"Celestine, bilisan mo ang kilos at kanina pa nagiintay itong si Vrenson!" Sigaw ni Mama. Pinaplantiya ko na lang ang buhok ko at medyo natataranta. Ayaw kong may naghihintay sa akin.
Sapat na siguro ang white cocktail dress para sa kasal ng kapatid ni Vrenson. Naglagay din ako ng light lipstick and foundation. Pinagmamasdan ko nalang ang aking mukha. I can't believe that my simple beauty will glow like this. Sumakto sa straight kong buhok. Naglagay ako ng kaunting blush on. Isang tingin sa salamin at handa na ako. Kinuha ko na ang black shoulder bag ko at bumaba na.
"Maganda talaga yang anak ko at matalino pa!" Mama said. Tumigil lang sila ng marinig nila ang yapak ko.
I saw Vrenson in black suit and pants. His Vneck tshirt revealing some of his muscles. Yes, lets admit that Vrenson look hot in his outfit.
"Ang ganda ganda talaga ng anak ko!" Si Mama na inaalalayan na akong bumaba. Natulala si Vrenson hanggang sa makalapit ako sa kanya.
He still shock and amuse. Ilang beses ko na bang nasabi na ang gwapo niya? Mas gumwapo pa siya ngayon!
"Lets go?" Sabi ko. Trying to distract him.
"A-ah! Y-Yeah sure" Utal niyang sabi.
"Mauna na po kami Tita." Paalam niya kay Mama bago nagmano.
"Alagaan mo ang Celestine ko ah!"
"Makakaasa po kayo..." Si Vrenson.
Humalik na ako kay Mama at lumabas na. Kung makaalalay si Vrenson sa akin ay para akong babasagin. He opened the door at sumakay na ako.
He glanced at me. "Ang ganda mo... " He said at sinara na ang pinto.
Sa Batangas gaganapin ang kasal. Beach wedding ang naisip nilang theme. Mahaba haba ang aming biyahe kaya nagdrive thru muna kami sa Mcdo at ang daming inorder ni Vrenson.
"Ano pang gusto mo?" Nagulat ako sa tanong niya. I smirked bago umiling.
"Wala na, Ang dami na nga nito." Sabi ko at inilabas na ang pagkain.
Nagpatuloy na si Vrenson. Kinain ko ang burger at ang kape habang tinatanaw ang madadaanan namin. Nang lingunin ko si Vrenson ay nakita kong nakatingin siya sa akin.
"Nagugutom ako," aniya. Napaisip tuloy ako na hindi nga pala siya makakakain ng maayos. Kumuha ulit ako ng burger.
"Say ah!" I said with humor. Tinitigan niya muna ito bago ako. He smirked at kumagat na.
"Thanks,"
"Don't speak when your mouth is full."
"Yes, Ma'am!"
Ganun nga ang ginawa ko at sa bawat tatlong kagat niya ay inaabutan ko siya ng kape. Pansin kong maliliit ang kagat ni Vrenson kaya ang bagal maubos! He enjoying it too much. I find him cute habang kumakagat at ewan ko kung bakit.
Inalalayan niya akong makababa ng sasakyan. Sariwang hangin ang bumungad sa akin. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Napapaligiran ang asul na dagat ng mga naglalakihang bato. Mayroong mga nakalutang na balsa na may kasama pang unan. Perfect idea. Sa gilid ng kahabaan ng boardwalk ay ang mga villa at hotel. Mataas pa ang sikat ng araw kaya sinuot ko ang aviators ko. Binalingan ko si Vrenson at nakita ang seryoso niyang paninitig.
"Ang ganda naman dito," Sabi ko habang patuloy na pinagmamasdan ang paligid. Huminga ako ng malalim para madama ang sariwang hangin.
"Yeah, Magandang maganda." Sabi niya na hindi pa rin naaalis ang tingin sa akin.
Naputol lang ang paninitig niya ng salubungin kami ng isang babae. Her face was flawless and innocent. Her body was petite than me. Ang buhok niyang hanggang kili kili ay nahahampas ng hangin.
"Hello!" She greeted me happy.
"Ako nga pala si Vyda, kapatid ni Vrenson." Aniya at naglahad ng kamay. Malugod ko itong tinanggap at nagpapakilala.
"Celestine Saldoja." I introduced.
"Saldoja?" She asked doubtly.
I nodded. "Yes."
"Do you know Crisologo Saldoja?" She asked once again. Sasagutin ko na sana siya na ama ko ang tinutukoy niya pero pinutol ni Vrenson.
"Let's go. What time the wedding start?" He asked to her sister.
"Ah! Maya maya pa. Tara na at para maretouch kayo." aniya at nilahad ang daanan. Vrenson hold my hand tightly. Gusto kong pumiglas pero wala ako sa lugar.
Nilingon ko ang kapatid niyang nakatingin parin sa akin, naguguluhan.
"Your so pretty. Girlfriend ka ba ni Vrenson?" Tanong ng baklang makeup artist. Ngumisi si Vrenson habang nakatingin nanaman sa akin sa salamin!
"No. Kaibigan lang." I said matter of fact. Tinignan ko ng masama si Vrenson at umayos naman siya pero nandun pa din ang ngiti sa labi niya.
"Doon na rin papunta yan!" Giit niya. Plinantya niya ulit ang buhok ko at inayos ang lipstick. It looks fine now.
Si Vrenson ay nasa tabi ko at nang balingan ko siya ng tingin ay nakatutok ang cellphone niya sa akin. Capturing me?
"What are you doing?" I asked at tumayo para makita ang ginagawa.
"Wala,"
"You taking a pictures?"
"What if i am?" Sabi niya at tumayo na. Nanliit tuloy ako. He look like a beast infront of a cat.
Naghahamon siya ng titigan kaya ganun din ang ginawa ko. Kung hindi lang dumating ang organizer ay malulusaw na ako.
"Tsaka na yan pag tapos na ang kasal. Bumaba na kayo dahil magsisimula na in 30 minutes."
Tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin. Palabas na kami ng napansin na nawala sa ayos ang suit ni Vrenson.
"Wait," Pinaharap ko siya na ikinagulat niya at inayos ang kwelyo. Nakatitig siya sa labi ko. Dumikit ang kamay ko sa leeg niya at biglang tumayo ang balahibo niya.
"Sabi ko mamaya na yan!" Hindi ko napansin na hindi pa pala umaalis ang organizer. Nang naayos na ay bumaba na kami. Tahimik lang siya hanggang sa nakababa na kami.
"Siya nalang!" Tinuro ako ni Vyda nang makababa na kami. Agad namang lumapit ang isa pang organizer.
"Pwedeng bang ikaw nalang ang maging partner ni Vrenson? Ang kapatid kasi ng groom ay hindi sumipot." Paliwanag niya.
Hindi na ako naginarte dahil baka magtagal lang. Ang resulta? tuwang tuwa ang Vrenson!
"Kapit ka sakin," Inilahad ni Vrenson ang braso niya. Nakapila na kami at tingin ko ganun nga ang dapat.
Nagsimula na ang kasal. Ngumingiti ako sa bawat pagkuha ng litrato. Normal kaming naglakad ni Vrenson.
"Sa susunod tayo na ang ikakasal... I promise you that." Mahina niyang sabi.
Tulala lang ako habang nagsasalita ang pari. Minsan ay nahuhuli ko si Vrenson na tumitingin. Kasama ko ang ibang abay at kasama naman ni Vrenson ang mga lalaki.
Bakit nga ba kinakasal ang mga tao? Para ipakita sa diyos na tunay silang nagmamahalan at handa silang magbitiw ng pangako kahit walang kasiguraduhan. Haharapin ang buhay anumang pagsubok ang dumating. Yung iba lumalaban. Yung iba sumusuko. Couples didn't know the real aim of marriage. Kaya ganun nalang kadali sa kanila ang mangaliwa.
Hindi ko mamadaliin ang sarili ko, Kung sino man ang para sa akin ay tatanggapin ko. All i wish to destiny is to give me the right person that i will love in a lifetime.