Infatuation

"Oopss. May babae sa CR natin." May nagsalitang lalaki sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang narealized na nasa banyo ako ng mga lalake!

Tinignan ko si Vrenson na ngayon ay nakahalukipkip at kagat ang pangibabang labi. Namangha ako sa pwesto niya. He looks like a god watching my steps! Nakakanginig ang mga naglalarong ngiti sa kanyang labi. Shet! Napansin niya!

"Mahal mo na rin ba ako?" He said.

"Never!" Sabi ko bago umalis pero hinigit niya ang palapulsuhan ko.

Isinandal niya ako sa pader at kinulong sa bisig niya.

"Pre, Wag dito..." Sabi nung lalaki.

"Oo nga, Vrenson." Dagdag nung isa.

Sinenyasan sila ni Vrenson na umalis at agad din silang sumunod. Namamangha pa rin ako sa maladiyos niyang mukha. Kung noong elementary pa kami ay patpatin siya, ngayon ay makisig na ang kanyang pangangatawan.  May itsura siya noon pero ngayon ay mas gumwapo siya, as in hindi mo siya makikilala! Ang matangos niyang ilong lang ang hindi nagbago!

"Alam mo na naman na noon pa ako may gusto sayo diba?" Aniya. Nagpapaalala.

"Oo. Pero ayaw ko sayo! Bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas ako pero hindi ko nagawa. He gave me a playboy smirk.

Hindi ako makapaniwala na dito rin siya mag aaral. We are now in Grade 11 and im wondering why he decided to study here? His Family was opulent! This is a public senior highschool at ang mga katulad ko lang ang dapat nandito. Saan naman siya nag junior highschool?

"Sinubukan ko namang kalimutan ka, pero... " pumilitik siya at umiling.  "Ikaw pa rin eh."

"Sa four years na hindi mo ako nakikita, di ka man lang nakahanap? Imposible!" giit ko.

"Alam ko. Pero wala eh... Naadik na ata ako sayo." Sabi niya. Nagulat ako roon. We are just Grade 4 when he fell inlove! He's matured enough para hindi magbago ang feelings!

"Don't me. Infatuation will fade."

"But for me... This is not infatuation. This is love" seryoso niyang sabi.

Tulala ako habang kumakain nang dumaan si Vrenson sa vision ko. Kinindatan niya ako sa malayo at ngumisi.

"Crush ka pa din niya no?" Si Lalisa na nakatingin na rin sa kung nasaan si Vrenson.

"Ewan ko diyan, Playboy yan kaya isa lang ako sa mga natitipuhan niya."

"Playboy!? mula nung elementary tayo crush ka na niyan! Hanggang ngayon nga eh, try mong sagutin baka maging matino." nakangisi niyang sabi.

"Never!" sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.

"Lalisa, pinabibigay ni Jeon." Napatingin ako sa nagbigay ng envelope. Kaibigan ito ni Jeon. Nahihiya siyang tumingin sa akin bago umalis. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko si Jeon kasama ang mga tropa. Seryoso itong nakatingin sa bestfriend ko.

Tinititigan lang ni lice ito na parang timang! Parang may balak ata siyang palutangin ito?

"Sweet naman ni Jeon. Kalaro lang natin dati yan ah? Nafefeel ko din na may pagtingin yan sayo!" sabi ko. May bahid na panunukso iyon at napatingin lang siya sakin at ngumiwi.

Sa mga sumunod na araw ay naging malakas na ang loob ni Vrenson. Ginagawa niya ang lahat mapansin ko lang. Nagbibigay siya sa akin ng mga letters at flowers.

"Sagutin mo na kaya?" Sabi ni Soya. Binabasa namin ang napakahabang letter na bigay ni Vrenson. Noong una, akala ko simple lang ito pero nung nabasa ko na ay maganda ang pagkakasulat at nakaramdam ako ng kung ano sa laman ng letter niya. May ibang linya na tumatak sa utak ko.

*Maghihintay ako... kung kailan pwede na.

*You are my only cure...

*Your Love is my Saviour

Mahirap sumugal sa isang laban nang hindi pa handa. Yun ang nakikita kong dahilan kung bakit ayaw ko pang magboyfriend. Im not ready for commitment. Ayaw kong sumugal sa isang laban na walang kasiguraduhan. Ang alam ko, darating ang araw na magiging maayos na ako. I just need to love myself hard before others.

Sa kasagsagan ng pasko, naging masaya ako kasama ang pamilya at mga kaibigan ko. Ang bawat araw na lumilipas ay naging masaya. Kundi letters or flowers, chocolate ang ibinibigay ni Vrenson. Nitong pasko ay nakatanggap ako galing sa kanya ng random stuff: pabango, damit, shoes, hygiene at ibat ibang pagkain.

"Iniispoiled ka naman ata ni Vrenson?" Si Lalisa habang hinahalukay ang iba pang regalo sa akin.

"Oo nga? Talagang mahal na mahal ka ah?" Si Krose na kumakain ng prutas. Ngayong pasko lang ulit namin siya nakasama dahil kakauwi niya lang galing Korea bilang exchange student.

"Ganyan talaga ang mga lalaki pag gustong gusto ka. Lahat ibibigay!" Sambit ni Soya na kakatapos lang maligo.

"Handa silang gawin ang lahat para sa taong mahal nila!" Dagdag niya. Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. I smell something silly...

"Hindi rin." Sagot ni Krose na ngayon ay nakapangalumbaba at nakatingin sa bintana. Nahihiwagaan na ako sa kinikilos ng mga bestfriend ko. Napatingin ako kay Lalisa na nagkibit nalang ng balikat.

"Kumusta nga pala si Auntie Zula?" Pagiba ko nalang sa usapan.

"Okay naman, Bumili siya ng lote at balak niyang gawing farm ito." Sagot ni Krose.

Sa nalalabing huling apat na araw ng taon ay nagbonding kaming apat. We go shopping, island hopping, movie marathon.

Nakahiga kaming apat sa sofa habang nanonood ng horror movies ng biglang may kumatok. Nagkatinginan kaming apat.

"Ako na!" Si Soya.

"Ma'am, may nagwawala po sa lobby, Hinahanap si Krosé Almerino." sambit ng staff. Dinig namin iyon dahil hindi naman kalakihan ang aming condo. Napatingin kami kay Krose na ngayon ay tulala.

"Kros? Anong nangyayari?" Si Lalisa na nilapitan ito. Yumakap si Krose at sa balikat ni Lice umiyak.

"Bakit, Kros?" Tanong ko din.

"H-Hindi ko siya kayang harapin..." humihikbing sabi nito. Nagkatinginan kaming tatlo. Nakialo na rin si Soya habang hinihimas ang likod ni Krose.

Sa mga nagdaang taon, ngayon lang naging ganito kaemosyonal si Krose. She is the most brave among us. Nang ikwento niya ang nangyari. I realized that people is not always brave. There's a situation and circumstances that pulling your strength. Sa sitwasyon niya ngayon... Mahina siya sa pagibig.