Stephanie's POV
Hi! Ako nga pala si Stephanie Ann Cruz Nag-aaral sa University of the Philippines fourth year ko na sa college ang bilis no? actually, mabilis para sakin kasi parang kahapon graduation palang namin ng High School tas eto na kami Graduating and malapit na mag work. 22 Years old na pala ako. So a brief background lang sakin ang course ko Education Major in Filipino, President din ako ng Filipino Club, Vice President ng Campus officers and kasali din ako sa gumagawa ng newspapers or headliners ng Campus. Di kami mayaman guys pinapaalala ko lang utak lang ang puhunan ko pero wala nadin ata akong ganun lalo na maraming mauutak dito sa U.P. napag-iiwanan ako Charaught, kinakaya ko naman at kaya pa.
"Hoy Tep!!!!" Sigaw ng kaibigan kong si Cas, napailing lang ako ewan ko ba bakit?
"Ayan tayo eh, tamang lutang ka na naman." Tumingin ako sakanya at ngumiti ng pilit.
"Bes naman, narinig mo ba kwento ko?" Tanong niya
"Ano?, Sorry di ko maalala eh." Sabi ko medyo nahiya tuloy ako
"Orayt, So ayun no guys, kanina pako dada ng dada dito hindi naman pala ako pinapakinggan netong si Tepiterio ang reyna ng kalutangan STEPHANIE!" Sigaw niya nag echo sa buong office ng officers, secretary pala namin siya.
"Huy! Sorry na Cas, Marami lang iniisip." Sabi ko sakanya at umupo siya sa tabi ko at hinwakan ako sa kamay
"Anong problema mo? Andito lang ako para pakinggan ka huy! Di ko naman alam na may problema ka tep. Ano ba yun?" Tinitignan niya ako parang tatagos na hanggang buto yung tingin netong babaeng to
"Di ko din alam kung anong pinoproblema ko eh." Inirapan ako at binalibag yung kamay ko tumawa lang ako sa reaksyon niya.
"Apakagaleng Tepiterio." Sabay irap sakin, tumatawa lang ako ng tumatawa sa reaksyon niya.
"Happy ka eh nu?" Nag thumbs up ako sakanya sabay pumasok si Leslie sa Office at umupo sa tapat namin
"Hi guys! andito na ba lahat ng officers?" Tanong niya samin and tumango kami
"Bumili lang dyan kay Aling Pepay." Sabi namin ni Cas
"Good. May announcement ako eh." Nag tinginan kami ni Cas
Shet guys! Naalala ko na magsisimula nanaman yung klase and bago magsimula yung klase mag e elect ng bagong officers for this year ganyan naman nangyayare every year. So sigurado kami yung pag-uusapan is yung tungkol dyan sa election magpapamigay muna niyan sila ng Letters sa bulletin kung sinong may balak humabol. So dumating na yung mga officers at nagsi upo na sila sa mga upuan.
"So, Good Morning guys! I'm Leslie Reyes your President and I want to say my closing remarks for this year because as all you know, mag ga graduate nako next month so di na ako ang president niyo so mag e elect na tayo ng bago, Gusto ko lang sanang magbaba ng bagong order na tutal walang gustong humabol kasi ngayong year na to which is nagda doubt kami na baka walang mag officer so kinausap ko na yung sa taas you know yung mga nag ha handle satin at pumayag naman sila. So eto nga magbibigay kami ng announcement for the search for our new President kaso kung meron kayong gustong patakbuhin you can write down their name and you can write down your name din." Chuchuchu yan lang naintindihan ko ang daming sinabi kasi.
Natapos din yung meeting namin kung isa summarize mo mga 2 oras lang naman kami dun nagpicture and all so kinuha ko na gamit ko uwing uwi nako guys to be honest lang ewan ko ba bat wala ako sa mood ngayon lumabas na kami ni Cas ng office nung maglalakad na kami sa may sakayan ng Jeep may tumawag sakin at napalingon lang kaming dalawa ni Cas.
"Stephanie." Tawag ni Mr. Perez head ng Journalism Department kung saan kami sumusulat ng Headlines
"Yes po?" Sagot ko
"Buti nakita kita nagco call kasi ako sayo cannot be reach phone mo, buti din kasama mo si Cas may urgent meeting tayo kakababa lang ng order sorry di pa kayo tuloy makauwi agad." Nag so sorry siya samin
"Ay wala po yun sige po sa Department po ba naten?" Tanong ko
"Oo tara." Aya niya at Tumango kami ni Cas
Naglalakad kami papuntang Department konti nalang iguguyod ko na paa ko ayoko na maglakad napakalaki naman kasi ng U.P. wala din naman akong kotse well, tiis tiis lang patapos narin ako niyan hays akalain mo yun naka survive ako HAHAHAHA. Kasama ko din pala sa Journalism Dept si Cas kaso more on live siya nagsusulat din naman siya kaso nagla live siya mas mataas confidence level niya kesa sakin hanggang likod lang ako ng stage at camera. Dumating narin kami sa Department sa wakas di ko na nararamdaman yung paa ko myghad!
"So ayun guys! sorry if naistorbo ko kayo kakababa lang kasi ng order na to eh." Nag sorry ulit si Mr. Perez
"So balak kasi ng pinaka head namin na maglabas agad ng newspaper sa pasukan, tas susunod nun after 3 months yung mga event na natin tutal maraming graduating kaya mas maganda sana if tips, about sa mga graduating yung topic ngayong pasukan more on motivations ganun. So magbubunutan tayo muna ng theme niyo." Sabi ni Mr. Perez
"Ang tagal naman kala ko mabilis lang uwing uwi nako self." Sabi ko sa sarili ko.
"Ms. Cruz bunot kana" Agad akong tumayo at bumunot ng theme ko." Hawak ko yung maliit na papel.
"Ano nakuha mo Ms. Cruz?" Tanong ni Mr. Perez at binuksan ko yung papel
"Sports po." Sabi ko and tumango siya
"Not bad, This new to you." Sabi niya kasi mostly ng ginagawa ko is pang headline talaga yung mga balita bawat department and politics na damay yung school, medyo mabigay and siguro naman di ako mahihirapan dito diba kasi magaan lang to?
"So kala niyo ba theme lang bubunutin niyo meron akong mga fishbowls dito na bubunutin niyo kung sinong mapupunta sainyo as you can see naka label sila ng base sa theme na meron kayo kaya bunot na guys." Sabi niya
Nakabunot na yung iba at tinignan nila puro tili, saya at excitement naririnig ko sakanila tuwang tuwa sa nabunot ah. Sana all. Sino kaya sakin? Nakabunot nako at di ko pa tinitignan sino sakin.
"Sino sayo?" Tanong ni Cas tas nagkibit balikat ako
"Excited te? wala pa nga."
"Pero eto ang twist. Wala kaming ibibigay na outline sainyo kaya kayong bahala anong anggulo kayo magfo focus at kung anong gusto niyo i interview sakanila pero dapat naka line padin or related sa theme niyo wag maharot mga anak ha?" Sabi ni Mr. Perez at tumawa sila sa sinabi niya
"Huy? Sino sayo?" Tanong ni Cas
"Sino muna sayo?" Tanong ko
"Sige pwede na kayong umuwi." Sabi ni Mr. Perez
Yes! Finally! HAHAHAHA! Di ako mabilis kumilos pero ang bilis kong kinuha bago ko nung sinabi niyang pwede na kaming umuwi miss ko na yung kama ko promise.
"Hoy! Tepiterio ba kala mo makakalimutan ko yung tanong ko." Sabi niya naglakad kami ulit papuntang sakayan
"Yung sakin pala is Events lang dito sa school pero nakuha ko si Leslie so alam ko na anong gagawin ko magfo focus lang ako sa goodbye U.P. oh diba?! ganda ba ng title?" Tanong niya tumawa lang ako.
"Pinagisipan mo ba yan?" Tanong ko sakanya
"Compliment ba yan o Insulto?" Tanong niya.
"It's up to you." Sabi ko ng tumatawa
"Baliw." Tawa din niya "So sino nga sayo?" Tanong niya
"Di ko pa tinitignan eh." Sabay hanap dun sa papel ko sa bulsa
"Aba tignan mo na! Pa kaba ka pa dyan di mo naman bagay." Sabi niya tas hinampas ko lang siya
"Yabang" Sabi ko tas hinarap ko sakin yung papel
Bubuksan ko na yung papel dahan dahan para nakaka suspense charrr todo silip din tong si Cas ulo na lang niya nakikita ko parang timang. Pero dahan dahan ko ngang binuksan at nung nakita ko yung pangalan nangilabot buong katawan ko at napatigil nalang ako sa paglalakad...
"Shet na malagket, Si Felip Jhon Suson nakuha ko." Bulong ko