A/N: Last 2 chapters to go. Please po huwag niyo po sukuan ang MWG. The ending will be worth it po, I promise. Hihi. Thanks po!
-Mharizt
-
Chapter 58 – Sleep
• ALYNNA MARIE PAREDES •
Nakatingin lang sakin ng seryoso si Sky pagbalik ko sa hospital room niya dala dala yung bagong gown na pangpalit sa kanya. Puting damit lang naman ito, di ko talaga maisipan bakit gown ang tawag dito. May saltik ang naka-isip na gown ang tawag dito for sure.
Mga ilang minuto din kaming magka-titigan lang. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin. Pakiramdam ko may gusto siyang aminin. At tama nga ako, tungkol nga doon ang gusto niyang sabihin.
"About the recording," panimula niya. Tinignan ko lang siya pero walang nang halos galit pa sa aking mga mata. Pero gusto ko din kasi siyempreng malaman kung bakit nagkaroon ng ganun. Gusto ko rin marinig yung side niya.
"That was recorded a long time ago. I really wanted to hurt Janina at that time. I hated her so much. B-But all the things that we did, even though you heard all that in the recording, they were all true. I really loved you and I love you still. I hope you can forgive me. I am truthfully sorry."
Nginitian ko lang siya. Yung sincere at totoo. Matagal ko naman na siyang napatawad. Kapag bago palang kasi ang sugat, may mga pagkakataon lang talaga na hindi mo pa matanggap sa sarili mo yung mga narinig mo o yung mga nagyayari kaya akala mo galit ka, akala mo tapos na, akala mo hindi mo na kaya. Pero yung pagmamahal na pinakita sa akin ni Sky simula't sapul, sa totoo lang, sapat na yun eh. Sapat na yun para ma-realize ko na totoo lahat ng pinapakita niya sa akin.
"Are we good now, for real?" tanong niya sa akin. Seryoso at nag-aalala ang mukha niya. Gusto ko din magseryoso sana ng mukha ko pero nakikita ko kasi yung abs niya kasi nga di ba towel lang ang nakapulupot sa kanya. Hindi tuloy ako maka-concentrate. Yung tipong ang seryoso ng usapan pero pinagnanasaan lang siya ng utak ko. Grabe talaga. Ano ba ito!
"Oo." Simple lang ang pagkakasabi ko. Baka kasi mahalata niya na hindi ako maka-concentrate eh.
"No more pretenses?" tanong niya ulit. Ano ba ibig sabihin nun?
"Ha?" nga nga ako.
"No more pretending?" iniba niya yung term. Ayun na-gets ko na.
"Oo naman. Tama na. Ayoko na din." sagot ko. Ayoko na din naman talaga. Gusto ko nang magsimula ulit ng totoo. Yung totoong Sky at totoong Ynna. Walang pagpapanggap. Yung mga tunay na kami lang.
Ngumiti lang siya ng kaunti tapos nakipagtitigan nanaman sakin. Malalagkit ang kanyang mga titig sa akin na para bang may gusto siyang sabihin kaso hindi naman ako manghuhula kaya wala akong ideya kung ano ba talaga ang gusto at kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya.
Gusto kong makipagtitigan kay Sky pero yung mata ko parang kusang bumababa sa abs niya. Ang ganda talagang tanawin ng abs niya. Binalik ko ang tingin ko sa mata ni Sky at nakita ko na parang umaapoy sa pagnanasa ang kanyang mga mata. Parang miss na miss na talaga niya ako. Ganun din ako sa kanya. Kapag hinalikan ako ni Sky ngayon, di ko na talaga alam kung makakapagpigil pa ako. Hanggang ngayon ay towel lang ang saplot niya. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya inaalis ang kanyang mga mata sa akin.
Hindi ko namalayan pano ito nangyari, pero naramdaman ko nalang bigla ang aking sarili na hinahalikan nang muli si Sky. Sobrang na-miss ko na talaga siya. Gustong gusto ko siya. Yung mga haplos niya sa aking mukha, kung pano pinaglalaruan ng kanyang dila ang aking dila, kung paano ko maramdaman ang lahat ng pagmamahalan namin, at kung pano niya inaalis ang hook ng bra ko.
May T-shirt pa din naman ako pero tuluyan nang nagwagi si Sky sa plano niya dahil nakita ko nalang na ang bra ko ay nasa sahig na. Lasing na lasing na naman ako sa kanya. Alam kong sa puntong ito ay may mangyayari na talaga. Wala na rin naman akong pakialam. Legal na din naman ako ngayon at nakalagpas na din naman si Sky dun sa 10 days na palugit sa kanya ni papa. Wala nang makakapagpigil sa pagmamahalan namin ni Sky ngayon. Wala na akong pakialam. Kanyang kanya naman na ako noon pa. Pagsilang ko palang nga yata sa mundong ito, kanya na ako eh.
Naramdaman ko nalang na hinahaplos na pala ni Sky ang gilid ng aking dibdib sa loob ng t-shirt ko. Napa-liyad ako sa sensayon na pinapatamasa niya sa akin. May mga kung ano-ano pa akong nagawang mga tunog na hindi ko alam na lalabas pala sa bibig ko. Pero wala akong pakialam dahil lasing nga ako sa pagmamahal niya at sa kung ano mang ginagawa niya. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na tinanggal ni Sky ang kanyang towel, ang kanyang nag-iisang saplot.
Hindi ko makita yung anes niya kasi natatakpan pa rin ng kumot pero gusto ko na talagang makita kung ano ba talaga ang itsura ng ano ng lalaki. Akmang titignan ko na yung pag-aari niyang kayamanan nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Sky. Ano ba yan, bitin.
"Ynna? Sky? May I come in? We have an emergency." Si ate Janina?
Emergency? Ano naman kaya yun? Kinabahan ako ng bigla sa sinabi niya.
"Ah, ate, sige, sandali lang ha. Pinapalitan ko kasi si Sky ng gown kasi umebak siya eh." mabilis kong pagpapaliwanag.
"Sure. I'll wait. Pero pakibilis ah." sabi niya. Hindi man lang siya natawa na umebak si Sky. Seryoso ang boses niya na tila parang nag-mamadali talaga siya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko dun. Anong meron?
Dali-dali akong nag-bra muli. Namutla ako sa muntik na namin na gawin ni Sky. Grabe ang pusok ko talaga. Pero iba kasi talaga siguro kapag sobra mong na-miss yung tao at idagdag mo pa na sobra mong mahal yung tao. Si Sky naman, medyo nabadtrip kasi siguro nabitin niya, at nakita ko rin na medyo nabadtrip siya sakin nung nasabi k okay Janina na tumae siya. Nako, sorry. Minsan kasi wala talagang preno yung bunganga ko eh. Pero ayun, tumango naman siya sa akin bilang simbolo na naiintindihan niya na may kailangan akong gawin, at yun ay ang pakinggan ang ate ko na naghihintay sa akin sa labas.
Agaran kong kinuha yung hospital gown ni Sky at sinuot sa hubad niyang katawan. Pilit ko pa ngang sinisilip yung footlong niya kaso tinatakpan naman si Sky. Ang daya. Ang damot. Kala mo naman.
"It's not yet time. Hurry up." tugon niya.
Hindi pa daw oras na pwede ko makita yung armas niya. Edi wag. Nakakainis ang damot niya. Mag-porn nalang kaya ako? Hehe. Joke lang. Si Sky lang ang gusto ko noh. Nasasapian lang siguro ako ng konti ni Viel. Nakakapangilabot naman.
Nang natapos kong damitan si Sky ay pinaayos ko lang siya ng upo at pumunta na ako sa pintuan para pagbuksan ang ate ko.
Katahimikan...
Natulala ako sa nakita kong itsura ng ate...
Ha?
B-Bakit?
Hindi ko maintindihan.
Katahimikan...
Namamaga ang kanyang mga mata at mukhang galing lang siya sa pag-iyak, yung tipong matinding pag-iyak.
Pinisil ni Sky ang aking kanang kamay. Nakatayo na din pala si Sky sa likuran ko. Alam kong hindi magandang balita ang sasabihin ni ate. Bakit kailangan ba na ngayon pa namin magkaroon ng mga ganitong problema kung kailan halos maayos na ang lahat? Bakit ba hindi pwede na wala na lang problema? Bakit ganito? Hindi ko pa man naririnig ay tila naiiyak na ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko marinig kung ano man yung ibabalita niya. Masyado akong masaya at okay ngayon para makarinig nanaman ng problema. Nagsasawa na ako sa problema.
"We will... f-fly to Manila tomorrow." umiiyak nanaman siya habang sinasabi niya ito sa aming dalawa ni Sky. "Sky, you can also now be discharged from the hospital so you can come with us."
"I will come with you." seryosong sabi ni Sky kay ate.
"Ate, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" pagtatanong ko, punong puno ng pag-aalala. Kahit alam kong magiging masakit ay dapat kong malaman ito. Ano kayang nangyari kay ate?
Pinunasan ni ate ang kanyang luha. Alam kong hirap na hirap siya kasi kahit pa punansan ni ate ang kanyang luha ay tila may bumabagsak pa din. Alam kong pinipilit ni ate maging malakas. Alam kong ginamit na ni ate ang kanyang buong lakas para sabihin sakin ang mga salitang ito – ang mga salitang dudurog ng puso ko. Ang mga salitang magbabago at magbabaliktad ng maganda kong araw. Ang mga salitang kahit sino ay di magugustuhang marinig.
"Shibama... is dying."
...
Katahimikan...
...
A-Ano?
...
Hindi pwede!
Parang akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagkakatayo ko. Hindi to pwede. Niloloko lang ako ng ate. Hahaha. Siguro naging masama nanaman siya. Tama! Siguro kumakampi nanaman siya kay Farrah. Dapat expected ko na to! Siguro niloloko lang niya ako ulit. Oo tama nga talaga! Siguro ayaw na niya maging mabait ulit. Ganun nga yun! Nakakatawa, alam na alam talaga ni Farrah kung paano ako saktan noh? Ang epektibo nila eh.
Hindi ko namalayan na wala na palang tigil ang daloy ng luha ko. Nakita ko nalang ang aking sarili na niyayakap ng ate at ni Sky. Hindi ko alam ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam ano ang irerekayson ko. Wala akong magawa kundi tumayo.
"Ate, kumampi ka nanaman ba kay Farrah? Okay lang ate. Promise. Kung ayaw mo na ulit sakin kasi jologs ako? Walang probema. Di ko ipipilit ang sarili ko sayo. Promise ate!" tumawa ako ng mapait pero umiiyak pa din ako.
"Kung tingin mo di talaga ako mabuting tao? Kung tingin mo di talaga ako deserve sa ECB? Kung tingin mo di kita deserve maging kadugo? Okay lang ate!!! Pangako ate okay lang! Pero please ate, ate naman. Wag naman siya. Wag naman si Shibama. Wag ate!!!" paghahagulgol ko na.
"Ate naman, yun lang ang kakampi ko buhay ko eh. Ate naman, wag ka naman ganyan. Wag mo naman ako durugin ng ganito. Ate, please naman, sabihin mo naman na nagbibiro ka lang. Ate gagawin ko lahat ng utos mo basta sabihin mo lang na nagbibiro ka lang. Ate sabihin mo naman na pinagtritripan mo lang ako. Ok lang ako, di ako magagalit, di ako magrereklamo. Sanay naman na ako na pinagtritripan. Sige na! Sabihin mo na!!! Ate!!!"
Napaluhod na ako sa sahig.
Yung itsura ni ate na umiiyak lang. Yung itsura niyang wala siyang masabi. Yun palang, yun palang sapat na para malaman ko ang totoo.
Hindi ko kalaban si ate.
Hindi siya bumaliktad.
Hindi ako niloloko ni ate.
Hindi siya ng nagsalita ng iba pa.
Umiiyak lang din siya.
Binigay lang niya sa akin yung ticket namin bukas pa-Manila tapos bigla nalang siya tumakbo palayo. Nakita ko sa malayo na hinabol pa siya ni Dave. Ang The Vengeance, na nakita ko rin sa labas, ay malulungkot din ang mga reaksyon. Mukhang narinig na nila yung masamang balita bago ko pa malaman. Puro landi lang kasi inaatupag ko. Puro landi! Puro 50%, 99% okay. Hindi ko man lang natawagan yung kaibigan ko kung okay ba siya. Napahamak ko na si Sky na mahal ko, tapos ngayon, ako pa huling makakaalam sa lagay ng isa pa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Ang sarap saktan ng sarili ko! Napakawalang kwenta kong tao! Napakamakasarili ko!
Pwede bang mag-mura kahit ngayon lang?
Tangina!!!
--
Buong byahe sa eroplano ay umiiyak lang ako. Pinipilit ako patahanin ni Sky na katabi ko ngayon pero hindi niya magawa, hindi talaga ako tumitigil, hanggang sumuko nalang siya. Hinawakan nalang niya ang kamay ko at pinaramdam nalang niya sa akin na nandito lang siya para sa akin. Sa totoo lang ang laking tulong ng paghawak ng kamay ni Sky sa akin. Kasi kung wala siya ngayon, hindi ko na alam kung ano nang nagawa ko. Hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon. Basta, kung wala siya, hindi ko na alam.
[Manila Medical Center]
Nagkita-kita kaming lahat sa ng lobby ng hospital kung saan naka-confine daw si Shibama. Parang naging gulay ang mga binti ko na halos hindi makatayo ng maayos. Si ate ang naghatid sa amin papunta sa kwarto ni Shibama. Maganda ang hospital kaya naman hindi na ako magtataka kung maganda ang kwarto ni Shibama. Sana lang, maganda rin ang sitwasyon at kalagayan niya.
Room 1889 – CASTRO, SHAWN IBRAHIM ARCAZA
Nang nakita ko ang buong pangalan ni Shibama sa pintuan ay parang mas lalo akong nanghina at nalungkot. Nakakatawa na ngayon ko lang nalaman ang tunay niyang pangalan. Kung mga normal na pagkakataon lang ito ay pinagtatawanan ko sana siya, at tinatawag ko sana siya sa kanyang pang-lalaking pangalan. Napipikon na sana siya sa akin ngayon at nilalabanan na niya ako ng mga pang-asar din sana niya. Pero hindi eh, di man lang ako makatawa. Hindi ko man lang matignan ng maayos si ate habang binubuksan niya yung pinto. Hindi man lang ako makapag-isip ng tama sa sobrang kaba.
Katahimikan...
Pagbukas ni ate ng pinto ay sumalubong sa amin ang payat na payat na Shibama.
Diyos ko...
Nadurog ang puso ko nang nakita ko siya na nakahilata sa kama. Parang hinang hina at wala nang lakas. Parang... hindi. Hindi pwede. Malakas si Shibama. Lalaban siya. Kilala ko yan. Malakas yan.
Binitawan ko ang kamay ni Sky at tumakbo sa kama kung nasan nakahiga si Shibama. Hinawakan ko agad yung kamay niya at dinikit ito sa aking pisngi. Hindi ganito ang kamay ni Shibama. Hindi malambot. Matigas to dapat. Marami siyang muscles 'di ba? Bakit ganito. Hindi ko mapigilan ang muling pagbagsak ng luha ko. Hindi to pwede. Hindi pwedeng makita ko si Shibama ng ganito. Hindi ito maaari. Hindi. Hindi. Hindi.
"Ynna dear..." mahinang pagkakasabi ni Shibama. Nanghihina siya. Nakapikit lang siya at mayroon mumunting luha na tumutulo sa gilid ng mga mata niya. Nang nakita ko iyon at tila dinudurog nanaman muli ang puso ko. Diyos ko po, bakit niyo hinayaang mangyari ito kay Shibama? Bakit hindi nalang sa mga masasamang tao sa mundo? Bakit hindi nalang sakin?
"S-Shibs..." pilit kong sinabi. Hindi kasi talaga ako makapagsalita ng maayos dahil sa pag-iiyak ko.
"I've been waiting for you." simula niya. "I love you, Ynna dear." nakapikit pa din niyang sabi. "Thanks for being here on my last day." pinisil niya ng mahina ang aking pisngi.
Ano? Last day? Hindi to pwede. Anong last day pinagsasabi niya? Bakit last day? Hindi!
"Shibs naman eh, wag ka naman mag-joke. Alam ko komedyante ka pero wag naman ngayon." umiiyak ko pa ding sinabi.
Binuksan ni Shibama ang mga mata niya. Nakita ko na parang masaya siya sa nakikita niya. Tinignan niya muna ako at tinignan niya ang paligid niyang punong puno ng tao. Naroon ang The Vengeance at ang The Royals.
"Si Janina?" tanong niya sa akin. Hinahanap niya ang ate.
Hinanap ko si ate sa buong kwarto pero wala siya. Tinanong ko agad sa mga tao kung nasaan ang ate at hinahanap siya ni Shibama. Sabi ni Clyde ay nakita niyang lumabas lang daw saglit, baka nag-banyo siguro. Hinalikan ko ang kamay niya at nagpaalam muna ako sa nanghihinang si Shibama at nagsabing babalikan ko siya. Hahanapin ko lang muna si ate para makapag-usap din sila. Tumango naman siya, bakas sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya. Durog pa rin ang puso ko sa tuwing nakikita ko na wala na yung macho kong bading na kaibigan. Huminga ako ng malalim bago ako tumayo sa pinagkakaupuan ko at lumabas para hanapin si ate.
Paglabas na paglabas ko ng kwarto ay saktong narinig ko ang malakas na sampal...
Sampal na lumatag sa mukha ng ate Janina ko...
...galing kay Dylan.
Si Dylan? Si Dylan na boses chipmunk? Si Dylan na personal fitness trainer ni ate Janina? Si Dylan na isa sa mga taong nakaka-alam ng sikretong pagpapanggap ko noon? Bakit siya nandito? Anong koneksyon niya kay Shibama? Bakit galit siya kay ate? Galit na galit ang mga tingin niya kay ate. Si ate naman, umiiyak lang at tinanggap ang sampal galing kay Dylan. P-Posible bang kamag-anak ni Shibama si Dylan? Posible din bang hindi alam ni Dylan ang kundisyon ni Shibama? Paano nga ba nalaman ni ate? Bakit si ate lang ang may alam? Posible kayang matagal nang alam ni ate 'to? Bakit naman niya itinago? Ano ang rason niya bakit niya ginawa yun?
Umatras ako ng konti para hindi nila ako makita. Alam kong hindi maganda ang pagkikinig ng usapan ng iba pero gusto ko din kasi marinig ang magiging dahilan ni ate. Sobrang naguguluhan na ang utak ko at kailangan ko ng mga kasagutan.
"How dare you." Panimula ni Dylan. Nanlilisik pa din ang kanyang mga mata kay ate.
Nakayuko ang si ate. Hindi siya lumalaban. Bakit? Hindi ako sanay makita si ate na hindi lumalaban.
"Kailan mo balak sabihin sakin ha? Kapag patay na siya? Tangina mo naman Janina! Boyfriend ko yan. Nagmamahalan kaming dalawa. Anong karapatan mong itago sakin ang kalagayan niya? Ano!!!!" sigaw ni Dylan kay ate.
Boyfriend? Siya pala ang boyfriend ni Shibama. Yung taong matagal nang tinatago sa akin ni Shibama. Si Dylan lang pala. Bakit kaya tinago ni Shibs sa akin na boyfriend niya si Dylan?
At bakit hindi alam ni Dylan, na boyrfriend ni Shibama, ang kalagayan ni Shibs? Hindi ba dapat bilang boyfriend, siya ang isa sa mga unang makakaalam nito? Gaano na ba katagal ito? Bakit hindi sinasabi ni ate? Ano ba talagang nangyayari? Ang gulo gulo na. Ang sakit sakit na ng puso ko.
"Ayaw ni Shibby malaman mo." Umiiyak at humihikbing sinabi ni ate. Tila nagsisisi siya sa kanyang mga nagawa.
*Pak*
Sinampal siya ulit ni Dylan. Hindi pa din nanglalaban ang ate. Gusto kong magpakita. Gusto kong tulungan ang ate. Pero di ko magawa. Ako mismo kasi, medyo sumama ang loob sa kanya. Alam kong kababati lang namin at kaaayos lang namin sa probinsya nitong nakaraan. Pero yung nilihim lang niya ito lahat sa sarli niya nang di kami sinasabihan, hindi ko alam pano nya yun nagawa. Hindi ko alam kung paano niya yun kinaya. Hindi ko rin alam kung bakit nya yun kinayang gawin.
"Alam mo tauhan mo lang ako, Janina. Alam ko naman yun eh. Fitness trainer mo lang ako. At kung 'di dahil sayo, 'di ko rin naman makikilala si Shibama. Alam ko naman na sayo lang galing lahat ng meron ako ngayon, simula pera, pamumuhay at pagmamahal. Pero wag ka naman masyadong madamot. Napaka-ipokrita mo naman. Bakit ganyan ka? Bakit hanggang sa huling sandali ni shibama, ang makasarili mo? Bakit? Bakit!!!—
"Alam mo, sa totoo lang, idol kita talaga eh. Lahat nasayo na. Wala ka nang kailangan pa sa buhay mo. Lahat ng tao ang taas ng tingin sayo. Pero yung 'di mo sakin sinabi yung kalagayan ng mahal ko. Yung kailangan ako pa mismo ang makakita ng dahilan kung bakit, hindi ko yun matanggap boss Janina eh.—
"Ang tagal nang may sakit ni Shibama, Janina. Bakit? Bakit mo tinago? Nung isang araw ko lang nalaman nung sinusubukan ko siyang i-contact pero hindi ko magawa. Hanggang sa nag-alalala ako ng sobra. Pumunta ako sa dorm nila ni Ynna. At doon ay nakita ko ang mga medical receipts ng mga pabalik balik niya sa ospital. Putang ina naman, Janina! Anong klaseng demonyo ka ba? Masaya ka ba sa ginagawa mo, ha?!"
Iyak na ng iyak si Dylan. Hindi ko rin mapigilan ang aking sarili at iyak na din ang ng iyak dito sa gilid. Bakit ba kasi talaga nangyayari ang lahat ng ito. Puro nalang katanungan ang nasa isip ko. Mga katanungan na walang kasagutan.
"May taning ang buhay ni Shibama. Tangina mo Janina. Tangina mo sa pagsosolo ng lahat ng nangyayari kay Shibama. Tangina mo sana ikaw nalang ang mamatay!!!" sigaw sa kanya ni Dylan.
"Ano? Anong taning?!" gulat na gulat na pabalik na tanong ni ate kay Dylan.
"Akala ko ba alam mo ang lahat? Bakit ngayon nagpapanggap ka na wala kang alam. Gago!" seryosong balik sa kanya ni Dylan. Galit na galit pa din.
"H-Hindi pwede." kinakabahang sabi ng ate. Iniwan niya si Dylan at akmang papasok na sa kwarto ni Shibama nang nakita niya akong pinapanuod sila sa gilid. Nagkatinginan ang pareho naming naluluhang mga mata ng ilang segundo rin bago siya pumasok.
Pagpasok ni ate ay pumasok na din ako kasunod niya. Hindi ko alam kung sumunod ba si Dylan sa amin.
Pagpasok ko sa loob ay kita ko na nakaluhod si ate na umiiyak at hawak hawak ang kamay ni Shibama. Yun din yung mismong pwesto namin ni Shibama kanina.
"Shibby naman. Sabi mo.. Sabi mo..." umiiyak si ate. Hindi niya matuloy ang mga gusto niyang sabihin.
"Shhh." Pagpipigil sa kanya ni Shibama. Lumapit na din ako sa kung nasan sila. Umiiyak pa din ako.
"Shibby, bati na kami." hinawakan ni ate ang kamay ko at pinakita kay Shibama. Tapos pilit pang ngumiti si ate. "Shibby, di ba sabi mo kapag bati na kami mabubuhay ka? Di ba nag promise ka?"
Ano? Sinabi yun ni Shibama? May usapan silang ganun ni ate?
"Janina dear, ynna dear. Mahal na mahal ko kayong dalawa." sabi ni Shibama na tiyak na kinaiyak naming dalawa lalo ni ate. Hawak namin ni ate ngayon ang mga kamay ni Shibama, tig-isa kami ni ate ng kamay.
"Bakit may taning? Bakit sabi ni Dylan may taning? Anong nangyayari Shibby, akala ko ba tayong dalawa lang ang walang secrets? Anong nagayayari!" iyak ng iyak si ate.
"I..." panimula ni Shibama. "I'm sorry for lying. I know everything from the start. I knew... I knew I was about to die. I have always been your fan, Janina. I told myself na before I die, I want to be your stylist and spend the rest of my life styling you.—
"Before you hired me, I knew that 10 years nalang ang ihahaba ng buhay ko. And guess what, I just had my 10th year anniversary last month. Over due na nga buhay ko eh." Tumawa siya ng masakit. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hindi ko kayang marinig ang mga ito. Pakiramdam ko unti-unti akong namamatay.
"Ynna..." sabi ni Shibama at humarap sa akin. "itong ate Janina mo, hindi siya masamang tao. Siya ang isa sa pinaka mabuting taong nakilala ko. When she hired me as her stylist and fashion designer, wala pa akong pangalan nun. Wala akong pamilya, wala akong boyfriend, wala akong kasama sa buhay. Siya lang.—
"She treated me nicely, there are times na di nya gusto ayos ko sa kanya. But that's nothing compared to all the things she has given me. She has made me experience the life I never thought I would ever experience in this lifetime. It was all that I coud ever ask for. But she gave me more—
"She gave me you. She gave me a real friend sa katauhan mo, Ynna. Our friendship, everything we have been through, lahat ng pagsusulsol ko sayo kay Sky, sa lahat ng mga kalokohan na ginawa natin, sobrang naging masaya ako. And for a moment there, I forgot about my disease. I forgot about all the pain. I forgot that I was dying. I just enjoyed the remaining months of my life... with you. And if I were to choose again, I will always choose you to spend the rest of my remaining months—
"I'm sorry Ynna, na hindi ko pinasabi sayo ang kalagayan ko. Ayoko kasing maging sad ka for me. Kung kaya ko lang sarilihin lahat ay ginawa ko na. But it is only Janina who can help me. And I do not want any other else na mag suffer sa kalagayan ko kaya sinabi ko kay Janina na siya lang ang dapat makaaalam. I hope you forgive me."
Hindi ko kayang sagutin ang lahat ng sinabi ni Shibama. Walang mga salitang lumalabas sa aking bibig sa ngayon. Puro luha, luha, luha. Walang katapusang pagdaloy ng luha. Hindi ko na makita ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko alam kung nasalikod ko pa ba si Sky. O si ate. O si Dylan. Wala akong ibang makita kundi si Shibama lang at ang mga namumuo kong luha.
Ilang minuto ding ganun lang ang pwesto namin ni ate at ni Shibama hanggang sa nakakuha na din ako ng lakas magsalita.
"P-Pero lalaban ka 'di ba? Magiging masaya pa din naman tayo 'di ba?" umiiyak kong sinabi kay Shibama.
Ngumiti lang ng mapait si Shibama. Alam kong nahihirapan siyang huminga. Alam kong may mali. Baka sobra siyang napagod dun sa madami niyang sinabi kanina.
"Shibby, 'di ba sabi mo pupunta pa tayo ng New York?" si Ate. "Laban ka naman please. Overdue na pala tanning mo e. Laban nalang tayo please. Baka mawala na yung taning kasi 'di ba, nalagpasan mo na eh."
Nakangiti lang si Shibama na nakapikit.
"Shibama, marami pa tayong pwedeng gawin! Shibs! Shibs!" pangungulit ko sa kanya habang humahagulgol.
"Ipangako niyo sakin na di na kayo mag-aaway. At magtutulungan kayo lagi." sabi ni Shibama.
"Shibs naman! Wag ka magsalita ng ganyan!" medyo napapasigaw na ako. Ayoko yung tono ng pannalita niya. Ayaw ko yung pakiramdam sa tono ng pananalita niya!
"Girls, tapos na ang purpose ko sa mundong ito." Mahina ang pagkakasabi niya na tila... hindi. Hindi ito mangyayari. Kapit lang. Walang masamang mangyayari.
"Shibby, no!"
"Finally. I can now sleep happily." sambit ni Shibama.
Katahimikan...
At yan ang mga huling salita niya bago tumigil yng zigzag sa makina sa nakakabit sa katawan ni Shibama. Naging isang linya nalang yung kaninag parang zigzag.
Dali dali na may mga nurse na pumasok para kung ano anong gawin sa knya. May nilagay pa sila sa dibdib ni Shibama na nagpatalon sa katawan ni Shibama. Anong ginagawa nila kay Shibama? Ano ang nangyarari? Nanginginig ang aking katawan. Hindi 'to pwede. Ganyan lang siguro talaga mag gamot ang mga mayayaman. Ganyan lang siguro talaga.
Naramdaman ko na yakap yakap ako ni ate na tilang iyak din ng iyak. Niyakap ko siyang pabalik. Napakalaking tulong ng mga yakap ni ate dahil sobrang sakit ng puso ko ngayon.
Ilang minuto pa ang nakaraan ay biglang nagsabi na ang doctor ng oras, ng petsa at ng pangalan ni Shibama.
Time of death: 8:43 PM
Wala na.
Wala ni si Shibama.
Wala na ang best friend kong bakla.
Wala na ang taga sulsol ko sa relasyon ko kay Sky.
Iniwan na niya kami ng ate ko.
Iyak ako ng iyak habang tinatakluban na ng puting tela ng mga tao sa hospital si Shibama. Bakit ganito. Bakit ganito ang nangyayari. Hindi ko kayang tanggapin. Kahapon lang ang saya saya ko kasi magkaayos na kami ni Sky sa wakas. Gusto kong ikwento sa kanya yung mga kalokohan na ginawa namin ni Sky sa hospital bed. Alam ko kasing masaya siya kapag ganun eh. Alam kong kikiligin siya kapag ganun eh. Pero wala, wala na akong makwekwentuhan. Wala na akong kasabay na kiligin. Wala na. Iniwan na niya ako. Bakit kahit bati na kami ni ate Janina at ni Sky, bakit pakiramdam ko nagiisa nalang ako. Bakit pakiramdam ko ang laking parte ng nawala sa akin. Bakit pakiramdam ko kalahati ng puso ko ay namatay na din?
Sa huling pagkakataon bago nilagay na ang bangkay ni Shibama sa dapat nitong paglagyan, ay tinignan kong maigi ang kanyang mukha. Maaliwalas ang mukha niya. Mukha lang siyang natutulog. Mukhang kahit papaano ay namatay naman siyang masaya. Buti pa si Shibama, masaya na. Wala na siyang problema.
Samantalang kami, naghihinagpis sa pagkawala nya. Hindi ko alam pano ako babangon sa mga susunod na araw na alam ng puso at isipan ko na wala na siya.
"He's happy up there now." Si Sky habang niyayakap ako mula sa aking likod. Tumango nalang ako at hinawakan ang mga kamay niyang nakapulupot sa akin.
"And I'm sure he does not want to see you crying." dugtong pa ni Sky.
Oo nga naman. Kilala ko si Shibama. Gusto niya laging masaya lang ako. Naging living guardian angel ko talaga siya nung nabubuhay pa siya. Alam kong kung mabubuhay akong miserable sa pagka-wala niya, alam kong magagalit siya at baka multuhin pa niya ako. Alam kong dapat maging malakas pa din ako. Alam ko rin naman na pisikal na katawan lang niya ang nawala sa akin, pero si Shibama mismo ay laging nandyan lang sa tabi tabi at lagi ko din siyang dala dala sa aking puso.
Akmang kukunin na ng mga staff ng ospital ang bangkay ni Shibama kaya naman hinarap ko si Sky at niyakap siya. Ayokong makita na kinukuha si Shibama sa amin. Minudmod ko ang sarili ko sa dibdib si Sky. Umiyak lang ako ng umiyak sa mga bisig ni Sky.
Susubukan kong maging malakas para sayo Shibs.
Para sa lahat ng mga bagay na sinimulan mo.
Para sa lahat ng mga bagay na sinakripisyo mo.
Ako na muna ang magtutuloy ng byahe mo ha, pero dala dala kita lagi sa puso ko. Lahat pa din ng problema ko sasabhin ko sayo ha. Kung mag-away man kami ni Sky o ni ate, pakikinggan mo pa din ako ha. Mahal na mahal kita. Masaya ako na masaya ka kung nasan ka man ngayon. Masaya ako na malaya ka na at pwede mo na gawin lahat ng gusto mo. At higit sa lahat, masaya ako na nakilala kita. Salamat sa pribilehiyo na maging kaibigan ka kahit sa kaunting sandali lang.
Salamat sa lahat.
Paalam sa ngayon.
Hanggang sa muli nating pagkikita.
Sleep well.