Nag Lalakad kami ngayon ni Len sa Park
Nakakita ako ng rainbow
"Babe look oh" sabi ko sabay turo
"Ganda" sabi niya
"That's how colorful my life is with you" sabi ko sakanya
Ngumiti siya at naglakad na kami sa park
Championship...
"Goodluck babe" sabi ko sa kanya at humalik sa noo niya
"Labalu" sabi niya
Nanalo ang school namin at si Len ang MVP....
Sinalubong ko siya sa baba
"Congrats babe"bati ko sakanya
May lumapit sa kanyang tatlong lalaki
"Ms Pwede po pa picture" sabi sa kanya nung isang lalaki
"Sure" sabi ni Len
Eto ako selos mode
Pagkatapos nila magpicture
"Ms pwede po kunin number niyo?" Tanong nung isang lalaki
"Babe we need to go we have a family dinner" sabi ko at lumapit sa kanya at inakbayan siya
"Ayy sorry po mauna na po kami congrats po" sabi nung lalaki
Buti nga umalis sila nung makaalis sila
"Selos ka babe?" Tanong ni Len na inaasar ako
"Syempre kasi nagpapic ka" sabi ko at ngumuso
"Ikaw talaga pic lang namn, ikaw nga ehh nung una tayo nagmeet nagpabuhat ako sayo dahil sa chicken fight" sabi niya
Sabagay may point siya dun
"Let's go na babe they are waiting for us bibili din tayo ng dress mo for batchnight" sabi ko at naglakad na kami papuntang kotse ko
Nagbihis muna siya sa kotse kaya hindi muna ako sumakay tinted namn ang kotse ko kaya hindi siya kita sa labas
Pagkatapos niya magbihis sumakay na ako at nagdrive na ako nang makarating na kami sa restaurant sinalubong kami ng family namin
"Congrats nak" bati ng parents ni Len sa kanya at niyakap siya
"Congrats Len" bati ng parents ko kay Len at niyakap din siya
After ng kainan at kwentuhan umuwi na ang parents ko at ang papa ni Len ang naiwan lang ay kaming tatlo ng mama niya dahil nga bibili pa kami ng damit para sa batchnight
After namin mamili hinatid ko sila sa bahay nila....
Inalok ako ni tita na pumasok muna sa bahay nila pinarada ko ang sasakyan at pumasok sa bahay nila
"Babe akyat lang ako ahh ligo lang init ehh" paalam ni Len
"Sige babe baka umalis na din ako, goodnight, labalu" sabi ko
"Sige good night Labalu" sabi niya
Pagkaakyat niya at narinig kong pumasok na siya ng kwarto
"Ahmm tita pwede po ba kayo makausap?" Sabi ko kay tita
"Sure bakit Mark?" tanong niya
"Ahm may bukol po kasi akong naramdaman sa hita ni Len baka po pwedeng pa check up po siya"sabi ko
"Buti sinabi mo hindi nagsasabi yun ehh sige papacheck up ko siya sa sunday, thank you iho sige umuwi kana pagabi na delikado sa daan" sabi ni Tita
9:00pm na ako nakauwi at mukhang nasa kwarto na si mom at dad kaya dumersto na ako sa kwarto ko.
Sana mali ang hinala ko🙏🏻