"Jeon love Lalisa ever since... like me to you." He said. Nandito kami ngayon sa isang Chinese restaurant. Dahil komportable naman ako sa kanya ay hinayaan ko nalang kung saan hahantong itong 'date' namin. Hindi na ako nagreklamo. Sa totoo lang, masaya siyang kasama. He make me laugh through his jokes.
"Alam ko, kalaro namin noon si Jeon at nahalata ko siya na may crush sa bestfriend ko." pahayag ko. Tumango siya at nagpatuloy na sa pagkain. Napapansin kong pasulyap sulyap sa akin. Minsan naman ay nangingiti nalang bigla. Baliw lang?
"Do you want coffee?" alok niya pagtapos namin kumain. He paid all the bills through ATM. Hindi na ako nagulat dahil tinitingala ang mga Montero. They have so many estates, five star hotels, resorts and also sugar cane plantation. In a short word, Montero was opulent.
Sumang ayon naman ako dahil naumay ako sa kinain ko. We ordered the same flavor of coffee, French Vanilla. Nagkatinginan kami ng sabay pa namin itong sabihin sa kahera.
"May promo po kami sa magdyowa, Maam and Sir." Bumaling ako sa kahera at nilakihan ito ng mata.
"Walang kami." Deklara ko bago pa mahuli ang lahat. Ngumisi naman si Vrenson sa kahera at namula naman ito!
"Talaga?" Vrenson smirking. Hindi mawala ang ngiti nito.
"Opo, Sir! Bagay na bagay!"
Humalukipkip nalang ako habang nagpipigil ng ngiti. Nagkatinginan kami ni Vrenson at as usual, he still smirking like an idiot! Inirapan ko siya at pumunta nalang sa napili naming lamesa.
Hindi ko namalayan ang oras dahil sa lalim ng usapan namin ni Vrenson. Maganda siya magdeliver ng kwento na to the point na makikinig ka talaga. May pagkakataon din na hinahaluan niya ng jokes.Well, his jokes was funny.
"Tapos habang naglalakad ako sa kahabaan ng hypermarket sa monumento, may lumapit sa akin na matandang babae..." kwento niya.
Pinipigilan ko nang matawa dahil sa mga pinagsasabi niya kanina.
"Alam mo kung ano sabi?" Nagngingiti na siya.
"Ano?"
"Ang sabi 'Sir, Service? Blowjob o anal?'"
Humagalpak muli ako sa tawa sa sinabi niya. Nagpapadyak na ako at sumasakit na ang tiyan sa labis na pagtawa. Naluluha na rin ang mga mata ko.
"Seryoso?" Natatawa pa rin ako.
"Yup. Kaya ayaw ko nang dumaan doon paghating gabi eh. Alam mo na... " He laughed.
Our conversation goes on...And i admit na masarap kasama si Vrenson. Hindi ka magsasawa sa kanya. Sa tingin ko bihira nalang ang lalaking kaya kang pasayahin at patawanin? Well, Nandiyan si Jose Manalo, Bayani Agbayani pero itong si Vrenson. He is unique. Siya ang gwapong lalaking hindi lang basta maangas. Inner Vrenson was funny.
Naputol lang ang kwentuhan namin ng lumapit ang staff para ibalitang magsasara na sila maya maya. Napatingin ako sa paligid at napansing nakasalansan na ang mga upuan.
Lumabas na kami ni Vrenson sa cafe shop at hindi ko inaasahan na magpapatuloy ang pagkwento niya. I laughed at his words with actions.
We are walking under the lamp posts in the middle of the night. Its already 1:30 pero hindi pa ako dinadapuan ng antok. Dahil na rin siguro kay Vrenson?
"Salamat sa pagsama sa akin... " Sambit ni Vrenson nang mahatid niya na ako sa bahay.
"Salamat din... Dahil napasaya mo ako. Sa susunod ulit?"
He smiled wide. "Oo ba! Kahit kailan mo gusto... im one call away."
I smiled genuinely at him. "Sige na! Anong oras na oh?"
"Bye, Celestine. Good night!" Paalam niya. Aamba na sana siyang papasok sa sasakyan pero may nakaligtaan ata ako.
"Vrenson!" Pag lingon niya ay dinampian ko agad siya ng halik sa pisngi. I saw his face turned red. Naestatwa pa siya ng ilang sandali bago tuluyang umalis.
Hindi kaagad ako nakatulog. Iniisip ko ang naging araw ko kasama si Vrenson. Ngayon ko lang napansin na nakangiti parin ako hanggang ngayon! Ano nangyayari sayo Celestine?!
Kinaumagahan ay magaan ang pakiramdam ko. Dahil walang pasok ay tinulungan ko nalang si Mama sa gawaing bahay.
"Ang saya ata ng dalagita ko ngayon?" Si Mama na kanina pa ako sinusulyapan.
"Masayahin naman talaga ako, Ma." Sabi ko.
"Hmm. Iba yung saya mo ngayon eh... May dapat ba akong malaman, Celestine?" Mom was curious.
"Wala naman po. Masaya ako kasi walang pasok, Ma!" Palusot ko.
"Kumusta nga pala yung lakad niyo ni Vrenson? Nagpunta pa talaga dito iyon para magpaalam! Napakabait na bata talaga niyang si Vrenson mula nung elementary pa kayo!"
"Okay naman po," I replied.
Habang nanonood kami ni Mama ng TV ay nagtext si Krose.
Krose:
Tine, nandito kami ni Soya sa presinto. We need you.
Nanlaki ang mata ko sa nalaman. Bakit sila nasa presinto?
Dali dali akong naligo at nagbihis. Nakatulog na si Mama dahil sa pagod. Kaya umalis na ako at pumunta na ng presinto.
"What happened?" Bungad na tanong ko kay Krose. Yumakap siya sa akin bago nagsalita.
"Nakasagasa si Soya. Nag race car kasi sila kagabi." Aniya. Umiling ako sa disappointment.
Soya is a stubborn. Sa aming apat siya ang pinaka pasaway. She doesn't know her limits. But she is kind, thoughtful, and generous. Minsan, hindi lang talaga niya maiwasan ang pagiging matigasin ang ulo. Siya ang pinakamayaman sa aming apat, her father is a General Police of our country, her mother is a lawyer. I hope my bestfriend learned her lesson now.
Dahil sa anak nga siya ng heneral, Naabswelto ka agad si Soya at ang mga pinsan niya. I think thats not right? Her father is powerful and he using it? Balibalita ngayon na madami nang krimen ang naganap sa bansa na kinakasungkutan ng mga pulis. Talamak pa rin ang bentahan ng droga at pinagtataka ng mga tao ay bakit napapatay ang ilang nagtutulak nito? Well, Hindi ko na kailangang isipin pa iyon. Sumagi lang naman sa isipan ko iyon dahil alam ko sa sarili ko na tiwali sa gobyerno ang ama ni Soya. My bestfriend know that already at bilang anak lang siya, wala rin siyang magagawa.
Sinamahan namin si Soya pauwi sa kanilang bahay. Pagbaba namin ng sasakyan ay narinig ka agad namin ang mga tawanan.
"Andiyan ata sila Tita Dorothy" Sabi ni Soya.
Pumasok na kaming tatlo at hindi nga nagkamali si Soya. Nagulantang ako ng makita ang lalaking ginusto ko noon. Nagbago na ang Pisikal niyang pangangatawan. Mas lumaki na ang kanyang katawan at tumangkad pa lalo. Hanggang batok na rin ang kanyang buhok.
He smiled at me at ginawaran ko rin siya ng ngiti.
"Kumusta na?" he said in a baritone. Namamangha ako sa kakisigan at kagwapuhan niya. Kung di lang ako siniko ni Krose ay hindi ako makakabalik sa ulirat.
"Kai..." I said with joy in my tone.