Chapter 21. Damn
JUST a few days after, Timo and the group already tracked the cruise lines that the syndicate had been using to smuggle drugs and guns. He immediately called dela Costa.
"Hugh will come and pick up Leigh. Don't do anything funny or else, I'll tell Brianna Lei what did you do to her that night."
"Is that a threat?" walang ganang tanong nito. "Then, should I tell my Jinny that you were the one who brought her home that night, too? Anong ginawa niyo sa loob ng tatlong oras? Putcha, para kayong nag-hotel, ah!" That was just a joke but he felt guilty about it. And that's not just three hours. Halos limang oras niyang kasama ang babae noon. Limang oras na naramdaman niyang tila pinunan nito ang kulang sa kaniyang buhay...
"Fuck you," ang tanging naisagot niya.
"But, dude, don't tell Bree."
He didn't respond. He still couldn't believe he turned his childhood friend to a sleeper agent—a secret agent that's only activated when needed, and if the jobs were done already, the agent would be sent to a laboratory to reverse or control the mind in order to forget everything about the missions handled. "Kung ako sa kuya niya, mapapatay kita."
"Yeah. He will surely kill me."
Gago.
"Anyway, I won't meddle in. Instead, let me join forces with you. The Punzalans are my family's friend so I want to help them."
In the end, they formed an alliance regarding that mission.
Ilang oras lang ang nakalipas ay tumawag na sa kanya si Leigh, at inasahan na niya iyon. Nagtanong ito kung ano ang ginagawa ni dela Costa sa misyong iyon.
"It's my family's business so allow me to lead this mission." She stressed the words 'my family's business'.
"Phoenix is joining us. You know that saying 'two is better than one', right?" Alam niyang wala nang magagawa sa desisyon niya si Leigh kung hindi ang sumunod na lamang sa plano.
She just hissed and she murmured, "I really don't like seeing Kuya Rexton these days..."
"Don't worry, you'll finish it in no time."
Which they did. Natapos ang misyon at ngayo'y balik-Maynila na si dela Costa. Tinawagan siya nito at nag-set ng meeting sa Montreal Agency. Hindi pa niya alam kung ano ang eksaktong pag-uusapan nila, maaaring bagong kaso na naman iyon na tatrabahuin nila.
Dumiretso na siya sa sa conference room na sinabi nito kung saan sila magkikita. Bakit ba sa conference room pa, pu-pwede namang sa opisina na lang nito? But, he was already at the eighth floor, where it was located. Bumagal ang paglakad niya nang mapadako ang tingin sa pader ng hallway. Mayroong nakapaskil na posters ang mga talents at artists na hinahawakan ng entertainment agency na iyon at nanatili ang mga titig niya sa bagong poster ng Sunshine. Mula nang magbalik ang mga ito sa industriya ay mas umingay ang pangalan ng mga ito, at ang balita niya'y baka magkaroon din ng Asian Tour ang banda sa mga susunod na taon dahil sa naging mainit na pagtanggap ng mga tagahanga. Pero sa ngayo'y focused ang mga ito sa pag-record ng mga bagong kanta, at pagpunta sa mga gigs sa iba't ibang high-end bars, pati na rin TV guestings. At magkakaroon din ng comeback tour sa iba't ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan.
Alam na alam, ah...
Hindi niya pinansin ang pangungutiya ng kaniyang sarili sa isipan. Talagang alam niya dahil nakasubaybay siya kay Jinny mula nang gabing mapagpasyahan niyang lumayo na rito dahil ayaw niya ngang makipagrelasyon sa single mom.
What a petty excuse.
Parang umalingawngaw tuloy sa kaniya ang litanya ni Nikolaj Devila nang sabihin niya ritong pinagsisisihan niyang lumayo siya kay Jinny nang malaman ang totoo tungkol sa babaeng nagpabaliw sa kaniyang puso...
"Lumayo pero updated ka sa buhay ng babae mo? Sinong niloloko mo? Pagkatapos ngayon, ano? Nagsisisi kang nilayuan mo? Kagaguhan mo, L.A."
Napailing na lang siya para iwaglit iyon sa isipan at dire-diretso nang tumungo sa conference room, pero wala pang tao. Maging ang mga ilaw ay iisa lamang ang nakasindi, sa bandang harapan pa kung nasaan ang projector screen.
"'Tanginang Rexton, paghihintayin pa yata ako," bulalas niya nang umupo sa isa sa mga upuan.
Halos dalawampung minuto na ang nakalipas nang wala pa rin ito. Another five minutes and he would leave.
Nang mapansin niyang bumukas ang pinto ay nag-angat siya ng tingin. Handa na siyang salubungin at paulanin ng mura ang lalaking iyon pero naiwang nakamaang ang bibig niya nang makilala kung sino ang pumasok.
At gaya niya'y nagulat din ang babae pagkakita sa kaniya.
He sat up straight and immediately composed himself. Damn it! He'd been doing all he can to avoid meeting her, he even gave out his job to others whenever Rexton told him that Sunshine was having interviews with VBS and he should be the interviewer...
What now?
Napayuko siya't napagtanto niyang hindi pa rin niya kayang pakiharapan si Jinny dahil sa katotohanang nahihiya siya. Parang umuurong ang bayag niya sa tuwing naaalala ang gabing pinagsaluhan nila. Oo nga't isa iyon sa pinakamagandang nangyari sa tanangbuhay niya pero hindi maipagkakailang nahihiya siya't nagagalit sa sarili dahil para na rin niyang sinamantala ang pagkakataon noon. Na iniisip niyang kung nagkataong hindi nakainom ng demonyong gamot na iyon ni Jinny ay nunca patulan siya nito. Na baka kaya ganoon lamang ang reaksyon nito noong may nangyari sa kanila ay dahil hindi nito alam ang ginagawa...
"Timo!" Jinny awkwardly cut the silence, and she sounded so surprised as she uttered his name. He didn't know how to react so he kept on looking down and he gulped. He was so nervous that he clasped his hands, nakapatong ang mga iyon sa hita niya't madiing pinindot-pindot ang magkabila niyang palad. Para siyang teenage boy na nahuling may ginagawang kalokohan. "L-long time no s-see..." dagdag pa nito.
Nag-angat ulit siya ng tingin at napagtanto kung gaanong lalo itong gumanda. Hiyang na hiyang talaga nito ang pagbabanda... She had her hair cut that emphasized her rounded and small face that's making her looked like a living masterpiece. She was glowing, too, and it seemed like she gained weight a bit. Just enough for her curves to hug the right places.
He gulped and he wanted to punch himself at once to wake up from his senses, they hadn't seen each other in while and yet, all he's doing was praise her ethereal beauty silently. Couldn't he just say hi or hello first?
Napamaang siya nang mapansing namumula na ang magkabilang pisngi nito habang nanatiling nakatayo sa may pintuan. Hindi malaman ang gagawin kung tutuloy ba sa pagpasok o lalabas na lang ba. Pagkuwa'y nanatili itong nakatayo roon at kinagat-kagat ang ibabang labi nang nag-iwas ng tingin sa kaniya. Siya naman ay napako ang paningin niya rito.
She's still so damn beautiful... and regret immediately filled his system remembering the time he had wasted to let her show and feel his unnamed feelings before.
Damn!