Eight

Mag-tanim ay 'di biro

Ang sabi ng damuhong iyon ay magi-enjoy raw ako sa pupuntahan namin. Inutusan raw siya ni Kuya na dalhin ako doon para raw makabawi ito sa nangyari kahapon sa akin.

Sasama ako pero bakit parang may iba akong nararamdaman? Kapag talaga ako niloloko lang nitong damuhong ito nako! Patay talaga siya sa akin..

"I'm done. Let's go."

Tinitigan ako ni Dimitry mula ulo hanggang paa.

"What?" tanong ko dito pero umiling lang at ngumisi.

Ano bang problema ng isang ito? May mali ba sa suot ko? Tsk.

"Saan ba kasi tayo pupunta ha?"

Tanong ko agad nang makasakay na kami sa kaniyang FJ cruiser.

"You'll see." aniya at nag simula nang mag maneho.

"Why are you smirking? Huh?" tanong ko dito nang makita kong may naglalarong ngisi sa labi niya.

I really have a feeling that he's power tripping and we're not really going somewhere enjoying!

"Where are you taking me!"

He laughed and stopped the car.

"Why are you laughing? Siguro dadalhin mo nanaman ako sa maduming lugar na iyon noh?"

Tumigil siya sa pagtawa at umiling pero may mapang asarpading ngiti na nakaguhit sa kaniyang labi.

"We're here, lady." aniya at agad nang bumaba ng sasakyan.

We're here? Wait a minute.. I looked around and after a moment I realized where we are.

"Why are we fucking here!"

Padabog kong sinara ang pintuan ng sasakyan.

"You're so annoying!" singhal ko at hinampas ang braso niya.

Ako lang din ang nasaktan sa ginawa ko.

Dammit! I knew it! Hindi man niya ako dinala sa mabaho at maruming lugar na iyon ay dito naman niya ako dinala.

"Aw. Sadista ka na ha.." aniya at umarteng nasaktan.

Inirapan ko siya at nag martsa na pabalik ng sasakyan ngunit nang bubuksan ko iti ay naka lock na.

"Open it! Iuwi mo na ako!"

He didn't listened. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Nakakainis talaga!

"Didn't you miss this place?"

Sinamaan ko siya ng tingin at lumapit sa pwesto niya. Sinubukan kong kunin ang susi ngunit itinaas niya lamang ito para hindi ko maabot. Matangkad ako pero di hamak na mas matangkad ang damuhong ito sa akin.

"Hmm.. amoy baby.." aniya at inamoy amoy ang ulo ko na malapit sa ilong niya.

Tinulak ko siya at sinamaan ulit ng tingin.

"Ang manyak mo talaga!" sigaw ko dito

"Woah! Wala naman akong ginagawa sayo.."

"Just.. don't touch me!"

Ngumisi siya at itinago ang susi sa bulsa niya.

"Ikaw ang lumapit, 'diba?"

Tinalikuran na niya ako at nag lakad na palayo sa akin. Kung alam ko lang ang daan palabas dito sa plantation ay nilakad ko na lang pero hindi!

Wait.. hindi na naman ako bata para maligaw. Kaya ko naman sigurong makalabas dito. May mga makaka salubong naman siguro ako dito at pwede ako mag tanong. Right!

Inantay kong makalayo pa ng kaunti si Dimitry saka ako naglakad palabas. Dito kami nanggaling kanina kaya sigurado akong dito ang daan palabas. Pagkapasok mo kasi ng malaking gate patungo dito sa plantation ay dadaanan mo muna ang mapunong daanan.

"Tsk. Akala ng damuhong iyon mapapasama niya ako sa kaniya ha.."

Naglakad lakad pa ako nang marating ko ang dulo ng daan kung saan may dalawa pang way— kanan at kaliwa. Tinanaw ko ang dalawang daanan pero wala akong matanaw na gate.

"Damn it! What's the right way out?" tanong ko sa sarili ko nang hindi ko maalala kung saan kami nanggaling kanina.

Ilang saglit akong nag isip at napag desisyunan kong tahakin ang daan na nasa kanan ko. Sana naman tama itong nadaanan ko! Bakit ba wala akong taong maka salubong? Ugh!

Halos kalahating oras na akong naglalakad pero hindi ko pa rin matanaw ang gate na pinasukan namin kanina. Damn. Maling way yata ang dinaanan ko!

Bumalik ako sa dinaanan ko kanina. Ang layo layo na ng nilakad ko. Ang sakit na din ng paa ko. Bakit ba kasi ngayon ko pa naisipang mag flats. Sana nag sneakers or rubber shoes na lang ako kung mapapasabak pala ako sa ganitong lakaran. And to think na hindi sementado ang daanan!

"I'm so freaking tired!"

Naupo ako sa isang malaking bato na nakita ko sa daan. Malapit ko na ulit marating ung parang intersection kanina. Pero ang sakit na ng paa ko kaya napag pasyahan kong magpa hinga muna.

"Ugh! Bakit ba ang daming lamok!"

Ginalaw galaw ko ang mga binti at kamay ko para hindi ako makagat ng lamok. Nang makabawi ako ng lakas ay nag simula na ulit ako mag lakad.

Malapit ko na marating ung pinanggalingan ko kanina nang makarinig ako ng mga yabag. Mabilis ito at tila tumatakbo patungo sa kung nasaan ako.

"Hiya!"

Nilingon ko ang likod ko at napairap na lamang sa hangin.

"There you are! Kung saan saan na kita pinahanap!"

Hindi ko siya pinansin at nag patuloy ako sa paglalakad. Ilang saglit lang may mga narinig pa ulit akong yabag ng mga kabayong papalapit.

"Sir! Buti naman po nakita niyo na siya.." ani ng isang lalaking sing edad lang yata ni Dimitry.

"Buti at ligtas siya. Marami pa namang napabalita dito sa atin na nagahasa at pinatay. Nako, miss buti na lang ligtas ka." saad ng isa pang lalaki.

"Shut up!" sigaw ko dito at nilagpasan na sila.

Naglakad na ako ulit at sila naman ay nakasunod lang sakin habang nakasakay sa mga kabayo nila.

"Atasha! Sumakay ka na dito!"

Hinarangan ng damuhong ito ang dadaanan ko kaya naman tiningala ko siya at inirapan.

"No!"

Sinubukan kong mag lakad ulit pero hinaharangan lamang ni Dimitry ang dadaanan ko.

"Get out of my way, jerk!"

"No. Sumakay ka na kasi! Ang tigas talaga ng ulo mo!"

Bumaba siya sa kabayong sinasakyan niya at kinuha ang kamay ko.

"Don't touch me!"

Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero hindi ko magawa. Mahigpit ang pagkaka hawak niya pero hindi naman masakit.

"Stop it! Sumakay ka na!" aniya at hinawakan ang beywang ko.

"Hey! What are you doing!"

Nakatalikod ako sa kaniya. Itinaas niya ako bigla nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong beywang.

"Step on it, Tash!"

"Ibaba mo ko!"

Nag pumiglas ako pero mas malakas talaga siya sa akin. Pero hindi ako tumigil sa pagpipiglas kaya naman ibinaba niya din ako.

"Tash, sumakay ka na. Please lang!"

"No! Ayoko!"

Maglalakad na sana ulit ako ng hilahin niya ako at hawakan ulit ang beywang ko. Ngayon ay magkaharap na kami hindi katulad kanina na mula sa likod niya hinawakan ang beywang ko.

"Bitawan mo nga ako! Manyakis ka talaga!"

"Shut up or I'll kiss you!" singhal niya na talaga namang ikinagulat ko.

Pero agad ding akong nakabawi sa pagkagulat at sinigawan din siya.

"Don't you dare!"

"Kapag hindi ka pa sumakay talagang hahalikan na kita!" aniya at unti unting lumapit sa mukha ko.

Nanlaki ang mata ko dahil konti na lamang ay maglalapit na ang mga ilong namin.

"Jerk! Ito na sasakay na! Damn it!"

Tinulak ko siya agad bago pa man magkadikit ang mga ilong namin. Like ew!

"Tsk. Sasakay rin pala e.." aniya at ngumisi.

Nag tawanan naman ang mga lalaking kasama niya kaya sinamaan ko lang sila ng tingin kaya sila natigil sa pag tawa.

"Move a little. Sasakay na din ako.."

Aniya at umambang sasakay ng pigilan ko siya.

"Ano? Magkatabi tayo dito? Ayoko nga!"

"Marunong ka bang mangabayo?" tanong niya

Tinignan ko siya at inirapan. Damn. Hindi ako marunong!

"Uusod ka o bahala na lang diyan? Hindi ka pa naman kilala ng kabayo ko. Mamaya ilaglag ka niyan.." saad nito at naka pamulsang tumingin sa akin.

"Fine! Ito na! Kainis.."

Umusod ako ng kaunti pauna. Ilang saglit lang ay sumakay na din siya sa kabayo. Narinig ko pa ang mga tawanan ng mga kasama niya na nasa likod lang namin.

"Kumapit ka ng mabuti sa hawakan." ani Dimitry at tinuro ang hawakan na nasa harapan ko.

"I know! You don't need to tell me!"

Humawak ako doon at siya naman ay naka ngisi pa rin habang hinahawakan ang tali ng kabayo.

"Ugh! Kailangan ba ganito kalapit!"

Pagrereklamo ko dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Isa pang reklamo mo hahalikan na talaga kita!"

"I hate you so much!" sigaw ko sa kaniya pero tanging tawa lang ang isinukli niya sa akin.

Nag simula na din niyang patakbuhin ang kabayo niya hindi palabas ng plantation, kundi pabalik kung saan ko siya iniwan kanina.

"Why are we here!"

Pagmamaktol ko na hindi niya pinansin. Sa halip ay bumaling siya sa dalawang kasama niya kanina na ngayon ay nakababa na rin sa kani kanilang mga kabayo.

"Sed, kayo na muna ang mag balik kay Tari sa kuwadra niya."

"Sige po, sir. Mauna na po kami.."

"Sige, salamat Sed at Dencio."

Agad umalis ang dalawa kasama ang itim na kabayo ni Dimitry.

"Dimitry, ito na iyong pinapakuha mo.."

May lalaki na hindi naman gaano katanda na hula ko ay tauhan dito sa plantation ang lumapit kay Dimitry at may iniabot na itim na bota.

"Salamat po, Mang Jerry."

"Walang anuman. Sige maiwan ko na kayo riyan.."

Tinignan ko si Dimitry na inilapag ang bota sa tapat ko. Don't tell me he wants me to wear that dirty thing?

"Wear it. Maputik."

"Ayoko nga. Kadiri. Mamaya mabaho ang paa ng gumamit niyan.."

Umiling siya at saka yumukod para kunin ang bota at kinuha ang paa ko na iniwas ko naman agad sa kaniya.

"Bago ang bota na ito, Tash. Hindi ka magkaka alipunga."

"Ayoko niyan! It looks cheap!"

Tumayo siya at umiling. "Bukas na bukas ibibili kita ng mamahaling boots, alright? Ngayon isuot mo muna iyan o gusto mo mag paa ka?"

"Ito na! Susuotin na!"

Tinanggal ko ang sandals ko at isinuot ang bota. Ew. Kapag talaga nagka alipunga ako dahil sa bota na ito malalagot talaga sa akin ang Dimitry na iyan.

"Saan ba kasi tayo pupunta ha! Ano bang ginagawa natin dito!"

Sinundan ko siyang mag lakad. Papunta kami sa palayan.

"Sumunod ka na lang."

"Paano kung hindi ako sumunod?"

"Bubuhatin kita, gusto mo?"

"No way!"

Humalakhak siya at nauna ng mag lakad. Bwiset na manyakis ito.

"Ano ba! Malayo pa ba tayo!"

Hirap na hirap na ako mag lakad sa palayan na ito. Saan ba kami pupunta.

"We're almost there. Bilisan mo diyan.."

Tinignan ko ng masama ang malapad niyang likod.

"I want to kick your ass so fucking hard!"

"I heard that!" aniya at nilingon ako.

"Glad you heard it."

Inirapan ko siya at nag patuloy na lamang sa paglalakad. Ilang saglit lang ay tumigil na kami. So I guess where here?

"Anong bang gagawin natin dito ha!"

"Why are you shouting?"

Tinalikuran niya ako at may kinuha siyang kung ano sa lamesa.

"Coz you're annoying as fuck!"

"Kung ayaw mo ng mainis sa akin, here.."

May inilagay siyang kung anong buto sa palad ko.

"What the fuck are these seeds for?"

"Lunukin mo tapos sumigaw ka ng darna!" aniya at humagalpak ng tawa.

"Anong nakakatawa don?"

"That was a pun. I should laugh."

"Tsk. Sayo ko kaya ipalunok ang nga butong ito? Para saan ba kasi ito!"

"What do you think, Atasha?"

Kanina ay natawa pa siya, ngayon ay seryoso na ulit siyang tumingin sa akin.

"You're fucking kidding me!"

"I'm not."

"Geez, this is unacceptable!"

Tinignan ko siya na ngayon ay nagbubungkal ng lupa. He really expect me to plant these seeds huh?

"Stop staring and plant those seeds, Tasha." aniya at tumayo na nang matapos niyang itanim ang mga hawak na seeds kanina.

"No way!"

"Okay sige.."

Kinuha niya ang kaniyang phone na nasa likod na bulsa ng shorts niya at may dinial.

"Who are you calling?"

"Your Kuya.."

"Stop it! Ito na magtatanim na!"

Bago pa man niya matawagan si Kuya ay agad na akong lumapit sa part kung saan tinanim ni Dimitry ang mga seeds na hindi ko malaman kung anong halaman ba ito.

Tinry ko na gawin amg ginawa niya kanina. Nag hukay lang ako ng hindi naman ganoon kalalim. Pagtapos ay inilagay ko na din ang mga seeds at tinabunam ulit ito ng lupa.

"You have to follow the pattern. It should be straight.."

Binigay niya pa sa akin ang mga natitira pang mga seeds. Wow ha? Hindi ba niya ako tutulungan?

"Ako lang talaga?"

"Nag rereklamo ka?" aniya at kinuha muli ang phone niya.

Damn this evil creature!

"You're so evil!" singhal ko kay Dimitry bago ako nag simula muling mag tanim.

Bakit ba kailangang straight dapat? Ang dami dami namang arte magtatanim lang naman. Buti na lang talaga nag apply ako ng sunblock kung hindi sunog na ang balat ko dito.

"It's fucking done!"

Padabog kong inilagay ang lagayan ng seeds sa table.

"Okay. Next, nakikita mo iyong mga kamatis? Mamitas ka ng mga pwede na."

Tinignan ko ang parte ng taniman kung nasaan ang mga kamatis.

"Ang layo non! Ang init init!"

"Okay. Manguha ka na lang ng mangga.."

Tinuro naman niya ang plantation ng mangga sa hindi kalayuan. Damn it. Hindi ako aakyat sa punong iyan ano!

"Ayoko nga!"

"Then choose.. mamimitas ka ng kamatis o ng mangga?"

Tinignan ko muna ng masama itong damuhong ito bago ko isuot muli ang salakot na sinasabi nila. Kung alam ko lang na dito ako dadalhin ay sana nadala ko na ung summer hat ko at sana hindi itong cheap na hat ang suot ko. Mamaya ang baho pa ng ulo ng gumamit nito. Kadiri.

Dahan dahan akong naglakad sa pilapil at nang makalipas ang ilang saglit ay narating ko din ang parte kung saan nakatanim ang kamatis. Hindi lang kamatis ang narito kundi pati ampalaya, talong at upo ay narito.

"Damn you, Dimitry. Damn you!"

"What are you whispering?" sigaw na ni Dimitry na may pang aasar sa tono.

Hindi ko siya pinansin. Umirap nalang ako sa hangin at namitas ng mga kamatis gaya ng sinabi niya. I can't believe I'm doing this shit!

"Ayan! Saksak mo sa baga mo!"

Hinagis ko sa kaniya ang basket na may lamang mga kamatis na agad naman niyang nasalo pero may mga nalaglag parin kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.

"Mga hilaw pa ang iba dito." aniya nang tignan niya ang laman ng basket.

Kumuha siya ng isang pirasong kamatis na kulay green pa at pinakita iyon sa akin.

"Hindi pa ito hinog, Tash. Bakit pinitas mo na agad?"

"Sabi mo mamitas ng kamatis. Wala kang sinabing mamitas ng hinog na kamatis."

Tinitigan niya ako saglit at maya maya ay napailing na lamang.

"Understood na iyon, Tash. Now, anong gagawin natin dito sa mga pinitas mong hindi pa naman hinog.."

"Malay ko sa 'yo. Kung gusto mo itanim mo ulit. Tsk.."

"Hay.."

Iyon na lamang ang nasabi niya saka ibinalik ang basket ng kamatis sa lamesa. Pasalampak akong umupo sa cheap na upuan na ito.

"I want to get out of this freaking place!"

Sinamaan ko ng tingin si Dimitry na busy sa paghihiwalay ng hinog na kamatis sa hindi. Iiling iling siya habang ginagawa niya iyon. Tsk. Wala naman kasi siyang sinabi. He's at fault, not me.

"Ser, dito po kayo kakain?"

"Opo. May lutong pagkain na po ba?"

"Nagluluto na ho ang asawa ko sa amin. Doon na ho kayo kumain.."

"Sige po, manong. Salamat po. Susunod na lang kami."

Agad umalis ang isa sigurong trabahador dito. Agad akong binalingan ng tingin ni Dimitry na tapos na atang mag hiwalay ng kamatis.

"Tara na."

"What?"

"Are you deaf?"

Tinaasan niya ako ng kilay kaya ganoon din ang ginawa ko sa kaniya.

"Are you nuts?"

Inirapan ko siya at humalukipkip na lamang.

"Hindi ka pa ba nagugutom. Kakain na tayo."

"You think I will eat cheap foods? Yuck."

Sinamaan niya ako ng tingin at lumapit sa akin.

"Tumayo ka na diyan."

"No."

Inirapan ko siya at tumingin sa malayo. There is no way I will eat those kind of foods. Mamaya hindi malinis iyon.

"Magugutom ka, Atasha."

"Mas okay nang magutom kaysa naman ma-food poison pa ako."

Isang malalim na buntong hininga nanaman ang pinakawalan niya. Lumayo siya ng konti sa akin at bigla na lamang nag-stretching. Anong trip nito? Tsk. Bahala ka diyan. Matutulog na lang ako. Besides, I'm not feeling hungry. Kaya ko pa sigurong—

"What the fuck!!"

Bigla na lang akong binuhat ni Dimitry na kala mo isa akong sako ng bigas.

"Fucking put me down!"

"Napaka tigas talaga ng ulo mo."

Pinaghahampas ko ang malapad niyang likod dahil ito ang nasa harap ko ngayon.

"I said put me down! You fucking jerk!"

"Stop cursing! May mga bata dito!"

"So what!"

Patuloy ako sa paghampas ng likod niya dahil hindi pa rin niya ako binabababa. Anong akala nito sa akin? Baboy? Gagong 'to!

"Kayo lang po pala yan ser. Kala ko kung sino nang sumisigaw."

"Magandang araw po. Pasensya na kayo dito.."

"Nako ser, ayos lang. Halina kayo, nakahain na ang pagkain.."

Pumasok na ulit ang trabahador sa loob. Binaba na rin ako ni Dimitry nang makarating kami dito sa isang maliit na bahay. Bahay pa ba itong matatawag? It doesn't look like a house. It's small and made of I don't know what.

"You fucking jerk!" singhal ko sa kaniya pero agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Kuya Dimitry!"

May batang babaeng nagtatatakbo papalapit dito kay Dimitry.

"I said stop cursing."

"Tsk. As if naman maiintindihan niya ako. Duh! Kadiri yang kamay mo! How dare you!"

Hahampasin ko na sana siya nang biglang pumagitna sa amin ang bata. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Doray, kamusta ka?"

Yumukod si Dimitry para mag pantay sila ng batang ito. Nakatingin pa rin sa akin ang bata at pinanlalakihan ako ng mata. Inirapan ko na lang siya.

"Sino ba siya Kuya? Bakit ka niya sinisigawan!"

Masama pa rin ang tingin sa akin ng batang ito. Kung hindi ka lang bata baka nasabunutan ko na ang isang ito.

"Ah, siya si Atasha. Apo ni Don Juancho.."

Kumunot ang noo ng bata at napatingin sa kay Dimitry.

"Bakit masama ugali niya? Sa—.."

"Ah eh.. Tara na? Gutom na si Kuya."

Agad niyang hinila ang bata papasok sa maliit na bahay na ito. Habang ako eto at nakahalukipkip pa rin sa labas. Hinding hindi ako papasok sa loob niyan.

"Atasha? Come on in!"

Tinaasan ko siya ng kilay at tinalikuran.

"I won't go in there. Ugh! Bakit ba ang daming insekto dito! I swear! Kapag nagkaroon ako ng insect bites! Ugh!"

"Do you really want me to call your brother?"

Damn it. Iyon talaga ang lagi ang sasabihin niya para sundin ko siya ha? Ugh! Hinarap ko siya at dire-diretsong pumasok.

"Tsk. Susunod din pala e.."

Kapag lang talaga natapos na ang punishment kong ito, masasapak ko talaga ang damuhong ito. He's annoying as hell.

"Nako, ma'am at ser, pasensya na ho at ito lang ang naluto namin.." sambit ng hindi naman ganoon katandang babae. Siya siguro ang asawa ng trabahador namin dito.

"Mukhang masarap nga po, Aling Tess e. Mapaparami nanaman yata ang kain ko.." saad ni Dimitry at naupo na.

Napatingin silang lahat sa akin. Actually, iyong batang babae na tinatawag na Doray ni Dimitry ay kanina pa talaga nakatingin ng masama sa akin.

"Ma'am Atasha, maupo na po kayo.."

Nginitian ako ng Aling Tess raw ayon kay Dimitry at tinuro ang upuang pahaba. Upuan ba iyan? It looks like it's going to break anytime.

"Tash." pabulong pero gigil na tawag ni Dimitry sa akin.

Inirapan ko siya at saka umupo. Humanda talaga siya sa akin.

"Kain na po kayo." ani ng trabahador at nginitian ako.

Umisimid lamang ako at tinignan ang pagkaing nakahain sa lamesa. Nalukot ang mukha ko nang pagmasdang mabuti ang pagkain.

"You call this food?"

Sabay sabay silang lumingon sa akin. They all look so offended but Dimitry looked at me like I have made the biggest sin of the century.

"Tash.."

"What? You really think I'm going to eat these? Are you fucking out of your mind?"

Ni hindi ko nga alam kung pagkain ba talaga itong nakahain sa lamesa.

"Pasensya na po, Ma'am Atasha. Ito lang po ang nakaya naming ihain sa inyo."

"Aling Tess, hindi niyo po kailangang humingi ng pasensya.."

Tinaasan ko ng kilay si Dimitry. Hindi rin naman siya nag patalo dahil ganoon pa rin ang tingin niya sa akin, like I have really sinned BIG TIME.

"Right. They shouldn't be sorry for the food but they should be sorry for being poor. Tsk." i said sarcastically.

"Stop." gigil na bulong ni Dimitry sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Tumayo na ako at agad lumabas. Ilang saglit lang na paglalakad ay naabutan na ako ni Dimitry. Bigla na lang niyang hinila ang kamay ko at pinaharap ako sa kaniya.

"How can you be like that?"

He sounded so frustrated and disappointed. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Like what? Rude? I'm just being honest."

Naglakad na ako ulit pero hinila lang ulit ni Dimitry ang braso ko at pinaharap sa kaniya. He look so mad. Really? Tsk.

Well, I don't care..

"You should at least be thankful!" sigaw nito.

Humalukipkip ako sa harap niya at tinitigan siya.

"Thankful? For what? That kind of food? Ni hindi ko nga matawag na pagkain 'yon e."

Sapo sapo na ni Dimitry ang kaniyang noo habang ang isang kamay niya ay nasa beywang niya.

"Magpasalamat ka dahil pinatuloy ka nila sa bahay nila! Magpasalamat ka dahil ipinagluto ka pa nila kahit hindi naman na kailangan!"

What? I laughed sarcastically.

"Tsk. I never ask them to do that for me."

Tinalikuran ko na ulit siya at nag lakad na ulit. I want to get out of this hell now!

"Do you really live like this? Gaano ba kahirap magpasalamat?"

"Can you stop talking nonsense there and just take me home?"

Hindi siya nag salita pero bigla na lang niya akong hinawakan sa pala-pulsuhan ko at hinila papunta sa kung saan naka-park ang cruiser niya.

"You don't have to drag me! Let go of my hand!"

Hindi niya ako pinapakinggan dahil dire-diretso lang ang lakad niya. Nakakunot pa rin ang noo niya. So he's really mad? Tsk. Masyado siyang naaawa sa mga mahihirap na 'yon.

"Sakay." he said coldy.

Tinaasna ko siya mg kilay at inirapan.

"I will! You don't have to tell me what to do!"

Umikot na siya patungo sa driver's seat at sumakay na. Kaya naman sumakay na rin ako at padabog na isinara ang pintuan kaya napatingin siya sa akin. Inis pa rin. Lalo pa yatang nainis dahil padabog kong isinara ang pintuan ng FJ cruiser niya.

"What? I can buy you a new one. Tsk."

His jaw clenched. Walang sabi sabi ay binuhay na niya ang makina at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

"What the fuck! Can you fucking slow down!"

Hindi niya ako pinakinggan kaya naman nag seatbelt na agad ako dahil feeling ko kapag biglang pumreno ang damuhong ito ay susubsob ako sa dashboard panigurado.

Sa sobrang bilis niyang magmaneho ay ilang saglit lang ay natatanaw ko na ang malaking gate ng mansyon. Nang marating namin ang tapat ng front door ay agad na akong bumaba. Bumaba na rin siya at nauna pang pumasok sa mansyon kaysa sa akin.

Dire-diretso siya sa kusina habang ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko dahil kailangang kong maligo ng mabuti. Ang dumi dumi ko. Ugh. I badly need a body scrub and a facial right now.

Isang oras at kalahati yata akong nagbabad sa bathtub bago ko naisipang mag banlaw. Nagbibihis na ako nang biglang maramdaman kong kumukulo ang tyan ko.

"Damn it."

Hindi pa nga pala ako nakain. How will I eat that kind of food? Parang hindi naman pagkain.

Bumaba na ako para mag simulang mag hanap ng pwedeng makain. Dumiretso ako sa kusina at nag hanap ng mga madaling iluto. Nakita ko ang bacon at hotdog kaya iyon ang niluto ko.

I took out a frying pan and put it on the stove and ignite it.

"So.. how do you do this nga?"

Inalala ko ang ginagawa ng mga yaya namin sa Manila. I remembered that they put oil first, a little amount of oil will do.

"Alright, so what's next? Do I need to put the bacon already?"

Ugh. This is frustrating. Bakit naman kasi once a week lang pupunta dito ang mga katulong? Talaga bang papahirapan nila ako ng sobra?

Dahil gutom na ako at nilagay ko na ang bacon, tatlong strips lang ang nilagay ko at bigla na lang itong nagtilamsikan.

"Fuck!" I hissed.

Ni-check ko ang right hand ko, may pulang bilog na sobrang hapdi na feeling ko dahil sa mantika na 'yon.

"Oh goodness, why am I doing this!"

Kung naririnig lang ako nila Daddy ngayon panigurado akong sesermunan nanaman ako.

Dahil sobrang hapdi ng kamay ko ay lumipat ako sa sink para hugasan ito. Matapos kong mag hugas ay nag hanap ako ng first aid kit.

"Where is that damn kit?"

It took me some time to find where the first aid kit was. And when I'm done putting some ointment, I suddenly smelled something burning and when I looked at the pan..

"Damn.."

Tinapon ko na lang ang sunog na bacon at nag lagay ulit ng bago. This time, hindi na ako umalis sa harap ng kalan kaya naman nailuto ko ng ayos ang bacons. Sunod kong nilagay ang dalawang hotdogs. I'm really hungry. If only I could eat these raw hotdogs. But then it's not advisable even though it's already processed.

Ilang minuto ko lang niluto ang hotdog. Gutom na ako kaya naman nang mailagay ko na sa plate ang hotdog ay lumabas na ako at pumwesto sa dining table. Alas tres na ng hapon at mukhang lunch at merienda ko na 'tong pagakin ko ngayon.

Dahil wala akong phone and any gadgets, only TV is available to ease my boredom. Buti na lang talaga may TV, kung hindi ay baka nabaliw na ako dito. Kaya naman nang natapos akong kumain ay tinungo ko ang eleganteng living room at binuksan ang TV. Walang netflix kaya nagtiis ako sa teleserye na ito ng isang TV network, its title is Kadenang Ginto. It's my first time watching this drama series, in fairness, it's good. No wonder our maids in Manila were all very hooked into this drama series. I heard them talking about this sometimes when I pass by our kitchen.

When the sun is about to set I heard the main door opened. And then there I saw a jerk walking towards the living room. Tsk.

"What are you doing here?"

"Have you eaten dinner?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko at poker faced na tumayo sa gilid ng couch.

"It's not yet dinner time, duh."  I rolled my eyes.

Tumingin na lang ulit ako sa TV.

"How about lunch?"

"Yeah." tamad kong sagot dito. Bakit ba siya nandito?

"Get dressed." aniya na cold pa rin ang expression.

Tinaasan ko siya ng kilay, "I am properly dressed."

"We're going somewhere."

"Ayokong umalis."

Mamaya kung saan nanaman ako dalhin ng damuhong ito. At kung ano nanaman ang ipagawa sa akin. Tama na ung kanina!

"Let's go, Tash." aniya at may diin sa kaniyang salita.

"Ayoko. Gabi na."

"Isa.."

Tinigan ko siya ng masama. Ganoon din siya sa akin. Salubong ang kilay na nakapameywang doon sa tabi ng couch.

"I know how to count."

Iyon na lamang ang nasabi ko at binalik ang tingin sa TV.

"Mag-bihis ka na. Aalis na tayo."

"What the! Bakit mo pinatay!"

Bigla nalang namatay ang TV at nang lingunin ko siya ay kabababa niya lang remote sa kabilang couch.

"Mag-bihis ka na." saad nito at sakay dire-diretsong lumabas ng bahay.

Naibato ko na lang ang nga unan na nasa couch sa sobrang inis ko sa kaniya. He doesn't have the right to command me! He's nothing to me! Sino ba siya sa inakala niya?

Kahit naiinis ako ay unakyat pa rin ako sa sa second floor at diretso sa closet sa kwarto ko. Nagsuot lang ako white crop top shirt at black leggings. Nang matapos ako ay padabog akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay. Naroon si Dimitry at nakasandal sa FJ cruiser niya habang nakapamulsa.

"Finally." aniya at bumuntong hininga. Umilot na siya at sumakay sa driver's seat.

Ako naman ay sa back seat umupo kaya nilingon niya ako at saka kinunutan ng noo.

"Drive." saad ko at saka inirapan siya.

Nakita ko nalang sa peripheral view ko na napailing siya. Saglit lang ay inistart na din niya ang sasakyan. Hindi tulad kanina ay normal na ngayon ang pagpapatakbo niya. Dapat lang ano! Lagot siya kay Daddy kapag may nangyaring masama sa akin.

Teka nga, bakit ba ako pinagkakatiwala nila sa isang 'to? How close are they to this jerk? Tsk.

Halos labing limang minuto ang binyahe namin nang tumigil siya sa tapat ng isang malaking green na gate at nagbukas ito nang bumusina siya ng tatlo. Whose house is this?

"Where are we?"

Nagtanggal na siya ng seatbelt. Bago dita lumabas ng sasakyan ay tinignan niya lang ako.

"What do you think?" aniya at saka lumabas na rin agad.

Umirap ako sa hangin at padabog na bumaba sa sasakyan.

"Tsk. What are we doing here?" mataray kong tanong sa kaniya habang sinusundan ko siyang papasok sa double doors ng bahay nila.

Malaki rin ang bahay nila but my grandparent's mansion is way way bigger than this. But, it also has classy and elegant style. Pero ibang iba ang interior nito sa mansion. Ang mansion ay three storey but this is a bungalow type of mansion. By looking at the entrance, it look small. Lalo na sa parking lot kanina. But if you look around, malawak pala ito na kahit isang floor lang siya. At marami siyang pasikot sikot. Mukhang maliligaw ang kung sino mang first time makakapunta dito.

"Are you done checking our house? It's not as grand and as elegant as your mansion."

Inismiran ko lang siya at sumunod sa kung saan man sa pupunta. Habang naglalakad kami ay nare-realize kong sa dining room pala ang punta namin.

Teka, ano ba talagang ginagawa namin dito sa kanila?

"Hi, Dim." bati nang isang katulong na naabutan naming naghahain sa lamesa.

Nginiting ngiti siya nang nakita niya ang damuhong ito pero nawala ang ngiti niya nang makita ako sa likod. Bata pa ang katulong nilang ito. Mukhang kaedad nga lang ni Dimitry.

"Hi, Jane. Ito nga pala si Atasha."

"A-atasha?"

Tinaasan ko ng kilay si Jane bago ko tignan si Dimitry na nakatingin na rin pala sa akin.

"Kumain na tayo." aniya at pinaghila ako ng upuan.

"Why?"

"What?"

"Bakit mo ako dinala dito sa inyo? May mga stocks ako sa mansion. Hindi ko kailangang maki-kain dito."

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Dimitry ang minasahe ito.

"Siya na nga pinapakain siya pa ang may ganang mag-taray.." narinig kong bulong ni Jane na hindi pa rin pala umaalis sa harapan namin.

Tinaasan ko ulit siya ng isa kong kilay. Umiwas siya ng tingin at tumungo.

"Anong binubulong bulong mo diyan?" tanong ko rito kahit na narinig ko naman.

"Jane, iwan mo muna kami. Salamat." sambit ni Dimitry at saka nginitian si Jane, ganoon din naman ang ginawa ng intrimitidang katulong na ito saka umalis.

Binalingan naman agad ni Dimitry nang maka-alis na ang katulong nila.

"You may have plenty of stock but can you even cook?" tanong niya saka niya ako tinaasan ng isang kilay.

I was about to answer him but he raised his hand on my face level.

"Don't try to argue with me. Hindi ko pa rin nalilimutan ang ginawa mo kanina." saad niya at saka naupo sa katabing upuang hinila niya para sa akin.

Inirapan ko lang siya at pabagsak na umupo sa upuan.

"Help yourself." aniya sa nang wala man lang ekspresyon.

Inirapan ko siya ulit. Feeling ko anytime malalaglag na ang eyeballs ko dahil sa pag-irap ko mula pa kanina.

"Annoying jerk." saad ko at saka nag simulang kumuha ng pagkain at nag-simulang kumain.