Im still crying while seating in a bench. Wala naman masyadong tao kaya ayos lang. I've decided to wipe my tears. Huminga ako ng malalim at tiningala ang nagdidilim na kalangitan. Maya maya siguro ay uulan. Paano ako makakauwi? Hindi ko naman alam itong lugar na ito. Should i text Kuya Gab? Pero busy yun for sure. Ganun din si Kuya Efron.
Hindi na ako aasang maaalala ako ni Vrenson. Nakita na niya si Irene. Wala na siyang pake sa akin. Naramdaman ko na ang patak ng ulan. Hindi pa ito masyadong malakas kaya ayos lang.
Ngunit maya maya lang ay lumakas na ito. Naisipan ko nang tumayo at maghanap ng masisilungan. Pero may humila agad sa kamay ko. Hindi na ako nababasa dahil sa payong na dala ni Vrenson. His eyes directed on me.
"Why did you leave me?" Malamig niyang tanong.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Im just finding a words, a phrase to answer. Ayaw kong umamin.
"Kailangan niyong magusap ni Irene. Ang tagal niyong hindi nagkita diba?" Sagot ko.
"How did you know?" He asked. Nilamon niya ang distansya. Sobrang lapit na ng mukha namin. Hindi ako sanay, nakakailang!
"She told me." I answered, casually.
Medyo nagulat siya sa nasabi ko. Lumalakas na ang ulan pero nandito pa din kami.
"Siya rin ba ang nagsabi nito?" Aniya na hindi ko makuha.
"Anong nito?" Kunot noo kong tanong.
His eyes suddenly turned dark. Umigting ang panga at huminga ng malalim.
"Kaya ka ba pumapayag dahil sinabi niya?" May diin niyang sabi.
"Vrenson, hindi kita maintindihan."
He smirked without humor. Hinimas himas ang panga at yumuko. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Pero may nahinuha ako pero malabo iyon.
"Si Irene ang dahilan kaya ka pumayag na magpaligaw?" He said directed to the point. Tama nga ang hinuha ko. Pero mali siya ng iniisip.
"Vrenson, hin-"
"Kaya pala pag inaaya kita sumasama ka, dahil sinabi ni Irene?" Putol nito sa akin. Lumayo siya ng bahagya. Kinuyom ang panga at nagiwas ng tingin. Umiiling ito na parang hindi makapaniwala.
"Vrenson, Hindi yun-"
"Come on, Celestine! Alam mong may sakit siya! Hiningi niya ito, kaya sinunod mo naman!" Galit niyang utas. Hindi niya ako hinayaang magsalita.
"Now, tell me. Pinipilit mo lang akong mahalin diba?" Natabunan na ng galit at panghihinayang ang mata niya. His voice is just like thunder.
"Hin-"
"Im courting you since grade 4. You ignored me, all my letters and gifts. Ngayon, pumapayag ka na kasi dahil kay Irene!" Bulyaw niya. Hindi niya talaga ako pinagsasalita.
"Ngayon sabihin mo sa akin kung nahihirapan ka nang magpanggap..." Mahinahon na niyang sabi.
Agad nang bumuhos ang mga luha ko. Panibagong luha dahil muling naungkat ang sakit. How can he even say that my love for him was told? Naramdaman niya ba?
"Putangina!" He cursed then throw the umbrella away. Hinayaan niyang mabasa na kami ng ulan.
"Guilty, Celestine? Huh? Kaya mo ito ginagawa kasi yun ang sabi niya! Sinunod mo kasi naaawa ka!" Giit niya. Bumilis ang bagsak ng mga luha ko. Paano ko ba ito ipapaliwanag?
"Vrenson, h-hindi." Yun lang ang nasabi ko dahil humihikbi ako.
"Hindi? Eh ano?! Bakit mo ito ginagawa-"
"Dahil mahal kita! Ginagawa ko ito para makilala ka pa! Para makilala ang lalaking mamahalin ko kapag handa na ako!" Buong tapang kong sabi kahit nanghihina na.
"Mahal na kita kahit hindi sinasabi ni Irene! Hinahanda ko lang ang sarili ko Vrenson! I need to prepare for this relationship! Hinahanda ko pa ang sarili ko na magmahal at masaktan!"
"And how dare you to judge my love! Yun ba ang sa tingin mo? Alam mo, kung pwede ko lang pilitin ang puso ko na wag ka nang mahalin dahil alam kong si Irene pa rin ang mahal mo, ginawa ko na! Pero hindi! Mahal kita at minamahal pa rin kita kahit alam kong sa dulo ako ang maiiwan! Anong laban ko sa first love mo? Pinili mo nalang ako kasi wala na siya!" Nahihikbi kong sabi.
Sapat na ba ang mga nasabi ko? Nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil sa wakas nailabas ko na ang matagal nang dinidibdib. Hindi ko pa sana ito aaminin dahil sabi ko nga hindi pa ako handa.
He shocked and amused at the same time. Lumapit ulit siya akin kaya napaatras ako.
"Babe-"
"Don't you ever call me that! Ngayon pa lang... basted ka na!" bigla kong sabi.
Nanlaki ang mga mata niya at hinawakan na ang dalawa kong kamay. Kahit ako ay nagulat sa nasabi. Pero tama lang, baka kasi ang isipin niya 'kami' na matapos kong sabihin sa kanya na mahal ko siya. Kailangan niya munang ayusin ang lahat, ang relasyon niya kay Irene.
"Love, please... wag ganito." Nagsusumamo siya. Nanlamig ang kamay niya at nilamon na ang distansya namin.
"Im sorry, nabigla lang ako. Akala ko lang kasi ginagawa mo lang ito ng sapilitan. And i don't like it. I want you to love me genuinely. Please, babe...wag ganito." He pleasingly said. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin na parang ayaw akong pakawalan.
"Im sorry, Vrenson. I think you need to fix your relationship to Irene. At hindi pa ako handa. Im sorry." Mahinahon ko nang sabi.
Nanlambot siya at yumuko. Nang nag angat ng tingin ay niyakap na niya ako ng mahigpit. I hug him too.
"I accept your decision, Pero... pwede pa din ba akong manligaw? Ang sabi mo... gusto mo pang makilala ang lalaking mamahalin mo kapag handa ka na?" He smirked. Naalala niya pa! Hindi ko na rin maiwasan ang mangiti.
Vrenson's Condo was huge. Bubungad sa iyo ang sala at ang malaking TV. Sa likod nito ay counter at kitchen. May dalawang pinto na magkatapat, kwarto ata ito at banyo. Moderno ang pagkakagawa at binagay ang mga gamit sa ambiance ng condo. Nagalinlangan pa akong pumasok.
"You need to take a shower, naulanan ka." Nagaalalang sabi ni Vrenson. Tumutulo ang damit ko nang pumasok ganun din naman siya.
"Ikaw din," Sabi ko.
"Mauna ka na...Ill wait." Aniya at pumasok na sa kwarto.
Nahulaan ko na kung saan ang banyo, sa kaliwang pinto dahil malamang sa kwarto na siya pumasok.
Malaki rin ang banyo. Nasa bandang dulo ang bathtub at sa tapat nito ang tanawin. A beautiful skyscrapers in the city. Nagmasid muna ako bago hinubad ang damit na saktong pagkatok ni Vrenson. Mabuti nalang at nalock ko!
Binuksan ko nang bahagya ang pinto at dinungaw si Vrenson. He shocked in a while bago inabot ang damit.
"I-ito muna suotin mo." Aniya. Hindi naman kita ang katawan ko kaya ewan ko kung bakit ganyan ang expression niya. Maliban sa collarbone ko.
I noticed that he is now topless. Napalunok ako ng makita ang six pack abs niya! Maputi siya at malaki ang pangangatawan. His massive body blocking my sight. Awkward akong ngumiti bago isinara ang pinto.
Tamang tubig at bula ang nasa bathtub at nagbabad na ako.
Masyadong naging mapait ang nangyari ngayong araw. Hindi pa dapat ito ang tamang panahon para aminin sa kanya ang hindi ko pa nakukumpletong pagmamahal. Pero wala na akong magagawa. I don't want to escalate this feelings, but i can't. Nandiyan na masisira pa ba?
I wish this is not a love that told, this is a love that true.