Dreams
"Ako na po dito, Miss Atasha.." ani Lena nang makababa kami sa sasakyan.
Padabog kong binigay sa kaniya ang maleta ko.
"Of course stupid, it's your freaking job. Duh!"
Nilampasan ko na siya at saka pumasok na sa loob ng bahay namin. Hapon na ng makarating kami. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagod.
"Are you going to eat dinner, Tash?" tanong ni mommy nang paakyat na ako sa aming engrandeng hagdan.
Papunta siyang kusina, siguro ay ii-instruct ang mga katulong para sa dinner mamaya.
"Yes, mom. Pero sa room ko ako kakain. Light dinner lang.."
"Alright.."
Tumaas na ako agad at nagpalit ng damit. Hindi naman ako dalawin ng antok ngayon dahil buong byahe namin papuntang airport ay tulog ako. Pati nang nasa eroplano kami ay tulog ako at pati na rin ang pauwi dito sa bahay ay tulog ako. Bawing bawi ang tulog na sinira ni Franky kaninang umaga.
At dahil wala akong magawa ay nag browse na lang ako sa phone ko. I checked our pictures at Lara's wedding. Magaganda naman. May mga nag-add sa akin sa facebook, most of them were Lara's friends and cousins. Wala akong in-accept ni isa sa kanila. I don't know them, tho. So, why would I accept their requests?
Hindi lang sa facebook ko may mga requests kundi pati na rin sa instagram at twitter ko. Stalker ba ang mga ito? How did they know my accounts? Tsk.
"Miss Atasha, ito na po ang dinner ninyo."
Tinignan ko si Lena ng nakapasok na siya sa kwarto ko at inilapag ang tray ng pagkain sa coffee table. Napataas ang kilay ko nang makita ko ang dala dala niyang pagkain.
"Wait, Lena!" sigaw ko nang palabas na sana siya ng kwarto ko.
Agad siyang lumapit sa akin at nag tanong kung bakit.
"Ano 'to?" turo ko sa tray ng pagkain. "I said light meal. This is a heavy meal. Do you know the difference between a light and a heavy meal? Are you really that stupid?"
Nakatungo lamang siya habang nag sasalita ako. "S-sorry po. Babawasan ko po ba?"
Hindi makapaniwalamg tinitigan ko siya.
"It's a freaking a heavy meal right? And what I wanted is a light meal, so what do you think?! God! You're so stupid!" sigaw ko sa kaniya at pasalampak na umupo sa kama ko.
"Paki bilisan, Lena! Go!"
"S-sige po.. sorry po ulit.."
Dali sali siyang lumabas ng kwarto ko kasama ang tray ng pagkain. Kailan ba siya magkakaroon ng common sense?
"Atasha, why is Lena crying? What did you do this time?" tanong ni Kuya.
Pagka labas pa lamang ni Lena ay ilang saglit ay pumasok si Kuya sa kwarto ko habang naka simangot sa akin.
"What about her? Paki ko kung naiyak iyong isang iyon. Bakit mo sa akin sinisisi? Tsk.." sagot ko sabay irap.
Such a cry baby. Siya na mali siya pa pa-victim.
"Wag mo namang ituring ibang tao sila Lena, Tash. Katulong natin sila dito sa bahay."
"Exactly! Katulong lang sila dito, Kuya. Muchacha sa ibang term. Anong gusto mo i-friend ko sila? Hell no. And I don't make friends with stupid people."
Napailing na lamang si Kuya sa sinabi ko. What? Tama naman e. They're just maids.
"Say sorry to Lena, Tash." ani Kuya bago siya lumabas ng kwarto ko.
Sorry? There's no way in hell I will say sorry to that stupid girl.
That was a very tiring night. Agad akong nakatulog matapos kong makakain. Hindi na rin si Lena ang nag hatid ng pagkain ko kundi si mommy na at pinagalitan pa ako dahil nga inaway ko daw si Lena. Parang bata lang ha?
"Glad you're awake. Handa na ang lunch. I was about to wake you up." ani Kuya nang maka salubong ko siya nang papunta akong dining room namin.
"By the way, aalis na ako. Marami akong aasikasuhin sa opisina. Kung aalis ka mag-bilin ka sa kahit sinong nandito or text me."
Umiling ako, "Hindi ako aalis."
Kuya gave me an amused but a very sarcastic face. Tsk.
"Thank God and all the saints! Anong nakain mo?" asar niya at saka tumawa.
Nginiwian ko na lang siya at nilampasan na. "Whatever!"
Nang matapos akong mag brunch ay agad na akong naligo at nag gym after. Halos tatlong oras din akong nagbabad sa gym. Matapos kong mag gym ay nagpasya akong mag pahinga at manood na lang ng movie. I watched Zack's latest movie—Baywatch.
Hindi talaga ako umalis buong araw. Bukod sa wala naman akong lakad talaga ay tinatamad ako. Ang init init sa labas kasi summer na dito sa Pinas kaya ayokong umalis. Kung aalis man ako ay sa gabi but Franky told me na sa friday night na lang kami lumabas which is good coz Dad and Mom will be out of the country for a business trip that time and as for Kuya, he will be so busy for the next days because of this big deal he needs to close.
I will be free this Friday. Walang mang haharang or what so ever. Ni hindi mo na nga makausap si Kuya simula ng dumating kami dito galing Coron e. He's too busy para mabantayan ang bawat kilos ko.
Kaya naman ng sumapit ang biyernes ng gabi ay mabilis akong nag-ayos at lumabas. Alas otso ang usapan namin ni Franky pero heto at alas nueve y media na. Nag-decide kami na kakain muna ng dinner bago mag punta sa bar na gusto niyang puntahan.
"Tashiana! Where the hell are you?!"
Sigaw ni Franky sa kabilang linya kaya naman inilayo ko ang phone ko ng bahagya sa tenga ko. This gay is so loud!
"I'm on my way, okay! See you! Bye!"
Pinatay ko na agad ang tawag dahil dali dali na akong pumunta sa aming garahe. Gagamitin ko ang puting Porsche ko. Dahan dahan akong sumakay dito ngunit hindi pa ko pa man naisasara ang pinto ay pinigilan na ito ng isa sa mga driver namin.
"Miss Atasha, saan po kayo pupunta? Bilin ho nila Sir ay huwag kayo basta basta paaalisin."
"Nag-paalam na ako kay kuya, manong. Kaya pwede ba, get your hands off of my car! Gutom na ako at magdi-dinner ako sa labas! Gusto mo sabihin kita kay Daddy?" tinaasan ko siya ng kilay at hinawakan ang door handle ng sasakyan.
Agad naman siyang umiling. "Sorry po, miss. Akala ko po kasi tatakas nanaman kayo. Gusto niyo po ihahatid ko na kayo?"
Umiling ako at inirapan siya.
"Tsk. I can drive! Move!"
Agad siyang tumabi kaya naman sumakay na ako agad dahil baka mamaya mahuli pa ako. Hindi naman talaga ako nag paalam. What for? Hindi na ako bata.
Isang oras ang tinagal ng byahe ko bago ako makarating ng Taguig dahil dito raw kami kakain malapit na sa bar na pupuntahan namin.
"What took you so long?" ani Franky at tinaasan ako ng kilay.
Hindi ko siya tinapunan ng tingin at agad tinignan ang menu. Gutom na ako dahil sa nakaka inis na traffic na yan. Gabi na pero traffic pa rin.
"Traffic." simple kong sagot habang namimili ng pagkain.
"Traffic your face. Ang lapit lapit niyo lang dito, girl!"
Binaba ko na ang menu at pagod siyang tinignan.
"You're in the Philippines. Kahit saan ka pumunta, traffic. Kasama na siya sa Philippine Culture."
Binaba na rin niya ang menu na hawak niya at sinabi sa waiter ang kaniyang order at ganoon din ang ginawa ko bago siya mag salita.
"Anong kinalaman ng kultura ng Pilipinas dito? Tss. Anyways! I'm excited to party!"
"Excited manlalaki.." bulong ko habang nakatitig sa phone.
Agad niyang hinila ang buhok ko at inirapan ako.
"Manlalaki ka din. Inggiterang 'to!" aniya at inirapan ulit ako.
Inirapan ko din siya. "I don't chase men. They chase me. So bakit ako maiinggit sa 'yo?"
"Oh yes. Sila ang nag hahabol sa 'yo. Like for example, Sean.."
Inirapan ko siya at nagpaka busy na lang sa phone. He's been calling me for days now, sending me messages on my account and my number that's why I decided to deactivate and bought a new sim card. He's so annoying!
"Speaking of, he told me that you're not answering his calls and messages? Sean's a big catch! Ano pang ayaw mo sa kaniya?"
A big catch? Anong big catch doon?
"Edi iyo na. Bet mo naman 'di ba kasi nga big catch or you mean daks kasi?"
"Gaga ka! Hindi siya napatol sa bakla. At bet na bet ka ng daks na iyon! Pakipot ka lang talaga!"
Pakipot? Ako? Hindi ako pakipot. Hindi ko lang talaga siya type.
"Aanhin ko ang daks? Hindi ko siya gusto." sagot ko at inirapan siya.
Nag simula na ako kumain ng i-serve sa amin ang in-order naming pagkain.
"God! I heard magaling daw siya! Daks na, magaling pa! Saan ka pa? Gwapo pa! Ano pa bang hinahanap mo?"
God. What am I hearing?
"Wala. Wala akong pakialam kung magaling, mahaba, malaki, gwapo. Wala akong paki sa mga lalaki. Tantanan mo akong bading ka."
Sinimaan niya lang ako ng tingin at kumain na rin siya.
"Ehem, sir, ma'am.. wine po?"
Tinignan ko ang waiter na na nasa tabi namin ngayon. Pulang pula na siya dahil siguro narinig niya ang mga pinag sasabi ko. Tumawa naman itong bading na 'to.
"Ay, nandiyan ka pala.. sure!" aniya habang sa crotch area nito nakatingin sabay kindat nang tignan niya ulit ito sa mukha.
Manyakis talaga itong baklang ito. Bigla tuloy naging uneasy itong waiter. Ito talaga ang mga bet niya e, mga pa-good boy look. Gwapo din naman itong waiter, may ipanlalaban.
"Thank you! What's your name?" ani Franky nang matapos mag-salin ng wine ang waiter.
"Rafael po, sir.."
Bigla akong natawa sa diin ng 'sir' niya. It's obvious, gusto niyang ipamukha sa baklang ito na parehas silang may swords. Like duh?
"Oh, no need to call me 'sir'.. I'm Franky.."
Nag-lahad siya ng kamay na kita kong may naka-ipit na pera. What the hell? Agad naman umiling ang waiter kay Franky. Nakita niya rin siguro ang pera. Siraulong baklang 'to!
"Franky! What are you doing?"
Tinampal ko ang kamay niya kaya naman inirapan niya ako.
"I was just being generous here, Tash. Anong masama sa pagbigay ng tip?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Nakatingin na siya ngayon ulit sa waiter pero ang waiter ay sa akin lamang nakatingin.
"Tip your face. I know your games, Franky."
"Kuya? Pwede bang umalis ka na dito at huwag ka na ulit dadaan dito sa table namin. Nasasapian ng kung sinong demonyo itong kasama ko pag nakakakita ng gwapo. Sige na. Ako na magbibigay ng tip mo mamaya."
Nakatingin lamang sa akin ang waiter habang nakatayo siya. Pulang pula nanaman ang mukha.
"What? Go! Tsk.." inirapan ko siya at agad naman ding umalis.
Itong baklang kasama ko naman ay halos maging kamukha na ang bangus sa haba ng nguso.
"Don't give me that face. Siraulo ka ba? Akala mo ba club ito?"
Sumasakit na ang mata ko kaka-irap sa kaniya.
"Tip kasi 'yon!" aniya at humalukipkip habang naka simangot.
"Shut up. We both know it's not. Kumain ka na nga lang diyan."
Inirapan niya ako bago mag simulang kumain ulit. "Fine, whatever!"
Wala sa mood si Franky hanggang sa matapos kami sa pagkain at ganoo din naman ako pero nang makarating kami sa bar ay agad namang nag bago ang mood nito.
"Mas marami pa palang isda dito. Hindi na kawalan iyong waiter don. Hmp!" aniya at umupo sa counter at um-order ng drinks.
Inirapan ko na lamang siya at kinuha ang basong may lamang margarita. Inilibot ko ang mata ko sa buong bar. Marami ng tao dahil alas onse na din ng gabi.
"Oh ano girl? Diyan ka na muna. Mangingisda lang ako!" ani Franky at excited na pumunta sa dance floor.
Napa-iling na lamang ako at saka inubos ang natitirang alak na nasa baso ko. I won't drink much tonight. Mag-dadrive pa ako.
Maingay na at tanging mga malilikot at iba't ibang ilaw na ilaw na lamang ang nagbibigay ng liwanag sa buong bar.
"Atasha?"
Nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at tinignan mula ulo ang hanggang paa. I don't know her. Sino ba 'to?
"You probably don't remember me but I'm Belle."
Nag-lahad siya ng kamay ngunit tinignan ko lamang iyon ng saglit at saka ibinalik ang tingin sa kaniya.
"Oh, uh.. we actually met a few years ago. Dito rin sa bar na ito."
"I can't remember you." sagot ko at saka humarap sa counter para um-order sa bartender.
"Margarita,"
"Make it two, please.." ani ni Belle raw.
Tsk. Hindi ko siya maalala. Kung sino man siya. Wala akong pakialam.
"So, how's Paris?" tanong niya at saka sumimsim ng kaunting alak sa kaniyang baso.
Are we close? Paano naman nalaman ng babaeng ito na galing akong Paris? Is she a stalker or what?
Tinaasan ko lamang siya ng kilay at tinuon ang pansin sa alak na hawak.
She chuckled.
"Sorry. I heard that you just came back from Paris."
Ano bang paki niya? Wala akong oras para makipag usap sa kaniya. Wala akong oras para makipag plastikan.
"And what about it? Look, we're not close, okay? So stop bugging me. You're annoying."
Tumayo na ako at akmang aalis nang may nakabangga akong isa pa ulit na babae.
"Aww! Watch where you going, stupid!" sigaw ko sa babae na nakabangga ko. Halos ma-out of balance ako sa nangyari.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Isa pala ito sa waitress dito sa bar. "Sorry po, ma'am. Hindi ko po sinasadya."
"Whatever!" Inirapan ko siya bago ako tumalikod at kunin ang baso ng margarita.
Tinignan ko naman ang intrimitidang babaeng kumakausap sa akin kanina. Nakangiti lamang siya at nauna nang umalis.
"Anong ginagawa mo diyan? Alis na!" sigaw ko sa waitress nang makitang nakatanga lamang siya sa akin.
"S-sorry po ulit.." aniya at umalis na rin.
Umirap ako at saka nilagok ng straight ang alak na hawak ko. Sinisira nila ang gabing 'to. Kainis.
Masyado nang maingay sa loob ng bar kaya kahit sumigaw ako kanina ay wala naman nakapansin o nakarinig pwera na lamang sa mga taong malapit sa pwesto namin kanina.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bar at sa dance floor. Hindi ko makita kung nasaan si Franky. Most probably, he's hitting on someone already. Tsk.
"Oh well. I'll just enjoy this night."
Naglakad ako patungo sa dance floor na puno na ng mga taong mga nagsasayaw.
I joined the crowd and went to the center. I'll better make the most out of this night. And dance the night away..
"I thought bubutasin mo na lang iyong upuan doon at hindi ka magsasayaw!" ani Franky nang papalapit na siya sa akin.
Pero unti unting naging malabo ang paningin ko at parang umiikot ito.
"O-oh.. Franky.."
I tried to walk but I can't even see the floor clearly. I feel like throwing up. What's gotten into me? Naka dalawang basong margarita lang ako. I don't get drunk easily.
"Hey, Tash.. are you drunk already? So weak.." aniya na may panunuya sa boses.
I looked at Franky but everything was a blurr. I can't even curse at him and give him a deadly look for calling me weak. I felt his hands on me coz I almost got out of balance. What the fuck? Am I really drunk? But.. hell no.. this is a different feeling from being drunk! This is the worst feeling I've ever felt my whole life. I feel like dying!
"W-wait, Tash! Tash! You're sweating and goodness your body temp is so high! What's happening to you!"
It's true. I'm sweating like mad and I feel so hot. Like literally hot. I tried to speak. I also can't breathe properly. "I.. I c-can't b-breathe.."
"Tash! Tash, don't sleep! Oh god! You're quivering now! Oh my gosh! Tash!"
I can feel Franky slapping me but I was too damn weak and numb to even feel hurt with his slaps. I can hear him but I can't hear him clearly.
"Tash! Wake up! Fuck! Help!"
Franky was too late. After he said that everything went black. That was the last thing I heard before I passed out.
"Tashy! Give me back the ball.."
I looked at the little guy calling this cute little girl in front of me.
"No! Stop playing basketball and play with me instead!"
She's throwing some tantrums. She threw the ball away and frowned. Wait, this little girls seems so familiar to me..
"Tashy.. why did you do that?" the little guy asked calmly.
"Because you don't want to play with me!"
Tashy? I looked at the little girl and I then I realized that the little girl was me. Wait, what's happening? Why am I here? Did I traveled through time? And who is this little boy I'm talking to?
"What will we play then? Dolls? Look, Tashy, I'm a boy.. I can't play dolls.."
"It's not like playing with dolls will make you gay! You're so daya!"
I looked at the little boy very carefully. He looked so done with what little Tashy just said. Who is this boy? He's not my Kuya nor any of my cousins.
"Hay.. you're so stubborn.."
The little boy then went near and pinch little Tashy's cheeks and then smiled.
"Kung hindi ka lang talaga cute!"
"Aw! Im not cute! I'm pretty!" little Tashy said as she frowned cutely to hide her smile.
The little boy just laughed at her and shrugged her hair.
They laughed as they went away and slowly, everything fades and it went all black. Did I really time traveled or I am just dreaming? I don't know who that little boy is. So I guess I was just dreaming?
"She's moving! Anton, wake up!"
I feel so damn weak. I heard my Mom's voice calling my Dad.
"Andres, call the doctor!" Dad shouted.
I heard the door slammed like someone is in hurry.
"Tash.."
That was mom's voice, mom's cracked and worried voice. I can feel her beside me caressing my hair. I feel so weak that I'm having a hard time to move and to even open my eyes.
I wanted to open my eyes!
"Mom.. andito na si Doc.."
I felt someone putting something on my chest. And another one putting something around my right arm.
"She's fine.. her vital signs are normal.."
I heard someone said and I think that was the doctor.
"She just moved, doc! Bakit hindi pa siya nagigising?"
I can imagine mom's worried face by hearing that from her.
"She's still recovering. Mahina pa siguro ang katawan niya. Pero I can assure you that she'll wake up soon.. don't worry Mrs. Dela Cuevas.. you're daughter is stable now."
"She's been comatose for a month now! I miss my daughter.."
Mom's voice was shaky and a few seconds later i heard sobs from her.
"Stable na ang kalagayan niya ngayon kaya pwede na natin siyang ilipat sa normal room while she's recovering. We just have to wait until she wakes up."
I was comatose for a month?! What the fuck??
"Honey, let's just be thankful that she's already not in a state of coma now.. she'll soon wake up, alright?"
What the fuck happened? Bakit ako na-comatose?
"M-mom.. dad! I think she can hear us.. she's crying.."
"What? T-tash.. baby.. don't cry.."
I felt my mom and dad's hands caressing my head and my hand. I'm crying because I can't open my eyes! I wanted to open it because I don't want them to worry. And I want to know what happened!
Few moments later, I felt so tired. Slowly, hindi ko na marinig ulit ang mga usapan nila. Nakatulog na ako sa sobrang pag pilit sa sarili ko na magising at maalala ang nangyari.
"Where are we going?"
I heard someone talking so I looked at these two. A girl and a boy. Again, it's the little me and that little boy again.
I looked around and we are in a some kind of a park? there were playgrounds, benches and food stalls. But we were alone. And it's dark..
"We'll just buy kwek kwek, Tashy.." the little boy said as he held little Tashy's hand and went to a near food stall that sells street foods.
"But I'm not allowed to eat that! Why did you drag me all the way here? The van is waiting for us!" little Tashy said and rolled his eyes to this little boy who's actually spacing out as he bites his kwek kwek.
"Hey!"
Little Tashy poked him.
"You're spacing out! It taste bad, isn't? Tsk. Ew!"
"Yeah? Uh.. S-sorry.. l-let's go?"
Little Tashy looked at him, confused.
"You're not yet done eating!"
The little boy threw his food quickly and held Tashy's hand. He ran as he held her hands.
"Why are we running! My feet hurts!"
Little Tashy stopped as she catch her breath. "Let's go, Tash! You told me the van is waiting for us! Let's run fast so Tito Anton won't scold the both of us!"
Tashy was really confused. She looked at the little boy's face very carefully. The boy looked so tensed and afraid.
"Let's go!"
But before the little boy get a hold of her hands, there were three men in black and bonnets who went near them and held their wrists and covered their mouths with a handkerchief.
I tried to move but I can't. I tried to shout but no words are coming out of my mouth. I really tried but all I can do is cry. Cry hard as I can..
I saw them walking away. Little Tashy and the little boy were both trying to escape from the big hands of these goons. But, what can a little girl and a little boy do with the strength those goons have? Nothing..
I can't do anything so I just looked at them, slowly being out of my sight..
The last noise I heard was three loud gun shots before everything went black again. Thank God, I'm dreaming, no, it was a nightmare.. a nightmare I don't want to encounter again..
I don't remember anything like that happened to me before. But, it felt so real. I was, seriously, trembling hard.
"Is she okay now?"
Slowly, I open my eyes..
"Yes, she's recovering now. Pero hindi pa rin siya nagigising. But, minsan ay nakikita namin iyong kamay niya ma gumagalaw. She even cried twice. The last time was just last night. She's probably dreaming.."
As I completely opened both my eyes. I saw white ceilings, white curtains, I saw fruits and a lot of foods on my right side and a lot of flowers on my left side.
I looked at my Kuya and Lara. They were talking and I can see that Lara is crying. Besides, Lara and Kuya, Haze and Dimitry is here too.
"Thank God she's okay now.. how about the case? may lead na ba?"
I looked at them, weakly.
"She's awake!" ani Dimitry at agad tumayo sa gilid ko.
Kuya and Lara as well as Haze did the same thing. They were all looking at me.
"Tash? Do you need anything? May masakit ba sa 'yo? How are you feeling? Huh?"
I looked at him and rolled my eyes. "Hindi bagay sa 'yo. Pagalitan mo na lang ako.."
At last! Nakapag salita din ako. I don't know why that came first out of my mouth but, touch move, I already said it instead of saying thank you. I know, I'm rude.
"Okay na nga siya.." ani Haze kaya naman pinalo siya ni Lara sa kaniyang braso.
I just rolled my eyes.
"I'll call her doctor.." ani Dimitry at agad umalis at lumabas ng kwarto.
I tried to sit but I am too weak. Kaya naman tinulungan ako ni Kuya sa pag upo.
"What case are you guys talking about?"
Tanong ko sa kanila nang maka-upo ako ng ayos. Agad namang nagkatinginan si Lara at Kuya sabay tingin sa akin.
"What case?"
Tinaasan ko ng kilay si Lara. She's not a good liar.
"I heard you guys talking.. spill it now!"
Kuya heaved a deep sigh, "We filed a case against that bar you went to with Frank that night, Tash."
"Wait, why would you do that?"
"Tash, you got comatose because you were overdosed with party drugs !"
Party drug? What the hell? I was overdosed with a freaking party drug?
"Kuya, you've gotta be kidding me?"
Umiling si Kuya at saka kunot ang noong tumingin sa akin.
"You were drugged, Tash.." ani Lara na nasa kabilang side ng ng kama katabi si Haze.
"I just had two glasses of margarita that night and that was it.. and I never accepted any drinks from anyone on that bar that night. So, how could that be?"
It's impossible. Madalas akong nag pupunta sa bar na iyon at wala naman akong nababalitaang gumagamit sila ng party drug or what so ever.
"We assume it must be one of the bartenders.." ani Kuya at binigyan ako ng isang stress na mukha.
Stress ba yan sa trabaho o sa akin? I bet sa akin..
"But, the police conducted an investigation and all the staffs at that bar were negative of drug use. Wala ring nakitang ebidensya kaya napawalang bisa ang kaso na sinampa namin."
"Pero hindi ba ngayon makukuha ang cctv footage ng bar?" ani Haze
"Oo, kaka-text lang sa akin ng lawyer namin. I need to go there and check. I'll leave Tash to you.."
Bumaling muna si Kuya sa akin at saka hinalikan ako sa ulo.
"Call me if you need anything. I need to go now."
Tumango ako at saka sinundan siya ng tingin palabas. Saktong pag labas ni Kuya ay ang pag pasok ng doctor kasama ang isang nurse at si Dimitry.
May mga tinanong lang sa akin ang doktor at chineck lang ang vital signs ko at sinabing pwede na akong makalabas ng ospital sa makalawa bago sila lumabas ng kwarto ko.
"Are you feeling better now, Tash?" tanong ni Lara at saka umupo sa edge ng kama ko.
"Yeah.. I just feel a little weak but I'm feeling better.."
"Do you want to eat something?" ani Dimitry at saka lumapit sa tabi ko.
This is not his usual aura. I don't know but somethings off with this guy. Isang buwan lang naman akong na-comatose but it feels so strange.
"I'm not hungry. I'm okay with drinks.."
"Atasha! Kakagising mo lang tapos alak agad?!"
I looked at Lara in disbelief.
"Bitch. I'm thirsty.."
"Oh.. is that so.." aniya at napa kamot na lamang sa kaniyang ulo.
Napa iling na lamang si Haze habang naka ngisi dahil sa naging reaksyon ng asawa niya.
"Here, Tash.."
Kinuha ko ang baso ng tubig na iniabot ni Dimitry at ininuman ito.
"Tash, wala ka bang maalalang nag bigay sa 'yo ng drink ng gabing iyon?" tanong ni Lara na agad kong inilingan.
"You know me, Lara.." hindi ako basta basta tumatanggap ng alak sa bar lalo kung galing sa lalaki.
Nag-iingat lang ako na baka ang ibigay nila ay may halong droga para magawa nila ang mga masasamang balak nila. Talamak iyan lalo sa mga bar, high end bars man iyan o hindi. Assholes uses rape drugs for them to satisfy their lustful needs.
"Pero, how? And I really doubt na isa sa mga bartenders ang gumawa non sa 'yo. We're actually friends with those bartenders.."
"Sa panahon ngayon, Lara, hindi na katiwa-tiwala ang mga tao.. kahit kaibigan kayang kaya kang traydurin.."
Napatingin ako kay Dimitry na siyang sumagot kay Lara. Ang layo ng tingin niya habang sinasabi yon.
"What the hell, Dim? What's with you?" ani Haze na pinag tawanan ang kaibigan dahil sa kaseryosohan nito.
Haze was right. What's with him?
"Ass hole." sagot ni Dimitry at saka tumingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng isang kilay at saka bumaling sa gawing pintuan dahil bigla itong bumukas at iniluwa ang humahangos pang si Mommy kasunod niya ang Daddy na may kausap sa kaniyang telepono.
"Oh God, my baby.."
Agad akong niyakap ni Mommy ng sobrang higpit. Ginantihan ko din naman siya. Nang mag hiwalay kami ay sumalubong sa aking ang pisngi niyang puno ng luha.
"I'm so glad you're awake.." garalgal ang boses niyang saad.
I smiled weakly at her.
"Do you need anything? Food? Do you want to eat? Are you hungry?"
Sunod sunod ang tanong niya kaya hindi ko alam kung anong uunahin kong sagutin. Ngumiti na lamang ulit ako at umiling.
"Thanks, mom.. I'm fine.."
Huminga siyang malalim at ngumiti.
"I'm sorry if I made you all worried.."
Umiling si Mommy at saka hinawakan ang kamay ko. Mag sasalita na sana siya nang biglang unahan na siya ni Daddy na ngayon ay wala ng kausap sa telepono.
"You should be, young lady." he said with a very authoritative tone.
I expected this, I know Daddy will be mad at me.
"If only you listened to us, this won't happen."
Kalmado lamang si Daddy kahit alam mong galit siya. And this calmness is what scares me the most.
"Anton.. not now.." hinawakan ni Mommy ang braso ni Daddy para pigilan ito.
Pero hindi nagpapigil si Daddy na pagalitan ako. Oh right, sa harap pa talaga nila Lara. Tsk.
"I already warned you about these fucking party drugs but hell what? Hindi ka nakinig. I thought you've changed since you came back from Paris, but I was wrong. Ang tigas tigas pa rin ng ulo mo."
Nakatingin lamang ako sa kawalan habang tinatalakan niya ako. Kakagising ko lang pero ito agad ang ibubungad niya sa akin. Great diba?
"Anton.. please?"
Mommy is begging him to stop but he didn't.
"Are you listening to me, Atasha?"
Nahihimigan ko na sa boses ni Daddy na malapit na siyang sumabog. Tinignan ko lamang siya at tumango.
Halos mag dilim ang mukha ni Daddy sa naging sagot ko.
"Lahat na ng pagdidisiplina ginawa ko sa 'yo. Pero hindi ka pa rin natututo! You're pushing me to the limit, young lady!"
Oh yeah. Bla bla. "Dad, I'm tired.."
Sa wakas ay nag salita na rin ako. Rinding rindi na ako sa mga sinasabi niya. For sure grounded nanaman ako. Baka hindi lang ilang linggo baka ilang buwan pa.
"And so am I, Atasha. I'm so tired of your bullshits. That's why I'm sending you to the province."
Ang huling sinabi ni Daddy ang nakapag balik ng tingin ko sa kaniya. Kunot ang noo kong nakatingin sa kaniya at pag tapos ay kay Mommy. And with that look on her face, I know, alam niya ang desisyong ito ni Daddy and there's nothing she can do about that.
"What the hell?"
Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko. No way. Hindi ako titira sa probinsya.
"You heard me right, Atasha. Ipapadala kita sa probinsya at doon ka titira hangga't hindi ko sinasabing pwede ka ng bumalik dito sa Manila."
Fuck. Ano?
"As soon as you're out of this hospital, ipapahatid na kita roon."
Umiling ako ng ilang beses, "No way, Dad!"
"This is the only way I know for you to get back to your senses. And when I say province, you'll be living like how they live there. No gadgets, no internet, no car, no everything."
I can't believe it!
"You have to learn your lesson the hard way, Atasha."
Great. Just great. Fucking great. Hella great!