Secret Paradise
"Sino sa inyong dalawa ang sa front seat?" Tanong ni Lara nang makalabas kami ni Franky.
Mag-sasalita na sana ako nang agarang sumakay na si Franky sa back seat ng wrangler jeep ni Dimitry.
"Tashiana, you go." Aniya at kinindatan pa ako.
Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong nagawa kundi sumakay sa front seat katabi itong si Dimitry na nasa driver seat naman.
"Seatbelts." Malamig niyang saad.
Inirapan ko naman siya bago ko ikabit ang seatbelts ko. Inayos niya ang rearview mirror niya at saka ako binalingan.. or more like iyong suot ko. I'm wearing a crochet halter crop top and a short maong shorts.
"What?"
Umiwas siya ng tingin at narinig ko nanaman siyang nag mura ng pabulong. Siguro ang mga nasa likod ay hindi nila maririnig pero ako dinig ko. Am I turning him on again? I smirked at the thought. Tignan natin mamaya kung hanggang saan ka, Dimitry.
Dahil open ang wrangler jeep na ito ay nililipad ang mahaba kong buhok habang nabyahe kami patungo sa lagoon. Hindi ko alam ang way na tinatahak namin ngayon. It's the opposite way to our plantation. Pero katulad ng daanan patungo room ay mapuno din ang dinaanan namin.
"Super presko naman pala dito!" Sambit ni Lara.
"Malayong malayo sa polluted na hangin ng Maynila. I could live here forever."
Umikot ang mata ko sa sinabi niya. Live here? Seriously? Napa iling na lamang ako. Sinulyapan naman ako ng katabi ko. Nakita siguro ang naging reaksyon ko sa sinabi ni Lara. Tinaasan ko lamang siya ng kilay bago ko ibalik ang tingin ko sa daan.
"Gusto mo bang mag patayo ng bahay dito, babe?"
"Oo sana, babe. Kaso, hindi rin naman natin masyado mapupuntaham iyon dahil sa trabaho."
"Okay rin naman na may rest house tayo sa lugar na kagaya nito. Para kung gusto mo lang mag-relax ay may mapupuntahan tayo."
Hindi ko na pinakinggan ang mga plano nilang mag-asawa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga ma-imagine na asawa na ni Lara si Haze. Ang lalaking niloko siya ng paulit ulit. Ang lalaking sinaktan siya ng sobra. Akala ko may hangganan ang katangahan ng kaibigan ko pero wala pala. Masaya ako para sa kaniya pero hindi ko lang talaga maatim na si Haze ang asawa at tatay ng future inaanak ko. Sana lang talaga tuloy tuloy na ang pagbabago ni Haze. Sa totoo lang, napapansin ko naman ang mga pagbabago sa kaniya kumpara sa una kaming nagkakilala. Sana lang talaga tama ang nababasa ko sa mga mata ni Haze na mahal na mahal niya talaga si Lara dahil kung mali pala iyon ay hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Haze.
"We're here." Deklara ni Dimitry nang itigil niya ang kaniyang sasakyan sa dulo ng mapunong daang tinahak namin.
Sobrang tahimik ng lugar na ito. Para bang isolated na lugar siya. Parang wala pang nakakapunta dito. Malinis ang paligid at kalmado.
Bumaba na kaming lahat sa sasakyan. Nauna kami ni Lara na pumunta sa ilog na natatanaw na namin. Ang mga lalaki naman ay kinuha ang mga gamit at pagkain.
Nang marating namin ang bukana ng ilog ay ganoon na lamang ang pagka mangha naming dalawa ni Lara. The water is crystal blue. It's like the enchanted river! Napaka linis at kahit hindi ko pa nakikita ang ilalim ay alam kong sobrang linis at linaw ng tubig na 'yon.
"Careful, Lara."
Inalalayan ko si Lara nang nag lakad siya papunta sa pinaka edge ng ilog. Hinubad niya ang kaniyang sandals at dahan dahang umupo. Inalalayan ko siya dahil baka madulas o matipalok siya. Mabato dito kaya delikado para sa kaniya.
"It's freaking cold, Tashy!"
Para siyang batang nilalaro ang tubig gamit ang paa niyang nakalublob na sa tubig.
"Hubarin mo na rin 'yan."
Hinubad ko na rin ang sandals ko at naupo sa tabi niya. Tama si Lara. Sobrang lamig ng tubig pero tama lang para sa mainit na panahon ngayon. Damn. Parang gusto ko na tuloy agad lumubog sa tubig.
"Lara, I think it's too deep for you. Baka mapano ka."
Ngumiti si Lara kaya naman mas lalong nanginang ang mukha niya. She's glowing! Grabe ang nagagawa ng pagbubuntis sa kaniya! Mas lalo talaga siyang naganda!
"I understand, Tashy. Dito lang ako. I'm fine here.."
"Mabuti naman at hindi ka nangulit this time."
"Yup."
Nakangiti lamang siya sa akin kaya naman ngingitian ko na sana siya nang bigla niya akong sabuyan ng tubig sa mukha. Tuloy tuloy iyon kaya basang basa na tuloy ako. Damn this pregnant woman!
"Lara Veron!" Sigaw ko nang hindi niya talaga ako tinigalan.
Tumayo na ako at lumayo sa buntis na 'yon dahil mamaya itulak na ako agad sa tubig.
"Haze!" Sigaw ko kay Haze na kasalukuyang inaayos ang mga pagkain sa lamesa sa nag-iisang kubo dito sa tabi ng ilog.
"Kung hindi lang buntis iyang asawa mo baka natulak ko na siya kanina pa!"
Narinig ko naman ang tawa ni Lara habang tinatawag ako. Hindi ko siya pinansin at hinayaan ko nang lapitan siya ni Haze doon. Basang basa na tuloy ako ngayon.
Nang narating ko ang kubo ay naabutan ko si Franky at Dimitry na inaayos ang mga pagkaing dala namin at ang mga gamit.
"Here."
Hindi pa man ako nakakaupo ay inabutan agad ako ni Dimitry ng tuwalya. Hindi ko iyon kinuha. Tinignan ko lang siya na hindi naman makatingin sa akin.
"Pumunta lang ako dito para hubarin ang damit ko."
"W-what?"
Kunot ang noo niyang nilingon ako at pinasadahan ang katawan ko.
"Naka two piece ako. Duh!"
Walang sabi sabi kong hinubad ang top ko at pati na rin ang shorts ko. Tinignan ko naman si Dimitry na nakatalikod na ngayon sa akin kaya si Franky naman ang tinignan ko na nag ngising aso.
Lumapit siya sa akin at bumulong sa tainga ko, "I have a plan.."
Kumunot ang noo ko sa pinagsasasabi niya. Ano namang plano niya?
Bago pa ako makapag tanong ay nilingon na kami ni Dimitry. Nagulat pa siya sa pwesto namin ni Franky na super lapit ng mukha sa akin pero agad niya ding nabawi at sumimangot. Moody talaga ng isang 'to.
Umalis na ako doon at nag tungo sa edge ng ilog. Nasa hindi kalayuan si Lara at si Haze. Basa na si Haze pero si Lara ay hindi pa. Mukhang siya ang napag tripan ngayon ni Lara. Napailing na lang ako.
Dahan dahan kong nilubog ang katawan ko sa tubig dahil malamig nga kaya dinahan dahan ko muna at baka mabigla ang katawan ko sa temperature ng tubig. It's cold but it's bearable.
Lumangoy ako papunta sa gitna. Narinig ko pang sumigaw si Lara.
"Hello there, mermaid!" Aniya at tumawa nanaman.
Ganoon ba talaga ang mga buntis? Maselan sa lahat at napaka moody? Kudos to Haze. Natitiis niya. Well that's a good thing. Kasi kung hindi niya kayang tiisin sana pala ay hindi na niya binuntis pa ang kaibigan ko.
Sumisid ako nang nasa gitna na ako. Tama nga ang hula ko kanina dahil sobrang linaw ng tubig. Sumisid pa ako hanggang sa marating ko ang pinaka ilalim. Hindi naman pala sobrang lalim. I think it's around 7 to 8 feet.
Umahon ako nang kapusin na ako ng hininga. Pagka ahon ko ay nakita ko kaagad si Dimitry na nasa tubig na rin. Si Franky naman ay nasa tabi lang habang nakaupo sa isang malaking bato. Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti bago siya nag-dive. Matagal bago siya ulit umahon. Nagulat pa ako nang sa harapan ko siya lumitaw.
"Franky!"
Tumawa lamang ang bading at bumulong nanaman sa akin.
"I'll probably love this hunting game.."
Hindi ko siya maintindihan sa sinasabi niyang "hunting game". Kaya naman kunot ang noo ko siyang tinignan.
"Let's see kung sino ang unang mahuhulog..."
Mahuhulog? Saan?
"...sa patibong, ang prey ba o ang predator? Pero sino ba ang prey at sino ang predator? Hmm.."
Hindi ko talaga siya maintindihan. Mag sasalita na sana ako nang sumisid na ulit siya at hindi ko na ulit siya nakita. Luminga ako sa paligid para hanapin ang baklang shokoy na 'yon pero iba ang natagpuan ko—straight na shokoy.
Nakatingin lang siya sa akin gamit ang malalalim niyang mga mata. Tagos kung tumitig siya kaya naman inismiran ko siya at saka lumangoy palayo. Lumangoy ako papunta sa dulong parte ng ilog kung saan naroon ang hindi ganoong kataas na talon pero hindi pa pala ito dulo. May tagong parte ito na parang kuweba. Sumisid ako pailalim dahil masyadong malakas ang buhos ng tubig mula sa taas. Mas malamig na ang tubig sa parteng ito at sa tingin ko ay mas malalim na ito.
Inilibot ko ang paningin ko. Medyo madilim na sa parteng ito. Pero hindi mo parin maipagkakailang napaka ganda nito. Kitang kita ko pa din kung gaano ka-blue at ka-linaw ang tubig. Punong puno ng stalactites at stalagmites ang loob ng kweba. Napapitlag pa ako sa ingay ng paniki na bigla na lang lumipad.
Nakita kong may pwedeng maupuan sa gilid ng kuweba na ito kaya nilangoy ko ang distansyang iyon saka umupo. Nakatitig lang ako sa tubig at dahil sa linaw nito ay nakita kong may lumalangoy papalapit sa akin. Umahon siya nang medyo malapit na siya sa akin.
"Delikado na sa parteng ito." Aniya habang pinapasadahan ng kamay ang buhok.
"Paano mo na-discover ang river na ito?" Tanong ko.
Mukha kasing hindi naman ito napupuntahan ng mga tao. At tago ang lugar na ito kaya nakakapag takang alam niya ang ilog na ito. Sakop pa kaya ito ng lupain nina Grandpa?
Ngumisi siya. Hindi ko alam pero kitang kita ko sa mukha niya ang tabang at pagka irita. May mali ba sa tanong ko? I'm just asking! Pasalamat siya at hindi ko siya tinarayan!
"We discovered this place a long time ago. Hindi namin sinasadyang mapadpad dito. Pero nang malaman naming may ganito palang kagandang lugar dito sa Montecarlos ay lagi na kami dito nag pupunta. This has been our secret hideout. My friend named this place as our secret paradise.."
Nakangiti siya habang nag sasalita pero kitang kita kong pilit iyon.
"Friend? Si Kuya?"
Na-curious bigla ako. Sino ang kasama niya? Si Kuya ba?
"No." Tipid nitong sagot at saka umiwas ng tingin.
"Hindi si Kuya?"
Tinignan ko siya at umiling lang siya. Sino naman 'yon? Pero ano bang paki ko? Nagkibit balikat na lamang ako at lumubog na ulit sa tubig. Lalangoy na sana ako paalis sa kweba nang tawagin ako ni Dimitry.
"Sorry sa naging sagutan natin kahapon."
Tinignan ko lang siya saglit. His eyes told me that he is sincere. But I don't care. Kahit kailan hindi naman niya maiintindihan ang mga punto ko. Hindi ako sumagot at lumangoy na lamang ako palayo.
Naabutan ko si Lara at Haze sa kubo na nakain na.
"Where's Franky?" Tanong ko kay Lara na nakain ngayon ng mangga.
Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag ngisi dahil baka sabihin ng dalawang ito ay nababaliw na ako.
"Ayun oh."
Tinuro ni Lara si Franky na nasa kabilang dulo ng ilog. Kakaahon niya lang galing sa pagsisid. Ilang saglit lang ay sumisid na ulit siya. He probably missed this. Busyng busy siya sa trabaho sa Paris kaya naman ngayon lang siya makakapag break. Pero kamusta naman kaya sila ng Daddy niya. Naalala ko na kaya siya umuwi ay dahil pinatawag siya nito. Hindi ko iyon natanong nang mag kwentuhan kami kagabi.
"Tashy, swimmer ba siya? Ang galing niya ah!"
Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Lara. Hindi ko alam kung swimmer ba si Franky o ano. Hindi ko naman natatanong kung anong sport niya. Ang alam kong sport niya ay ang manlalaki. Doon siya pinaka magaling.
"Tashy! You're so sexy talaga!" Saad ni Lara sabay tampal sa pwet ko.
Sinamaan ko siya ng tingin pero agad siyang nag paawa sa akin kaya ang binalingan ko ay si Haze.
"What?" Sambit ni Haze na natatawa pa.
Inismiran ko lang siya at inirapan.
"Ewan ko sa inyong dalawa."
Umupo ako sa katapat na upuan nilang dalawa para hindi na ako maabot ni Lara kung sakali mang matripan na naman niya akong tampalin o kurutin.
Halos sabay umahon sa tubig si Franky at si Dimitry. Napatingin ako sa katawan nilang dalawa. Hindi ko talaga aakalaing pusong babae si Franky dahil sa pananamit, pananalita at pangangatawan nito. Maganda ang katawan ni Dimitry pero may masasabi din naman ang katawan ni Franky. Kung sa unang tingin ay aakalain mong lalaki siya pero kapag nag tagal ay makikita mo na ang kalambutqn niya. Noong una kaming nag kakilala sa Paris ay akala ko talaga lalaki ang isang 'to.
"Tsk."
Napalingon ako sa naka ismid sa aking si Dimitry. Tinaasan ko siya ng isang kilay pero umiwas lang siya ng tingin at naupo na.
Parang kanina lang nag-sorry siya tapos ngayon tatarayan ako? What is your damn problem, Dimitry?
"You really look sexy on that two piece, Tashiana!" Saad ni Franky nang maka lapit siya sa akin.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bigla bigla na lang niyang pinapansin ang two piece ko. Tinignan ko si Franky at ang mata niya ay wala sa suot kong two pice kung hindi na sa kay Dimitry na ngayon ay masama ang tingin sa hawak na mangga.
So, is this his plan? Ang bwisitin si Dimitry? But why? Tinignan kong muli si Franky at ngayon ay nag ngising aso na.
"You probably know now what's my plan. So, you better cooperate.." bulong ni Franky.
"Why?"
"You'll thank me later."
"Atasha, kumain ka na." Malamig na sambit ni Dimitry sa gitna ng pagbubulungan namin ni Franky.
Nakita ko namang may plato na sa harap ko at may laman na itong pagkain. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Hindi pa nga pala ako naglu-lunch.
"Thanks."
Wala na akong panahon para mag inarte kaya naman tinaggap ko na rin. Gutom na ako. Hindi iyon napansin ng mag-asawa dahil sa paglalandian nila. Para silang may sariling mundo. Habang ito naman si Franky ay biglang kinurot ang tagiliran ko.
"Aw. Franky!" Sinamaan ko siya ng tingin at tanging ngiti lang na nakakaloko ang iginawad niya sa akin.
Pasimple naman niyang nginuso si Dimitry kaya tinignan ko ito. Masama ang tingin niya sa tagiliran ko kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay agad siyang umiwas at tumikhim.
Pag tapos naming kumain ay umalis din agad si Haze at Lara para mag swimming sa mababaw na parte ng ilog. Si Franky naman ay agad ding lumusong sa tubig. Ako at si Dimitry na lang ang natira dito sa kubo. Busog pa ako kaya ayoko pang lumangoy.
"What's your relationship with that guy?"
Biglang nag salita si Dimitry sa gitna ng katahimikan simula nang umalis ang tatlo.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Who? Franky?"
Umiwas siya ng tingin at tumingin lang sa malayo. Kitang kita ko kung paano umigting ang kaniyang panga.
"Nevermind." Aniya at tumayo na.
Bago pa man siya makalabas ng kubo ay nag salita na ulit siya.
"Your two piece.. it's annoying."
Pagkasabi niya non ay naglakad na siya palayo at nag-dive. Inirapan ko na lang siya. What's wrong with my two piece? Bagay nga raw sa akin sabi ni Franky eh!
Ilang saglit lang akong nag pahinga at lumusong na ulit ako sa tubig. Ang refreshing talaga ng feeling dahil malamig ang tubig.
Tinignan ko ang suot kong two piece swimsuit. It's an orange tie-front bandeau bikini. I smirked. My two piece is annoying, huh? Let's see, Dimitry.
Lumangoy ako papunta sa kung nasaan si Dimitry. Nakita kong lumangoy siya papunta sa parang cave ulit kaya lumangoy ako papunta roon. Habang lumalangoy ako ay isinagawa ko na ang plano ko.
Nang narating ko ang cave ay naroon si Dimitry, nakaupo sa kinauupuan ko kanina. Nakatulala siya kaya tila ba may malalim na iniisip kaya hindi niya napansin na narito ako. Mas lumaki ang ngisi ko.
This is going to be exciting!
"Oh my gosh!" I hissed.
I got his attention. Kunot ang noo niyang tinignan ako. Ako naman ay nagpalinga linga sa paligid at nag act na parang natataranta.
"My bikini top!" Sigaw kong muli at patuloy pa rin sa pag linga sa tubig.
Nanlaki naman ang mga mata ni Dimitry at agad lumusong sa tubig. Lumapit siya sa akin at tinignan ang dibdib kong tinatakpan ko ng dalawang kamay ko ngayon.
"What the fuck? A-anong nangyari?"
Kitang kita ko ang mabilis na pagtaas baba ng kaniyang adam's apple at ang pag pula ng kaniyang tainga.
"My bikini top, Dimitry! Natanggal! Can you find it for me?"
Hindi na niya ako matignan ng diretso at parang mas siya pa ang nataranta ngayon kaysa sa akin. Palinga linga siya sa paligid habang habol habol ang hininga.
"Damn it." Bulong nito ng paulit ulit habang palinga linga pa rin.
"Diyan ka lang! Huwag na huwag kang aalis diyan! Huwag na huwag kang gagalaw sa pwestong 'yan! Fucking shit!"
Lumangoy siya palayo sa akin. Miya't miya naman siyang umaahon para luminga linga sa paligid. Ngumisi ako nang nakalayo na siya at nakalabas ng cave.
Oh well..
I purposely unclasped my bikini top. Hindi ko alam kung saan ko naihulog iyon. Most probably sa may bukana ng falls papasok dito. Annoying pala ang suot ko ngayon ha.
Pumunta ako sa gilid ng cave at doon ko inantay si Dimitry. Ilang saglit lang ay nasa harapan ko na siya. Hindi siya maka tingin sa akin habang inaabot ang bikini top ko.
"Uh, can you do it for me?"
Tumalikod ako sa kaniya. Sinikop ko ang aking buhok at inilagay ito sa harap ko.
"W-what?"
Hindi ko na mapigilang ngumisi. He's trembling like crazy.
"Isuot mo sa akin, Dimitry."
Sinulyapan ko siya saglit at nakita kong titig na titig siya sa likuran ko. Taas baba ang kaniyang adam's apple at pulang pula pa rin ang kaniyang mag kabilang tainga.
"Nilalamig na ako—.."
Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay lumapit ma siya sa akin at isinuot ang top ko sa akin. Itinaas ko ang dalawang kamay ko para mas madali para sa kaniya na maisuot ang bikini top.
Dahil sobrang lapit niya sa akin ay ramdam na ramdam ko ang mabibigat niyang hininga na tumatama sa leeg ko. Kitang kita ko din kung paano manginig ang kaniyang kamay.
Kaya nang matapos niyang ikabit ang bikini top ko ay mabilis akong humarap sa kaniya na ikinagulat niya.
"Thanks." Saad ko nang ipatong ko ang dalawang palad ko sa kaniyang malapad na dibdib.
Ramdam na ramdam ko ang pagiging uneasy niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Tumango lang siya at akmang lalayo na sa akin ng ilagay ko ang dalawang kamay ko sa kaniyang batok na talaga namang ikinagulat niya. Nakakatuwa talagang makita ang mga lalaking apektadong apektado kapag ganitong sobrang lapit ko sa kanila.
Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kaniya.
"T-tash.." aniya na tila ba nagbabanta. Ngumisi lang ako at lalo pang lumapit.
"Why, Dimitry?" I asked sexily.
Inilapit ko ang bibig ko sa kaniyang tainga at nag salita.
"My bikini is annoying to you, huh?"
Ramdam na ramdam ko sa balikat ko ang malalalim na hininga niya. If it's annoying, then why is he like this?
"Tashiana?"
Sabay kaming napa lingon kay Franky na nasa bungad lang ng cave. Tinaasan niya ako ng kilay at pabalik balik ang tingin sa amin ni Dimitry at sa kamay kong naka pulupot sa leeg nito.
Kunot ang noo ni Franky nang binalingan ako kaya naman ngumisi na lang ako at saka lumayo kay Dimitry na ngayon ay hindi man lang maka galaw sa pwesto niya.
"Let's go, Tashiana. It's almost sunset. Umuwi na tayo."
Hinawakan ni Franky ang kamay ko at hinila na ako paalis doon. Nang makalabas kami at maka ahon na ay nagka tinginan muna kami ni Franky at sabay tumawa. Saglit lang iyon at mahina dahil nginuso ni Franky si Dimitry na nasa likod na namin.
"Uuwi na tayo?" Tanong ni Lara na papalapit na sa amin sa kubo. Inaalalayan siya ni Haze dahil nga mabato dito.
"It's getting late, Lara." Sagot ko habang nag pupunas ng aking katawan.
Wala akong pwedeng pag palitan dito kaya sa mansyon na lang ako magbabanlaw.
Habang nagpupunas ako ng katawan ko ay nakita ko si Dimitry na nakatingin sa akin. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay agad siyang tumalikod at nauna nang mag lakad pabalik sa sasakyan.
Ngumisi na lamang ako.
"Tashiana, let's go?"
Inakbayan ako ni Franky na ngayon ay naka ngisi lang din. Pero nang nasa tapat na kami ng wrangler jeep ni Dimitry ay kumunot ang kaniyang noo at tinignan ako.
"Ako na sa front seat." Aniya sa isang malamig na tono.
I swear! Kapag ganitong naga-act siyang parang tunay na lalaki ay sobrang hot niya. Ilang beses ko na sinabi sa kaniya na magpaka lalaki na lamang siya pero kurot lang ang inaabot ko sa baklang ito.
Tumango ako at sinulyapan si Dimitry na nasa driver's seat na. Naka kunot ang noo nito at nag iigting ang panga.
"Sakay na, Tashiana." Malamig pa rin na sambit ni Franky.
Kaya naman sumakay na ako habang kagat kagat ko ang labi ko.
You're a freaking great actor, Franky!
Nahuli ko namang nakatingin sa akin si Dimitry gamit ang rearview mirror. Naka kunot pa rin ang noo niya. Tinaasan ko siya ng kilay pero ang damuhong ito ay inirapan lang ako.
"Kung nakita mo lang ang itsura niya kanina. Oh my gosh, Franky. It's priceless!"
Nasa kwarto na kami ngayon ni Franky. Pagkauwi namin ay agad akong nagbanlaw at dito na ako dumiretso. Nandito ako sa guest room kung saan siya matutulog. Kanina pa kami tawa ng tawa dahil sa nangyari kanina.
"I saw it! I saw how his hands were shaking! Goodness, girl. Iba talaga ang sex appeal mo!"
Pabiro niyang hinila ang buhok ko kaya naman tinampal ko ang kamay niya.
"I know. Duh!"
Kinuwento ko rin sa kaniya ang nangyari nung gabing dumating sila. Lalo lang siyang natawa at mas naexcite.
"I want to see more of it. Ipagpatuloy mo yan!"
"What? Ayoko na no!"
"Why? Are you afraid?"
"Afraid of what?"
Inirapan ko siya at saka nahiga sa kama. Tinignan niya lang ako at ngumisi.
"Afraid of your own ghost."
Kunot ang noo kong tinignan siya.
"What do you mean?"
"You know exactly what I mean by that.."
Hindi pa rin nawawala ang ngisi ng baklang ito. I gave him a disgusted look.
"I'm not afraid. It's just disgusting! Iyon na ang huling beses na magiging ganoon kami kalapit!"
Tumawa lang siya at humiga na rin.
"If you're not afraid, then do it. Prove to me that you're still that great Atasha I met few years ago. Malay mo kapag nahulog siya sa patibong mo, maka alis ka na dito.."
"I don't have to prove myself, Franky. Bahala ka na diyan!"
"Just try it, Tashiana. You're known for being great with playing games like this. Bakit ngayon parang hindi na yata?"
Nanunuya niyang tinignan ako. Inirapan ko lamang siya.
"I'm not cheap. Guys like him is obviously not my type."
"Hindi ko naman sinabing gustuhin mo siya, eh. Just let him fall on your trap."
"I can't even stand seeing him, Franky!
Tumayo na ako para maka labas. Tumawa lang si Franky na parang tanga doon.
Pag labas ko ng kwarto ni Franky ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Pero nang napadaan ako sa hagdanan ay nakita kong papa akyat si Dimitry. Tinignan niya ang pintuan ng kwarto ni Franky at sunod ay tinignan niya ako. Naka simangot siya nang balingan niya ako.
Tsk. What now? Umirap ako. Hindi ko siya pinansin at dire diretso akong nag lakad patungo sa kwarto ko.
"Is Franky your boyfriend?" Tanong nito na agad nag patigil sa akin.
Hinarap ko siya. Katapat ko na siya ngayon at mukhang bagong ligo na rin. Bakit ba nandito pa ang isang 'to.
Tamad ko siyang tinignan. Ano naman sa kaniya kung sino si Franky sa buhay ko?
Pumikit siya ng mariin at umiling. "Nevermind. Hindi ka pa kumakain. Nag patira ako ng pagkain kay Manang Flor. Bumaba ka na."
Tumalikod na siya at nag lakad na ulit patungo sa hagdanan. Nakatitig lang ako sa malapad niyang likod nang maalala ko ang sinabi mi Franky sa akin.
"Malay mo kapag nahulog siya sa patibong mo, maka alis ka na dito."
Paano naman iyon mangyayari? At paano namang mahuhulog sa patibong ko ang lalaking katulad nito? For sure, he already dated a lot of girls and broke a lot of hearts. With that kind of face, he probably toys his girls. There's no way he'll fall on my trap. He knows damn well how to play this kind of games.
But the thought of getting out of this hell of a place makes me wanna try. I'm not Atasha for nothing. And I'll do whatever it takes just to get out of this place as soon as I can. If that means I have to make this jerk fall for me. Maybe in that way, I can convince him to ask Daddy to lift my punishment up.
I smirked. My mind really amazes me sometimes. Wala naman mawawala kung susubukan ko. At least I can say that I tried. Hindi mo malalaman ang kalalabasan kung hindi mo susubukan.
"Dimitry!"
Malapit na si Dimitry sa huling baitang ng engradeng hagdanan nang tawagin ko. Nilingon niya ako at nagtatanong ang kaniyang mga mata.
"Eat with me."
Mabilis akong bumaba. Naabutan ko pa siyang nakatingin lang sa akin na para bang hindi siya maka paniwala sa sinabi ko.
"I'm hungry. Let's go!"
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya patungo sa dining room. May naka hain na doong pagkain pati plato at mga kubyertos.
Binitawan ko na ang kamay niya at agad naupo. Ganoon pa rin ang reaksyon niya. Nakatitig lang siya sa akin at nagtataka.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko na hindi pa rin niya sinagot.
Hinawakan ko ulit ang kamay niya at pinisil ito. "Hey."
Agad siyang napabalik sa ulirat niya nang gawin ko iyon.
"Hindi pa."
Ngumiti ako at hinila siya paupo sa katabi kong upuan. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa kamay niya nang tignan niya ito.
"Great. Let's eat!"
Tinignan ko ang tapat niyang wala palang plato at mga kubyertos kaya tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha.
Gulat na gulat siya nang ilagay ko sa tapat niya ang plato at kubyertos. Lalo pa siyang nagulat ng lagyan ko ng kanin at ulam ang plato niya.
Tsk. Kahit ako ay nagugulat sa ginagawa ko. Pero kailangan kong gawin 'to para makaalis na ako dito.
"Thanks.."
Tinignan niya ako nang makaupo na ulit ako kaya nginitian ko siya.
Ew.
Siya naman ngayon ang nag lagay ng kanin at ulam sa plato ko. Now it's my turn to be shocked. Kung hindi ko lang kailangang gawin ito ay baka kanina ko pa siya nasigawan. But I have to remind myself that I'm doing this for my sake.
I can't stand leaving in this place anymore. No gadgets, no shopping, no bars. Para akong mamamatay.
"Thanks, Dim!" Saad ko at nag simula nang kumain.
Kita ko sa peripheral vision ko kung paano niya ako titigan. Damn. Kadiri talaga. Tinawag ko talaga siya sa nickname niya? God.
"What's.. wrong with you?" Tanong niya.
Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay.
"What do you mean?" I tried myself to speak as calm as possible without any hint of bitchiness. I swear, after this I'll treat myself. I'm such a great actress.
"May sakit ka ba?"
Agad niyang inilagay ang kaniyang kamay sa aking noo at dinama ito kung mainit pero umiling din siya nang maramdamang hindi naman.
"You're not sick."
"Wala naman talaga akong sakit."
Nanliliit ang kaniyang matang tinitigan ako. Na para bang binabasa ang nasa isipan ko. Kung tignan niya ako ay akala mong hinahalughog niya miski ang kasuloksulukan ng isipan ko.
Damn. He's not dumb, alright. Siguro nagtataka ito sa biglaan kong pagiging mabait sa kaniya. Sinong hindi? I have to find a way to stop him from doubting!
Think, Atasha. Think!
"What? This is my thank you for taking us to that secret paradise. I feel refreshed."
Great. I'm such a great liar.
"You know I badly need a pampering. It was a great help, though."
Tumango siya ng dalawang beses at tinanggal na ang malalalim na mga matang nakatitig sa akin.
Looks like he's buying it, huh? Good to know. I really should do this step by step, slowly so that he won't doubt me. Masyado yata akong mabilis kanina.
Tahimik kami buong oras ng pagkain. Ipinagpasalamat ko 'yon dahil hindi na ulit siya nag tanong kung anong mayroon sa akin at nagkaka ganto ako. Maybe I should still be myself, my usual self who's mataray but I'll probably lessen it. Para bumenta sa kaniya ang pagpapanggap ko.
"Bukas ililibot ko sila Lara sa buong hacienda niyo. Gusto mo bang sumama?"
Tumango ako. "Sure. They're my visitors anyway. They're my responsibility."
Tumango din siya at saka uminom ng tubig. Uminom na din ako ng tubig dahil tapos na akong kumain.
"Are you done?"
"Yeah."
Kinuha ni Dimitry ang plato ko at dumiretso sa kusina. Sinundan ko siya doon at nakitang huhugasan na niya ang pinagkainan namin.
"I'll do it."
I was hesitant at first but I reminded myself that I need to do this.
"What?" Taka akong tinignan ni Dimitry.
Inagaw ko sa kaniya ang sponge na hawak niya. Umusod siya sa tabi. Tinitigan ko naman ang plato na nasa sink. Paano bang gagawin ko muna?
"Hindi mo naman alam. Ako na."
"Teach me, then.."
Tinignan ko siya at ngumisi. Hindi agad siya nakapag salita. Tinitigan niya lang ako.
"I'll do it." Matigas nitong sambit at akmang kukunin ang sponge nang iiwas ko ito sa kaniya.
Kaya ngayon ay sobrang lapit namin sa isa't isa. Nakahilig ako sa sink at nakataas ang isang kamay na hawak ang sponge habang siya ay sobrang lapit sa akin.
Kitang kita ko nanaman kung paano siya mahirapang lumunok. Sa pina pakita niyang ito ay sigurado akong araw lang ang bibilangin ko para lang tuluyan siyang mahulog.
"Teach me." Malambing kong saad dito.
Lumayo siya sa akin na tila ba parang napapaso nanaman.
"Fine." Aniya na parang hirap na hirap pa ding nag salita.
"Lagyan mo ng sabon 'yang sponge."
Tinuro niya ang kulay yellow na liquid na may label na JOY sa container nito.
"This one?"
Kinuha ko ang sabon at tinitigan ito. Pinihit ko ang takip at pinisil ito para malagyan ang sponge.
"Basain mo."
Binasa ko ang sponge pero agad niyang pinatay ang gripo.
"Konting tubig lang, Tash. Lagyan mo ulit ng sabon."
Kung ordinaryong araw lang ito ay baka nasigawan ko na siya. Kung maka utos siya. Kainis.
Ginawa ko ang sinabi niya. Nilagyan ko ulit ng sabon ang sponge at binasa ito ng kaunti. Pinabula ko ito at saka pinakita sa kaniya na nasa gilid lang ng sink at tinitignan ang ginagawa ko.
Nginuso niya ang plato. "Start scraping it."
Kinuha ko ang plato at ginawa ko ang sinabi ni Dimitry. Inalala ko din kung paano gawin ng mga katulong namin ito kaya madali ko lang natapos. Nang natapos ako ay inilagay ko ito sa lagayan para matuyo.
"Done."
Umirap muna ako bago ako humarap kay Dimitry na ngayon ay naka ngisi lang sa akin.
Hindi ko talaga lubos maisip na ako ang nag ligpit. Damn. How long will I do this bullshits.