Sa tuwing ako'y lumilisan
Upang maghanap buhay
Ang puso, diwa't isipan ko'y naiiwan
Sa pluma't papel
Anong lumbay
Itong aking nadarama
Tila ba lutang ang isip
Malayo ang tingin
Nakatulala sa hangin
Anong sakit sa dibdib
Itong aking nadarama
Sa tuwing mabibitiwan
Ang pluma't papel
Sa tuwing lilisan upang kumayod
Ito na ang buhay ko
Pangarap ko
Ang pagguhit
Hindi ang magluto
O ano pa mang larangan
Ngunit ano nga bang magagawa
Ng isang abang tulad ko
Kahit masakit
Kailangang tanggapin
Ang pangarap na inaasam-asam
Ay di maabot-abot
Di makamtan-kamtan
Di makuha-huha
Nadudurog ang puso kong
Tanging pluma at papel ang sinisigaw
Sa tuwing lumilipas ang bawat panahon
Tila ba palayo na ng palayo
Sa pangarap
Napapatanong na lamang
Napapaiyak gabi-gabi
Sa pananalangi'y
Pangarap ay di malisan
Laging bukang bibig
Kahit saan ibaling
Kahit saan ipihit
Kahit saan itulak
Kahit saan italsik
Kahit saan ipagngudngudan
Bugso ng damdamin
Ay anong lakas ng pagsiklab
Tulad ng apoy na kulang na laang ay matupok
Tulad ng agos na kulang na laang ay malunod
Tanging lapis at papel
Ang tinitibok ng puso't isipan
Tila ba pagibig itong nadarama
Sa kabilang banda...
Napapatanong ako
Hanggang pangarap na nga lang ba
O magiging katotohanan pa
Gaano karaming kanin at ulam pa
Ang kailangan kong kainin
Ilang Segundo, minuto araw, buwan o mga taon pa ang bibilangin
Upang makasatuparan
Maraming bagay ang naglalaro sa isipan ko
Habang ako'y nagtatrabaho
Paano kung...
Paano kung may kurso kong gusto
Sa lungsod na ito
Ano kayang buhay ko ngayon
Ano kayang plano ng Panginoon para sa akin
Ano kayang gusto nyang ipahayag sa akin
Gusto kong maunawaan
Gusto malaman
Gusto kong siyasatin
Tanging ang nagpapalakas na lang
Sa abang tulad ko
Ay pananalig sa Poong Maykapal
Na balang araw pangarap ko'y makakamtan rin
Maaabot, mararamdaman at mararanasan
Ngunit kung di talagang para sa akin
Alam kong may higit na magandang plano
Ang Poong Maykapal sa buhay ko.