Chapter 6 : Sir Tristan is Hurt

Bliss Joy's POV

"P-paano ka nagkaroon nito?" - Garalgal na tanong ni sir.

"Napulot ko po kanina sa waiting area. Bakit po sir? Kilala niyo po ba 'yung may-ari?"

"W-wala naman. H-hindi ko kilala ang may-ari." Sabi ni sir na parang hirap na hirap magsalita.

"Balak ko po sanang ibalik sa may-ari, baka estudyante po kase dito sa school. Kanino po ba pwedeng ibigay para kung sakaling may maghanap?" Tanong ko kay sir. Kailangan ipakita ko na mabait ako baka sakaling bigyan ako nito ng plus 10, diretso sa card.

"I-ikaw na lang ang magtago. Kapag may naghanap, s-saka mo na lang ibalik." - Parang nagingiyak na sabi ni sir.

"Ahh, sige po sir, una na po ako." Pagpapaalam ko.

Lumabas ako ng pinto at binalewala na lang ang ikinilos ni sir. Hindi kaya may problema siya? Ayoko nang mangialam. Sana ayos lang siya.

***

"Uy be, kumusta? Kailan ang kasal?" Pang-aasar sa 'kin ni Matt.

"Uy be, gusto mo bang maging bride's maid?" Pagsakay ko sa kalokohan niya.

"Aba! Oo naman!"

"Ahh talaga? Edi maghanap ka ng ikakasal!"

Gigil mo 'ko be.

"Hahaha, sige ba, hintayin lang kita ikasal be!" Sabi niya na may nakakaasar na tawa.

"Tigil-tigilan mo ko ha! Bakit mo sinabing ikaw ang nagdikit ng bubble gum kay Vaness?" Naiinis kong tanong sa kaniya.

"Eh ano ngayon?" May halong pagtataka na sagot niya. Aba! Ako dapat ang nagtataka sa sagot niya ah.

"Alam mo ba, buti hindi ka nabugahan ng apoy ni Mr. Ferd!"

"Hmmm...paano kaya siya bumuga? Nabugahan ka na ba niya?"

"Oo! Maraming beses na!"

"Edi maganda! Sa susunod, sabay na tayo mabubugahan hahaha! Damay damay na!"

Natulala na lang ako sa sinagot niya. Naiinis na ako pero at the same time, ang sarap pala sa pakiramdam. Inaya ko na siya umuwi pero ang loko, gustong maligo...maligo sa ulan kaya sinamahan ko na.

"Hoy, hindi ka ba pagagalitan pag-uwi mo?" Sigaw ko sa kaniya habang nakasilong ako sa waiting area.

"Ako pa ba? Syempre pagagalitan. Samahan mo ko dali!"

"Ayoko! Sayang naman 'tong binigay ni Sir na damit."

"Binigay? Wow! Swerte mo naman be! Pahiram naman sa susunod."

"Ayoko nga!"

Sumilong na rin si Matt dito sa waiting area.

"Sigurado kang sasakay ka ng jeep na basa?"

"Oo naman be. Sa gwapo kong 'to, siguradong mag-uunahan sila na makatabi ako, bigyan ako ng jacket, kapote o kaya payong. Maghubad nga lang ako ng damit eh, pati mga boys baka mabakla na rin hahaha!"

"Be, I like your spirit!"

"Well."

Sumakay kami ng jeep at aba! Totoo nga ang mga sinabi ni Matt!

***

Tristan Jace's POV

Hinintay ko munang lumabas si Bliss Joy ng office. Hindi ko kayang may makakita sa akin na umiiyak.

Hindi ko matanggap na napulot lang niya ang kwintas na ibinigay ko sa babaeng mahal ko. Kaya pala hindi niya ito suot-suot kanina.

Hindi ako makapaniwala. Parang akong unti-unting pinapatay ngayong araw.

Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko pwedeng ipakita sa mga estudyante at kung kanino man ang nararamdaman ko.

Sa mga oras na 'to, para akong sasabog.

Para akong mababaliw.

Para akong masisiraan ng bait.

Para akong paulit-ulit na sinasaksak.

Bumabalik sa akin ang lahat ng ala-ala namin.

Sobrang hirap magpanggap na malakas.

Sobrang nanghihina na ako.

Pinakawalan ko ulit ang babaeng mahal ko sa pangalawang pagkakataon.

Pinili lang niya ako...pansamantala at hindi panghabambuhay hanggang katapusan.