Pagtanggap at Pagpapatawad
Ikalabing-pitong Kabanata
"Becca." bigkas ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa aking likuran. Pinunasan ko ang aking mga luha. Unti-unting lumiwanag ang paningin ko. "Ms. Dela Vara? Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko. Napangiti siya saakin. "Hindi ko 'din alam, Becca. Sumunod lang ako sa kung saan ako dinala ng aking mga paa. Mabuti't napadpad ako dito, upang mailigtas kayo." sabi ni Ms. Dela Vara.
"Pero mukhang natapos mo na ang laban, Becca. Ginamit mo sa tama ang lahat ng natutunan mo." dagdag pa niya atsaka ako tinapik sa braso. "Pasensya na po pero mukhang hindi pa tapos ang laban." dinig kong bigkas ni Jack. Anong ibig niyang sabihin?
"Becca..." tawag niya sa pangalan ko. Napatingin ako sakanya. Tumayo ako at mahigpit siyang yinakap. Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik. "Becca, kailangan mong makinig." bigkas niya sa tenga ko atsaka ako humiwalay sa yakap. "Sina Jerome, hindi pa sila nagigising. At si Lyneth..." Kaagad ay naglakad ako papalapit saaking mga kaibigan. Ramdam kong sumunod saakin si Ms. Dela Vara.
Lumapit ako kay Lyneth atsaka dinamdam ang kanyang pulso. Nakita ko ang duguan niyang kamay na natamo siya mula kay Mr. Erginald. Nararamdaman ko pa ang kanyang pulso ngunit mahina na lamang ito. Iniikot ko ang aking shoulder bag atsaka kumuha ng isang vial ng kulay rosas na likido. Tinanggal ko ang takip nito atsaka ibinuhos sa sugat niya. Muli ay nasaksihan nila ang pagbalik ng dugo at ang paghilom ng kanyang sugat.
"Anong nangyari, Becca? Hindi ba't patay na sina Liza nang makita natin sila?" tanong ni Ashley. Umiling ako sakanya. "Nakita niyo ang nangyari diba? Si Mr. Dimorsnol ang may gawa ng lahat ng ito. Lahat ng nakita nating bangkay nila ay mga clones lang. Ginamit niya ang mga cloning machines upang ipakitang patay na sila." paliwanag ko sakanila. Nakita ko silang tumango matapos.
"Pero Becca, narinig ko ang tito ko." Narinig ko si Becca na magsalita. "Sa oras na mailabas ang mga katawan nila sa mga cloning machines. Manunuyo ang mga balat nila at..." "Ano, Rinnah? Ituloy mo ang iyong sinasabi!" sabi ni Mikee.
"Mamamatay sila. Tuluyan." Tuglong ni Becca. Napatingin ako sa lupa. "Huwag kayong mag-alala, mayroon pa akong healing potions. Gagamitin ko ang lahat ng ito upang mailigtas sila." Nakita kong mabuo ang mga ngiti sa dulo ng kanilang mga pisngi. Nakita ko si Jack na hawak ang kamay ng kanyang kaibigang si Nath, sa tabi niya ay nandoon 'din si Mikee.
Lahat kami'y nasiyahan ng masaksihan ang paggising ni Lyneth. Lumapit si Rinnah sakanya atsaka siya inalalayang makatayo. Nang makaupo siya'y doon niya lang napansin si Rinnah at marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak niya. "Ikaw! Ikaw ang kasabwat ng kung sino man ang gumagawa nito! Nakita ko siya, guys. Nakita ko ang lahat ng ginawa niya." Napayuko si Rinnah at napaatras ng kaunti.
"Kumalma ka, Lyneth." sabi ni Ashley sakanya atsaka siya hinimas sa likod. Nag-iwas siya ng tingin kay Rinnah. Mukhang galit na galit ito. "Si Jerome. Nasaan si Jerome? Nailigtas ba si Jerome?" tanong niya at balisang tumingin sa paligid. "Andito siya." sabi ni Jack atsaka itinuro ang walang malay na si Jerome na nakahiga ngayon sa lupang natatakpan ng damo.
Mabilis na tumayo si Lyneth at lumapit kay Jerome. Sa oras na makita niya ito ay naiyak siya. Punong-puno ng pagsisi ang kanyang puso. Sa mga oras na iyon, sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari. Kung hindi siya prinotektahan ni Jerome, malamang ay ayos lang ito ngayon. Hinawakan niya ang pisngi nito. Naiyak 'din si Ashley at Mikee matapos makita si Lyneth. "Magiging ayos 'din siya, Lyneth." paalala ko sakanya.
"Gawan mo ng paraan, Becca. Hindi ba kaibigan kita? Tulungan mo ako. Tulungan mo si Jerome. Gamitin mo ang iyong mga kasangkapan, please." bigkas niya, ang kanyang boses ay medyo basag dahil sakanyang pag-iyak. Muli akong kumuha ng vial atsaka iyon binuksan, ibinuhos sa sugat ni Jerome. "Gigising 'din siya, Lyneth. Huwag kang mag-alala. Tatalab ang binigay kong gamot sakanya."
Naglakad ako patungo sa mga katawan nina Liza, Markie, at Nathaniel. Isa-isa kong binuhusan ng healing potion ang kanilang mga sugat. Papalapit na ako kay Nathaniel nang... "Anong problema, Becca?" tanong ni Mikee saakin. Maigi kong kinalkal ang mga sulok ng aking bag. Wala nabang natitira?
Inisip ko lahat ng pinanggamitan ko ng potion. Una si Betty, si Mikee, Lyneth, Jerome, Liza, at Markie. Anim na vial ang aking naggamit, sakto lamang sa dinala ko. "Becca, nasaan na ang huling vial?" tanong niya saakin. Malungkot na tinignan ko siya. Sinasabi sakanyang wala ng natira. Lumapit saakin si Mikee atsaka hinawakan ang aking kamay.
"May natitira ka pa, diba? Ipakita mo na saakin. D-Dalian m-mo, Becca. Bago m-mahuli ang l-lahat." sabi niya. "Hindi mo ba makita sa bag mo? H-Hayaan m-mong ako ang magh-hanap." Hinigit niya saakin ang akinh shoulder bag. Hinalughog niya ang loob nito. Wala. Wala ng natitirang mga vial.
"Becca, ang unfair mo." bigkas niya. Hindi ko inaasahan ay tumulo 'din ang mga luha sa pisngi ko. "Sabi mo, lahat sila mabibigyan. Paano naman si Nath? Hahayaan mo nalang siyang mamatay?" tanong niya. Napaluhod siya sa harap ni Nathaniel. Mahina niyang sinuntok ang dibdib nito.
"Hoy! Gumising ka d'yan! Sisipain talaga kita, Nathaniel. Hindi ka babangon d'yan? Tigilan mo na ang pagbibiro mo, sinabing tumayo ka na diyan, eh!" sigaw ni Mikee. Yinakap niya ang katawan ni Nathaniel. Dumilim ang paligid na para bang sumasabay ang langit sa aming pagdurusa. "N-Nath." tawag niya dito. Wala siyang natanggap na sagot. Tumulo ang mga luha niya sa katawan nito.
Natuon ang aming tingin sakanilang dalawa. Dapat kong sisihin ang sarili ko. Sa ikalawang pagkakataon, hindi ko siya nailigtas. Ilang saglit ang lumipas, nagising si Markie at Liza. Nanatiling walang buhay si Jerome at Nathaniel. "Ms. Dela Vara?" bigkas ko. Lumapit ako sakanya. "Baka po may dala po kayo? Parang awa niyo na po, iligtas niyo po ang kaibigan namin." pagmamakaawa ko.
"Hindi mo na kailangang magmakaawa, Becca. Nasulusyunan na ang inyong problema." saad niya. Napatingin ako kay Mikee, na ngayo'y kumikinang ang mga mata sa nakikita. Lumiwanag ang parting nasugatan si Nathaniel, kung saan tumulo ang mga luha ni Mikee, atsaka iyon unti-unting naghilom. Sa oras na magsara ang sugat niya, mahigpit na niyakap siya ni Mikee. "Woah! Mabuhay akong muli!" bigkas ni Nath. Natawa naman sakanya si Mikee habang yakap siya nito.
"Manahimik ka. May isang suntok ka sakin." sabi ni Mikee at napangiti sa likod ni Nath. Muling tumutulo ang mga luha hindi dahil siya'y nalulungkot kundi dahil siya'y lubos na nagagalak. "Paanong nangyari?" tanong ko sakanila. "Hija, uminom ka ba sa dala-dalang healing potion ni Becca?" tanong ni Ms. Dela Vara kay Mikee. Kumalas ito sa pagyakap kay Nathaniel at tumango.
"Ang ininom mong gamot ay nagcirculate kasama ang iyong dugo. Kaya siguro napagaling ng tubig na nanggaling sa iyong katawan ang sugat ng binatang ito." Paliwanag ni Ms. Dela Vara. Lahat kami ay napangiti. "Nagalala ka ba saakin, Mikee?" tanong ni Nathaniel sakanya. Naramdaman niyang mamula ang kanyang mga pisngi at pinunasan ang kanyang mga luha. "Shut up."
"Bakit hindi parin nagigising si Jerome?" tanong ni Ashley. Napatingin kami kay Lyneth na nanuyo na mga luha sa pisngi. Ibinuka niya ang kanyang bibig upang magsalita. "Mahal kita, Jerome. Kaya bumangon ka d'yan. Lalabas pa tayo dito sa eskwelahang ito. Hindi pa tayo nakapagdate. Hindi mo pa ako nalilibreng kumain sa labas. Kai-" natigilan siya nang may marinig kaming magsalita.
"Ang ingay mo, Ms. Roque. 'Di ako makatulog ng maayos." bigkas ni Jerome, garalgal ang boses. Mahigpit na niyakap siya ni Lyneth. Natawa naman kami sa komento niya. "So anong gusto mong gawin? Matulog ka nalang diyan? Sige iiwan ka na namin." bigkas ni Lyneth at akmang tatayo na sana nang hilain siya ni Jerome at hinalikan sa labi.
Nagpalakpakan kami sa sobrang saya. Sa wakas, tapos na ang laban. Makakalabas na kami sa lugar na ito. Wala ng pipigil pa saamin. Ligtas kaming lahat, walang nabawasan saamin. Napatingin ako kay Jack. Nakita ko siyang ngumiti saakin na sinuklian ko naman siya pabalik. Kumakabog ng malakas ang puso ko, nalagpasan namin ang pagsubok na ito. Sa huli, nanaig parin ang kabutihan.
--**--
"Explain everything." bigkas ni Mikee kay Rinnah. Nakapalibot kami ngayon sa isang bonfire. Ito ang nagbibigay saamin ng init sa malamig na gabi. Napagdesisyunan naming mag-stay muna dahil ito na ang kahuli-hulihang araw at makakaalis na kami bukas. Kahit na patay na si Mr. Erginald, naglagay parin kami ng enchantments ni Ms. Dela Vara para masigurong ligtas kaming lahat.
Nakahiga si Nathaniel sa lap ni Mikee habang ginugulo nito ang kanyang buhok. Nakasandal naman si Lyneth sa balikat ni Jerome. Parehong nakacling sa isa't isa si Markie at Liza. Magkatabi si Ashley at si Ms. Dela Vara. Kayakap ni Rinnah ang kanyang mga paa habang katabi ko naman si Jack. Lahat kami ay tahimik na nakamasid ngayon kay Rinnah.
Narinig namin siyang tumikhim bago magsalita. "First of all guys, I just want to say sorry. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry at narealize ko na nang late, atleast ligtas tayong lahat. Alam kong wala ng magagawa ang sorry ko at baka may iilan na saatin ang trauma, pero sana mapatawad niyo ako." panimula niya.
"Pinsan ko si Erzeclein. Hindi lang pinsan, kundi isang matalik na kaibigan. Noong namatay siya dahil sa isang malubhang sakit, labis akong nalungkot. Nawala ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan at masasandalan ko. Years had passed at nag-aral ako dito sa Erzeclein University, na noo'y Dandelion University. Alam kong ang Erzeclein ay galing sa pangalan niya, at hindi ko inaasahan na gagawin ito ni Tito."
"Siguro nadala niya ako sa mga salita niya. Nangako siyang ibabalik niya si Erzeclein. Pero hindi ko alam na gagamit siya ng pwersa. Hindi ko alam na sasanib siya sa mga demonyo. Sobrang desperado niya at gusto niyang mabuhay uli ang pinsan ko. Nalasom niya ang utak ko, at naging sunod-sunuran ako sakanya. Lahat ng sinabi niya ay sinunod ko, dahil sarili kolang ang iniisip ko. Sariling kaligayahan ko lang ang iniisip ko." Lahat kami tahimil parin na nakikinig sakanya.
"Kaya noong binasa ni Becca ang sulat na galing kay Nathaniel, naguilty ako. Nagdadalawang-isip ako. Doon ko pinagsisihan na iniwan ko si Nath para lang iligtas ang sarili ko. Doon ko napagsisihan lahat ng ginawa ko. Kaya noong nawala si Jerome at Lyneth, at nang umalis kayo ni Jack," tumingin saakin si Rinnah. "Sinundan ko kayo. Pero pagkatapos no'n ay may natanggap ako na mensahe. Naiinis si Tito kay Lyneth dahil unti-unti niyang natuklasan ang tungkol saakin. Pinapunta niya na ako sa secret laboratory, at hinintay ang pagpunta mo doon, Becca."
"Pero nang dahil sa mga salita ni Nath, nakonsensiya ako. Nangako ako sa sarili ko na ililigtas ko kayong lahat sa abot ng makakaya ko. Labis kong pinagsisihan lahat ng pagkakamali ko. Kaya nang makahanap ako ng tiempo, tinulungan ko si Becca na dalhin papalabas ang mga katawan nina Jerome. At ayoko nang magpailalim pa kay Tito Erginald."
"So, all this time alam mo 'din si Mr. Angelo Dimorsnol at Erginald Solomon ay iisa?" tanong ni Markie sakanya. Tumango lamang si Rinnah. "Ayos na 'yon, Rinnah. Atleast nalaman naming nagsisi ka sa mga ginawa mo at tinulungan mo pa kami upang magapi natin si Mr. Erginald kahit na tito mo pa siya. Pinapatawad ka na namin." paalala ko sakanya.
"Yeah, right." sagot ni Jerome atsaka ngumiti sakanya. Nakita siya ni Lyneth at mabilis na itinutok ang mukha ni Jerome sakanya. "Huwag kang ngingiti sakanya!" bulong niya. Natawa lamang si Jerome sakanya. "Don't be jealous, baby. You're cute." sabi ni Jerome atsaka pinisil ang pisngi ni Lyneth. Pinisil naman ni Lyneth ang ilong niya. "Jealous mo mukha mo!" sumbat ni Lyneth.
"Ehem!" malakas na ubo ni Markie na nagpatigil kina Lyneth at Jerome. Natawa naman kaming lahat sakanila. "Bago ka umalis noong araw na iyon, may sinabi ka Rinnah. Ano ba ang pangarap mo?" tanong ko sakanya. Napatingala siya at nakita ang mga bituwin sa langit. "Pangarap kong maging graphic artist at animator." tipid na bigkas niya.
"Bakit iyon ang napili mong pangarap?" tanong ni Ashley sakanya. Narinig namin siyang mahinang bumuntong-hininga. "I wanna show my emotions through animated pictures. I wanna show my talent through this images. And also, I wanted to include my experience here. My realization of things. What I learned from this chapter of my life." Malalim na bigkas niya. Gano'n paman ay naintindihan namin siya.
"Ms. Dela Vara." Tawag ko. Nagising sa katotohanan si Ms. Vara atsaka napatingin saakin. "Ano iyon, hija?" tanong niya. "Paano po kayo nagkagusto kay Mr. Erginald?" tanong ko. Nakita ko siyang manginig matapos kong sabihin ang tanong. "Ayos lang po kung hindi po kaya komportable at ayaw niyong magkuwento. Naiintindihan ko naman po." sabi ko.
"Ayos lang, hija." sagot naman niya. Ipinaubaya ko ang aking mga tenga upang makinig. "Napakalambing na tao niya kasi noong una. Una kaming nagkita dito, sa Dandelion University. Sabay kaming natuto ng lahat ng bagay. Hanggang sa matuklasan niya ang tungkol saaking mga kakayahan. Hindi ko alam na ginamit niya lang pala ako. May isang babae siyang nagugustuhan, at lahat ng pinakita niya saakin ay peke. Ang gusto niya lang ay ang matutunan ang kapangyarihan na taglay ko."
"Kilala niyo po ba kung sino ang babaeng nagkagusto si Mr. Erginald?" tanong ko. "Oo, pero hindi kona sasabihin. Ayoko ng halungkatin pa ang nakaraan. Bumalik na tayo sa pag-uusap ninyo. Gusto kong malaman ang mga pangarap niyo. Nagpahayag na si Ms. Rinnah, ikaw na ang sunod, Becca. Ano ba ang pangarap mo?" pag-iiba ni Ms. Vara sa topic. Pangarap ko?
"Ang gusto ko lang po ay makapagtapos ng pag-aaral, makahanap ng magandang trabaho at mabili si Mama ng malaking bahay. At doon kami titira. Ipapakain ko sakanya lahat ng masasarap na pagkain at matutulog sa malambot na kama. Hindi ko na 'din siya hahayaang magtrabaho. Gusto ko lang ay maging maginhawa ang buhay niya at buhay ko." sabi ko naman. Nakita kong nakatingin saakin si Jack at mabilis naman akong nag-iwas ng tingin.
"Next, Liza." sabi ko atsaka itinutok ang mga kamay ko sa apoy upang mainitan ako. "Woah. It's the first time someone asked me about my dream." bigkas niya. Napangiti siya saakin sarili. "Before I entered this university, I was very upset with my parents. They want me to take a business management course that I don't like. My dream is to become model. That's all." sabi niya atsaka nakipag-apiran kay Markie. "You're next, Markie."
Tumayo siya atsaka humarap saamin. "Well, hello everyone. First of all, I would like to thank all of you for saving me. Second I would like to say I'm confidently beautiful with the heart. And lastly, I want to take this opportunity to show you who really am. But beforw that, let me ask what is the question again?" Lahat kami ay natawa kay Markie. Ang haba-haba ng sinabi niya hanggang sa nakalimutan na niya ang tanong namin.
Tumayo si Nathaniel atsaka naman ginaya si Markie. "What is your dream, besh?" bigkas ni Nath. Natatawa kaming lahat sakanya. "Well, thank you for that astounding, exquisite, fascinating, flabbergasting, and wonderful question. My dream is to become an inpiration to people. I want to show the world, and inspire the world with my own abilities. I will show them that being different isn't a hindrance in pursuing their dreams. That everyone has their own strengths that will help them beat their weaknesses, and I, thank yow!" Lahat kami nagpalakpakan sa sagot niya.
"What I mean is, I'm undecided. Thank you once again." Muli ay napatawa kami ni Markie sakanyang kalokohan. Umupo na siya ulit. Nakakagaan ng pakiramdam at nakakatawa na muli kami, sa kabila ng mga pinagdaanan namin sa loob ng ilang araw na pananatili namin dito. "You're next, Nathy babes."
"Ayy, thank you kumars!" sagot pabalik ni Nath. "Simple lang naman ang pangarap ko. Actually, pareho kami ng pangarap ni Isma. Ang maging isang tanyag na basketball player. 'Yun lang. Pero syempre, ngayon na nandito na si Mikee, I have my new dream again." sabi ni Nath. Nag-ayieehh kaming lahat at nakita kong mamula si Mikee. Pinalo naman siya nito sa balikat. "Mikee, you're next."
"Gusto kong maging kontrabida sa teleserye. 'Yun lang, I hate explanations." bigkas niya. Hinayaan niyang humiga muli si Nath sa lap niya. "Next, Ash." Nag-ayos ng upo si Ashley matapos siyang tawagin ni Mikee. "I want to become a teacher. I want to teach children kung ano ang mga natutunan ko sa buhay. Maging inspirasyon 'din sakanila." saad ni Ashley habang may isinusulat sa lupa gamit ang stick.
"Ikaw na Lynn!" sigaw niya. Napatingin naman si Lyneth saamin. "I want to become a detective. I want to solve mysteries." sabi niya. "You're close at being one." sabi sakanya ni Rinnah atsaka siya nginitian. Napaharap kaming lahat sa isa't isa. "I'm sorry, Lyn. I hope you forgive me."
Tumayo si Lyneth atsaka lumapit kay Rinnah. Mahigpit niya itong yinakap. Nag-uhh kaming lahat dahil sa wakas, napatawad na nila ang isa't isa. Forgive and forget, I guess. "Oh, kumain na muna kayo. Abala kayo sa pag-uusap at pinangkuha ko na kayo ng mansanas." sabi ni Ms. Vara na ikinagulat namin. Isa-isa niya kaming inabutan ng mansanas at masaya namin iyong kinain. Pagkatapos ay natulog na kami, upang may lakas kami na harapin ang kinabukasan.
--**--
"Becca." bigkas ng isang boses. Tinatawag niya ang dalaga, humihingi ng tulong, upang mapakawalan sa isang lugar na matagal na siyang nakakulong. Isang madilim at malungkot na lugar. Lugar na punong-puno ng negatibong enerhiya. Gustong-gusto na niyang kumawala, pero hindi niya magawa.
"Tulungan mo ako, Becca." bigkas muli ng boses. Ngunit hindi siya makalapit. May pumipigil sakanya. May isang taong sumasalungat sa kinikilos niya. Nakatayo ang lalaki sa harap ng babaeng humihingi ng tulong. Ayaw niya itong pakawalan. Gagawin niya ang lahat makasama niya lang muli ito.
"Pangako, makakalabas ka riyan. Hintayin mo ako, Erzeclein." Naniniguradong bigkas ni Becca.