"Hello by? Oh, nakasakay na kami. Okay lang. hahaha," she giggled. "Hindi ah! Baliw. Heh! OA. Wala pa ngang isang araw, namiss mo na'ko? Shut up, Jigs."
"Yieee! Sabihin mo I miss you too! Wag kang pabebe."
"Gaga! HAHAHA" Natatawang hinampas ni ate Wincelette si ate Vanessa before she got back to kuya Jigs. "Hmm? Wala ah, wala ah. Inaasar lang ako ni Vanessa. Pangit kasi niya. Hahahaha!"
"Hala, hala! Pangit ka daw ate van?"panggagatong ni Ailou.
My phone beeped.
Mama: Nakasakay na kayo?
I smiled. If ate wince have kuya Jigs, I have my mom.
My eyes were glued to the screen. And while my fingers are busy typing, my ears are still attentively listening to their conversation.
Me: Yes ma.
Mama: Good.
Mama: Nadala mo ID mo? Baka nakalimutan
Me: oo ma.
Mama: Ingat. Kumain ka na ng lunch.
Me: Okay ma.
She didn't replied anymore so I joined their conversation again. Gumatong na rin ako. "Luh. Kung ako sa'yo itatapon ko si Wincelette. Hahaha!"
"Excuse me?" Taas-kilay na saad ni ate Van habang nakangisi. "Hindi ako maganda pero hindi naman ako pangit, no? Grabe."
Hmm. I beg to disagree. Ate Vanessa is tall and beautiful. Simple lang siyang magdamit. Naka t-shirt at pantalon lang yan pero pag naayusan, pang beauty queen ang alindog for sure. Trust me.
"Pero walang jowa," banat naman ni Arnaisa.
"AHAHAHA!"
"Aray ha? Pwede walang personalan?"
"Yeah, yeah. Bye. Love you too." Then she ended the call. Parang wala man lang ka-amor amor ang pagkakasabi niya ng 'love you too'. Para lang siyang auto-generated answer mula sa isang machine.
"Ganyan talaga, Pen. Kapag matagal na kayo, parang normal na lang lahat. Sa una lang naman yang kilig-kilig at hiya-hiya. Kapag nagtagal na, may mga bagay na pagsasawaan mo rin o makakasanayan mo na lang." She smiled faintly.
Is she not happy? Is she really in love? I wanna ask, but I averted my gaze instead towards the window, where green plants and trees, and some farm animals are grazing at the wide grassland at the top of hills.
After about an hour, nanahimik na sila. It's already 10:00 am.
Sumulyap ako sa katabi kong si Ailou. Nakasalpak ang earphone niya sa magkabilang tenga habang nakapikit at nakasandal ang ulo niya sa headboard ng upuan namin. Is she sleeping? I wanna ask her, but she might be disturbed.
Buti pa si Arnaisa, mahimbing ang tulog. Nakanganga pa pero wala namang laway na tumutulo. My butt bounced back like a ball. Umalog nang malakas pero di man lang siya nagising.
Inilibot ko ang aking paningin. On our right side, there's a couple watching a movie together on the built-in tablet dito sa bus. Share sila ng earphones habang isinasandal ni kuya yung ulo niya kay ate girl. He's tall so I think it kinda hurts for his neck. Ate girl pushed his neck and instead, pinahiga niya sa lap niya.
I also wanted to do that, pero pag ako sumandal sa katabi ko, tiyak na tulak ang aabutin ko. Hahaha. So, nevermind.
I tightly hugged my sling bag and backpag and rested my head. My friend's voices started fading in my ears. The sounds coming from the speakers were starting to become blurry while my eyelids slowly become heavy that it finally shut down.
Someone's humming a familiar song.
The bus is still moving forward. Everyone is having the travel of our life, and then there's this boy wearing a black hoodie. He's wearing his black-rimmed eyeglasses. He stood there in front of me and leaned forward. Then---
My eyes automatically opened. My system jolted awake from my hypnagogic hallucinations. Parang may vibration na nagtravel mula sa bus papunta sa balat ko. Naman oh. Nasa stage two na nga ako ng pagtulog tapos bigla pang may umalog galing sa baba.
Humikab ako. I give up. Pagdating na lang sa resthouse ako iidlip. I fetched for my phone and connected it to the WIFI of this bus. Nilibang ko muna ang sarili ko sa pagkuha ng mga larawan, kasali na ang sleeping beauty look ng mga madam. HAHAHA. Syempre, papalagpasin ko ba 'to?
Minsan lang 'to. Kailangan, we live in the moment kasi ang oras, hindi na bumabalik. Kapag lumipas na, hanggang litrato ka na lang. Moments become memories. Memories become pictures. And pictures take you back to the moments for a while. Even for a while.
"Pinapakiusapan ho ang lahat na bumaba para sa checkpoint. Mga senior citizens, bata, buntis, at PWD lamang ang maaaring magpaiwan dito sa loob. Salamat."
Gumalaw si Ailou. Napastretching naman si ate Wince habang naghihikab at si ate Van naman ay nag-ayos ng kanyang bag. Shh. Okay, Pen-Pen, let's pretend that you didn't stole their pictures. Arasseo?
Nagsitayuan ang lahat at lumabas ng bus. Kaagad na nagising si Ailou at nag-ayos na rin para bumaba. "Tara na," sabi niya sa'kin.
Kinailangan pa naming tapik-tapikin si Arnaisa dahil ayaw niyang magising. Eh wala. Tulog talaga kaya hinayaan na lang namin. Sabay-sabay na kaming apat na umalis.
"Buti pa si Arnaisa ang himbing ng tulog, " bulalas ko pagkabalik namin sa mga upuan namin.
Naalimpungatan na rin sa wakas si sleeping beauty. Kinusot niya ang dati'y bilugang mata na ngayon ay naningkit na nang bahagya. Pero malaki pa rin mata niya. HAHAHA.
"Bakit?" Ailou asked.
"Paano ako matutulog kung may umaalog? Hay," nakasimangot kong sagot.
"AHAHAHAHA!"
"Ano? Ano yun ulit?"
"Oh my gad Penelope! HAHAHA." Ate Van exclaimed.
"Ha?" Di ko gets ba't sila tumatawa. Wala naman akong joke na pasabog.
"Ulitin mo, Pen," utos ni ate Wincelette.
"Sabi ko, di ako makatulog kasi may umaalog." As soon as I reiterated what I said earlier, their laughter bursted even more. Their laughter just exploded. "AHAHAHAHAHAHA!"
Ano na naman bang ginawa ko? I was just being a good friend by repeating what I said because my friend said so.
"Sinong umalog? Paanong alog yun?" Arnaisa said, in between her laughs. 'Di na nga halos makahinga tapos tawa pa rin ng tawa. Tigil niyo na yan guys.
When someone is laughing, it's either there's a joke, or may katangahang nagaganap. Tama naman yung ginawa ko. So if it's not the latter, then it's the former. The joke is either a pure joke or a green one.
A light bulb suddenly flashed inside.
"Alam niyo? Bwisit talaga kayo," I said. Once again, they giggled. Ganyan talaga kasiyahan nila, ang asarin ako. Sige lang. Ganyan naman kayo. Akala niyo kayo lang? Humanda kayo mamaya. I laughed like a witch internally.
Nadaanan naming ang isang signage na welcome to Davao City. I sat up straight saka ko inayos ang pagkakasabit ng backbag at slingbag ko. "Saan ba tayo bababa?" tanong ko.
"Pwede sa terminal, pwede rin sa SM Ecoland na lang siguro."
"Malapit lang ba yun sa bahay nina Baron?"
"Di ko sure. Matagal na rin akong di nakakapunta dito sa Davao eh. Nakalimutan ko na. Google map nga, Lou."
Ate Wincelette used to study at San Pedro College, here in Davao city before she transferred to our University because she failed her subjects and she cannot stand her homesickness. At least, our university is just a one-hour ride away from their city.
"Wait," Ailou said. Nakisilip na rin ako sa google map ni Ailou. Uggh. Nahihilo ako dito sa google map.
"Oh, kayo na bahala. Wala akong sense of direction," sabi ni Ailou at ipinasa ang kanyang iphone kina ate Vanessa. Even Arnaisa who is a traveler, nalito rin sa map. It's quite confusing where to face.
Sumullyap ako sa bintana. Marami na akong mga nakikitang pampasaherong multicab at taxis. Kinabahan na ako. Saan kami bababa? Baka mawala kami. Wala pa naman si Dora. Charot.
"Magtatanong na lang ako," I volunteered. Alam ko namang ako at ako pa rin ang itutulak nila para magtanong sa random stranger eh. Kala nila sa'kin walang hiya. Hahaha.
"Kuya? Asa ang pinakaduol nga babaan kung paadto mi sa Bajada?" Lakas-loob kong tanong sa kundoktor.
He told us the directions and tips kung anong ruta ng jeep ang sasakyan namin. Natawa ako pagkatapos dahil sa awkward ng accent ko. HAHAHA! Mukhang tanga.
Hindi sanay ang dila ko sa pagbibisaya. Pero siguro naintindahan naman ni kuya? Mabuti na lang may baon akong bisaya speaking skills galing sa nanay ko.
Huminto kami sa terminal, kung saan, sinalubong kami ng napakaraming mga tao. Kaliwa't kanan ang nag-aalok ng mga tinda, maging mga lalaking nag-aalok na bubuhatin ang aming bagahe. Pinagmamasdan ko ang pagdaan ng multicab type na jeep na may iba't ibang kulay. Samut-saring mga ruta ang nakapaskil sa screen nila at karamihan puno.
Standing here, made me feel that I am lost unto the sea of big city. The small me is drowned in this big city. I didn't expect davao to be this big. I thought it was just like our city: easy to memorize. But no. My expectations betrayed me.
The scorching heat of the sun's rays is burning my korean skin. Charot. Seryoso, ang init! Kakababa lang namin sa bus pero tagaktak na ang pawis ko sa noo at kili-kili.
Thankfully, nakasakay rin kami ng jeepby ate Wince's lead. But when we went down, I asked the people about the address and I stopped on my track when I found out about one thing.
"Guys? I think we're lost."