Dylan Rafael's POV
It's been a week ng mapansin kong medyo naglalalapit tong Paul na to kay Justin without my permission. It seems I'm a bit protective pero I just got this instict na parang may kakaiba sa galaw netong unggoy na to. Alam niyo na kapag lalaki alam din ang galawan ng kapwa lalaki.
As soon as Justin noticed my presence sa may pintuan ng room nila he looks shocked. He should be.
"Oh Dylan anjan ka na pala. Kakain na tayo?" Salubong niya sa akin.
"Ano pa ba sa tingin mo?" Seryoso kong saad saka ko sinulyapan yung Paul saka ako naunang naglakad.
"Huy wait lang!" Pasigaw na sabi ni Justin saka kinuha yung bag niya.
Sumusunod lang siya sa akin. Wala kameng imikan. Pagdating namin sa canteen nakahanap kame agad ng mapupwestuhan.
"Order mo?" Tanong ko.
"Fried chicken." Plain niyang sagot.
"Na naman? Magsabaw ka nga. Puro ka pritong manok kaya walang kasusta sustansya yang katawan mo eh." Inirapan lang ako.
"Eh di ikaw bahala umorder. Hindi naman ako mapili. Wag lang okra." Sus ang weird ng reason niya about sa okra. Kesyo mukha daw sipon kapag nasa ulam na. Adik lang di ba?
Dumiretso na ako sa counter. Umorder akong adobo saka pinakbet tapos dalawang iced tea.
Pagkalapag ko ng order namin narinig ko naman nag "eew" si Justin.
"Sabi ko wag okra eh!" Reklamo niya.
"OA mo. Okra ba lahat yan? Ayan oh may kalabasa. Di ko naman sinabing kainin mo yung okra." Pagkasabi ko nun saka siya nagsimulang kumain.
"Explain." Pambabasag ko sa katahikikan namin.
"Hmm?" Takang sabi niya habang nakasaksak yung pagkadami daming kanin sa bunganga niya. Justin is the weirdest gay I met. Yung iba jan pasweet kung kumain samantalang siya daig pa lalake kung kumain.
"Tanga tangahan tayo Klyde? Isipin mo kung ano dapat mong iexplain." Kapag Klyde na tawag ko sa kanya ibig sabihin naiinis na ako at aware na siya dun.
Nilunok niya muna yung sandamakmak na sinubo niya saka nagsalita.
"Wait isipin ko pa. Uhm... tungkol ba to kay P-aaul?"
"Exactly."
Bumuntong hininga muna siya saka niya kinwento lahat lahat. Habang nag eexplain siya nakapoint pa yung dalawang daliri niya sa isat isa.
"Oh tapos? Yun na yon?"
"He seems fine naman. Medyo mayabang lang pero okay naman."
"Ikaw bahala malaki ka na. Basta-"
"Pinagsabihan na kita. Hindi ako nagkulang ng paalala." Pagtutuloy niya. Tumango nalang din ako bilang pagsangayon saka niya binalikan ang pagkain.
"Hinga hinga din ng konti Justin. Wala kang kaagaw sa ulam." Sinamaan niya lang ako ng tingin.
After naming kumain hinatid ko na siya sa room and ofcourse nakita ko na naman yung NEW friend ni Justin B. Mabait naman daw but still wala pa din akong tiwala sa ganung mukha.
I head straight to my room for our next class. Kaso mukhang di dadating si Tanda. Habang nag aantay ng oras ay naglaro na lamang ako ng Wordscapes sa phone ko. Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro ng tapikin ako ni Chad.
"Pre, chix oh." Pinause ko yung nilalaro ko at tinignan ang babaeng sinasabi ni Chad. Nagulat ako ng makilala ko yung babae. Siya yung crush ko!
"Namo ka akin yan." Sabi ko
"Luh? Ay oo nga. Yan yung kinukwento mong Tourism student. Tulungan mo naman pre oh." Madami kase siyang dalang mga papers and I don't know if everything happens according to my will. Naglaglagan lang naman ang mga dala dala niya. So agad agad akong tumayo at lumabas ng room.
"Miss tulungan na kita." Pag ooffer ko. God, she's so damn beautiful.
"Ay salamat." Nginitian ko lang siya saka ko binitbit ang ibang mga papel na buhat niya.
"Saan mo ba to dadalhin miss?"
"Ah sa may faculty namin." Sagot niya. Grabe ang ganda talaga niya. Namesmerize ako sa ganda ng isang anghel.
"Uhm... excuse me."
"Ha?" Taka kong tanong.
"Sabi ko patong mo na yang mga papel dito at dadalhin ko na sa faculty." Saka siya natawa. Putek na yan natulala pala ako.
"Ah hinde hinde samahan na kita dun. Masyadong mabigat tong dala mo." Nginitian lang niya ako saka tumango.
"Uy pre may klase pa tayo!" Singit ni Chad sa usapan. Paepal talaga tong unggoy na to.
"Pre 4:15 na oh. Hanggang 4:30 lang tayo tingin mo papasok pa yun? Tara na?" Sagot ko saka bumaling sa baby ko.
Habang naglalakad kame hindi ko na naman mapigilan mapatingin sa kanya. At kung di ba naman ako obvious nilingon niya ako.
"Bakit?" Taka niyang tanong.
"Ah wala wala." Sagot ko. "Malayo layo din pala faculty niyo no?" Pag iiba ko sa usapan.
"Sinabi mo pa. Tapos nakatakong pa ako. Bukas malamang parang paa na ng lalake paa ko sa kakalakad." Sabi niya na ikinatawa ko. Grabe hindi siya yung typical na babaeng makikilala mo. Usually, yung ibang Tourism students na babaeng nakakasalubong namin babaeng babae. Siya normal lang.
"Uy babangga ka sa pinto!"
"Ha?" Saka ko naman nilingon ang direksyon na tinuturo niya. Late ko na napansin at yun nga nabangga ako. Pucha sakit.
"Oh ayus ka lang?" Pag aalala niya. Kahit ang sakit talaga ng pagkakauntog ko tumango ako bilang pagsangayon.
"Dito na yung faculty namin. Salamat ha."
"Sige tulungan na kita magpasok. Okay lang naman diba?"
"Oo naman."
Pagpasok namin ay nakatingin ang ibang mga staffs at students sa akin.
"Salamat ulit ha? Pasensya sa abala."
"Wala yun." Saka ako nagkamot ng ulo. "Sige una na ako miss???"
"Mira. Mira Alexandria Santillan." Nakangiti niyang sagot.
"Dylan Rafael Gonzales. ME student. Sige una na ako." Nginitian niya lang ako saka siya tumango.
Hindi pa man ako nakakalabas ng marinig ko ang bulungan nila.
'Girl sino yun? Boyfriend mo?'
'Manliligaw?'
'Infairness pogi ha.'
Nangiti nalang ako bago ko isara ang pintuan nila. Soon guys. Soon.
Pasipol sipol akong bumalik ng room.
"Ang saya natin ah?"basag ni Chad pagdedaydream ko.
"Syempre pre. Pinagkamalan pa akong boyfriend sa faculty nila." Pagmamayabang ko.
"Naks naman. Eh di ligawan mo na pre."
"Syempre planuhin muna natin pre. Pare swabe lahat." Sagot ko na tinanguhan naman niya.
Since tapos na din ang klase ko minabuti ko ng daanan si Justin sa room nila. Pagdating ko sa room nila magkatabi sila ng unggoy.
"Tin, yung poging bespren mo anjan na." Sabi nung katabi niyang... wait bakla ba to? Basta yun na yun.
Nilingon naman ako ni Justin at sumenyas ng 'wait lang'.
"Mukhang close na close na kayo ah?" Pang aasar ko sa kanya nung makalapit na siya.
"Tigilan mo ako Dylan. Nagpaplano lang kame para sa group project namin." Tumango tango lang ako na parang naniniwala pero deep inside hindi talaga.
"Lika na. Jollibee tayo. Libre ko."
"Talaga?!"
"Wag ka ngang sumigaw! First time???"
"Hindi. Pero first time mong mang libre sa tinagal tagal nating magkaibigan." Sagot niya.
"Hoy hinde ah! Nung birthday mo nilibre kita!"
"Only because sinabi ni Tita na itreat mo naman daw ako." Saka niya inayos ang salamin niya.
"Lika na wag na tayong mag aksaya ng oras." Dugtong pa niya saka ako hinila pababa ng building nila.
Ng makababa na kame hila hila pa din niya ako at dahil sa kalabuan ng mata niya hindi niya napansin yung daan and natumba kame. Oo kasama ako kase hila hila niya ako.
Ang akward lang ng pwesto namin since nakapatong ako sa kanya. Ilang inches lang ang layo ng mukha namin.
"Justin Klyde bestfriend mo ko. Wag kang mafall." Pang aasar ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Wag ka ngang feeling. Alis na ang bigat mo. Tumataba ka na kase." Saka niya ako hinawi at tumayo.
"Kapal mo hindi ako mataba ah! Kesa naman sayo. Ang patpatin mo."
"Hindi kaya! Slim lang ako! Slim!" Depensa niya. Tumawa nalang ako saka tumayo.
***
Di ko alam kung magsisisi ba ako at nag alok pa ako ng libre. Eto kase napapala ng mga natutuwa ng sobra. Biruin mo umoder siya ng 2 piece chicken, dalawang extra rice, large fries tapos sundae. Imba. Lagas pera.
"Andami mo namang inorder kaya mo bang kainin lahat yan?" Sita ko sa kanya habang busy siya sa pagkain. Tinignan niya ako. Saka nilunok yung kinakain niya.
"Sabi mo order ako ng gusto ko." Saka siya yumuko. Nako nagdrama na naman.
"Tigilan mo ko sa kadramahan mo Justin hindi na effective yan. Ang akin lang baka di ka naman na matunawan jan sa kinakain mo?"
"OA mo. Konti lang naman yan ah. Saka di naman ikaw ang sasakit ang tiyan." Saka niya tinuloy ang pagkain. Napailing nalang ako saka kinagatan yung order kong burger.
"By the way, anong dahilan at nanlibre ka? Hindi mo pa naman birthday." Saka siya sumubo ng sandamakdak na fries.
Napangiti naman ako sa tanong niya.
"Nag aadik ka ba? Tinatanong lang kita nakangiti ka naman jan na parang aso." Sinamaan ko lang siya ng tingin. "So ano nga?"
I took a deep breath and smiled once again. Saka ko kinwento yung magandang pangyayari kanina.
"Naks naman. Buti di natakot sa mukha mo."
"Gago ka ah. Sa gwapo kong to? Ikaw lang naman di nakakaappreciate." Sabi ko.
"Oy hinde ah. Nappreciate ko. Ikaw nga pinakagwapo..."
"Sa lahat ng unggoy. Pakyu ka yan sasabihin mo eh." Dugtong ko saka siya humalakhak na ikinatingin ng mga tao. Tinakpan ko kaagad bunganga niya. Inalis niya din naman agad yung kamay ko saka pilit kinakalma ang sarili.
"Basta take it smooth Dylan. Wag kang magmamadali sa mga desisyon mo. Mapapasagot mo din yun at the right time. Okay?"
"Wow mga advice mo ha parang nagkasyota ka na ah." Sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Take it seriously."
"Yes Boss!" Saka ako sumaludo. Napailing nalang siya.
Ng matapos kameng kumain ay naisipan muna naming dumaan sa mall. Bibili din kase akong bond paper dahil naubos na yung isang ream na binili ko last month sa dami ng sinosolve namin sa Machine Design dagdag mo pa kakahingi ng mga tropa kong unggoy.
"Napaka manly naman ng ballpen na binili mo. Grabe." Sabi ko kay Justin. Paano ba naman yung ballpen na binili niya may pakpak.
"Wala kang pake. Ikaw ba magbabayad?"
"Hinde."
"Hindi pala eh. Sapakin kita eh ng makita mo yang manly na sinasabi mo."
"Wow takot ako." Saka ako tumawa. Binigyan niya lang din ako ng pinakapeymus na irap niya.
Nang mapadpad kame sa mga bond paper nakuha ng pansin ko ang bagong kaibigan ni Justin. Hindi siya napansin ni Justin at maging yung Paul ay di rin kame napansin. May kasama siyang babae. Siguro syota niya to kase iba kung makalingkis. Pinabayaan ko nalang silang makalagpas sa amin.
"Huy Dylan!!!"
"Bakit?"
"Kanina pa kita kinakausap eh!"
"Ano ba yun?"
"Sabi ko bayaran mo na yan kase di ko na kaya." Sagot niya.
"Di mo na kaya ang alin?" Nagtiptoe siya malapit sa mukha ko kaya umatras ako ng konti. Iiskoran pa ako neto ng kiss.
"Tinatawag na ako ni Inang Kalikasan." Bulong niya. Natawa naman ako. Haha dumi ng utak mo Dylan.
"Yan kase. Katimawahan." Sabi ko.
"Mamaya mo na ako sermonan. Pumila ka na sa counter!" Saka niya ako tinulak papunta sa cashier.
Right after ko mabayaran yung binili ko kumaripas na siyang takbo papuntang cr.
"Oh success?" Tanong ko ng makalabas siya ng cr. Inantay ko nalang kase siya sa may bilihan ng laruan. Nag thumbs up lang siya bilang sagot.
"Sa susunod kase hinay hinay sa pagkain."
"Oo na po Itay." Saka kame natawa. Then nagdecide na kameng umuwi.
Nang makauwi kame I decided to open my Facebook account. Saka ko naalala ang baby ko. Nagpunta akong search box at tinype ang pangalan niya.
Mira Alexandria Santillan
Kinclick ko yung account niya at inadd siya.
Siguro mga 1 hour din ng tumunog yung phone ko.
Mira Alexandria Santillan accepted your friend request.
"Yes!!! Yes!!! Yes!!!"
"Oh anong nangyari?!" Tarantang tanong ni Mama na biglaang pumasok sa kwarto.
"Ah wala Ma. Pasado lang ako sa quiz. Binalita lang ni Chad."
"Ah okay. Akala ko naman kung ano nang nangyari sayo." Saka lumabas si Mama ng kwarto ko.
This is it guys!
One step closer to her.