Five

The two sides..

"Tash, you're like a goddess!" ani Lara nang pasadahan ako ng tingin.

Naka-ayos na ako ngayon at sinadya ko siya dito sa kaniyang kwarto. Tapos na ang makeup niya at tinatapos na lamang ang kaniyang buhok. Naka bathrobe pa rin siya at nakita kong ready'ng ready na ang gown niya.

"And, you look like an angel, Lara.. I can't wait to see you wear your wedding gown.."

Her gown is a ball gown, not so deep v-neck, white off-shoulder sleeves with ivory lace design. The back of the gown is long that made it so dramatic and elegant. Kapag sinuot ito ni Lara ay lalo lamang lilitaw ang kaniyang soft features. Para siyang anghel na bumaba sa langit. Kulang na lamang ay halo at pakpak. Naka-messy bun ang kaniyang straight at natural na kulay brown na buhok na may mga takas na buhok sa gilid na sinadyang kulotin.

"Okay na po, ma'am. Isuot niyo na po ang gown ninyo.." ani ng hairstylist nang matapos ito sa buhok ni Lara.

Tumango siya at tumayo na. Lumabas naman muna ang mga nag-ayos sa kaniya pati na rin ang kanina pang kuha ng kuha ng litrato na photographer na kinuha nila ni Haze.

"I'll help you." sambit ko

Tinulungan ko siyang mag-suot at nang okay na ay tumingin siya sa salamin at umikot ikot.

"Thank goodness it still fits me!" aniya at pumalakpak pa.

She's so paranoid. Ayaw na ayaw niya g tumaba. Though, ngayon ay nakikita mo na sa kaniyang dibdib at sa puson ang signs of pregnancy.

"I told you. Stop being so paranoid.."

May kumatok sa pintuan ng suite niya kaya ako na ang pumunta doon para pag buksan.

"Mom, Dad.."

Nang maka pasok sina Tito at Tita ay agad nilang niyakap si Lara ngayon ay teary eyed na. God! Iyong makeup niya!

"Tash, hija. You're so beautiful!" bati ni Tita Ramona at bineso ako.

"Thank you, Tita. Ikaw din po, seems you stop aging na, huh?"

Tumawa siya at pabirong hinampas ang balikat ko.

"Atasha, hija. Ikakasal na si Lara ngayong araw.. kailan ba ang iyo?"

Gulat ako sa biglang tanong ni Tito Lorenzo na naka ngiti sa akin ngayon. Agad akong ngumis at umiling.

"Tito.. I'm too young for that."

"Asus! Sabihin mo ayaw mo lang mag pakasal!" sambit ni Lara kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

Pero si Lara ay nagkibit balikat lamang at tumawa. Kumunot naman ang noo ni Tito Lorenzo habang si Tita Ramona ay nakikitawana lang din sa kay Lara.

"Why not, Atasha?" tanong ni Tito na agad kong inilingan.

Mag sasalita na sana ako nang pumasok na ang mga nag-ayos sa kay Lara pati na rin ang photographer kasama na ang coordinator ng kasal.

"Ma'am, sir.. in twenty minutes po ay kailangan nasa yacht na po ang lahat. Para po sa mga abay, halina po sa yacht.."

Agad akong nag paalam sa kanila at talagang pinag pasalamat ko ang ginawa ng coordinator dahil hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong ni Tito Lorenzo. Sumabay ako sa coordinator palabas. Paglabas ko ay agad kong nakita sina Mommy at Daddy. Nasaan kaya ang magaling kong kuya? Sabi ni Lara ay nandito na raw iyon..

"Mom, dad.."

Agad mo silang bineso nang makarating ako sa pwesto nila.

"I'm so blessed to have a daughter so beautiful like you!" ani mommy at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"It was all because of you and dad's good genes.."

Tumawa silang dalawa at pinaikot ako ng isa para makita ang kabuuan ng gown ko.

"Ang galing galing mo na talaga, Tash.." ani mommy at binigyan ako ng kaniyang sweetest smile. "I'm beyond proud.."

Ang gown na dinesenyo ko ay isang kulay nude na backless deep v-neck spaghetti strap tulle gown with rhinestone beadings. May one side slit ito kaya mas kita ang aking suot na gladiator sandals na hanggang tuhod ko dahil beach ito ay hindi ako nag-heels. Nakalugay ang mahaba at ang smokey ash balayage ombre hair ko na kinulot ng hairstylist kanina into soft waves/curls lamang.

"Why don't you start your own boutique in Manila? I will give you the money.. just tell me.." ani Daddy

Umiling ako sa naging alok niya.

"Dad.. I've been thinking about that but if I will be opening my own boutique in Manila then I want to raise the capital on my own. I'll earn money to make that possible.."

Ayokong iasa sa pera nila ang pag papatayo ko ng sarili kong boutique. And it will take a lot of time. I will be needing a lot of time to earn money. Hindi lang pagpapatayo ng shop ang kailangan kong isipin kung hindi lati na rin ang ipapasweldo sa magiging employees ko kung sakali.

"Mana ka nga sa Daddy mo.." ani mommy at humilig kay Daddy na naka ngiti lamang sa akin.

"Alright.. If that's what you want."

May isa pang coordinator na lumapit sa amin para sabihing kailangan ng sumakay ng yate. Kaya naman nag lakad ma kami papunta sa sari sariling yate. Magkahiwalay ang mga oldies sa aming mga medyo bata pa. Sa pagkaka alam ko ay mga yate ito ng mga Fuentes. Tatlo ito at pare parehong magaganda at sosyal.

Sa pang huling yate doon sasakay si Lara kasama ang kaniyang pamilya. Habang sa kabilang yate ay naroon sina mommy at daddy kasama pa ang ibang sponsors at pamilya ni Haze. Sa yate naman namjn ay ang mga kaibigan ni Lara, ako at ang mga lalaking abay kasama ang groom na si Haze.

"Atasha! Mabuti at nakauwi ka?" ani ng isa sa mga blockmates namin na kaibigan ni Lara.

I can't say that they are my friends too. Si Lara lang ang may kaibigan sa kanila. Lumapit sila sa akin nang makita nila akong mag-isang nakahilig sa railings ng yacht.

Ngumisi ako at saka sumagot, "Of course.. I won't miss my best friend's wedding."

Tumango silang tatlo at ngumiti.

"Oo nga naman. So how's studying in Paris?" ani ng isa pa sa kanila na medyo singkit.

Ito ata iyong half-chinese na blockmate namin. I forgot the name. Actually, I don't know all their names either.

"It was fine.."

Wala akong kagana ganang sumagot. Ewan ko na lang kung napapansin nila iyon. Alam naman nilang hindi ako mahilig makipag usap sa kanila.

"Girls! Come here! Let's take a picture!" sigaw ng isang lalaking blockmate din namin.

Hindi na ako sasama pero masyado silang mapilit kaya para sa kasal ni Lara sige, makikisama ako. Nang makalapit kami sa dalawang lalaking ka-block namin ay ilang pictures din ang kinuha namin bago sila mag sawa. I swear! Lahat doon ay pilit na pilit ang ngiti ko..

"Hi, Atasha.." bati ng isa sa mga blockmate namin.

Niligawan ako nito dati pero hindi ko naman siya pinansin. I forgot his name..

"Hi." tipid kong sagot dito sa humilig na lamang muli sa railings at inilibot ang mata.

Then I saw a group of guys looking at me. They're all wearing a white barong and white pants. They're all good looking. Lagi ko naman sinasabi yan pero hindi pa rin talaga sila pasado sa standards ko. It's kuya's friends. Naroon din siya at masama ang titig dito sa schoolmate ko na katabi ko. Ganoon din ang ekspresyon ni Dimitry sa tabi niya pero sa akin nakatingin. Intense stares and clenched jaws..

"How are you, Atasha?"

"I'm great." sagot ko na hindi siya nililingon.

Dahil sa mga titig ng mga kaibigan ni kuya at ni kuya mismo pati ni Dimitry ay tumalikod ako sa kanila at humarap sa dagat. Humawak ako sa railings at tumitig sa dito..

"That's nice. Are you home for good?" I can hear that he's full of humor but I can't even find any single percentage of humor in me.

I'm too preoccupied by that damn Dimitry guy! What's with his stares? What's his problem? Tsk.

"Nah." umiling ako habang ang tingin ay nasa dahat parin.

Ramdam ko sa gilid ko na malapit na malapit siya sa akin. Tsk. Haharapin ko na sana siya pero may humila na sa kamay ko and it's kuya!

"Kuya? Let go of me!"

Hindi niya ako binitawan hanggang makababa kami ng yacht. Nandito na pala kami sa South Cay. Nang makatapak na kami sa buhangin ay binitawan niya din ako sinamaan ng tingin.

"Sino nanaman ang lalaking iyon? Kaya mas gusto kong nasa Paris ka eh. Oh, right! Kahit pala nasa Paris ka ay may lalaki ka. Franky, right?"

Inirapan ko siya at saka nauna ng maglakad. Pero agad niya akong naabutan.

"Franky is just a friend. And that guy? I don't even know him. Kinakausap ko lang dahil kaibigan siya ni Lara, kuya."

Hindi ko nga alam ang pangalan noon!

"That Aron guy is your suitor! Paanong hindi mo kilala?"

Oh, great. "Buti ikaw alam mo pangalan niya. Ako kasi hindi e.."

Umiling siya at saka nag salita ulit, "Schoolmate mo siya noon, Tash. How come you didn't know him or even his name?"

Tumigil ako sa paglalakad ng nakarating na kami malapit sa pagdadausan ng kasal. Hinarap ko ang kuya kong nakasimangot.

"Kuya, I'm not kidding you when I told you I don't know him or even those girls. Wala akong natandaan ni isa sa kanila. Bukod sa hindi ako interesado sa kanila. Hindi rin ako interesadong makipag kilala at makipag kaibigan."

Ang matigas na ekspresyon ni kuya ay biglang lumambot at bigla akong nakakita ng lungkot sa mga mata niya pero hindi ko alam kung para saan?

"Ma'am, sir? Pwesto na po tayo.. parating na ang bride." ani ng coordinator at iginaya na kami sa aming pwesto.

Pinilig ko ang ulo ko nang maalala ko ang malungkot na mata ni kuya. What's his problem? Naka-ayos na kami ngayon gaya ng sinabi ng coordinator. Mauuna akong mag lakad kay Lara na ngayon ay nasa likod ko.

"Tash.. I'm nervous.." ani Lara na nasa likod ko na ngayon.

Naglalakad na ang ibang mga abay at ito siya kinakabahan daw. Inirapan ko siya at tinitigan.

"Don't be! Okay? Relax.."

Iyon ang sinabi ko bago ako maglakad sa aisle. Napaka dreamy ng naging itsura nito. Kitang kita mo ang dagat sa likod lang ng altar na ginawa nila.

Nakikita ko na ang dulo ng aisle kung saan naroon si Haze, si Kuya at si Dimitry. Sa pagkaka alam ko ay wala ng magulang si Haze. They died when Haze was 15 years old. Wala rin daw umuwing relatives nito dahil mga busy sa kaniya kaniyang business abroad.

Halos dalawang oras ang tinagal ng kasal. Naiyak ako sa vows nila hindi dahil masaya ako kundi naalala ko lahat ng kagaguhan ni Haze at katangahan ni Lara noon. Nga naman, perfect combination.. isang tanga isang gago? Tss.

Saktong pag lubog ng araw ay in-announce ng Pari na official na talaga sila at sinabi ang sikat na sikat na line na you may now kiss the bride... I almost puke! Gosh!

Dito na rin kami nag-dinner. After mag dinner ay nagkaroon ng program. Hindi naman ako sumali sa agawan ng bouquet, what for? I don't need that. Pwedeng pwede pa akong bumili ng akin. Bakit kailangang makipag agawan? Tss.

"Tash, bakit hindi ka sumali?" ani Lara nang lumapit siya sa akin dahil ang nakakuha ng bridal bouquet ay nasa harapan na at nakaupo habang nakaluhod naman ngayon ang lalaking abay na isinusuot na ang garter sa legs ng babae.

"With what I am seeing right now? Do you think mapapasali mo ako? Duh!"

Inirapan ko siya. Si Lara naman ay umiling na lamang sabay tawa. Paano kung panget ang mag lagay sa akin noon? Yuck! Goodness! At paano kung iyong damuhong manyakis ang makakuha? Baka mag-walk out lang ako!

"Ikaw talaga! Anyway, tara doon sa table ng mga pinsan ko. Gusto ka daw nila makilala.."

Tinaasan ko ng kilay si Lara dahil sa sinabi niya. "What? Ipakikilala lang kita. Okay?"

"Ayoko," sagot ko pero agad na niya akong hinila papunta sa table ng mga pinsan niya.

"Congratulations, Lara! Ang swerte mo sa asawa mo!" ani ng isang babaeng pinsan ni Lara.

Si Lara pa talaga ang swerte, huh? Malas kamo siya. Si Haze ang swerte kay Lara! Duh! Pasimple na lamang akong umirap dahil sa sinabi ng isa sa mga pinsan niya.

"Thank you, Nessy!" ani Lara at agad akong pinaharap sa mga pinsan niya.

Lahat naman sila ay nakatingin na sa akin ngayon. Ugh. I hate this!

"By the way.. this is my bestfriend, Atasha. Tash.. these are my cousins.."

Pinakilala niya isa-isa ang mga pinsan niya. Tatlong lalaki at apat na babae. Hindi ko naalala ang mga pangalan nila pero ang isa ay naalala ko dahil siya iyong lalaki kahapon sa shore. Si Paul. Ang sumira ng pagsa sunbathe ko!

"Nice meeting you, Atasha! Lara's right. You're a goddess!" ani ng isa pa ulit sa mga babaeng pinsan ni Lara.

Pansin ko lang ay soft talaga ang features nilang magpi-pinsan. Kahit pati ang mga lalaki ay soft din ang features. That made them look like a good boy. Tss. Mukhang hindi naman dahil sa naging approach sa akin kahapon noong Paul. If I remembered it right, Paul nga ang name noong lalaki?

Ngumisi ako at saka tipid na sumagot, "Nice meeting you, too.."

"Upo ka muna dito, Tash.. pupunta lang ako sa table nila Haze."

Kumunot ang noo ko at pinigilan si Lara na umalis. Sasama na lang ako ano kaysa maki-upo ako dito.

"Sama na ako." bulong ko ngunit umiling lang siya at itinuro ang table nila Haze.

Tumingin ako doon at una ko agad nakita si Dimitry na ganoon nanaman ang tingin sa akin. Inirapan ko siya at saka binitawan ang kamay ni Lara.

"Fine. Dito muna ako.." saad ko at umupo sa tabi ng isa sa mga pinsan ni Lara.

"Alright.. iwan ko muna kayo riyan ha?" ani Lara at saka umalis na para puntahan ang table nina Haze.

Maingay ang mga pinsan ni Lara. Masyado silang maraming kwento. Parang hindi sila nauubusan ng pag-uusapan.

"Lara told us that you're a designer, Atasha.. did you design your gown?" ani ng katabi ko at itinuro ang gown na suot ko.

Lahat naman tuloy sila ay nakatingin sa gown ko. Pati ang tatlong lalaking pinsan ni Lara na alam ko na kung saan lang nakatingin. Tss..

"Yeah.." iyon na lamang ang nasagot ko saka ngumisi.

Pinag-laruan ko na lamang ang baso ng wine na hawak ko.

"Woah! You're a great designer huh! Pwede ba akong magpa-design sa 'yo? By next month kasi ay anniversary na ng mommy at daddy ko.."

"Sorry, but I'm just here for a vacation and I'll fly back to Paris right away. I still have pending works so I suggest you find another designers. Besides, I'm still an amateur.."

Kahit na two months naman ang bakasyon ko at tinapos ko na lahat ng mga works ko doon bago ako umuwi ay ayoko talaga tumanggap. I'm here to relax. Ayoko ma-stress!

"Oh, I see.. but honestly for an amateur like you? You're so great!" aniya at pinasadahan muli ng tingin ang gown ko.

Ngumisi na lamang ako.

"Hi, Atasha! Naaalala mo ba itong si Paul?" ani ng isa sa mga pinsang lalaki ni Lara.

Napatingin ako sa katabi nito na si Paul. Nakatingin ito sa akin at nakangiti.

"Uh, yeah.. the annoying guy yesterday.."

Ang ngiti niya kanina ay nawala na at napalitan ng gulat. Nagulat siguro sa pagiging straightforward ko. Pati na rin ang ibang pinsan ni Lara ay napatingin sa akin.

"S-sorry.. for bothering you yesterday. It was actually a dare because Lara told us that you're kind of a snobby type. I didn't know Lara's not kidding when she warned us.." aniya at ngumisi.

Tinaasan ko siya ng kilay pero agad ko ding binalik ang tingin ko sa baso ng wine na hawak.

"It's alright," sagot ko at saka inubos ang natitirang wine sa baso.

Natahimik silang lahat sandali dahil sa naging usapan namin ni Paul pero agad ding bumalik sa dati na maingay at maraming kwento. Ilang taon ba silang hindi nag kita? Bakit hindi sila nauubusan ng pagkukwentuhan..

"Tash!"

Agad akong napatingin sa tawag ni Kuya mula sa kabilang table. Sinenyasan niya akong lumapit sa table nila.

"Uh, excuse me.." agad na akong tumayo at hindi na sila inantay pang sumagot.

Hindi naman sa masunurin akong kapatid kaya ako tumayo agad kundi dahil ayoko doon sa table na iyon. Hindi ko sila feel lahat.

"What is it kuya?" agaran kong tanong kay kuya ng makarating ako sa table nila.

Wala si Haze at si Lara. Mukhang naglilibot para makabati sa mga bisita.

"Sit with us." aniya at itinuro upuan sa tabi niya.

Pabilog ang lamesa at nandito ang mga kaibigan nila kuya at ang ilan ay may nga kasama pang babae na kung maka tingin sa akin kaya naman inirapan ko.

"Fine."

Wala ako sa mood makipag talo sa kay kuya at wala na rin akong mauupuan sa table namin kanina dahil may nakaupo na sa inupuan ko.

"Don't tell me you're hitting on Lara's cousin?" ani kuya kaya agad akong napatingin sa kaniya.

What?!

"What are you talking about?"

Saan naman niya nakuha ang ideya na iyon?

"You're with him yesterday. Actually, you're with two guys. Hindi ka na ba titigil sa pagiging play girl mo?"

Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi ni kuya. Paano naman niya nalaman? Oh right! Dimitry! Tinignan ko ang damuhong manyakis at inirapan siya.

"Kuya, mukhang kulang yata ang ibinalita sa 'yo ng katabi mo. Tsk!"

Umirap ako at saka sumandal sa backrest ng chair at humalukipkip.

"Then what, Atasha? Tell me kung anong kulang sa sinabi ni Dim? Huh?"

Tss. See? I was right! Si Dimitry ang nag sabi sa kaniya! Nakakaasar talaga siya kahit kailan e. Wala na siyang ginawa kundi asarin ako.

"I don't need to explain myself to you. If you think I'm hitting on two guys at the same time, then so what? I'm a playgirl so what do you expect from me? be loyal and serious? Fuck no."

Hindi na sumagot si Kuya at huminga na lamang ng malalim. Samantalang, iyong katabi niya ay kala mong mangangain na ng tao. Ang sama ng tingin sa akin pero inirapan ko na lang siya.

Nang may dumaan na waiter ay agad king kinuha ang margarita na sineserve niya. Nakailang baso na rin ako ng margarita nang maisip kong umalis doon. Naiinis ako sa mukha ng damuhong nasa tapat ko. Kaya tumayo na ako at lumayo sa kanila. Hindi naman na ako pinigilan ni kuya.

Ilang beses ko na yata napatay iyong damuhong iyon sa isip ko. Ilang beses na at sa iba't ibang paraan pa. Nakakaasar!

Nagpunta ako sa shore at naupo sa part na hindi maaabot ng tubig dagat. Pinaglalaruan ko lamang ang alak na hawak habang nakatitig sa dagat. Pang apat na baso ko na yata ito.

Madilim na at tanging liwanag galing parte kung saan ginanap ang reception ang nag sisilbing ilaw. Tahimik na dito sa part na ito. Simula na din kasi ng party. Kanina lang ay umalis na ang mga oldies at mga bata sakay ng yacht pabalik sa hotel.

"Tash! God! Nandito ka lang pala!"

Hindi ko na nilingon si Lara. Agad siyang tumabi sa akin at tinignan ako. "What are you doing here?"

Tinignan ko lamang siya at ipinakita ang alak na hawak. "Partying."

Sumimangot siya at saka humilig sa akin.

"Do you have a problem, Tash? Is something bothering you? Tell me.."

Meron ba? Gusto ko lang naman pumunta dito para mapag isa dahil naiinis ako sa mukha ni Dimitry. Ayoko ding mag party doon dahil panigurado pagagalitan lang ako ni Kuya kapag nakita niya nanaman na may lalaki akong kasama.

"Nothing, Lara. I just want to party alone." sambit ko at ngumisi.

"Sure? Are you mad at me that I married Haze?" aniya sa isang malungkot na tono.

Agad ko siyang nilingon. Nakahawak siya sa braso ko habang nakahilig ang ulo sa balikat ko. She's always like this. Between Lara and I, Lara's the clingy one. The sweet and bubbly one.

Tutal naitanong na rin naman niya kaya sasagutin ko na siya.

"A little." sagot ko kaya agad siyang napaupo ng ayos at malungkot akong tinignan.

"Aww! Tash.. I will always be here for you.." aniya at niyakap ako.

"I can't help but be mad. Haze is an asshole."

Umiling siya at saka ngumuso. "Nagbago na siya.."

Tinaasan ko siya ng kilay at humarap sa kaniya.

"What if masaktan ka? What if iwan ka niya? lokohin?"

Minsan nang nagawa ni Haze sa kaniya iyon. Kaya naniniwala akong na may possibility pa rin na gawin niya kay Lara iyon. Hindi pa rin talaga palagay ang loob ko sa lalaking iyon.

"Kapag ginawa niya iyon, Lara.. hindi lang ikaw ang masasaktan. Remember that you're now pregnant with his child. Pati iyong anak niyo masasaktan."

I don't know why I'm suddenly telling this to her. Now that she asked me about it, I can't help but tell her my thoughts. Thinking that telling her will make a difference when in all honesty it won't change a thing. They're now married. Lara loves Haze so much. She's pregnant. She's happy.. so happy..

"Tash.. naisip ko nadin naman iyan. Bago ako umoo kay Haze ay naisip ko na ang lahat ng iyan. Pero kasi kung mahal mo ang isang tao.. kaya mong sumugal.. kung mahal mo ang isang tao  kahit na walang kasiguraduhan ang lahat ay susugal ka pa rin dahil mahal mo e.. mahal ko si Haze kaya I am willing to take the risk. Because loving him is a risk. I'll take the risk for me not to regret this in the future."

Love nanaman ang idinadahilan niya sa akin ngayon. Ganiyan ba talaga ang love? Handa kang sumugal para lang masaktan? I thought love is a beautiful feeling not a risk that will cause someone's heart to break.

Love should be a beautiful feeling not an ugly experience that will make you feel all the ugly things in this world.

"Ayokong pagsisihan ko ang part ng buhay kong ito. Na hindi ko sinubukan.. kung mahal mo kasi ay gagawin mo ang lahat kahit na minsan nasasaktan ka na.. it will be worth it in the end.."

Umiling ako at saka sumagot.

"No.. what if you gave your all for him and you still got hurt? That only means he's not the one for you. So it's not worth it. Kailan naging worth it ang masaktan? Kung nasaktan ka niya once then he can do that again and again and again.. hanggang sa maubos ka na at wala ng matira sa 'yo dahil sa kaka-patawad mo. Kakabigay mo pero siya wala namang maibigay sa 'yo kundi sakit.."

Pagod niya akong nginitian bago mag salita.

"Being hurt is part of loving someone. Feeling the pain is part of loving someone. Hindi sa lahat ng oras ay masaya lang kapag nagmamahal ka. Kapag nagmahal ka, sasaya ka, kikiligin, magagalit, luluha ka at masasaktan. Love is not always about beautiful things. Love will make you feel a lot of things, both good and bad.. love will make you experience its two sides, the beautiful side of love and the ugly side of it.."

Umiling ako pero ngumiti lang si Lara at hinawakan ang magka bila kong braso.

"Love always has two parts. Ang maganda at ang pangit. You know why? The beautiful side of love will make you feel all the beautiful things and feelings. And love will also make you feel all the ugly things. Love will make you feel the pain because you'll learn from it. Everything always comes in pair, like love. In order to appreciate its beautiful side.. you have to experience its ugly side.."

"Minsan, ipararamdam muna sa 'yo iyong kalungkutan bago ang kasiyahan. Minsan kailangan mo munang umiyak bago ka sumaya. Minsan kailangan mo munang mawasak bago ka mabuong muli. Ganoon ang pagmamahal. It will teach you lessons in the most unexpected ways. It will make you grow. It will make you tougher.."

"You can still appreciate the good things without being hurt, right? So.. I still don't get it. It's like.. why would you risk jumping off a cliff if you're not sure that  you'll survive or not?"

"Love is worth taking the risk. Kahit na walang kasiguraduhan, okay lang. At least you can say that you've tried. For me, 'oh wells' are better than 'what ifs'.. I don't want to regret anything before I die.." ani Lara at saka tumayo.

Nakatitig lang ako sa dagat. Madilim na pero kitang kita ko padin ang linaw nito.

Hindi ba pwedeng sumaya ka ng hindi ka lumuluha? Hindi ba pwedeng i-enjoy mo ang buhay mo ng hindi ka nahihirapan?

Dahil mukhang paalis na si Lara ay hindi ko na iyon sinatinig. What for? Magkaiba kami ng mindset.

"Tash, I need to go back to the hotel now.. do you want to go with us or you'll stay?"

Umiling ako at saka tumayo para mayakap siya.

"I'll always be here too, Lara. Whenever you need me or not, I'm always a one call away, alright?"

Tumango siya at saka ngumiti. Maluha luha nanaman itong si Lara kaya naman pinalo ko siya ng pabiro. "Stop crying, bitch."

"You're so drama kasi! And I'm pregnant for pete's sake why did you hit me!"

Inirapan ko lang siya sa pag iinarte niya. Tumawa kami parehas at pag tapos ay nag paalam na siya. Ako naman ay nag lakad lakad lang dito sa dalampasigan dahil ayoko pa talaga na bumalik doon.

"Nandito ka lang pala."

Hindi ko nilingon ang kutong lupang nag salita. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad sa dalampasigan. Ramdam ko ang pag sunod niya kaya naman nilingon ko siya.

Naka pamulsa ito at nakatitig sa akin. Nakapag palit na siya ng damit pero ako ay iyong gown pa din ang suot. Parang na-out of place tuloy ako sa suot ko. Oh well, I don't care.

"If you're just here to annoy me, you better leave me alone."

Naglakad na akong muli patungo sa part ng isla kung saan naroon ang mga rock formations.

"I'm here to be your company.. you're alone—.."

"I don't need a company. I'm alone and so what? I'd rather be alone that be with someone annoying like you." maarte kong sagot sa kaniya.

Narinig ko namang nag buntong hininga siya at hindi na ulit sumagot.

"Stop following me." saad ko ng sumusunod pa rin siya sa akin.

"I'm not following you. Dito rin ako papunta." aniya at nauna na mag lakad patungo sa rock formations habang naka pamulsa.

Tinitigan ko lamang siya habang naglalakad patungo doon. Ako pang niloko nitong kutong lupa na ito. Tsk. Kahit ano talagang gawin niya sobrang nakakaasar. Hindi ko alam pero kada makikita ko siya kumukulo na agad ang dugo ko.

"Atasha!"

Oh yes. Here comes my kuya.

"Where have you been? Are you with Dimitry?" tanong niya habang nakatingin sa damuhong manyakis na ngayon ay nasa mga rock formations na sa hindi kalayuan.

Umiling ako at nilagpasan siya. Babalik na lang ako sa hotel. May isang yacht pa namang ihahatid ang mga gustong bumalik na sa hotel. May mga magpapa iwan raw kasi dito sa isla hanggang mag umaga.

"Good. Coz—.."

"Coz what? You thought I'm hitting on him? Oh please, kuya. He's not my type. He will never be.."

Umirap ako at saka nag lakad na muli patungo sa parte ng isla kung nasaan ang yate. May mga sumasakay na rin dito pero iilan lang.

"You're going back to the hotel?" tanong ni kuya nang nasa tapat na kami ng yate.

"Yeah. How about you?"

Umiling siya at tinuro ang party na medyo nagiging wild na. God. If wala lang si kuya siguro kanina pa ako wasted.

"Bukas na ako babalik. Dumiretso ka na agad sa hotel room mo, alright?"

Tamad ko siyang tinanguan. Akala niya naman mag gagala pa ako doon? Pagod na ako kaya itutulog ko na lang 'to.

"Good. Sumakay ka na.."

Inalalayan ako ni kuya sa pag akyat sa yate. Hinintay niya munang maka alis ito bago siya umalis sa shore at bumalik sa party.

Nang maka balik ako sa hotel ay agad akong naligo at nag palit ng damit. Just my usual routines before going to bed. Sa sobrang pagod ko, ilang minuto lang siguro pagkatapos kong mahiga sa kama ay nakatulog agad ako.

I woke up to my phone ringing. Antok na antok pa ako ng sagutin ko ito. Who's this ass hole calling early in the morning? This better be an important call or else..

"Bitch!"

With the tone of his voice I knew already who's on the other line.

"Franky.." tamad kong sagot dito.

"Ew! Why are you freaking moaning! Are you in a middle of fucking? Goodness Atasha! It's too early!"

Anong pinag sasasabi ng baklang 'to?

"I just woke up, ass hole! I woke up because of your freaking phone call! What is it?"

Ang kaninang antok ko ay nawala agad sa pinag sasasabi nitong baklang ito. Agang aga iniinis ako.

"Oh.. sorry. Anyways, I called because I'm in Manila right now. Apparently, my dad called and he wants me to go home like, ASAP! Ugh!"

"So what if you're in Manila? What do you want me to do? Scream and shout? God, Franky!"

Pinatay ko na agad ang tawag at nahiga na ulit. It's only 6AM. Pwede naman niyang i-text nalang pero talagang inistorbo niya pa ang pag tulog ko.

"Ugh! Patay talaga sa akin iyong baklang iyon!" maktol ko nang hindj na ako antukin.

Hindi na ulit ako dinalaw ng antok. Kaya naman naligo na ako at nag bihis para kumain ng breakfast sa clubhouse. Last day na namin today. May ibang magpapa-iwan pero ang iba naman ay babalik na din ng Manila tulad namin nila mommy.

Papasok pa lamang ako sa clubhouse ay may nakita na akong isang grupo na nag sisimula na ring kumain. It's Kuya and his friends. Wala si Haze at Lara kaya hula ko ay tulog pa ang dalawa.

"Tash.."

Akala ko ay hindi ako mapapansin ni kuya pero nang mauupo na sana ako sa medyo malayo sa kanila ay agad niya akong tinawag.

"Join us here!" aniya at saka itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya.

Tamad akong naglakad patungo sa table nila at naupo. Hindi ako nag greet or what so ever sa mga kaibigan niya kahit na ni-greet nila ako. Kaya iting si kuya masama nanaman ang tingin sa akin. Wala ako sa mood. Masama ang gising! Damn that Franky!

"What's your order, miss?"

Tinaasan ko ng kilay ang waitress na agad tumayo sa tabi ko para kuhanin ang order ko.

"Can't you see I'm still checking the menu?" mataray kong tanong at saka siya inirapan.

"S-sorry po.."

Ibinalik ko na lang ang tingin ko ulit sa menu at nag hanap ng pwedeng kainin. Bigla akong nag crave for pancakes kaya iyon ang oorderin ko.

"I want some pancakes. Top it with cream and some slices of bananas and strawberries. Also, sunny side up and bacons."

Natataranta siya sa pagsusulat ng order ko kasi binilisan ko ang pagsasalita. Napangisi tuloy ako. Masyado kang atat hindi ba? That serves you right. I hand her the menu pero binitawan ko din agad kaya naman nahulog ito sa sahig.

"Oops." ani ko sa isang maarteng tono.

Nakita ko namang sabay umiling si Kuya at si Dimitry sa ginawa ko. Tinaasan ko lamang sila ng kilay at nagpaka busy sa phone.

"You're being a brat again.." bulong ni Kuya sa akin habang umiiling.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka inirapan.

"So what?"

Tinignan niya lang ako at umiling bago siya bumalik sa pagkain niya. Habang nag aantay naman ako ng akin ay biglang tumunog ang phone ko.

It's Franky.

"You, bitch! Pinatayan mo ako ng phone!"

Sumandal ako sa upuan at humalukipkip.

"What now?" tamad kong tanong dito.

"Well, I wanted to ask if kailan ang balik mo dito sa Manila. I want to party!"

"Today," tipid kong sagot at saka maarteng tinignan ang kuko ko.

Buti hindi nasira sa pagsu-swimming ko kahapon.

"That's good! I thought you'll stay there for a week. Anyways, I'm not free today kasi ngayon ako bibisita kila dad but I'm super duper available tomorrow!"

"Alright. BGC. Tomorrow night. Bye."

Agad ko ng pinatay ang tawag dahil wala talaga ako sa mood. Bukod sa siya mismo ang sumira sa mood ko ay pagka banggit ko pa lang sa BGC ay nilingunan na agad ako ni Kuya. Isang mapang husgang tingin ang binigay niya sa akin kaya naman inirapan ko lang siya.