I H A V E THREE GRIL FRIRNDS (SHORT STORY)

[take time to read]

Biglang nabilaukan si Katsuo dahil sa sinabi ko. "A-Anong sabi mo? Namali ata ako ng narinig. M-mayroon kang?" Tanong nya habang tinatampal ang dibdib nya.

Natawa na lang ako. "...three girlfriends" Simpleng tugon ko,

"S-seryoso?"

Tumango ako. "We're 2 years and counting"

Nang makabawi s'ya bigla n'ya na lang akong sinuntok sa braso. Napangiwi ako sa sakit. "Tangina ka! Di lang tayo nagkita for 2 years, naging three timer ka na?"

I chuckled, "Mapanaket ka rin ano?" Sabay himas ko ng braso.

"Ako pa talaga? Tanginamo!" Di makapaniwalang tugon n'ya.

Ewan ko pero natawa ako ng malakas "Easy pre, ako pa rin 'to, Si Harris na kaibigan mo" Sumimsim ako ng beer.

"Oh? Ikaw pa rin yan? Yung mapagbigay kong kaibigan? Bigay mo nga sakin 'yong isa?" Aniya suot ang nakakalokong ngiti.

Umiling lang ako "Not gonna happen. Akin lang sila"

"Pakyu ka pre, ang damot mo!" Saad nya habang nakamiddle-finger at umiirap pa. Huta bakla HAHAHA.

"Madamot na kung madamot" Irap ko rin pabalik.

Inambangan nya ko ng suntok pero nailagan ko agad. Nainis s'ya nang 'di tumama ang mga suntok n'ya sa'kin "Tangina ka talaga! Kakarmahin ka n'yan, pinagsasabay mo 'yong tatlong babae. Kawawa naman. Nakapagtataka lang paano ba nain-love sa'yo 'yong mga 'yon e napakagago mo? Kilala kita e" Pakunwari s'yang umiling na animo'y napakasigurado nya sa sinasabi n'ya.

Hindi naman nawala ang ngisi sa labi ko " Hindi sila kawawa sa'kin pre, Swerte sila, sa gwapo kong 'to? Mahirap makahanap ng gan'tong mukha" I wiggled my eyebrows as I caress my chin showing my killer smile.

Awtomatikong lumanding ang kamao nya sa braso ko "Gago! Apakayabang mo! Ipakilala mo na lang sakin 'yong tatlo para makapili ako ng nararapat mong iharap sa altar"

"No need pre, I want the three" I flatly said.

"Tangina narinig mo 'yon dude? Gusto nya 'yong tatlo ang pakasalan nya! Tangina hindi kami muslim ah. Ibang klase ang pagka gago neto 'wag mo 'tong tularan ha" Pailing iling nyang tugon sa bartender sa harap namin. Agad namang tumango ito at naniwala kay Katsuo na ikinatawa ko naman ng malakas.

Ganoon na ba ako ka-gago kung nagmahal ako ng tatlo at gusto silang iharap pare-pareho sa altar? Hindi naman siguro.

"I'm loyal" Tawa tawang tugon ko saka humingi sa bartender ng panibagong drink. Sumimsim muna ako saka humarap sa dance floor. Lumawak ang ngiti ko nang makita ko ang hinahanap ko. My girls are happily dancing.

"Loyal mo mukha mo pre! Walang loyal na tatlo ang jowa!" Singhal nya sakin

"Believe me pre, I have three girlfriends but never cheated" I said as I bottoms up my drink. Never.

Napangiti ako nang maabutan ko sa terrace ng kwarto namin si Ash. Nakasuot ito ng salamin , may hawak na notebook at ballpen habang nakatingin sa malayo. Minsan titingin s'ya sa langit tapos magsusulat sa hawak n'yang notebook.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya habang pinupunasan ang basa kong buhok. "Hon" Tawag ko sa kanya ngunit 'di n'ya ako pinansin.

"Oy Hon" Tawag kong muli pero nanatili itong nakatingin sa malayo.

Ano ba tinititigan nito? Sinundan ko ang tinitignan n'ya ngunit tanging buwan at mga butuin lang natatanaw ko.

Kumuha ako ng upuan at naupo roon sa tabi n'ya. Nangalumbaba ako't nakangiting pinagmasdan ng mabuti ang mukha n'ya.

Seryosong seryoso s'ya, pero napakaganda nya pa rin. Paano pa kaya kung ngumiti 'to? Edi mas nahulog naman agad ako?

"Oyyyyy! Hoooooon!" Pabulong kong tawag sa kanya.

"Tss" Napasinghal lang s'ya.

"Pansinin mo naman ang gwapo mong boyfriend" Nagtatampong tugon ko.

"Sssshhh!" Tinapunan n'ya lang ako ng masamang tingin saka bumalik muli sa ginagawa n'ya.

Napanguso ako "Ano ba kasi 'yang ginagawa mo?"

"Ang kulit, sabing ssssshhh!" Tinakpan n'ya ang bibig ko na nakapagpanguso sa'kin ng mahaba.

"Bakit ba kasi Hon?, pansinin mo naman ako ngayon na nga lang tayo nagkita oh, it's monday and it's our Hon time, remember?" Sinubukan kong magpakyut pero inirapan n'ya lang ako. Grabe, ang sungit ng mahal ko. Tss

"Quite, I'm looking for my inspiration" Simpleng tugon n'ya.

Napabuntong hininga na lang ako saka nangalumbaba sa railing ng terrace. "Hindi mo naman kasi kailangan pang tumingala at maghanap ng inspirasyon mo. Titingin ka lang naman sa kanan mo e tas makakakita ka na" Mahinang bulong ko sapat para marinig n'ya. Sinadya kong magtunog malungkot, nakakatampo naman.

Maya maya nakita kong tumaas ang kilay nya. "Asan nama---hmmp!"

Saktong paglingon n'ya sa direksyon ko ay dumampi ang labi ko sa labi n'ya. Awtomatikong namula ang pisngi n'ya dahilan para mapatawa ako sa kilig.

I wiggled my eyebrows and playfully look at her. "Oh ano nahanap mo na ba inspirasyon mo? Ang gwapo ano?"

"E-ewan ko s-sayo!"

"Anong ewan mo sakin? Yung puso mo? Naks tagal na Hon, nasa safe place na" Tawa tawang tugon ko.

Nahuli ko ang pagkagat ng labi n'ya saka nag-iwas ng tingin sa akin. Itinago n'ya ang namumula n'yang mukha sa mahaba at medyo kulot n'yang buhok. Ang cute n'ya kiligin pfft!

"Tigilan mo ko H-Harris" Nahihiyang tugon n'ya.

Mas ginanahan ako't natawa na lang. I caressed her cheeks and forced her to look at me "Huwag mong itago ang napakaganda mong mukha sa akin, Hon look at me"

Nanatili s'yang nakayuko " Ahh ayaw mong tumingin ah, parang gusto mo pa ng halik ah, but not smack, I'll make it french kiss this time" Mapanlokong tugon ko.

Nanlaki ang mga mata n'ya at aligagang tumitig sa mga mata ko. "A-ano b-ba kasi 'yon?". That made me smile, she's so beautiful with or without eyeglass.

Tinitigan ko s'ya ng maigi at bakas ang pagkailang sa mga mata n'ya. "Hon, you don't have to find your inspiration, I'm already here. Tignan mo lang ako sa mga mata ko at mararamdaman mo ang init ng pagmamahal ko. I'm willing to transfer my love to you for you write your beautiful poems. That's how much I love you"

Hinalikan ko s'ya sa noo. Kapangkuwa'y inalis n'ya ang pagkakahawak ko sa kan'ya.

Nag-isang linya ang labi n'ya at seryosong tumitig sa akin. "If you're willing to transfer your love to me for me to be able to create my poems. Then stop doing this"

Nagulat ako sa tinuran n'ya "What? Bakit? Hindi mo na ba ako mahal?"

Umiling s'ya at sandaling kumuha ng hangin "Thats-- thats because I'm fucking exploding Hon!"

"Ha?"

"I can't write because of too much sweetness from you. I can't bear it. Tangenge ka kasing yawa ka!" Pinagpapalo n'ya ako sa balikat.

I don't know pero natawa na lang ako. .

"Ang kyut mo kiligin, tignan mo pati kamay mo nanginginig HAHAHA" Turo ko sa kamay n'ya. Agad naman n'ya itong tinago na mas nakapagpatawa sa'kin. "Akoy kinikilig pag ika'y lumalapit ako'y nanginginig" Kanta ko sa kan'ya.

"Che!"

"I love you!" I winked at her

"Napasinghal s'ya " I love you too--- now please leave me alone, you-- here-- it's suffocating, I can't write" Kagat labing tugon n'ya.

I chuckled as I stand "Oo na po Hon ko. Aalis muna ang gwapo mong boyfriend"

"Better--"

I cut her off "But before I leave, what's my rule again?" I said as I lick my lower lip. Nakita n'ya iyon dahilan para manlaki muli ang mga mata n'ya at aligagang yumuko.

"Uhm O-one poem, one p-lo--- plok plok argh! Oo na umalis ka na Hon bilis na!" Pinagtulakan n'ya ako palayo pero tawang tawa lang ako. She's blushing again

"Good! Buti naalala mo pa, mamaya ka sakin ha" Malanding wika ko.

Hindi na lang s'ya kumibo.

Lihim akong natawa dahil pinipilit n'yang magsulat pero hindi n'ya magawa. Sumilip muna ako sa pinto bago ako umalis, she's sighing and whacking her chest "Stop beating so fast heart, let me write please" She mumbled. Kinilig naman ako agad. Ang lakas ng tama ko sa babaeng ito. Shet! Ang kyut.

This is my girlfriend Ash, a shut in poetess and I'm into her.

It's Wednesday and I'm with my another girlfriend.

"Ack!" May lumundag sa likod ko "Oyy Bakla!" Bulong n'ya sa tenga ko. Napabuntong hininga ako "Bakit po tomboy?"

Humigpit ang yakap nya sa leeg ko"Dalhin mo ko dun, tas bili mo ko ng cotton candy"

"Sweets ulit? Di pa ba ako sapat?"

"Bakit sweet ka ba?"

"Hindi ba? Dinala nga kita rito sa Enhanted Kingdom kasi sabi mo gusto mong sumakay sa mga rides, ngayon naka-piggy back ride ka sakin, tapos kanina HHWW pa tayo. Oh di pa ba ako sweet nun?"

"Pag-iisipan ko pa"

"Love naman e"

Tumawa lang ito "Ang arte mo! Bilis na dalhin mo ko dun"

Napanguso ako "Ayaw"

"Wag ka ngang mag-inarte dyan bakla ka talaga! Bilis na Sugod!" Bigla s'yang sumigaw sa tenga ko. Pinalo n'ya ang pwet ko. Nak ng-- ginawa akong kabayo.

Hindi ako gumalaw "Stop that love, pinagtitinginan tayo ng mga tao" Madiin kong bulong. Kahit kailan talaga isip bata 'tong girlfriend ko

Ngumisi lang s'ya saka mas pinagpapalo ang pwet ko "Ang tambok ng pwet mo! Sanaol" Mapanlokong aniya.

Hiyang hiya na ako dahil pinagtatawanan na kami ng mga tao. "Can't we just act like a normal couple? Walking side by side?" Bulong ko muli pero may diin.

Bumungisngis lang sya "Nope this is much sweeter--- aw namumula ang tenga ng Love ko" Dagdag n'ya.

Napasinghal ako't agad na tinakpan ang dalawa kong tenga, akala ko mahuhulog s'ya pero mas humigpit ang yakap n'ya sa leeg ko. Tangina, para na s'yang tuko ngayon.

"Aw ang cute ng couple"

"Shocks sanaol"

"Mine, gayahin din natin sila"

Rinig kong bulungan ng mga tao, natawa ng malakas si Love. "see? This is much sweeter"

"Jessabel?"

"Hmm?"

"Baba" Mariin kong bulong

"Nope-- sige na love be my horse now. I'm a cowgirl this time."

"Tss"

"Ayaw mo talaga? Sayang balak pa naman kitang kabayuhin mamayang gabi" Malungkot n'yang tugon

Nagpintag ang tenga ko, kakabayuhin nya ko mamayang gabi shit!

"DugDugtugudug tugudug" Agad akong umaktong kabayo at patakbong tinungo ang tinuturo n'yang bilihan ng cotton candy. 'Nak ng nakakahiya!

"Yeeha! Yeeha! Pag kamanyakan talaga Yeeha!" Sigaw n'ya habang tumatawa.

Saang lupalop ko ba nakilala ang ganitong babae? "Tss you know my weakness" Singhal ko.

"Naman" Ngisi n'ya.

Maya maya pagdating namin sa food court, agad syang bumili ng cotton candy. "Ate paggawa nga po ng monkey" Saad n'ya. Ilang minuto itong ginawa kapangkuwa'y iniharap n'ya sa'kin.

"Love"

"Oh?"

"Tignan mo tong monkey"

Tinitigan ko naman ng matagal "hmm?"

"Naks nagkatitigan yung magkambal oh HAHAHAHA!"

Naningkit ang mga mata ko "Kanina kabayo, tas ngayon unggoy naman"

"Sorry HAHAHA" Pigil tawang tugon n'ya.

Ibinaba ko s'ya sa isang bench, doo'y naupo muna kami habang hinihintay kong maubos n'ya ang cotton candy n'ya. Maya maya bigla na lang s'yang sumipol.

"Love may chicks! " Turo n'ya sa magandang babae sa di kalayuan.

"Witwew!" Sipol nya ulit. "Ang sexy Love oh" Kagat labing tugon n'ya. I groaned in frustration, she's not just childish but she's kinda weird too. Ewan ko ba, tomboy ata talaga 'to.

"Teka nga kunin ko nga 'yong number" Akmang tatayo na s'ya nang hawakan ko ng mahigpit ang kamay n'ya saka pinilit s'yang paupuin sa'kin "Try to stand at ako ang kakabayo sayo ngayon" Mariin kong bulong sa tenga nya. Ramdam kong natigilan sya tapos bigla na lang tumawa ng malakas "Opps! Selos" Nanunudyong aniya.

"Mock me and I'll do it" Seryosong tugon ko. Nahuli kong kinagat n'ya ang labi n'ya. "Uhm o-oo na po"

I grin "Good, 'bawal kang lumandi ng iba, dapat ako lang." Hinigpitan ko ang yakap ko sa kan'ya. "I hate it when you compliments other's beauty. Mas maganda ka kasi kesa sa kanila" Bulong ko.

"O-opo. Wag mo na akong kandungin may tumutusok" Turo n'ya sa gitna ko. I chuckled and hugged her tight "Leave it, patunay yan na excited na akong kabayuhin mo mamaya. I love you Love" Tawa tawa kong tugon. Nahuli ko naman agad ang pamumula ng pisngi nya na ikinangiti ko ng malawak. Hay salamat kinilig din sa'kin.

Ang kyut n'ya shet! This is my girlfriend Jessabel, a childish but boyish type of girl and I'm also into her.

Maggagabi na nang malambing na tinawag ni Fritzy ang pangalan ko.

"Hey Baby Harris" Bulong n'ya. "Hmm?" Hindi ko muna s'ya hinarap dahil abala ako sa pagluto ng dinner namin.

"Baby" Paglalambing n'ya ulit. Naramdaman kong tumayo s'ya sa pagkakaupo saka lumapit sa akin. Maya maya naramdaman ko na lang ang mahigpit n'yang yakap sa likod ko. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko. Sa lahat talaga ng girlfriends ko s'ya ang pinakamalambing.

"Hmm? Anong kailangan ng girlfriend ko?" Tanong ko habang patuloy na nagluluto.

Mas humigpit ang yakap nya "Kapag yumakap may kailangan agad?"

I chuckled. "Bakit hindi ba? Huling yakap mo sakin nagpabili ka ng necklace" Tinapos ko muna ang niluluto ko saka n'ya hinarap.

Nakanguso ito ng mahaba dahilan para halikan ko ng mabilis ang labi n'ya.

"So what's it? Alam ko meron"

Bigla s'yang kumalas saka naupo sa bar stool. "I want to party. Nabo-bored na ako rito sa condo mo" Anito.

Agad akong umiling "Bawal"

"Eeee!"

"Yaw" Mariin kong tugon saka pinagpatuloy ang niluluto. Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya. Maya maya ay bigla na lang n'ya akong tinawag "Harris"

"Bakit?" Pagharap ko sa kanya ay hawak nya na ang cellphone ko. Agad kong nabitawan ang niluluto ko't inagaw ang cellphone ko sa kanya. "Shit!" She saw the pictures.

Nag-isang linya ang kilay at labi nya "Who are they?"

"Wala lang 'to baby" Agad kong tinago ang cellphone sa bulsa ko.

"Si-no si-la?" Mariin n'yang tanong.

"Wala nga baby. Ok-- pinapayagan na kita mag-party. Happy?"

"Those girls, they are---"

"I said wala ito. Wag mo nang intindihin" Pinilit kong ngumiti at hinawakan s'ya sa balikat. "Magbihis ka na" Naningkit at mga mata n'ya at matiim akong tinitigan. Tumibok ng mabilis ang puso ko. Guilt is eating me.

Ngumiti lang ako at hindi nagpahalatang kinakabahan.

"Are you cheating on me?"

"Of course not baby. Ikaw lang ang mahal ko" Malambing kong sagot.

"Sure?"

Tumango ako. "Ok I trust you. I love you baby" She smiled

"I love you too baby"

Dahan dahan ko syaung tinulak papasok sa kwarto. "Now dress up. I'll let you party but I won't let you go there alone, sasama ako para maprotektahan kita. Mahirap na"

"But --hey!"

"Hmm parang ayaw mo ah, bawiin ko na lang?"

"T-that's unfair. O-ok--- magbibihis na" Umikot ang mga mata nyya saka padabog na pumasok ng kwarto at naghanap ng damit.

"Good baby" I smile at ease at panandaliang napahawak sa dibdib ko. Buti na lang mabilis s'yang maniwala sa akin. She can't find out. Not now, baka kamuhian n'ya ang sarili nya. I'm sorry baby, not now. Di pa ako handa.

Nagmadali akong nagbihis, it took me only 5 minutes but Fritzy is taking so long. Nababagot na tinitigan ko ang suot kong relos. "Baby di ka pa ba tapos?"

"Done baby" Masiglang aniya. Agad na tumaas ang sulok ng labi ko. Napakaganda nya sa suot nyang cocktail dress. "Let's go?" Aya ko. Tumango naman agad s'ya.

She's Fritzy, my third girlfriend. A gullible and sweet type of girl who loves to party. And like the other two, I'm also into this girl.

Lumanding agad ang kamay ni Katsuo sa ulo ko. "You're a jerk! Hindi ka ba nakokonsensya sa pinaggagawa mo? Nanloloko ka ng tatlong babae, pinagsasabay mo sila. Makonsensya ka naman pre"

Nagkibit balikat lang ako saka tumingin sa dance floor. "For two years, I've been like this having three different girlfriends"

"Kita mo na two years pre!" Singhal n'ya.

Ngumiti na lang ako "I forgot-- nandito pala silang tatlo" Muntik mahulog sa kinauupuan si Katsuo.

"T-tangina? Dinala mo pa 'yong tatlong babae mo? rito? sa iisang lugar? Baliw ka ba? Asan sila?"

Tumawa lang ako. "Ayun oh, sumasayaw sa stage" Turo ko sa stage. Nangunot ang noo n'ya "Asan? Isang babae lang ang nasa stage"

"Exactly, She's them" Tugon ko

"Ano?"

"She's my three girlfriend"

"Lam mo pre, lasing ka na"

Umiling lang ako. "May sakit sya"

"Ha?"

"She has Dissociative Identity Disorder"

Natigilan si Katsuo sa sinabi ko. Matagal ako nitong tinitigan "S-Seryoso ka diyan? Ibig sabihin---"

I cut him off "Hmm.. In short she has three different Identity. She doesn't realize it yet and I don't have plan to tell her about her illness. Now she's Fritzy, my party girlfriend" Bigla akong napangiti nang makita kong masayang nagsasayaw ang girlfriend ko sa ibabaw ng stage. Sinundan ni Katsuo ang titig ko't nilagok ang beer na hawak. "Pre' Are you sure about this? I mean next to baliw na ang sakit n'ya."

Biglang nagdilim ang paningin ko't kinwelyuhan si Katsuo "Sabihin mo na lahat ng masasama sa akin, wag lang sa taong mahal ko. Hindi sya baliw!"

"Easy pre" Kinalas n'ya ang pagkakahawak ko. "Concern lang ako sa'yo, paano mo napagtitiisan ang ganyang klase ng babae?"

Panandalian akong kumalma "Iba ang minamahal sa pinagtitiisan. I don't mind dating three different personality as long as she's them. Alam ko sa sarili kong isang tao lang ang laman ng puso ko. Kahit nilayuan s'ya ng mga tao dahil sa sakit nya, kahit minsan na rin syang tinawag na baliw dahil sa paiba-iba n'yang ugali. Kahit iba ibang personalidad ang makasama ko araw araw. I will never get tired of loving her. I will stay no matter what. Oo-- aaminin kong minsan ko na ring naisip na sumuko, but I keep on reminding myself that I love her at tanggap ko sya kahit ano pa man ang sakit nya. Marami mang problema ang dumaan sa buhay namin, akusahan man akong manloloko at gago, I can handle it all as long as I'm with this woman, nothing can tear us apart."

"I c-can't believe y-you" Nakangangang ani Katsuo

Natawa na lang ako. "Believe me this time pre, I have three girlfriends but I never cheated dahil simula't sapol iisang babae lang ang laman nito" Tinuro ko ang puso ko "I'm loyal and faithful asf"

Nakanganga lang si Katsuo sakin, still absorbing what I've said. Pinaguntog ko ang hawak naming beer "I have to go, pupuntahan ko lang 'yong mahal ko"

Napatango lang s'ya na parang tanga. Lumapit ako kay Fritzy at hinapit ang bewang n'ya "Hey baby, I love you". She smiled and hugged my nape. The music changed into a sweet one. " I love you too baby--- forever"

Yes I have three girlfriends living in the body of my girl and I'm happily inlove with her.

_lian blanca