigit niya ang isa sakanila sa kanyang kwelyo. Itinutok niya ang kanyang mukha sa lalaki. "Ikaw! Sabihin mo kung sino sainyo ang nagnakaw ng bagay na iyon!" sigaw nito. Mukhang nawala na siya sakanyang sarili. Nanatiling tahimik ang lalaki sa sobrang takot nito. Hindi niya masagot ang tanong ng propesor, kahit alam niya sa sarili niyang wala siyang kinalaman sa nangyari. Napaatras ang ilan sakanila, maging sila'y nakaramdam ng takot.
"H-Hindi p-po kami nagnanakaw ng k-kahit ano." bigkas ng isa na mukhang bayot. Nanlilisik ang mga matang pinagmasdan sila ng wala sa sariling propesor. "Sinungaling!" muli ay sumigaw siya at marahas na itinulak ang hawak-hawak niyang lalaki. "Lahat kayo, tumakbo kayo't magtago. Kung sino man ang maabutan ko sainyo ay ililibing ko nang buhay!" Lahat sila'y nagsitakbuhan. Ang ilan sakanila ay nagkahiwa-hiwalay at ang ilan ay nagtago sa ilang kwarto sa loob ng unibersidad. Ang ilan ay matagumpay na nakalabas.
Ngunit ang isa sa mga estudyante ay natagpuan niya. Kaagad ay humila siya ng isang silya atsaka walang awang hinampas niya ito sa likod ng babae. Nasubsob ang babae atsaka naman siya nagsuka ng dugo. "Sino ang nagnakaw no'n!?" tanong niya. Naiiyak na umiling ang babae habang pinupunasan ang dugo sakanyang bibig. "H-hindi k-ko p-po a-alam." sagot niya at muli siyang umubo at sumuka ng dugo.
"Sinungaling!" sigaw muli ng lalaki atsaka sinipa ang katawan ng babae, dahilan ng pagkauntog niya sa isa sa mga silya. "T-tulungan m-mo a-ako." pagmamakaawa ng babae matapos niyang makaharap ang isa sakanyang mga kasamahan. Napatakip na lamang ng bibig ang kanyang kasama matapos tapakan ng lalaki ang ulo ng kanyang kaibigan at tumalsik ang dugo sa mga silya. Mabilis na tumakbo ang nakakita sa insidenteng iyon atsaka nagtago.
"Hindi siya pwedeng makatakas! Kailangan ko siyang mapaslang!" bigkas niya sakanyang isipan. "Papaano na lamang kung makatakas silang lahat at isumbong ako sa aming Head Mistress? Hindi ito maaari! Magtatapos ang kanilang mga buhay dito!" Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hinabol niya ang babae, hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
Sa kasamaang palad, nangyari ang lahat ng ito ay naganap ng linggo kaya't wala gaanong tao sa loob ng unibersidad. Lahat ng propesor ay nasa kani-kanilang siesta. Nagkataong nandoon ang apat na estudyante dahil mayroon silang pag-eensayo na may kinalaman sa kanilang asignaturang MAPEH. Hindi nila inaasahang masasaksihan nila ang kamatayan ng bawat isa sakanila, dahil sa nasiraang-bait na propesor.
Sumunod na araw, nang matagpuan ng propesor ang dalagang nakasaksi sa kamatayan ng kanyang kaibigan, mabilis niya itong sinunggaban matapos ang kanilang mga klase. Mabilis na tumakbo ang dalaga, pero huli na ang lahat nang matagumpay na nahuli siya ng lalaki. "At saan ka naman pupunta? Magsusumbong ka no?" Napakalaki ng mga mata ng propesor na para bang lalabas na ang mga ito. Umiling lamang ng umiling ang babae, dahil ayaw niyang mag-sumbong, kung hindi ay iyon na ang katapusan ng kanyang buhay.
Gumapang ang babae, nagmamakaawang pakawalan na siya ng propesor. Pero walang awa ang lalaking ito. Hinigit niya ang latigong nakatago sa loob ng kanyang bulsa atsaka ito pinaghahampas sa babae. Nalapnos ng latigong ito ang kanyang balat. Matapos ang ilang hampas sakanya ng latigo, siya'y binawian na ng buhay.
Sa mga sumunod na linggo, matagumpay na napatay ng propesor ang lahat ng nakakita sakanya noong araw na iyon. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapagsalita. Sa halip ay nagtago sila ng ilang mga sulat. Doon ay nakasulat ang mga naging karanasan nila sa kamay ng propesor.
Nagkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng faculty. Lahat ng propesor ng unibersidad ay tinipon upang tanungin isa-isa tungkol sa pagkawala ng mga estudyante. "Mr. Erginald Solomon, ano ang nangyari sa apat na nawawalang estudyante? Nasa loob ka ng unibersidad noong linggo." tanong ng Head. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ni Erginald. Hindi siya makasagot.
"Ikaw ay tinatanggalan ko ng pahintulot sa pagtuturo sa unibersidad na ito. Ikaw ay makakabalik lamang kung mahahanap mo ang mga nawawalang estudyante." Dagdag ng Head Mistress bago siya tuluyang umalis. "Hindi ako aalis sa loob ng unibersidad na ito! Hindi maaari!" inisip niya.
"Hinde!" sigaw niya. Napatigil sa paglalakad ang Head Mistress. Napaharap ito sakanya. "Wala po akong kinalaman sa pagkawala ng mga estudyante. Maniwala po kayo saakin. Huwag niyo pong alisin ang karapatan kong magturo." pagsisinungaling niya. Tumalikod na muli ang Head Mistress atsaka na umalis. Dahil ayaw niyang umalis ay napilitan ang iba pang miyembro ng faculty na kaladkarin siya palabas ng unibersidad.
Bago siya tuluyang makaalis, narinig niyang magsalita ang isa sa mga kasamahan niyang propesor. "Tignan mo 'tong larawan. Apat na upuan ang bakante." turo nito sa larawan. "Kung hindi pala isinagawa ang pagkuha ng larawan ng bawat klase, wala tayong muwang na may nawawalang estudyante. Nabanggit lamang saakin kahapon nung magulang nung isang bata."
Hinayaan nila itong mapaupo sa labas ng pintuan ng unibersidad. Wala sa sariling nagpalingon-lingon si Erginald. Paano niya mababalik ang mga estudyanteng kanyang pinatay? Habang umihip ang hangin, isang papel ang tumama sa kanyang mga kamay. Pinulot niya ito. Iyon ang class picture kung saan may bakanteng mga upuan.
"Tumayo ka't huwag magmukhang bigo." bigkas ng isang boses. Inikot niya ang kanyang paningin upang hanapin kung nasaan ito nagmula. "Gusto mo bang mabuhay muli ang iyong anak?" tanong ng boses. Ilang beses na tumango ang propesor. "Kailangan mong kumpletuhin ang class picture. Kailangang malagyan mo ng estudyante ang mga bakanteng upuan."
"P-Paano? P-Paano ko ito g-gagawin?"
"Umpisahan mo... sa pagpatay."