Four

so damn possessive

Mainit nang makarating ako ng Terminal 3. Kaya naman tinanggal ko ang coat na suot ko. Grabe ang init init naman ngayon dito. Tapos beach wedding pa iyong kasal ni Lara?

I get that it's summer season but the heat? I can't take it. Buti na lamang isang white mini cami bodycon dress ang suot ko. Nagsuot lang ako ng coat dahil malamig nang umalis ako at malamig din sa loob ng eroplano.

"Tash!"

Agad akong niyakap ni Lara ng matanaw na nila ang pag dating ko. He's with.. uh.. of course, Haze.

"You're so gorgeous and mas sumexy ka! Oh my gosh!" aniya at pinasadahan ako ng tingin at niyakap ulit.

Kung maka react naman ito parang isang dekada kaming hindi nagkita. Last na bisita niya lang naman ay two months ago, I think?

"Wait.." lumayo ako sa kaniya at pinasadahan siya ng tingin.

I felt something strange. I looked at her. She's wearing a black dress and a brown cardigan. She's also wearing flats.

"W-why?" oh shoot. She stuttered.

Tinaasan ko siya ng kilay at kinuha ang pala pulsuhan niya. I checked it. Taka niya akong tignan pero mukha rin siyang kinakabahan. Si Haze ay chill lang na naka pamulsa sa tabi niya.

"Tash?"

It can't be! Bakit hindi niya sinabi sa akin?

"You're pregnant." that was a statement and not a question.

Nanlaki ang mata niya at agad namula. Mukhang nagulat din si Haze sa sinabi ko. Yes, jerk. I know how to check if someone's pregnant.

"How did.." ani Haze na hindi pa rin makapaniwala.

Ngumisi ako. "You're fiancé is not a good liar. And, I'm not dumb, Haze."

Binalingan ko ang pulang pula na si Lara. "I'm sorry! I wanted to surprise you!"

Inirapan ko siya at niyakap dahil bigla na lamang siyang umiyak. She's too emotional.

"I'm sorry for not telling you.. last month lang din naman namin nalaman.." aniya habang umiiyak.

"Shh. I understand. Okay? Stop crying! You're such a cry baby.. it's not good for you. You're pregnant.."

Lumapit sa kaniya si Haze at hinagod ang likod nito. Sinamaan ko siya ng tingin.

"What?" aniya na natatawa.

"Huwag kang lumapit. Naiirita pa rin ako sa 'yo."

Tiningala naman ako ni Lara at sinimangutan. Pero agad ding bumaling kay Haze ang tingin niya at tinignan ito ng masama.

"Let's go na nga, Tash!"

Hinila na ako ni Lara palabas at diretso sa everest ni Haze. Hindi siya sa harap umupo kundi sa tabi ko sa back seat. Nag-away ba sila?

"Wait, where's kuya? I thought siya ang susundo sa akin?"

Umiling si Lara habang nakatingin lang sa labas. She's mad.

"May gagawin daw siya kaya kami ang pinasundo sa 'yo."

Tumango ako. "Oh, okay."

Agad akong bumaling kay Haze na inaayos ang kaniyang rear view mirror at diretso ang tingin kay Lara.

"Did you guys fight? What did you do this time, Haze?" mataray kong tanong kay Haze na agad namang naging defensive ang ekspresyon.

"Wala, Atasha. Okay? I don't know why she's mad at me." aniya sa isang frustrated na tono.

Pasulyap sulyap siya kay Lara habang nagda-drive siya. Kaya sinaway ko siya.

"Haze! Baka maaksidente tayo! Focus on the road! Lara is pregnant, for goodness' sake!" singhal ko dito.

Agad naman siyang nag focus sa daan at humingang malalim. Sa isang araw na ang kasal nila pero ganito sila? Ano?Umuwi ba ako para sa wala?

Isang oras bago kami makarating sa bahay. Masyadong traffic. Wala ng bago doon. Ilang taon ng problema iyan ng Pilipinas pero hanggang ngayon hindi parin ma-solusyunan.

"Surprise!"

Pagkabukas ng double doors ay agad may party poppers na sumabog at sumalubong sa akin si Daddy, Mommy, Kuya and ang aming maids.

"Welcome home, hija." niyakap ako ni Dad at hinalikan ang aking ulo.

"Thank you, Dad!" saad ko at hinalikan siya sa pisngi.

Agad namang sumunod na yumakap si mommy. "Welcome home, anak!"

"Thanks, mom!" ganoon din ang ginawa ko kay mommy kaya ang sumunod naman ay si kuya.

"Welcome home, Tashy!" aniya at niyakap din ako ng mahigpit.

"I thought you're busy!" sambit ko sa kaniya pero ngumiti lamang ito at yumakap.

Habang nakayakap siya ay may bigla akong naramdamang nilagay siya sa balikat ko. Nang kumalas siya sa yakap ay napag tanto kong bomber jacket niya iyong isinuot sa akin.

"Baka magka-pulmonya ka dahil sa suot mo." aniya at pinasadahan ng tingin ang suot ko.

"Kuya!" reklamo ko pero tumawa lang siya at pati na rin sila daddy.

Ngayon ko lang naman napansin ang presensya ng isang damuhong manyakis sa likod ni kuya. Nakangisi at nakatitig sa akin.

"Hayaan mo na ang kuya mo, Tash." ani mommy

Nagkibit balikat na lamang ako.

"Let's go sa dining room? We prepared a lot of food for you. All of your favorites. Name it!" dagdag ni mommy at iginaya ang daan papuntang dining room.

Nag punta kami lahat sa dining at doon nakita ko ang mga pagkaing nakahanda sa aming twelve seater na dining table. There's even a lechon!

"Mom, this is too much!"

Ang daming pagkaing nakahain. Naloka ako bigla. Hindi pa naman ako pwedeng kumain ng madami dahil in two days time ay kasal na nitong si Lara.

And speaking of, ito sila sa likod ko ni Haze mukhang may pinagtatalunan.

"Why are you mad? I already bought all of the things you want and all of the foods you want to eat. Why are you still mad?" ani Haze na narinig ko kahit na binulong niya lang ito kay Lara.

Si Lara naman ay inirapan siya. "Nakakainis ka!"

Kumunot ang noo lalo ni Haze dahil sa sinabi ni Lara.

"Ugh! This is so frustrating! You've been like that to me for a week now. Babe, tell me what's wrong? What's bothering you?"

Nahihimigan na sa boses ni Haze na frustrate na frustrate na siya at nagmama kaawa na kay Lara na sabihin ang problema. I have a guess kaya napangisi ako..

"So I'm frustrating you, huh? Ewan ko sa 'yo!" ani Lara at iniwan na siya doon para makaupo.

Ang ngisi ko kanina ay napalitan ng tawa. Kaya napatingin sa akin si Haze.

"Can you please ask your best friend what's wrong and why is she so mad at me? Please?" he's so frustrated and I can't help but laugh.

"You know what, Haze? All you have to do is understand her. She's pregnant. It's normal. Naglilihi kasi kaya ganiyan. Be patient. Next month wala na 'yan.."

Iniwan ko na siya room at umupo na sa tabi ni mommy. Katabi ko si Lara at si Haze naman ang katabi niya. Nahagip naman ng mga mata ko ang damuhong manyakis na nasa tabi ni kuya at katapat ko. Nakatitig siya sa akin at nakataas ang kilay. So, tinaasan ko din siya ng kilay at inirapan.

"Don't sit beside me. Ayaw kita katabi." ani Lara kay Haze na ngayon ay walang magawa kundi tumabi kay Dimitry.

Hindi ko na talaga mapigilan ang tawa ko.

"Why are you laughing?" tanong ni kuya sa akin.

Si Haze ay huminga na lamang ng malalim habang tinititigan si Lara na ngayon ay masama ang tingin sa kaniya.

"I think this is your karma, Haze. Your karma is your baby. Masyado kang pinapahirapan ng baby niyo.." sambit ko  na tawa pa rin ng tawa.

Napatingin na sa amin sina mom at dad na nagtataka.

"You're so harsh on me, Atasha." ani Haze pero tinawanan ko na lang ulit.

Very good naman talaga itong baby nila. Pinapahirapang mabuti ang daddy niya. I-spoil ko ito paglaki!

"Tashy! Oh my gosh! You're so cute when you laugh!" ani Lara sa tabi ko at umambang kukurutin ang pisngi ko.

Kaya natigil ako sa pagtawa at tinignan siya ng masama.

"I just want to squish your face, Tash!" aniya at ngumuso.

Oh my gosh. Ano ba naman itong buntis na ito.

"Squish your ass." sagot ko at inirapan siya.

Nakita ko namang naka nguso pa rin siya at nangingilid na ang luha sa mata. God! Bakit ba kasi napaka emotional kapag buntis!

"Ugh! Fine! Come on! Squish it all you want!"

Biglang lumiwanag ang mukha niya at ngumiti ng pagka laki laki. Lumapit siya at pinisil pisil ang mukha ko.

"Mukhang sa 'yo naglilihi si Lara, Tash.." ani mommy sa tabi ko at tuwang tuwa habang nilalamutak ni Lara ang mukha ko.

"Are you done?" tanong ko kay Lara ng tumigil siya.

Tumango siya at ngumiti. "Yup. I'm satisfied."

Inirapan ko na lamang siya at bumaling sa pagkaing nasa harap ko. Hinawakan ko ang pisngi ko na medyo sumakit dahil sa kay Lara. Kung hindi lang buntis ito nabatukan ko na e.

"Where's Yaya Didith and Yaya Brenda, by the way?" tanong ko nang maalala kong pinauna ko nga pala silang umuwi.

"Pinauwi ko muna ang dalawa mong yaya sa mga pamilya nila. Kaya baka sa isang linggo na sila bumalik. Are you home for good?"

Umiling ako sa tanong ni daddy at uminom muna ng tubig bago sumagot. "No, dad. I'm just here for Lara's wedding and for a vacation na rin. Maybe a month or two?"

"Okay, then. I'll tell your yayas to extend their vacation.." ani Dad

Hindi ko pa talaga napag isipan na umuwi dahil nandoon ang trabaho ko. Marami rami na rin ang nakakakilala sa akin doon. Marami ring mga offers na mahirap tanggihan dahil it's a once in a lifetime opportunity.

"I thought you're staying for good.." malungkot na sambit ni mommy.

"Mom, I think mas okay na doon siya. I mean, look? Maganda yata ang hangin sa Paris at natututo na siyang ngumiti at tumawa ng madalas." ani kuya at tinignan ako.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin ha?

"And it seems that she's inspired?" dagdag ni kuya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Agad kong binalingan si daddy nang mag tanong ito. "Do you already have a boyfriend?"

Kapag mukhang inspired May boyfriend agad? Really? Tss.

"What kind of question is that, dad?" it makes me want to puke.

"Why can't you just answer it?" mataray na tanong ni kuya.

Inirapan ko siya at binalingan si daddy na mukhang nag aantay ng sagot.

"I don't have a boyfriend, dad. Hindi ba pwedeng inspired ako sa trabaho?"

Umiling si kuya at nag salita. "Wala nga ba talaga? Well then, who's Frank?"

I knew it! Ito ang iniisip niya. Akala niya talaga boyfriend ko iyong mahaderang baklang iyon.

"Frank? Who's this Frank?" tanong agad ni Daddy sa akin.

"Dad.. Franky is just my friend."

"Really? Tell me more about him.." ani daddy at matamang nakatitig sa akin.

Silang lahat ay nakatingin sa akin pwera kay Lara na hindi natitinag sa pagkain. Si Dimitry naman ay salubong ang kilay na nakatingin sa akin. Tss.

"Well he's my friend. He is a Pinoy based in Paris. We met at a gucci shop a year ago."

"Iyon lang? Really?" ani kuya kaya naman inirapan ko nalang siya.

"Ikaw na lang kaya magsabi, kuya? Mukhang napa imbestigahan mo na siya e."

Sumimangot siya bago bumaling kay daddy. "He's a chef and an owner of a five star restaurant in Paris. He is the youngest son of the retired general, Mr. Ricardo Bonifacio II.."

Wow. Talagang napa imbestigahan niya na agad huh? Ang galing lang. May kulang pa! Kulang pa iyong information! Bakla siya! Bakla!

"Why didn't you bring him with you, Tash?" tanong ni mommy sa akin.

"Mom, he's busy with his business." and with his boys...

Iyon na lamang ang nasabi ko. Hindi ko talaga pwedeng sabihing bakla siya dahil ayaw niya. At kahit yata sabihin ko ngayon ay hindi naman sila maniniwala. Lalaking lalaki kumilos si Franky. Pati pananalita at pananamit ay lalaking lalaki. Gwapo nga siya e. Sayang nga lang at pusong babae.

"So, you like guys who can cook well.. huh?"

Binalingan ko ang nagsalitang si Dimitry. Nakatingin siya sa pagkain niya nang sinabi niya iyon. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay at hindi na sumagot.

Mabuti na lang ay agad ding napunta sa pagbubuntis ni Lara ang topic kaya maganda ganda nanaman ang mood ko dahil nakakatawa talaga pag tinatarayan ni Lara si Haze. Kawawang Haze. Anak lang pala niya katapat niya e.

Nang gumabi ay lumipat kami sa garden para mag inuman. Pumayag si kuya dahil sa bahay lang naman daw. Pero kaunti pa lamang ang naiinom ko ay dinalaw na ako ng antok. Pagod pa din ako at may jetlag kaya tumaas na ako para makatulog. Bukas ay lilipad kami papuntang Coron dahil doon gaganapin ang kasal nina Lara.

"Miss Atasha.."

Nagising ako kinabukasan dahil sa tawag ng katulong namin. Tumayo ako at inayos ang buhok bago buksan ang pinto.

"Bumaba na raw po kayo sabi ni Sir Andres at kakain na."

Tumango ako at isinarado na ang pinto. Anong oras na ba? Inaantok pa ako e. Matutulog pa sana ako pero pag tingin ko sa orasan ay alas otso kinse na at aalis kami mamayang alas diez.

Agad kong ginawa ang morning rituals ko bago bumaba para kumain. Mamaya na lang ako liligo after ko mag ayos ng mga dadalhing gamit.

"Where's mom and dad?"

Si kuya lang ang nasa hapag nang bumaba ako.

"Kanina pa silang five umalis. Gusto daw nilang masulit at ma-enjoy ng mas matagal ang stay nila sa Coron kaya nauna na sila." ani kuya at sumimsim sa kaniyang kape.

Tumango ako at nag simula ng kumain.

"Hindi ako sasabay sa 'yo. I have to meet some important clients today kaya bukas na lang ako tutulak pa-Coron." ani kuya

Ngayon ko lang napansin pormal na pormal ang pormahan niya. Ayos lang. Sanay naman ako mag-isa bumyahe.

"Finish your food fast. Magri-ready ka pa ng gamit mo. I have to go.."

Tumayo na siya at lumapit sa akin para halikan ang aking ulo. "You take care. Have a safe trip.."

"Alright. You take care, too.."

Habang kumakain ako ay narinig kong may pinag buksan ng pinto ang aming katulong. Pinag kibit balikat ko na lang dahil baka si kuya lang iyon at may naiwan lang.

"Miss Atasha, nandito na po si Sir Dimitry." ani Lena iyong ka-edad kong katulong namin.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya.  Agad namang may sumulpot sa likod niya kaya umalis na din si Lena sa harapan ko.

"What are you doing here?" tanong ko at agad bumalik sa pagkain.

Naka hilig lamang siya sa counter.

"Pinapasabay ka ng kuya mo sa akin."

Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. "No, thank you. Nandiyan naman si Mang Rene para ihatid ako sa airport."

Uminom na ako ng tubig at tumayo. Nasa counter pa rin siya at nakahilig. Nakatitig lang sa akin.

"Binilin ka sa akin ng kuya mo kaya huwag ka ng makulit." aniya pero nilagpasan ko lamang siya.

Naramdaman ko namang nakasunod siya sa akin. Ang dami naming drivers diyan. Pupwede akong mamili kung sino ang mag hahatid sa akin.

"Marami kaming drivers. I don't need you."

Dire-diretso ang lakad patungo sa aming engrandeng hagdanan.

"Your kuya asked me na sa akin ka sasabay." aniya na may diin sa tono

Nang maka-apak na ako sa unang baitang ng hagdan ay saka ko lamang siya nilingon.

"I said I don't need your help."

Inirapan ko siya at saka pumanhik patungo sa aking kwarto. Pagka pasok ko ay agad kong kinuha ang maliit kong maleta. Naka ready na kagabi pa ang mga dadalhin ko kaya mabilis ko lang ito nailagay sa aking maleta. Pati ang gown ko ay nailagay ko na din.

Nang ma-check ko na kung kompleto at wala akong nalimutang i-pack ay naligo na ako agad. Pagkatapos ay ni-blow dry ko muna ang buhok ko bago ako mag bihis.

Pababa na ako ng makita kong nandoon pa rin si Dimitry. Agad siyang umakyat ng hagdan para salubungin ako at kunin ang maleta ko. Hinayaan ko siya dahil hindi ko naman kaya.

"Where's Mang Rene?"

Tanong ko kay Lena ng makalabas ako ng aming double doors at makitang hindi pa naka-ready ang sasakyan.

"Pinag-drive po si Sir Andres.." ani Lena sa tabi ko.

"Oh, eh ang ibang drivers?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ko lang po alam, Miss Atasha.." aniya na talaga namang kinainis ko.

Ang tagal tagal kong nawala pero may pagka engot pa rin ang isang 'to.

"Katulong ka dito pero hindi mo alam? What the hell?" pagalit kong tanong sa kaniya kaya naman napatungo nalang siya.

"S-sorry po.." aniya habang nakatungo.

"Call a cab! Bilis!"

Agang aga iniinis ako ng isang 'to.

"Huwag na, Lena." ani Dimitry na naka hilig na sa kaniyang sasakyan.

Inirapan ko siya at saka bumaling dito kay Lena na hindi alam kung sinong susundin.

"Sinong amo mo? Hindi ba ako? Kaya ako ang sundin mo!"

Tumango siya at saka pumasok muli sa aming bahay para tumawag ng cab.

"Nandito na ang maleta mo kaya sumakay ka na." ani Dimitry na ganoon pa rin ang pwesto.

He's wearing a white summer polo na may coconut trees na design at bukas ang tatlong butones nito kaya kita nanaman ang nanginginang niyang gold necklace. He's also wearing a black shorts and a black Birkenstock slip ons.

"Edi tanggalin!"

Bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa likod ng kaniyang sasakyan para kunin ang maleta ko.

"Stop being so stubborn, Atasha! Kapag hindi ka pa sumakay ay bubuhatin talaga kita." aniya at papalapit na sakin.

Bubuhatin niya ako? Oh please!

"Don't you dare! Ugh! I hate you!"

Padarang akong pumasok ng sasakyan at kasunod ay pumasok na rin siya sa front seat. May driver siyang kasama. Naka halukipkip lamang ako sa backseat habang nakatingin sa labas.

"Tara na po, Mang Jules."

Agad kaming umalis at nagtungong airport. Saglit kaming na-traffic pero buti na lang ay hindi pa kami late para sa flight namin.

"Ingat, sir.. ma'am.." ani Mang Jules na driver ni Dimitry.

Hindi ko na siya inantay at dire-diretso na akong naglakad papasok ng airport nang makuha ko ang maleta ko.

Naupo muna ako at nag hintay ng ilang saglit para tawagin na ang aming flight. Si Dimitry naman ay nasa harap ko at may kausap sa phone.

"Yes, Andres... She's with me... still the same Atasha, stubborn and hardheaded... yeah.. no, it's alright... okay bye..."

Inirapan ko lamang siya ng tignan niya ako at taasan ng kilay. Kung maka sabi siyang 'same old Atasha' parang matagal na kami magkakilala. Sa party lang naman kami ni Lara unang nagkita. Ang feeling! Kainis!

"Please fasten your seatbelts.." ani ng flight attendant kaya naman iyon ang ginawa ko.

Talagang tabi pa talaga kami ha? Ako ang nasa tabi ng bintana buti na lang at may pagkaka abalahan ako sa isang oras na byahe namin. Makakapag sight seeing ako kapag dito. Tinignan ko naman itong katabi ko na nakasandal sa backrest habang naka pikit. His lashes are long, huh? Tss.

Naagaw naman ng atensyon ko ang flight attendant na nakatayo malapit sa pwesto namin. Nakatitig siya dito sa damuhong manyakis na ito. Ngiting ngiti siya at pulang pula. Parang tanga. Nagwa-gwapuhan kayo dito? Eh ang manyak niyan! Tss.

"I'm sorry, ma'am.." ani ng flight attendant at agad nag bow sa akin.

Pula pa rin ang pisngi nita pero wala na ang kaninang ngiti na halos mapunit na ang labi niya.

Why is she saying sorry to me? Oh well, baka nakita niyang nakatingin ako sa kaniya.

Tinaasan ko siya ng kilay at tinanong, "Why?"

Para siyang nagulat sa tanong ko. Pero agad ding nakabawi at nag salita.

"He's your boyfriend, right? I was just so stunned by his looks—.."

I cut her off. Tinaas ko ang aking index finger. Boyfriend? Muntik na ako masuka sa sinabi niya. Ngumisi ako at parang diring diri na ituro ang katabi ko.

"Ito? Boyfriend ko? Oh please.. I'm not cheap.. he's a mediocre guy.. for goodness' sake!"

Nakatitig lang ang flight attendant sa akin na unti unting ngumiti ng hilaw. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na umayos ng upo si Dimitry at luminga linga sa aming dalawa.

"You can look at him all you want. You can even take him home with you. I don't mind."

Nagkibit balikat ako at saka binaling ang tingin sa labas ng eroplano. I won't go that low para patulan ang isang manyakis na katulad nitong katabi ko.

"Mediocre, huh?" ani Dimitry nang maka-alis ang flight attendant. May halong iritasyon at pait ang kaniyang tono.

Hindi ko siya pinansin. He's a waste of time, though.

"You're so rude to the people around you. Do you know that?" aniya na may diin sa tono. Gigil at halos ibulong ang bawat salita.

Rude? Telling the truth is rude nowadays, huh?

"Tsk. Hindi lang matigas ang ulo mo. Pati puso mo matigas. But, I'll make sure.."

Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil sinuot ko na agad ang earphones ko at nakinig ng kanta. I don't have time to listen to him say nonsense things. He's a big waste of time..

Hindi ako nakatulog sa byahe namin dahil mabilis lang din naman ito. Nang makalapag ang eroplano namin sa Busuanga Airport ay ramdam ko na agad ang init. Sobrang init.

"Godness! It's so hot!" reklamo ko at agad itinali ang aking mahaba at umaalong smokey ash balayage ombre na buhok na nakalugay.

Bago ako umuwi ng Pinas ay nagpakulay ako para sa kasal ni Lara.

"What?" mataray kong tanong kay Dimitry.

Nahuli ko siyang nakatingin sa akin at salubong ang kilay habang itinatali ko ang aking buhok. Inirapan ko siya at nauna na maglakad.

"Nasaan na ba ang sundo natin, ha?" iritado kong tanong nang paglabas namin ay wala pa ang van na susundo sa amin patungo sa resort kung saan gaganapin ang kasal.

"Malapit na raw. Pwede ba? Huwag kang mainipin."

Aba at tinatarayan pa ako nito ha? Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Magka salubong pa rin ang kilay niya.

"Ang ayoko sa lahat ay iyong pinag hihintay ako. It's their job to be here on time!" reklamo ko at inirapan siya.

Narinig ko namang huminga siyang malalim at naging abala sa kaniyang cellphone.

Thirty minutes na ang nakalipas bago pa nakarating ang van na susundo sa amin. Ang init init na nga pinag antay pa ako?

"Naku, ma'am, sir! Pasenya na ho at natagalan kami. Na-flat ho ang gulong nang nasa daan na kami." ani ng driver at agad kinuha ang aming maleta.

"God! Are you freaking aware that you guys are thirty minutes late? It's your job to check on your tires before leaving! So irresponsible.."

Agad akong pumasok sa loob nang buksan ito ng isa pang staff siguro ng resort.

"Sorry po, ma'am.. sir.."

Humalukipkip ako sa loob ng van at umirap.

"Ayos lang po, manong. Pasensya na po sa kasama ko. Mainit lang ang ulo dahil sa init at dahil na rin may dalaw.." ani Dimitry

Tinignan ko naman siya ng masama ng makaupo na siya sa tabi ko. "What the fuck did you just say?"

Tatawa tawa niya akong tinignan, "What?"

Maang maangan pa itong damuhong manyakis na ito!

"If you don't have anything good to say, just shut the fuck up!" singhal ko

Agad nagbago ang kaniyang ekspresyon. Sumimangot siya at umiling.

"Hindi maganda sa babae ang nag-mumura." aniya at umiling muli tila ba disappointed dahil nagmumura ako.

Tinaasan ko siya ng kilay. So what?

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo."

Inirapan ko siya at bumaling na lang sa labas. It will take thirty to forty minutes travel time until we get to reach Busuanga Bay Lodge. The journey is scenic. May mga nadaanan kaming mga rancho, farms and the like. I hate ranches and farms, I don't know why.

Habang nasa byahe ay inabala ko ang sarili ko sa pagiisip kung anong mga gagawin ko pagkarating namin doon. Dahil lunch time na ay kakain na muna siguro ako ng lunch bago mag pasyang lumangoy. I'm so excited! I brought a lot of swimsuits and I can't wait to flaunt it.

"Andres... yes, we're on our way... siguro mga sampung minuto na lang ay nasa hotel na kami... alright..."

Nang narinig ko kay Dimitry na sampung minuto na lamang ay malapit na kami sa hotel agad akong umayos ng upo. Inayos ko ang buhok kong nakatali. Tinignan ko naman ang mukha ko sa salamin. I didn't apply any makeup for today dahil maliligo din naman ako mamaya. Naglagay lang ako ng favorite shade ko ng lip tint.

"We're here.." ani Dimitry at siyang unang lumabas ng van.

Inayos ko ang spaghetti strap v-neck romper ko bago ako bumaba. Agad kong natanaw ang malinaw at kulay bughaw na dagat. Ang puti at pinong buhangin ay sumusuot sa aking suot na strapy sandals nang makalabas ako ng van.

"Magandang tanghali po! Ma'am, sir! Welcome po sa Busuanga Bay Lodge!" bati ng apat na staff na sumalubong sa amin.

"Ako na po ang magdadala ng gamit niyo sa suite niyo. Ihahatid po nila kayo papunta sa clubhouse para maka kain na muna po kayo ng lunch." ani ng isang bellboy at kinuha na ang maleta ko.

"Akin na po ang sa inyo sir.." ani ng isa pang bellboy sa kay Dimitry at kinuha ang maleta nito at sumunod na doon sa isa.

May dalawang babae namang nakatayo sa harap namin at naka ngiti. Naka uniporme sila na hula ko ay uniporme ng mga staff ng resort. Kakulay ito ng suot noong mga bellboy only that they're wearing a pencil cut skirt.

"This way, sir.. ma'am.." ani ng isa sa kanila na ang mata ay nasa kay Dimitry lamang.

Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit ang daming gustong gustong tumitig sa isang 'to? Nakakairita naman siya. Makita ko lang itong damuhong manyakis na ito naiirita na ako e.

"Ma'am? Tara na po?" ani ng isa sa akin.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin at nagpauna nang mag lakad. Hinabol naman niya ako para mauna siya at maituro ang tamang daan sa akin. Ang damuhong manyakis naman ay nasa likod ko at nakikipag hagikhikan sa isa pang staff.

"Tash! Nandito na pala kayo.." ani Lara at bineso ako.

Papasok kami ng clubhouse nang makasalubong namin sila ni Haze na ngayon ay palabas na. Mukhang katatapos lang nila kumain.

"Yeah. Saan kayo pupunta?"

Katabi ni Lara ay si Haze na ngayon ay kausap si Dimitry. "We'll just check on the venue. Pag tapos mong kumain pwede kang maligo ha. May pool din sila dito.."

"Alright. Ingat kayo."

Ngumiti siya at agad tinawag si Haze. Bago pa man sila makaalis ay nag ngiting aso si Lara sa akin habang tinuturo si Dimitry. "You two, huh?"

"Kadiri ka." sagot ko at inirapan siya.

Alam ko kung anong nasa isip ng isang iyon. Kadiri. Nakakasuka!

Umalis na sila ni Haze kaya naman naupo na ako sa isang bakanteng upuan para makapag simula ng kumain.

"Good afternoon. May I take your order ma'am? Sir?"

Sinabi ko ang order ko at ganon din ang damuhong manyakis na nasa harapan ko.

Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. "Anong ginagawa mo diyan?"

Tinignan niya ako at sumandal sa backrest ng rattan na upuan at nagde-kwatro pa.

"I'm hear to eat lunch." simple niyang sagot.

"What I mean is, bakit ka dito nakaupo sa pwesto ko?"

Umirap ako at humalukipkip. Ang dami daming pwede niyang upuan dito pa sa harapan ko.

"May pangalan mo?" sarkastiko niyang tanong.

Aba't! Salubong ang kilay kong tinignan siya. Magsa salita na sana ako ng dumating na ang aming pagkain.

Siya naman ay nakangisi habang pinapasadahan ng tingin ang mga pagkaing inilalapag ng waiter sa lamesa.

"You're annoying!" singhal ko sa kaniya ng maka-alis ang waiter.

Tumawa lang siya at itinuon ang pansin sa mga pagkain. He's getting into my nerves!

Hindi ko alam kung naka ilang irap ako habang kumakain dahil panay ang tingin niya sa akin at ngisi. Nakakairita 'di ba?

"So how's Paris?" aniya sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Hindi ko siya tinignan at tipid lamang na sumagot. "Still located at France."

Umiling siya at saka nag tabong muli.

"Tss.. How's work, then?"

"Fine." sagot ko at hindi parin siya tinitignan.

Bakit ba ang dami niyang tanong. Hindi naman kami close para mag tanong siya ng mag tanong ng mga ganito.

"Stop bothering me. I'm eating." mataray kong sambit sa kaniya.

Agad naman siyang tumigil sa pagtatanong kaya ipinag pasalamat ko iyon.

"Are you done?" aniya nang nagpunas ako ng aking bibig at uminom ng tubig.

Tinignan ko siya. Tapos na rin siyang kumain.

"Obviously." mataray kong sagot dito at saka siya inirapan.

Tumayo na siya at saka nag lahad ng kamay sa akin. Tinignan ko lang iyon at saka siya inirapan ulit.

"I don't need your help."

Tumayo na ako at nauna ng lumabas sa kaniya. Pinilig ko ang ulo ko. What's with the gesture? Tsk.

Nagtanong muna ako sa front desk ng hotel para malaman kung saan ang suite ko. Nang malaman ko iyon ay agad na akong nag tungo doon para mag pahinga saglit bago magpalit para makapag swimming.

Pagpasok ko sa aking suite ay namangha agad ako sa ganda nito. Lara knows my taste..

The room is very spacious, with minimalistic interiors, a king size bed that can fit up to two persons or even three, a balcony and large sliding windows overlooking the sea.

"Tash.."

Nag aayos ako ng gamit nang may kumatok kaya agad ko itong pinag buksan.

"Lara?"

Pinapasok ko siya at agad siyang umupo sa aking kama. "Did you like it?"

"What? My suite?"

Tumango siya at inilibot ang tingin sa buong silid. Tinignan ko siya at tumango.

"Yeah. Maganda siya.."

Bumalik ako sa pag aayos ng gamit at pag hahanap ng swimsuit na susuotin.

"Hmm. Are you going to swim?" aniya at nahiga sa kama.

Mukhang kararating lang nila galing sa South Cay Beach kung saan gaganapin ang kanilang wedding at reception. It's a small private island owned by the hotel with a pristine white beach and surrounded by crystal clear water and a beautiful coral reef.

"Yup. How about you? You look tired. You should rest, Lara. Tomorrow is your big day.."

Tumango siya at pumikit. "I'm nervous, Tash.."

Bigla ako napatingin sa kaniya. Naka tingin na siya ngayon sa ceiling.

"Don't tell me you're chickening out? I asked you a lot of times about this, Lara. Bukas na ang kasal mo! And you're pregnant with Haze's child! Are you having second thoughts?"

I know I should be happy but thinking that their baby will grow up with a broken family? No. She can't back out!

"No, Tash. It's not that.."

Naka tingin parin siya sa ceiling habang nakahiga. Ang dalawang kamay ay nasa kaniyang hindi pa gaanong kalaking baby bump.

"Then what? Tell me your thoughts.."

Tinabi ko ang hawak kong swimsuit at umupo sa tabi niya. Good that she's not having second thoughts. Kahit ayaw ko kay Haze para sa kaniya ay ayokong lumaki ang anak nila na hindi buo ang pamilya.

"I'm nervous and excited at the same time. Baka kasi mamaya mag-sawa sa akin si Haze kapag tumaba na ako dahil sa pagbubuntis ko. Baka mamaya hindi ako maging magaling na asawa at nanay. Baka mamaya madapa ako sa paglalakad. Baka mamaya pangit iyong fitting ng gown ko.."

I looked at her in disbelief. Ito ang naiisip niya?

"Lara, kapag ginawa sa 'yo yan ni Haze ay makaka tikim siya sa akin at hinding hindi ka na niya makikita pati ang anak niyo. At wag ka ngang paranoid diyan!"

Tumayo na ako at kinuha ulit ang swimsuit na susuotin ko. "Mag pahinga ka na lang muna diyan. I'll just take a dip.."

Pumasok muna ako ng banyo at saka ito isinuot. Nag suot muna din ako ng manipis na cover up. Kinuha ko na din ang malaki kong white summer hat at yellow lens sunglasses.

"Alis na ako."

Hindi na siya sumagot dahil nang silipin ko ay tulog na ang bruha. Inayos ko na muna siya sa kama bago ako umalis.

Paglabas ko ng elevator ay agad kong tinungo ang labas not minding those people looking at me like I'm a criminal. What's my case, then? Being this hot? I know..

Paglabas na paglabas ko ay agad kong naramdaman ang init at ang sea breeze na nagpaihip ng nakalugay kong buhok. Inilagay ko agad ang hat at sunglasses ko.

Malayo layo ang nilakad ko papunta sa shore. Medyo mahirap maglakad dahil sa buhangin kaya mas natagalan ako. The struggle is real! But it was worth it when I reached the shore. Agad akong umupo sa sun lounger at tinanggal ang hat, sunglasses at cover up. I'm wearing a color mustard high waisted bandeau swimsuit. Plano kong magpa-tan ngayon dahil bagay ang tanned skin sa kulay ng gown ko.

Tumayo na ako at naglakad papalapit lalo sa shore. Luminga ako para sana hanapin kung nasaan sila mom at dad pero grupo lang ng mga kaibigan ni kuya at siguro ni Haze ang nakita ko sa 'di kalayuan. Nagkakatuwaan sila at nandoon din si Dimitry. Bago pa man sila mapalingon sa side ko ay agad na akong sumisid. I wonder where mom and dad is?

The crystal clear water just amazes me. Sobrang linaw at sobrang linis. Nang nasa medyo malalim na part na ako ay may nakikita na akong coral reefs at iilang mga isda.

"Wooh!" umahon ako para humagilap ng hangin.

Inilibot ko ang mata ko at nakita kong may iilan ding lumalangoy. May mga nagje-jet skii. Maybe I should try jet skiing later. May mga nagka-kayak sa hindi kalayuan.

In-appreciate ko lang ang view baka sakaling may makuha akong mga ideas para sa bagong designs ko. Sobrang ganda lang ng paligid. I'm not really into beaches but I love the scenery so much.

Ilang saglit lang ay napag pasyahan ko ng bumalik sa shore. Nang maka ahon ako ay agad kong nakita na mamula mula na ang katawan ko. Lalo na siguro ang mukha ko ngayon.

Naupo ako sa sun lounger at nagpunas ng katawan bago mahiga para makapag sun bathing. May nag serve agad sa akin ng juice kaya uminom ako dahil bahagya akong nauhaw.

"Hi, miss.." isang baritonong boses ang biglang nag salita sa tabi ko.

Nakapikit ako habang nakahiga kaya hindi ko makita ang itsura niya.

"Do you want me to put on some sunscreen on you.." aniya

Nagmulat ako ng mata at tinignan ang lalaking nasa tabi ko at nakatayo. Tinanggal ko ang sunglasses ko at tinaasan siya ng kilay. He's flirting.. tsk.

"No, thanks. I already did." saad ko at agad muling isinuot ang sunglasses.

"Oh, is that so. I'm... Paul, by the way.."

Naglahad siya ng kamay pero tinignan ko lamang ito at pumikit na ulit. He's disturbing me. Ugh!

Tumikhim siya at nagsalita ulit. "You're Lara's best friend right? I'm her cousin.."

So what? What is this guy trying to imply, huh? Hindi ako nag salita o nag mulat. Wala akong pakialam kung pinsan ka ni Lara o nang kung sinong Poncho Pilato pa iyan.

Sa 'di kalayuan ay may narinig akong tumatawa na tila ba inaasar itong lalaking nasa tabi ko. Narinig ko naman minura niya ang mga ito. Tsk.

"Is he bothering you?" ani ng isa pang lalaking lumapit sa akin.

Sino naman ito?

"And who are you?" mataray na tanong nitong pinsan raw ni Lara.

Nakinig lang ako sa usapan nila. Hindi ako nagmumulat ng mata o kahit ano. Bahala kayo diyan.

"I'm Thaddeus. You're bothering her. Go away dude.." ani nitong bagong dating sa isang matigas na ingles.

Tumaas ang kilay ko sa pagiging presko nitong Thaddeus raw. Wow lang? Dahil medyo naiirita na ako sa presenya nilang dalawa ay umupo ako mula sa pagkakahiga.

"Yes, he's bothering me and you're bothering me too. So the both of you.. go away and leave me alone." mataray kong saad sa dalawang ito.

Masyado silang mayabang. Masyado silang istorbo. I want to relax but they're so papansin. Tsk.

"Atasha," ani ng isang pamilyar na boses.

Napairap na lamang ako at tinignan siyang palapit sa akin. He's only wearing a board shorts. He's topless so his eight pack abs is blocking my view of the sea now. Tinaasan ko siya ng kilay ng nasa harap ko na talaga siya, naka pameywang at pabalik balik na tinignan ang dalawang lalaking nasa magkabilang gilid ko.

"Sino ka naman?" mayabang na tanong noong Thaddeus ba iyon?

Yabang talaga nito. Kairita! Tinaasan lamang siya nga kilay ng nakapameywang na si Dimitry. Tinaasan niya din ng kilay itong pinsan ni Lara.

"Hinahanap ka ng mom at dad mo. Let's go.." aniya ng tinignan niya na ako.

Tinignan ko siya saglit bago bumaling sa dalawang lalaking nasa magkabilang gilid ko na parehas magka salubong ang kilay na nakatingin kay Dimitry. In all fairness, gwapo naman sila. May ilalaban ang mga katawan. But, compare to Dimitry? They're nothing..

Pinilig ko ang ulo ko sa mga naiisip. Did I just compare him to these guys? Did I just praised him? Ugh! My praises are too expensive! I'm taking it back!

"Alright." saad ko at tumayo na.

Nauna na akong maglakad at iniwan ang dalawang lalaki doon habang itong si Dimitry ay nasa gilid ko na agad.

"Where's mom and dad? Bakit nila ako hinahanap?"

Sunod sunod kong tanong sa kay Dimitry na nasa gilid ko lang at salubong ang kilay na nakatingin sa akin. Kaya tumigil ako at hinarap siya. Ganoon din ang ginawa niya.

"What was that?" iritado niyang tanong.

Lalong nag salubong ang makakapal niyang kilay.

"What?" tanong ko rin sa kaniya.

Bakit iritang irita siya?

"That!" inis niyang tinuro ang pwesto ko kanina.

"I really won't blame your kuya for being so possessive and over protective of you!"

Tinaasan ko siya ng kilay ng biglang tumaas ang boses niya.

"If I were him? I wouldn't just be possessive and over protective. I would be so damn possessive and so fucking over protective of you! I wouldn't allow you wear that kind of clothes! Is that even a clothe? Wear your freaking cover ups! You're giving me a damn hard time! Dammit!"

Matapos ng mahaba niyang litanya ay iniwan niya ako at nauna na siya sa paglakad. Bakit galit na galit siya? Hindi ko siya maintindihan ha? Basta ang naiintindihan ko ngayon ay gago siya. Parang tanga. Tsk. Bigla nalang magagalit.. what's with him?