Sure

"Kairo!" Niyakap ko siya sa sobrang kagalakan.  He is my childhood bestfriend at hindi ko inakala na magkikita kami ulit.

"I miss you so much..." Aniya na niyakap na din ako.

"Ehem!" Pekeng ubo ni Soya. Tinignan ko siya ng masama.

"Hi Kairo! Kasama ka pala ni Tita Martha. Akala namin hindi ka na babalik." Si Krose.

"Well...Nandito na ang buhay ko eh. Mahirap mag adjust sa ibang bansa na hindi mo naman kinalakihan. Siyaka nandito yung mga mahal ko." Pahayag ni Kairo at tumingin sa akin.

"Kailan ka pa dumating?" I asked.

"Kahapon lang," Sagot niya. I nodded then glanced at the visitors.

"Nasaan si Irene?" Tanong ko habang lumilinga sa paligid.

"Ah! Irene is busy person. She had no time to go back here." Aniya.

"Nandito na pala ang mga dalagita ko!" Si Tita Martha na lumapit na sa amin. Nagbeso kami sa kanya ni Krose.

Mommy ni Soya si Tita Martha at sa tinagal tagal ng pagkakaibigan namin ay napamahal na kami kay Tita. Kahit kay Tita Alice na mama ni Lalisa. Krose's mom died five years ago dahil sa bone cancer. Ang Papa niya naman ay nasa kulungan dahil nakapatay ito. Yes, Krose's life was difficult. Siya na lang ang natitirang magulang ng dalawa niyang kapatid. Minsan, tinutulungan namin siya sa pagasikaso sa lahat.

"Lets eat!" Aya niya at nilahad ang dining area na madaming pagkain.

Tumingin siya ng masama kay Soya na aambang aakyat na sa kwarto.

"Socrety! Maguusap pa tayo mamaya!" Bulyaw niya sa anak.

Kasama ni Kai ang Mommy niya na kapatid ni Tita Martha pati ang kanyang kapatid. They talk about businesses, life in LA, and plans. Tahimik lang akong kumakain. Nakakasabay sa usapan si Krose dahil maraming alam ito sa business management. Yun kasi ang kurso niya.

Napapansin kong pasulyap sulyap si Kai sa akin.

"What about you, Celestine? Anong balak mong kunin sa college?" Tanong ng Mommy ni Kai.

"Ah! Balak ko pong maging Surgeon." Sabi ko.

She nodded then sipped a wine."Great choice. Yan din ang kurso ni Kai ngayon."

Lalisa and I hoping to be a doctor someday. Si Krose naman ay maging Manager at si Soya na kahit minsan ay matigas ang ulo ay may balak sumunod sa yapak ng kaniyang ina.

"May nanliligaw na ba sayo?" Tanong ni Kai sa kalagitnaan ng kwentuhan namin. Nandito kami sa garden ng bahay nila Soya habang nakaupo sa bench.

"Meron naman kahit papaano." I said.

"No doubt. Your beautiful and kind." Puri niya. Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

"May balak kang sagutin?" Dugtong niya.

Umiling ako. "Hindi pa ito ang tamang panahon para diyan."

"Good." He murmured.

"Ano?-"

"Mom!" Nakakabinging sigaw ni Soya.

Nagkatinginan kami ni Kai. "What's that?"

Nagmamadali kaming pumasok sa bahay at naabutan namin si Tita Martha na nakahilata sa sahig habang hawak ang cellphone. Pilit itong ginigising ni Soya.

"Dalin natin siya sa ospital!" Agad binuhat ni Kai si Tita at isinakay na sa kotse. Sumama kami ni Krose papuntang ospital.

"Soya, tama na..." Inaalo namin si Soya na hindi tumitigil sa pagiyak.

"Kasalanan ito ni Daddy!" Galit niyang bulalas habang humihikbi.

"Soya, Calm down!" Sabi ko at hinimas ang likod ng kaibigan.

Sinabi ng doctor na tumaas ang altapresyon ni Tita Martha at maayos na daw ang kalagayan niya ngayon. Sinabi ni Soya sa amin na may nagbabanta sa buhay nila. Isang text ang natanggap ni Tita kanina na ang nilalaman sy death threat.

Bilang abogado at asawa ng tiwaling heneral, ano pa ba ang aasahan mo? If i were in Tita's shoe i dont know what to do. Masyado nang matindi magalit ang tao ngayon. They can ambush, sabotage, and kill. Sad but thats people at this century. Anger can do anything.

Nakauwi na ako sa bahay at kinwento ko ang nangyari. Nakiusyoso na rin si Kuya Gab at Efron.

"Tsk. tsk. Dapat magretiro na yang si Filomina eh! Madumi na ang imahe ng kapulisan ngayon dahil sa kanya!" Ani ni Kuya Gab.

Habang nakikinig sa usapan nila ay biglang tumawag si Vrenson. Nagaalinlangan pa ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Lumabas muna ako ng bahay para sagutin ang tawag.

"Hello?" Bungad ko.

"How are you?" He asked. I can feel tiredness in his voice.

"Okay naman... ikaw?"

"Okay lang, medyo pagod lang sa pagasikaso nitong farm namin." Aniya.

"Ah... kaya pala hindi mo ako kinulit ngayong araw." I smiled. Sumagi sa isip ang date namin kagabi.

"Yeah. Don't worry...Papagurin kita bukas." He laughed. Sa pagkakasabi niyang iyon ay naging berde nanaman ang utak ko! What the hell?

"Huh? Bakit? Anong gagawin natin?" I asked, maliciously. Natawa nalang ako sa sarili.

"Ano ba sa tingin mo?"

"Omg No! Hindi pa ako ready!" Halos sabihin ko lahat ng mura sa nasabi ko! Anong nangyayari sayo Celestine Rubie? Napaface palm nalang ako sa kagagahan ko.

Humagalpak siya sa tawa kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. "Your so malicious, Babe. Don't worry, darating din tayo diyan." He continue laughing. Punyeta ka, Vrenson!

"Tomorrow is my Sister's wedding so... I'd like you to come with me."

"Hmm... sige ba! Sunday naman bukas kaya free ako."

"Yes! Sunduin nalang kita bukas?"

"Ikaw bahala,"

"Akala ko hindi ka papayag. Nawala tuloy pagod ko." Giit niya. Masaya ako kapag kasama ko siya. Sa ganitong kasimpleng bagay ay nasisiyahan na siya, at masaya na din ako dahil kahit papaano napapasaya ko rin siya.

"Sige na! Matulog ka na!"

"Okay, Gusto ko lang naman makumpleto ang araw ko bago matulog. Now, my day totally completed. Goodnight, mylove. See you tomorrow!" Aniya.

"See you... " Pagkasabi ko ay pinatay ko na ang tawag.

Hindi muna ako pumasok sa loob at nagpahangin muna dito. Sa ganitong oras sariwa ang hangin. Napapaisip ako sa mga nangyayari sa amin ni Vrenson. What if he is destined to me? What if we are meant to be? 'What if' is not enough. Malay mo lang yun at hindi natin alam kung kami nga talaga para sa isa't isa. Determinado si Vrenson sa labang ito. At sa tingin ko... unti unti nang nabubuo ang damdamin ko para kay Vrenson.

Hindi pa ako handang sumugal, lumaban, maiwan at masaktan. But my feelings for him are now growing and thats the thing i am sure.