Chapter 1

Aray!! ang sigaw ng gurong natamaan ng eraser na binato ng magkaklase sa loob ng classroom.

Sssooorry Maam.. hindi ko po sinasadyang matamaan ka... ang sabi ng lalaki sabay kuha nung eraser.

"Akala ko grades school lng ang nagbabatuhan ng kung anu ano sa loob ng classroom. pati buh naman college students!! Mga isip bata!!" sabay padabog na umalis ang guro na may edad nah.

Natatawa ako sa gilid habang nakikinig sa conversation nila..In all fairness ang gwapo nung lalaki.!

Belle! Halikana ma lelate na tayo kakatitig mo sa gwapong yun! ang sabi ni Joanne habang hinihila niya ang kaibigang si Belle. New student yun galing Dubai. ang gwapo, bagay kayo besh!! pagbibiro ulit ni Joanne..

Nag cross lng ang kilay ni Belle sa sinabi ng kaibigan niya.

Mas gwapo pa boyfriend ko noh!

Boyfriend??? sinong boyfriend?? wag mong sabihing umaasa kapa sa mokong chickboy playboy three timer na EX boyfriend mo?? Friend wake up!! ikaw na siguro ang dyosa ng katangahan.

Mula grade school hanggang college magkasama na sina Belle at Joanne. Kaya alam na alam na nila ang isat-isa. Never pa nagka boy friend si Joanne dahil ayaw niyang maranasan ang sakit na napagdaanan ng kanyang matalik na kaibigan. Bagamat wala siyang experience, napaka idealistic niya at ang taas ng standards pagdating sa love.

Gusto kong marinig mula sa kanya na may mahal na siyang iba.

Tenext ka nmn nya diba..???di pa ba sa sapat yun??

Hindi. gusto ko personal!

Ewan ko sayo! Halos maka isang balde ng luha ka nga sa text nya, paano nalang kaya sa personal. Malamang isang drum pa luha mo!Mana ka talaga sa mama mo.

Nakuha ni Belle sa mama nya ang obsession sa love. Close na close silang mag-ina at palagi silang nag kukwentuhan. LOVELIFE ng mama nila ang topic.. Mahilig sa romance novels ang mama nya at gustong gusto nang maranasan sa totoong buhay ang mga nababasa niya. Ngunit ang taong napangasawa niya ay kabaliktaran sa pinapangarap niya.

Diba sabi ni mama, " Pag mahal mo ang tao, ipaglaban mo"..

Ang tanong, Mahal ka pa ba nung tao??

"Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw na sayo." sabi rin yan ng mama mo.

Bakit buh napunta na naman sa lovelife ko ang usapan natin??

Ikaw kasi unang nagbanggit ng "exboyfriend" mo.

Ikaw buh may balak magka boyfriend?

Nope! Strict ang parents ko.

Tsssk. Sila pa nga itong nagmamadaling magka jowa ka!

Ayoko! Aral muna, bago landi. Darating din si Mr. Right at the right place, and at the right time. Di pa siguro bukas, malay mo balang araw, darating din siya..

Ewan ko sayo! Nag asawa na si Aiza Siguera ikaw wala pang jowa kakahintay mo.

Natigil lang ang pag-uusap nang dalawa ng pumasok na ang professor nila kasunod ang gwapong nakita nila sa hallway kanina.

Class, I would like to introduce Mr. Mikel De Guzman, your new classmate. He came from Dubai.

Have a seat Mikel.. sabi ng kaklase nilang si Tanya.

Ang gwapo mo naman Mikel, halika ka tabi tayo. Ang sabi naman ni Karen.

Pssssst! tumahimik nga kayo, ang aga aga naglalandi nah! Mag ayus kayo mga education students pa naman kayo. Ang sigaw ng bakla nilang kaklase. Free ka ba mamaya? sama tayo, libre ko..

Nagkatawanan ang buong klase.

Nagulat si Belle nang mapansin niyang nasa tabi na niya si Mikel. Hindi niya alam kung panung napunta siya doon sa tabi niya. At sa daming bakanteng upuan dun pa sa tabi nya umupo si Mikel.

Kinikilig namang nakatingin yung iba lalong lalo na ang bestfriend nya sa direkyon nila.

Hi, my name is Joanne.. you can call me Anne. . and this is my gorgeous single bestfriend Belle..

Hi.. bati ni Mikel na nakatingin kay Belle.

Aaaaray! bakit buh?

Hi daw...

Ah... Hhhi ang wala sa sariling sabi ni Belle.

Sana ako na lang.... taken na yang si Belle ang naglalanding sabi ng bading..

Mas gwapo ka pa yata sa akin tol.. di bagay sayo maging bading..

At nagkatawanan ang buong klase.. Si Belle din nakitawa na rin.. first year pa lang sila crush na crush na niya si Fritz kaya lang lalaki ang gusto nito... siya na ang naging make up artist nilang magkaklase at ang pinaka maganda sa kanilang lahat..

Kaya naman pala may kaibigan na siya agad sa room kanina kasi may pagka friendly naman pala itong si Mikel.. unang araw pa lang halos close na nya mga kaklase nito.. Nagkukuwento na ito sa buhay nila sa ibang bansa at kung bakit siya umuwi ng Pilipinas.

Irregular student si Mikel kaya may ilang subjects na hindi nila ito kasama sa klase. ilang taon na rin siya sa college dahil papalit palit ito ng course. Pina uwi siya ng mama nya sa Pinas baka sakaling magtino.. Wala siyang choice at Education pa talaga pinakuha sa kanya.

Parang nagpapalit lang ng damit ang mokong na to ah. ang mahal mahal kaya ng tuition fees. Ako nga gustuhin ko man mag doctor, hindi afford ng parents ko kaya no choice rin ako... Pero okey lang din, di na stress ulo ko.. at natutunan ko na rin mahalin ang pagtuturo lalo na sa mga bata..

May girlfriend ka na ba?

Ilan na naging girlfriend mo?

kaya ka ba bumalik sa Pilipinas dahil sa girlfriend mo?

Hindi alam ni Belle bakit bigla siyang nagka interest sa magiging sagot ni Mikel sa tanong..

Siguro kasing bilis rin it magpalit ng girlfriend..

Napakamot ng ulo si Mikel sa tanong..

WALA ang sagot niya. Wala na akong girlfriend. Matagal na kami naghiwalay.. Mama ko nalang ang nag-iisang babae sa buhay ko..

Charooooooot charotirong mokong na to oh! Pa impress ka lang yata. Diyan naman kayo magaling eh! Dene deny yung girlfriend pagkaharap ang ibang babae.

Bakit may bitterness jan sa mukha mo guuuurl?? Relate much!?? tanong ni Joanne

Huuh? a-aanong sabi mo?

Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?

Wala ah, hindi nga ako nag iisip. ano bang iisipin ko???

Kalimutan mo na ang jowa mo.

Pwede buh Joanne! nagsisimula ka na naman eh!

May boyfriend na buh yang friend mo? sabay turo ni Mikel kay Belle.

Yup!

No!

Magkasabay na sagot ng dalawa.

May boyfriend na ako at matagal na kami.

Ang sabihin mo matagal ka nang niloloko ng boyfriend mo.

Pwede buh! Hindi na nakatiis si Belle at nag walk out na ito. Iniwan nya si Joanne.

Besh, sorry na please.....

Ikaw kasi! alam mo namang sariwa pa ang lahat kay Belle. Mag jowa kana kasi para maramdaman mo kung paano magmahal at masaktan. Sumama ka sakin mamaya may ipapakilala ako sayong baby boys..

Ayoko! sayo na yang baby boys mo. Wag mo ipapasa sa kin ang napagsawaan mo nah!

Over sya oh!!! Virgin pa sila day! kaya ko nga ipapakilala sayo kasi hindi ko bet..

Malamang pangit??

Hindi ah! magaling ako humanap ng gwapo noh!

Ayoko pa rin!

Tingnan mo nga sarili mo day! Tumatanda kana sa hitsura mo. tatanda kang dalaga! Marami akong kakilala na teacher na tumandang dalaga. Gusto mo maging kauri nila?? Sayang yang sayo te, kung hindi mo man lang ipapatikim... sana naging akin na lang yan..

Nagkatawanan ang lahat maliban kay Joanne. Hindi siya nakakarelate sa mga sinasabi ni Fritz..

Napaka inosenteng bata..... Si Joannne na walang ka muwang muwang sa mundo....

Tahimik lamang na nakikinig si Mikel sa usapan. Iniisip niya kung bakit nakikita niya sa mata ni Belle ang sakit na nararamdaman nito. Ang daming tanong sa gusto niyang malaman ang sagot..

Sino ang lalaking iyon.

Ano bang ginawa nito. Bakit buh patay na patay dito si Belle.

Gustuhin man niyang tanungin si Joanne pero hindi niya magawa.. Baka isipin nitong feeling close sila. At higit sa lahat ayaw niyang isipin na nakikisawsaw siya sa lovelife ng iba. Napaka childish naman nun..

Hayaan mo Belle, puppy love lang yan... mawawala rin yan.. Maraming ka pang makikitang lalaki na magmamahal sayo.. Hay naku! ano ba tong mga iniisip ko! Nahawa na yata ako kay mama....