Chapter 2

Kinabukasan...

"Ano ba umayos ka nga susuntukin kita , walang ya ka, hayop ka!!!" Sigaw ko habang sinusuntok si Archie

"Sige subukan mo!" Sabi ni Archie

"Hoy ano ba tumugil na kayo mak ano ba!!!" Sigaw ni Len habang inawat ako kinakausap niya ang lahat nakatalikod siya sa akin.

Kinuha ko ang sunflower bouquet at lumuhod at magsimula ng tumugtog ang gitara ng "With a Smile"

Napaharap siya sa akin at binigyan ko ng hudyat ang mga kaklase namin na itaas yung cardboard na may na kasulat na "Can you be my girlfriend?"

Nakita ko siyang nakangiti at bigla siyang tumango

"Yes?" Tanong ko

Tumango ulit siya

"Yes bayan?" Tanong ko ulit

"Oo nga" sabi niya at lumapit ako sakanya at niyakap at binuhat ko siya at binigay ko yung sunflower

"Kayo ha planado kinabahan ako" sabi niya

"Kiss! Kiss!" Sigaw ng mga tao dun

"Kiss daw Len" sabi ko sa kanya at kita ko ang pula ng kanyang mukha

Hinalikan ko siya sa noo at niyakap ulit

Nandito ako sa bahay ni Len dahil ipapakilala niya daw ako sa parents niya

"Ma, Pa si mark po boyfriend ko" pakilala niya sa akin

"Good evening po ma'am sir, Hindi ko po sasaktan ang anak niyo" sabi ko sa parents ni Len

"Kami namn ay walang tutol sa relasyon niyo dahil malaki na kayo, basta ang akin lang wag niyong pabayaan ang pagaaral niyo" sabi ng mama ni Len

Ang welcoming ng parents ni Len hindi sila mapanghusga dahil si Len ay alam nilang mahirap makuha alam nila na si Len ay may sariling desisyon na tama para sa ikabubuti niya

Pinaalam ko si Len sa Parents niya para ipakilala namn siya sa parents ko alam kong magagalit sila pero wala silang magagawa ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya.

Pagkarating namin sa bahay nakita ko si Mom and Dad na nakaupo sa sala

"Mom, Dad si Len po girlfriend ko"

Sabi ko sabay yuko

"We need to talk the both of you" sabi ni mom

Pinaupo niya kami sa sofa

"Mark diba nagusap na tayo na hindi ka pwede mag girlfriend" sabi ni mom

"Distraction lang yan sa pagaaral mo" sabi ni Dad

"No, Ibahin niyo si Len sa mga ibang babae siya ang naging inspiration ko sa pagaaral dahil sa kanya madami ako nadiscover na skills ko mas tumaas ang grades ko" sabi ko sa kanila

Nagulat namn si Len sa sinabi ko at may tumulong luha sa mata niya

"Natuto kanang sumagot sa amin!" Pagalit na sabi ni mama

"Ipinaglalaban ko lang po pagmamahal ko sa kanya at kahit anong gawin niyo walang pakaghihiwalay sa amin" sabi ko

"Mark" awat sa akin ni Len

"Go up to your room we will just talk to Len" utos sa akin ni mama

"Wala kaming gagawin kay Len usap lang" sabi ni dad

"Go na Babe ok lang ako" sabi ni Len

"You sure? Ok fine, Labalu" sabi ko sa kanya nginitian niya lang ako at umakyat na ako sa kwarto

Mark's Mom POV

"Iha maraming salamat" sabi ko

"Para saan po, hindi niyo po ba ako papagalitan?" Tanong ni Len

"No, Yung kanina we're just testing if kaya kang ipaglaban ng anak namin dahil kahit anak namin siya we will make sure na hindi niya sasaktan yung magiging girlfriend niya" sabi ng asawa ko kay Len

"Kinabahan po ako heheheheh thank you po kasi pinayagan niyo po kami ni Mark na magkarelasyon" sabi ni Len

"Come you what do you want to eat?" Tanong ko

"Ayy nakakahiya po hindi na po nagtext na din po kasi mama ko pinapauwi na po ako delikado na po kasi sa daan pag gumagabi na po" sabi ni Len

Sabagay gabi na nga at may pasok pa sila bukas. Mabait siyang bata masaya ako para sa kanila

"Ganun ba o sige pa hatid kita kay Mark" sabi ko at pinatawag si Mark

Pagkababa ni Mark

"Mak hatid mo si Len sa kanila delikado sa daan" utos ko kay mark

"Sige po" sagot namn ni Mark