Chapter 15.2 - Real Thing

"Where is Anderson and Fortaleza?!" galit na tanong ni Erick sa bouncer nang nakarating na sila. Kasama na niya si Dwight. Mukhang nag-aalala talaga sila.

"Erick!!! Nandito ako!!!" pagsigaw ko bago pa man makasagot ang bouncer. Kanina ko pa sila hinihintay dito sa labas. Ang hirap kasi kontrolin ni Sky. Hinayaan ko nalang muna siya sa kamay ng mga bouncer sa loob. Mamaya baka mag-Chinese naman yun. Mahirap na! Spanish pa nga lang dumudugo na ilong ko eh! Paano pa kung nag-Chinese yun, baka maging tatlo na butas ng ilong ko. Tss.

Pero nakakacurious, ano kaya yung sinasabi ni Sky kanina? Te amo? Te quiero? Isesearch ko nalang next time.

Nanlaki ang mga mata ni Erick at Dwight nang nakita nila ako. Hindi yata nila ako nakilala dahil wala akong make-up? Dahil panget ako ngayon? Tss. Malamang dahil din sa damit ko at sa agaw pansin kong pajama.

"Tss. Pwede ba! Tara na sa loob! Wag niyong tignan si Hello Kitty! Hindi iyan mabubuhay!"

Buti nalang at sumunod na din sila agad sa akin sa  pagpasok ko sa loob. Hindi ito ang oras para asarin nila ako. 

Pagdating ni Erick at Dwight ay hinila agad nila ang nagwawalang si Sky patungo sa isa sa mga couch sa taas ng bar. May second floor pala ito. Hindi ko napansin kanina.

Nandito kami ngayon sa isang parte ng bar na konti lang ang mga tao. Hindi tulad doon sa kanina na halos hindi ka na makagalaw sa sikip. Mas sosyal ang itsura ng lugar na ito. Pero maririnig pa rin dito ang ingay ng mga nagsisigawang tao at ang ingay ng sobrang lakas na musika galing sa ibaba.

Pinipilit nilang pahinahunin si Sky pero nagpupumiglas pa din ito. Buti nalang at malakas ang dalawa niyang kaibigan kaya naman hindi rin makaalis si Sky sa kinauupuan namin. At bukod pa doon ay mukhang pagod na din si Sky dulot ng mga pinagagagawa niya simula pa kanina.

"Ynna, what happened? Why are you here?" seryosong tanong ni Erick. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat sa mga nangyari.

"Tinawagan niya ako. Pero 'Bro' ang tawag niya sa akin kaya sigurado akong na wrong call lang siya. Malamang isa talaga sa inyo ang dapat na tatawagan niya."

"I see."

Naputol ang pag-uusap namin dahil sa ikinilos ni Sky. Napatigil kami dahil bigla nalang siyang huminahon mula sa kaninang pagpupumiglas niya. Whew! Mabuti naman. Hindi na siya nanlalaban pa sa mga hawak ni Dwight at Erick. Nakapikit nalang siya ngayon at nakasandal sa couch.

"O-Okay na ba siya?" nagaalalang tanong ko.

"SINONG OKAY?!?!?! WALANG OKAY!!!" sigaw ni Sky sa mukha ko. Ang sakit sa tenga!!! Tumaksik pa yung laway!

WOAH!

Nagulat talaga ako at napaatras ako nang biglang sagutin ni Sky ang tanong ko na para naman dapat kay Erick. Ang lakas pa ng boses niya! Sumisigaw siya! Galit siya sa akin!

"MGA BRO!!!! HINDI KO NA ALAM!!!"

Anong hindi na niya alam?

Tumingin ako kila Dwight at Erick at nakita kong nagbikit balikat lang silang dalawa. Hindi rin nila alam ang sinasabi ni Sky. Ano naman kaya yun?

"MGA BRO!!! NAKIKITA KO SIYA KAHIT SAAN!!!"

"Sino bro?" tanong ni Dwight.

"SIYA!!!" tinuro ako ni Sky. "SIYA LAGI!!!"

"Si Ynna?" - Erick / "A-Ako?"

"OO!!! NAKIKITA NIYO RIN BA SIYA?!"

"Umm. Oo." inosenteng pagsagot sa kanya ni Dwight.

"KANINA KO PA SIYA NAKIKITA. KASAYAW KO SIYA KANINA!!!"

Ha? Kasayaw ko siya? Hindi ko naman maalalang sinayaw ko si Sky ngayon ah. Ang una at huling sayaw namin ay doon pa sa rehearsal room eh. Nababaliw na ba siya? Kawawa naman siya at baka kailangan na niyang pumasok sa mental.

"TAPOS KANINA SINUKAHAN KO SIYA! HAHAHAHA!!! NAKAKATAWA!!!"

S-Sinukahan niya ako? Yung babaeng labas bilbil kaya yung sinukahan niya! So pinagkamalan niyang ako yung babaeng labas yung bilbil na iyon? Ang kapal! Mas maganda naman ako ng di hamak doon! At wala akong bilbil!!!

"TAPOS LAHAT NG BABAE DITO SA BAR KAMUKHA NIYA!!!"

A-Ano?

O-M-G.

Nangyayari din kaya ito kay Sky? Nagiging mala Jollibee din ako sa paningin niya? Ang akala ko ay sa akin lang nangyayari pero mukhang nararanasan din niya. Sakit ba ito? May epidemya bang kumakalat?! Ano ba itong nangyayari sa aming dalawa! May kumukulam yata sa amin!!!

"HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN BRO!!! NABABALIW NA AKO!!!!"

Ako rin Sky. Kung alam mo lang. Ako rin.

"Huminahon ka, lasing ka lang." sabi ni Erick.

"Oo nga bro, masyado ka lang in love." sabi ni Dwight at nakangisi pa. Hindi siya nakakatulong!

"Iuuwi ka nalang namin." Dagdag pa ni Erick.

"AYOKO!!!!!" sumigaw si Sky.

"Sky, umuwi ka na!" sigaw ko.

"IKAW!!!" tinuro niya ulit ako. "HUWAG MO AKONG KAKAUSAPIN AT HUWAG MO AKONG NILOLOKO! PEKE KA LUMAYAS KANG PEKE KA!!!"

Nanigas ako sa salitang 'Peke' na sinabi ni Sky. Alam ko naman na ang ibig sabihin niya na peke ay dahil sa kanina pa siya nakakakita ng maraming kamukha ko dahil sa pagkalasing niya. Pero hindi ko maalis sa isipan ko na tama nga siya. Peke ako. Nasabi ni Sky sa harap ko ang katotohanan ng hindi niya nalalaman. Hindi niya alam ang sinasabi niya pero tagos hanggang buto ko ang nabitawan niyang salita. Oo, peke ako. Isa akong malaking kasinungalingan. Ang sakit pala sa pakiramdam kapag sinabi mismo sa harapan mo.

"Ako ang tunay na Ynna! Ano ka ba!" sabi ko habang pinunasan ko ang kanina ko pa palang nanggigilid na luha sa mga mata.

"KUNG AKALA MO MAIINLOVE AKO SAYO!?! IN YOUR FACE!!!!"

Ouch.

Parang may kumirot sa puso ko.  

"Wala akong sinasabing ganyan!" pagkontra ko pero ramdam kong nag-init ang pisngi ko. Siguro sa hiya? Siguro sa sakit? Hindi ko rin alam.

"Bro, aminin mo na kasi sa sarili mo na inlove ka na sa kanya!" dagdag pa ulit ni Dwight. Tss!!! Hindi talaga siya nakakatulong!!!

"ISA KA PA!!!"

Nagulat nalang ako at biglang nakatayo si Sky sa mga hawak sa kanya ni Erick at Dwight at bigla nalang niyang sinuntok ng malakas si Dwight sa kanang bahagi ng mukha nito. Nakita kong may dugong namuo sa bandang gilid na bahagi ng bibig ni Dwight!

"Aray! Ano ba!!!" nagalit si Dwight at akmang susuntukin na rin niya ang lasing na si Sky bilang ganti nang bigla siyang pigilan ni Erick.

"Ano ba Dwight, lalakihan mo nanaman ba ang problema!?"

"Nakakapikon eh!" sagot ni Dwight. "Manuntok ba naman bigla!"

"Mukhang malakas talaga ang tama ni Sky ngayon. Hindi ko inakalang mangyayari pa ulit ito sa kanya." seryosong sinabi ni Erick.

ULIT?!

Nangyari na ito dati sa kanya?

"Ano nang plano?" tanong ni Dwight kay Erick. "Bago ko pa masuntok pabalik 'tong si Sky! Pinadugo niya bibig ko! Ni hindi pa nga ako nakikiss ni Debbie eh!"

"Sa tingin mo ba oras na para tawagin sila?" si Erick.

Tawagin sila? Sino ang tatawagin nila? Naguguluhan ako. Ano ba talaga ang mga nangyayari?

"You think?" tanong pabalik ni Dwight.

"I don't know. But how can we fix this?"

"Siguro nga. Hindi naman yata natin kaya ang lakas ng tama ni Sky ngayon eh." sagot ni Dwight.

"Sinong tatawagin niyo?" hindi ko mapigilang hindi magtanong.

"WUHOO!!! ANG SEXY NUNG ISANG YNNA DOON OH!" nakangising sabi ni Sky na ngayon lang ulit nagsalita pagkatapos niyang suntukin si Dwight.

Tinignan ko ang mukha nung sinasabi niyang sexing Ynna. At bastos!!! Nakaturo siya sa isang napakalaking bouncer na kalbo! Pati ba naman bouncer ay kamukha ko na rin sa pangingin niya! Nakakainsulto na talaga siya ah! Kahit lasing siya ay nakukuha pa rin niyang manlait!!! 

Binalik ko ang tingin ko kay Erick at Dwight para sa kasagutan sa itinanong ko pero hindi na nila ako masasagot dahil pareho na silang may mga kausap sa kani-kanilang mga telepono.

Sino kaya ang mga tinatawagan nila? Parang ang dami? Hindi ko alam pero bakit kinakabahan ako?

Nang naibaba na nila ang mga cellphones nila ay tatanungin ko sana sila ulit pero gumawa nanaman ng kababalaghan si Sky.

"WUHOO!!! YNNA THE BOUNCER!!! YNNA THE DANCER!!! YNNA THE CASHIER!!! YNNA THE WAITER!!! YNNA EVERYWHERE!!! LET'S PARTY!!!" at nagsimula nanaman siyang sumayaw ng Macarena. At ngayon ay sumasayaw na siya sa taas ng mesa na inuupuan namin! Sumasabay ang Macarena moves niya sa isang maingay ng tugtog.

 

♪ I sat outside my front window, this story's going somewhere

He's well hung and I am hanging up

There's a song on the radio that says

Let's get this party started, let's get this party started ♫

"LET GET THIS PARTY STARTED!!!! WUHOOOO!!!" pagsigaw niya habang sinasabayan ang lyrics ng maingay na kanta. Halos natatapakan na niya ang mga nakahandang kubyertos sa mesa.

 

♪ What you do on your own time's just fine?

My imagination's much worse, I just never wanna know

And what meant the world had folded

like legs and fingers holding onto what escapes me

what he has: a better kiss that never lasts.

You said between your smiles and regrets

Don't say it's over

Dead and gone, dead and gone ♫

"GRABE!!! ANG SAYA! PARTY TOGETHER WITH DWIGHT, ERICK AND YNNA YNNA YNNA YNNA!!!" halos mapaos na siya kakasigaw. Kung normal na araw lang ay tiyak pagtatawanan ko si Sky dahil sa kahihiyan na ginagawa niya. Pero hindi eh, alam ko ang nararamdaman niya. Naramdaman ko rin iyon sa kwarto kanina. Pero alam kong mas malala ang pinagdadaanan niya ngayon.

 

♪ Calm before the storm

Set it off and the sun burnt out tonight

Reception less than warm

Set it off and the sun burnt out tonight ♫

"Malapit na ba daw sila?" tanong ni Dwight kay Erick. Hindi nalang nila pinansin ang nagsasasayaw na si Sky. Hindi rin naman kasi siya mapipigilan pa sa ginagawa niya eh. Mas mabuti na rin yung sumasayaw lang siya kesa sa nanununtok siya at nagspaspanish. At least pagsayaw naman talaga ang ginagawa sa bar eh. Kaso hindi nga lang sa taas ng mesa. Naiiba pa rin pala si Sky.

"No." sagot ni Erick.

"Ha?! Matagal pa?! I thought malapit n----"

"No. They are here." pagputol ni Erick. Ngumiti siya ng tipid. Pero kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya.

"Finally." nagbuntong hininga si Dwight na para bang nabunutan siya ng tinik. Bakit kaya?

Tumingin si Dwight at Erick sa pintuan kaya naman sinundan ko na rin ng tingin iyon. Nakita ko doon na nakatayo ang anim na nagwagwapuhang lalaki. Para silang mga artista! Parang silang bibida sa isang action film! Sobrang gwagwapo talaga! Yung isa doon ay mas gwapo pa kay Sky!!!

Magcoconcert ba sila ngayon dito sa Tritonne? Siguro!!! Nakakaexcite naman! Magpapapicture nga ako diyan sa mga yan mamaya! Tama nga ang sabi sa PEP.PH na laging nagbabar ang mga artista. Chance ko na ito! May ibabaon na akong memories pagbalik ko sa Bohol!

Nagulat ako nang hindi sila sa stage pumunta. Pumupunta sila sa direksyon kung nasaan kami!!! Umaakyat na sila ngayon! Pumupunta ba sila sa akin?! Nagagandahan ba sila sa akin?! Magkakalove life na yata ako! Baka ito na ang oras para makalimutan ko na talaga si Sky!!! Ang saya naman at may choices pa! Anim pa! A? B? C? D? E? o F? Pwede bang all of the above? Ahihihi.

Huminto ang mga gwapo sa tapat ng table namin kung saan patuloy ang pagsasayaw ni Sky.

Nakita ko kung paano sila tratuhin ng mga waiters at waitresses sa bar. Ginagalang talaga sila tulad nung paggalang na ginawa nila kay Sky kanina kahit lasing siya. Napatingin ako doon sa lalaking napansin ko kanina na mas gwapo kay Sky. Siya kasi ang nasa gitna at siya ang medyo mas malapit sa gawi namin. Kumbaga ay nasa likod niya lang yung lima na parang mga alalay. Mukhang siya ang leader leader-an. Brown ang buhok niya ay mayroon siyang nakakaakit na dimples. Naka navy blue v-neck lang siya at pants pero ang lakas talaga ng dating niya. Grabe. Parang lahat ng kagandahang lalaki ay isinalo na niya!

Nagulat ako nang lumapit pa siya lalo sa mesa kung saan nagsasayaw si Sky at...

...bigla nalang niya itong sinuntok sa mukha ng pagkalakas lakas.

*BOOOOOOOOGSH*

Ayun.

K.O.

Tulog.

Bigla nalang nagcollapse si Sky sa couch.

Kahit sobrang gwapo nung lalaking sumunok kay Sky ay bigla nalang akong nakaramdam ng inis sa kanya. Bakit niya kailangang suntukin si Sky! Wala naman itong ginagawa sa kanya ah! Kahit siya pa ang may-ari ng bar na ito ay wala siyang karapatan para manuntok ng customer kahit pa nagsasayaw ito sa taas ito ng mesa nila!

"Nice one, Ash." sabi nung isang lalaking gwapo din kaso naka afro hair style.

Ash? Yun ang pangalan niya? Hindi ba abo iyon? Naalala ko tuloy bigla yung bida sa Pokemon. Batuhin ko kaya ito ng mga koleksyon ko na Pokemon balls! Ang sama kasi niya kay Sky eh! Hmp!

"Long time no see, Erick, Dwight." sabi naman nung isang chinito na kamukha ni Kim Bum. Gwapo din!

Pero naiinis pa din talaga ako sa ginawa nung Ash kay Sky! Parang pumanget silang lahat bigla sa paningin ko! Mga layogenic pala!

Tumango si Erick bilang sagot at si Dwight naman ay ngumisi lang habang inaayos niya ang paghiga ng walang malay na si Sky sa couch. Ganun ba talaga kalakas yung suntok nung Ash para makatulog agad si Sky? O baka dahil pagod na din si Sky? Gawin ba naman kasi niyang stage yung mesa eh!

Bago pa man ako makapagtanong ay inunahan na ako si Erick.

"She is Ynna." sabi niya sa anim na gwapo. Oo na gwapo talaga sila.  "She is Sky's girlfriend."

A-Ano daw?

Bakit parang nagulat ako?

Ngayon lang ako pinakilala bilang girlfriend ni Sky.

Parang biglang may nagwala sa sikmura ko. Hindi ko maintindihan kung ano ba iyon. Hindi ko rin namalayan na pinipigil ko na pala ang paghinga ko. Tss. Ano ba ito! Ganito ba ang pakiramdam ng mga tunay na girlfriends kapag pinapakilala sila sa ibang tao o ako lang? Hay!

Ngumiti nalang ako ng hilaw sa kanila. Nakakatakot sila kahit gwapo sila. Buti nalang ay isa isa rin silang ngumiti pabalik. Kahit yung Ash ay ngumingiti din pala. Mukhang mababait din naman pala. Pero ang sama pa din nila kay Sky! 

Pero may sinabi si Erick na tila ikinagulat ko ng todo. Nalaglag ang panga ko sa nalaman ko. Hindi ako lubusang makapaniwala na meron pa palang iba. Meron palang totoo. Mayroong tunay. At napakaganda ko pa ngayon suot suot ang Hello Kity pajamas ko at buhok kong parang bihon na sa tigas. Hindi masyadong halata na hindi ako nakapaghanda.

"Ynna." seryosong tumingin sa mga mata ko si Erick. "This is Ash, Chase, Clyde, King, Viel and Austin..."

"...the REAL Vengeance."