Chapter 20: Truth

Justin Klyde's POV

It's been weeks since the last time Paul and I had a talk. Natapos nalang ang Pasko at Bagong Taon  pero wala akong natanggap na reply sa mga bati ko sa kanya. I guess this is what I get for breaking his heart. 

I want to tell myself that I have no intentions of hurting him but it already happened. Nasaktan ko siya and now I'm blaming myself for being blind. Sa sobrang pagkagusto ko sa bestfriend ko na malabo namang masuklian yung nararamdaman ko sa kanya, andyan naman yung isang tao na kaya akong ipaglaban sa lahat ng bagay and I took him for granted. And now he's gone for good.

Start na ulit ng pasok pero parang ayaw ko pang umalis kanina. Pinauna ko nalang din si Dylan pumasok dahil kahit siya hindi ko pa magawang makausap. Napapaisip din ako kung may naalala siya sa mga nangyari pero hinayaan ko nalang. Kahit naman malaman niya yung nangyari wala ding magbabago. Baka nga mandiri pa yun kapag nalaman niya. You know, kissing a guy is not his thing. Hays buhay.

Bigla naman akong bumalik sa reyalidad ng magring ang phone ko. Si Bryan pala, tumatawag.

"Oh?" 

"Ano na te saan ka na?"

"Excited ka? 8 am pa start ng klase natin. 7:38 palang. Dito na ako sa school grounds papunta na dyan."

"Nako bilisan mo dahil yung manliligaw mo pinagkakaguluhan na dito!"

"Huh? Bakit?"

"Basta! Bilisan mo nalang." saka niya binaba yung linya.

Curious man ay minadali ko nalang din maglakad papunta sa building namin. Bago ko pa marating yung room namin naririnig ko na yung mga impit na tili ng mga kaklase ko. Ano bang meron?

To answer my question,  I quietly entered the room. Nakita ko naman ang kumpulan ng mga kaklase ko. Syempre ako hinanap ko na muna yung taong kanina pa gumugulo sa isip ko. 

"Si Paul ba hanap mo?" wala sa sarili naman akong napatango not knowing kung sino man ang nagtanong. Hinila niya naman ako papunta sa kumpulan ng mga kaklase ko.

"Ganda ng kulay ng buhok mo."

"Oo nga eh ang astig! Try ko din yan sa susunod."

"Grabe mas lalo kang pumogi!"

Since most of my classmates eh matatangkad, hindi ko pa din makita kung sino pinag uusapan nila until someone pushed me. Late ko na narelaize nasubsob na ako sa isang tao.

As I held my head up, I saw Paul. Siya pala pinag uusapan nila. He dyed his hair. It's more of a sky blue na parang may pagka ash gray. Ewan. basta ganun. Inangat niya naman ako since nasubsob talaga ako. 

"Stand up. The class is about to start." yun lang sinabi niya saka umayos ng upo. Nakatitig lang ako sa kanya. Parang may nagbago sa kanya. I'm not only mentioning he's 'new' look, but the way he talks feels a little bit off. Bakit pa ba ako nagtatanong eh alam ko naman na yung sagot? Stupid Klyde. Very stupid.

Bumalik nalang din ako sa upuan ko. What  a day to start.

"Oh nakita mo na manliligaw mo? Ang gwapo di ba?" nginitian ko lang si Bry. "Oh anyare?"

"Mahabang kwento. Mamaya nalang, pwede?" tumango naman siya saka naglabas ng libro. 

Maya maya pa dumating na si Mr. Isidro a.k.a Madam Ursula Baklita.

"Good morning everyone! Happy New Year!" Happy? Sana all. Hays gusto ko nalang umuwi. Hindi ko feel makinig sa lessons ngayon. "Oh? Mr. Tan is that you? Nice hair to begin the year."

"Thank you po." sagot ni Paul.

"By  the way, congrats pala sa inyo ni Mr. Ocampo for placing in last year's contest. You made our school very proud. At dahil dyan you are both exempted for my surprise quiz today." ngumiti lang ako bilang sagot.

"Hala Sir! Ba't ganun unfair naman niyan!" ang biglang pagsingit ni Sheila.

"What's with her?" tanong sa akin ni Bry. Nagkibit balikat lang ako. "Baka naiinggit lang yan sa inyo ni Paul."

"Ewan. Parang yun lang." Hindi naman nakaligtas sa paningin ko yung mga death glares ni Sheila. Inirapan ko nga. Attitude gusto mo bibigyan kita.

"Bakit Ms. Santillan? Nagparticipate ka ba last year?"

"Ah, eh hindi po Sir.  Pero-"

"Yun naman pala eh. Kaya manahimik ka na dyan at maglabas ka nalang ng papel. Madali lang naman to." ang pagputol ni Madam Ursula sa sasabihin niya. "And for the both of you, pwede muna kayong lumabas para makapagconcentrate yung iba dahil 50 items ang hinanda kong quiz." narinig naman namin ang mga reklamo ng mga kaklase namin.

Nauna ng lumabas si Pau ng rooml. Sumunod nalang din ako.

I found him sa isang kiosk malapit lang sa building namin. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba o ano. Kaso mas pinili ko nalang na wag. 

Papunta na ako sa kabilang kiosk ng tawagin niya ako.

"You can sit here with me. I don't mind." nilingon ko naman siya. "I don't bite." Dugtong pa niya.  Sumilong na lang din ako agad since bigla namang umambon.

Umupo naman ako agad ng makapasok na ako. I distanced myself a bit since nahihiya ako sa kanya. Lalo pa sa ginawa ko. Tinignan niya lang ako saka nilabas yung phone niya.

Tahimik lang. Walang umiimik. Nilalaro laro ko lang yung mga daliri ko. Naiwan ko kase sa bag yung phone ko. 

Nang di na ako makatiis, tinry kong sumulyap sa kanya only for me to find out he's already staring at me.

While staring at him, he's features really changed especially with that hair color. I must admit, mas gumwapo siya. Mas gumwapo yung babe ko.

"Kamusta?"

"H-ha?" bigla bigla naman kase siyang nagsasalita di ko tuloy narinig. 

"Sabi ko kamusta." pag uulit niya.

"Ah, ano o-okay lang." tumango tango naman siya. "Eh ikaw?"

"Okay lang din." tumango tango naman ako saka ulit yumuko. 

"And you believed I'm okay?" Bigla naman akong napalingon sa kanya na ngayon ay busy sa cellphone niya. Hindi ako nakasagot sa binitawan niyang tanong.

"Well, pinipilit kong maging okay since that's the least I can do for myself."

"P-Paul." 

Then I heard him laugh.

"Just kidding. Napakaseryoso mo pa din Klyde." Klyde? Hindi na Justin? Hindi na babe. "I am fine. Really. So how's my look? Bagay ba?" 

"Yeah. Bagay na bagay."

"Thanks! I've been wanting to dye my hair before kaso pinipigilan ko sarili ko kase baka ayaw mo ng manliligaw na may kulay ang buhok. But since I already stopped, I think it's worth a try." Even that simple thing ako pa din iniisip niya. Grabe lang.

Nginitian ko lang siya.

"How's Kei and Cosmos pala? Are they doing fine?"

"Ayun, okay lang naman. Miss ka na nga ni Kei." gusto ko din sanang sabihing miss ko na din siya kaso ang kapal naman ng mukha ko para sabihin pa yun.

"I miss her too. Medyo naging busy lang nung holidays. Nagpunta kase akong Batangas to celebrate Christmas and New Year sa family ko."

"Ah buti naman. Naintindihan ko na kung bakit di ka nagrereply sa mga messages ko."

"Yeah. ganun na nga." then for some reason his expression changed to being serious.

Maya maya pa nagring na ang bell tanda na tapos na ang klase namin kanina at time na for our next class. 

"Una na ako sa taas ha? Ingat ka madulas yung sahig." tinanguhan ko lang siya bago sumunod.

Paul Adrian's POV

Damn it Justin! Why are you making all of this difficult for me? 

That moment nung napasandal siya sa akin, I suppressed myself from hugging him and act cool as if nothing happened. Nung tahimik lang siyang nakaupo habang dinadaldal ni Bry, I just can't help myself to take a glimpse of his face. How could his charm and innocence still melt  my heart? 

I'm doing this to save my heart pero bakit parang mali. Bakit tingin ko nasasaktan ko siya kahit ako yung lubos na nasaktan? 

But honestly, I am not blaming him for what happened to me. Nagmahal lang din siya tulad ko. Hindi lang kame pinalad sa mga taong nagustuhan namin. And that's why mas okay na siguro yung ganito nalang. Wala eh. Olats talaga.

Kanina sa may kiosk, alam ko namang gusto niya akong kausapin, But  I just find it akward to talk about it that time kaya sinubukan kong ibahin ang mood kanina. Makikita mo talaga na he felt sorry for what happened kaso anong magagawa ko? It already happened. Pag mu-move on nalang siguro talaga ang solusyon. It's the best for the both of us.

Kanina pa tapos ang klase namin. Nag half day lang kame since nasa bakasyon  pa yung professor namin para sa afternoon class. 

"Pre ano tara basketball?"

Nauna nang lumabas ng room sina Justin at Bry. Maglalibrary daw muna sila.

"Huy Paul!" nagulat naman ako sa biglang pagtapik ni Ben sa akin.

"Oh?! Ano ba yun?"

"Kanina pa kita kinakausap dyan eh lutang ka naman."

"Ha? Ah wala may iniisip lang."

"Si Justin na naman yan no. Kanina ko pa nga napapansin. Iniiwasan mo ba siya?"

"Ha? Hindi naman. Bakit ko naman gagawin yun?"

"Hindi daw. Ewan ko sayo. Basta kung ano man yan baka pwede niyo pang daanin sa usapan." napaisip naman ako bigla sa sinabi ni Benedicto. Pag usapan? Para saan pa? May mababago ba? Hindi nga ata ako gusto talaga. Di niya lang masabi.

"Alam mo naging blue lang yang buhok mo naging problemado ka na. Tara laro nalang tayo basketball." tumango naman ako sa sinabi niya.

Palabas na kame ng campus ng may mahagip akong pamilyar na mukha.

"Oh pre, natigilan ka dyan?"

"Ah wala may nakita lang ako akala ko kakilala ko." saka kame nagpatuloy sa paglalakad habang ako nakatingin pa din sa taong yun. Ano kayang ginagawa niya dito?

Dahil hindi ako mapakali at gusto kong masagot ang tanong ko ay nag paiwan na muna ako at pinauna na si Ben sa bahay nila. Sinabi ko nalang na may dadaanan lang ako saglit. Agad ko naman pinuntahan yung taong kanina pa nag aantay sa gate ng school namin.

"So, what brought you here?" bungad ko na ikinalingon niya.

"oh, hi. Paul right?" Tinanguhan ko lang siya. "I'm here to pick up Klyde." 

"Tss. Kelan pa kayo naging close?"

"Since childhood?"

"I see. Mukhang malabo ata yung lakad niyo. Wala pa siya eh?"

"Eh sino yang naglalakad papunta dito?" sabay turo niya. Justin look shocked when he saw me. Baka nagtataka kung bakit kame magkausap.

"Hi." bati ng unggoy.

"Uhm, hello Jake." saka niya ako sinulyapan. Don't give me that look Justin. I need an explanation.

"Akala ko nakauwi na kayo ni Ben?" baling sa akin ni Justin.

"May dadaanan pa kase ako sa mall." tipid kong sagot.

"G-gusto mong sumabay? Dun din kase punta namin."

"No thank you. It seems you are going for some lunch. I don't want to ruin your private moment." Justin gave me a faint smile.

"Then, we shall go. It's nice to meet  you again bro." saka niya inalalayan si Tin papasok ng kotse niya. Sumulyap pa ulit sa akin si Justin, I just pretended that I didn't notice. Then they left. 

What's with Justin? Bakit bigla naman silang naging close? Bakit siya sumasama sa tukmol na yun? Akala ko ba ayaw niya ng makita at makausap yun tapos ngayon magdedate pa ata sila??? Is he nuts?! Argh! Nakakainis!

***

Alam niyo ba kung saan ako dinala ng inis ko? Eto ako ngayon sa mall. Nagkakape sa Starbucks malapit sa restaurant kung nasaan sina Justin at yung epal. Mukha naman akong stalker sa ginagawa ko. Well, that's fine at least poging stalker.

"Ano kayang pinag uusapan nila? Ba't kase nakatalikod dito si Justin eh." Can't even see yung reaction niya samantalang yung unggoy panay tawa. Abnormal ata.

Hindi ko pa nauubos yung inorder kong frappe eh mukhang tapos na silang kumain. Nakita ko naman silang palabas na ng restaurant. Saan na naman kaya sila pupunta? 

So next destination ng dalawa ay sa National Book Store. Baka may kailangan art materials si babe. Si Justin pala. Syempre sumunod ako. Pumunta naman ako sa may book section at medyo nalibang since I'm reading a mythology book. When I was about to look from where I last saw them, wala na sila.

"Asan na yung mga yun?" agad naman ako umalis sa kinapupwestuhan ko at hinanap sila sa buong bookstore. 

"Paul?" napalingon naman ako agad sa tumawag sa akin. Oh shit.

"Oh. Klyde!"

"A-andito ka din pala?" saka naman sumulpot sa tabi niya yung asungot. Bakit ba ang dami kong karibal sayo Justin?

"Are you following us?" agad namang nagpantig tenga ko sa tanong ng bansot na to. Magkaheight lang kase sila ni Justin.

"And what made you think that I'm following you guys?"

"Well, just a hunch since I saw you awhile ago sa Starbucks." sagot niya then smirked. This shit is very sharp-eyed. 

"Yun lang? Can't I have a cup of frappe sa mall na to? Dude you're over reacting."

"A-ah oo nga naman Jake may point naman si Paul. May bibilhin ka ba?" tanong pa ni Tin.

"Actually yes. Kaso wala pala dito. I'll just check the dept store baka meron dun. Now if you'll excuse me. Una na ako Klyde." and then I head my way to the exit. 

---

"Bwisit na yun! Acting cool in front of me? Sarap sapakin eh!" ang naibulalas ko nalang ng marating ko ang parking area ng mall. "Akala naman niya may pag asa siya kay Babe? Ulul niya. He's dead wrong!"

I let go of Justin pero bakit ako nagkakaganto? Tang ina naman! I  still want him. But why is it so painful to have him? Why? 

Napayuko nalang ako at sumandal sa sasakyan ko.

"Huy. Wag kang matulog dyan." agad naman akong napaangat ng ulo at niligon ang nagsalita.

"I'm not napping." sagot ko sa bestfriend ni Justin.

"Eh di ano nalang ineemote mo dyan?"

"It's none of your business." 

"Chill lang. Tropa na tayo diba? Nanalo ka nga daw sa akin sa inuman session natin. Ibig sabihin nun payag na akong manligaw ka kay Justin." 

"Tsk. Haven't he told you that I already stopped courting him?" Halata naman ang pagkabigla sa mukha niya ng marinig ang sinabi ko.

"Oh bakit? Di mo nakayananan kakulitan niya no?" 

"Seryoso ka ba sa tanong mo? Kung yun lang, ang babaw naman ng dahilan ko to quit."

"Then what's the reason?"

"Haven't he told you that too?" umiling lang siya.

"You really are clueless. Hindi ko alam kung kaibigan ka nga ba talaga ni Justin."

"Anong pinupunto mo ngayon?!" 

"Look at yourself. Nagagalit ka agad? Masyadong mainitin ulo mo. baka pag sinabi ko yung rason…tsk, nevermind. Hindi mo pa rin naman maiintindihan dahil wala ka namang kwenta talaga." nakatanggap naman ako ng suntok at napaupo. Bumangon naman ako at gumanti.

"Hindi ko alam kung anong nagustuhan sayo ni Justin! But all I know you're just as jerk as other guys I know!" bulyaw ko sa kanya.

Bumawi naman siya ng isa pang suntok.

"Tang ina mo ano bang alam mo sa akin? Wala!!!"

"Don't worry wala din akong balak alamin." saka ko siya sinipa. "You know what Dylan, kung di mo kayang suklian ang kung anong pinaparamdam sayo ni Justin, then please don't abuse him. Maawa ka naman sa kaibigan mo na andyan lagi sa tabi mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Justin ang tanungin mo. Wala ako sa lugar para sabihin yung matagal mo ng dapat malaman." saka ko pinunasan yung dugo sa bibig ko. 

"Simulan mo nalang siguro siyang tanungin kung ano ba ang nangyari after the session. Baka sakaling magka idea ka." Saka ko siya iniwang naka handusay pa sa sahig at sumakay na sa sasakyan ko.

***

Dylan Rafael's POV

Gabi na pero wala pa rin si Justin sa bahay nila. Kanina ko pa kase siya gustong makausap gawa ng mga binitawang salita ni Paul kanina sa parking area. Nandito lang ako sa may treehouse namin nag aantay. Tanaw kase mula dito ang bahay nila Justin kaya makikita ko kung nakarating na siya o hindi pa.

Sinubukan ko din naman siyang tawagan pero di ko siya makontak. I also texted him pero wala ding response. Minabuti ko nalang muna magscroll scroll sa FB. Nakita ko naman ang isang post na nakatag si Justin.

-Jacob Lyle Fernandez is with Justin Klyde Ocampo-

Posted 2 pictures captioned "CATCHING UP"

"Teka… eto yung kupal na nilalayuan ni Justin sa mall dati ah? Bakit sila magkasama?!" maya maya pa may humintong sasakyan sa harap ng bahay nila Justin. Bumukas ang pinto at kita ko ang pagbaba ni Justin. Agad naman akong bumaba sa treehouse at dali daling pinuntahan sila.

"Oh anong meron Klyde at magkasama kayo?" nabigla naman si Justin ng makita ako.

"Dylan! Kanina ka pa dyan? Teka anong nangyari dyan? Bakit may pasa ka?"

"Yung tanong ko ang sagutin mo."

"Ah Jake. Mauna ka na. Salamat sa paghatid." tinanguhan lang siya nung Jake saka umalis.

"Ano kase Dylan bumabawi lang si Jake."

"Para saan? Sabagay, hindi mo pa nakukwento yung araw na ginabi ka din umuwi. Siya din ba kasama mo nun?" tumango naman siya.

"Oh ngayon na natin pag usapan lahat lahat Klyde. Sino ba yang Jake na yan? Kilala ba nila Tito yan?"

"Yes. Gaya ng sabi niya sayo nun, he's my childhood best friend." panimula niya hanggang sa makwento niya sa akin kung paano natigil ang pagkakaibigan nila. Mga dahilan at bakit. 

"At pagkatapos ng lahat ng ginawa niya ganon-ganon mo nalang siya patatawarin?"

"Narinig mo naman ang sinabi ko di ba? Inilayo nga siya dahil ganito ako."

"Hindi yun sapat na dahilan para patawarin mo siya agad!"

"Bakit Dylan? Ano ba ang sukatan mo ng pagpapatawad?"

"Ang mabigat na kasalanan Justin ay hindi basta basta nakakalimutan. Tapos ngayon patatawarin mo nalang siya agad? Uulit at uulit yan na saktan ka dahil alam niyang patatawarin mo rin naman siya agad."

"Kaya nga siya bumabawi di ba? Alam mo bang hinanap niya pa ako para lang humingi ng tawad at iexplain lahat sa akin. Naappreciate ko ang effort niya Dylan. Kase ganun naman talaga dapat kapag magkaibigan di ba? Kahit napakaliit na bagay basta binigyan ng effort dapat mong iappreciate."

"Anong gusto mong ipahiwatig sa akin ngayon?"

"W-wala. Hindi mo rin naman maiintindihan." saka siya tumalikod. Hinablot ko naman agad ang braso niya.

"Ano bang di ko maintindihan?! Ipaintindi mo kase sa akin hindi yung tingin mo nalang lagi hindi kita naiintindihan!"

"Hindi naman talaga eh! Kahit ipaintindi ko pa sayo hindi mo pa rin maiintindihan. Wala naman kaseng makakaintindi sa akin." Napaupo nalang siya gilid ng kalsada saka niya pinatong ang mga braso niya sa tuhod niya at sumandal.

"Kaya nga gusto kong malaman Tin. Ayoko rin namang nakikitang nagkakaganyan ka. Sabihin mo kung may nagawa ba ako? Ano bang problema?" Umiling siya.

"Wala kang kasalanan Dylan." Saka siya nang angat ng mukha. Dun ko ulit nakita ang mga luha ng bespren ko. 

"Ako lang naman tong gago eh. Ako lang din nagdala sa atin sa ganitong sitwasyon. Binigyan ko lang ng problema yung sarili ko. Dinamay pa kita at si Paul." Naguguluhan man ay pinilit ko nalang manahimik at makinig sa kanya.

"Wala sa isip ko na aabot ang lahat sa ganito. Masaya naman ako sa kung anong meron tayo. Tropa lang. Eh kaso gago ako. I pushed my limits. Pero believe me Dylan nilabanan ko. I tried to hide the truth. Hindi ko naman inexpect na magkakatotoo yun."

"A-ang ano Justin? Nalilito na ako. Sabihin mo na!"

Tumingala siya sa akin.

"I loved my bestfriend. I have fallen for you, Dylan." 

Tama ba yung narinig ko??? M-mahal ako ni Justin?

"T-teka. Oo, alam ko namang mahal mo ako kase magkaibigan tayo diba? T-tama ba ako? Yun ba yon?"

Ngumiti nalang siya at napailing.

"Hindi mo nga talaga naiintindihan Dylan." Saka ko narinig ang mga mahihinang hikbi mula sa kanya. 

"Mahal kita higit pa dun!"

"A-ano?" 

Pinipilit niyang pigilan ang pagpatak ng mga luha niya.

"Nung una wala naman talaga. Sinasabi ko pa nga sa sarili ko na bakit ako magkakagusto sayo? Tinatanong mo pa nga ako minsan. Ang s-sagot ko pa nga lagi hinde diba? Tapos pinakilala mo sa akin si Mira. Alam mo bang sobra sobra yung tuwa ko that time kase sabi ko sa sarili ko, finally, hindi na ulit malulungkot yung bespren ko. Kaya tuwing hihingi ka sa akin ng tulong eh game ako kase all I wanted is to bring my bestfriend back to being happy once again. Nasaktan din kase ako nung iwan ka dati ng ex mo. Mahal na mahal mo siya tapos niloko ka lang niya. Kaya nung dumating si Mira sa buhay mo I prayed na sana siya na talaga. Kaya kapag humihingi ka sa akin ng tulong sa mga dates niyo nung nililigawan mo palang siya agad agad andyan ako. Kase alam ko yun yung magpapasaya sayo." Nagpunas siya saglit ng mga luha niya. "But what made me the happiest is when you said the good news to me, that you and Mira is finally official."

"T-tin."

"But destiny put me in his little trick. Isa pang gago yan eh. Nanahimik lang naman ako pero pinaglaruan ako." Saka siya muling napahagulgol. 

"It started when every lunchtime you pick her up sa faculty nila. Eh di ba time natin yun para kumain? Good thing Paul is there to accompany me. Eh di yun na, every single day bihira na tayong nagkikita. Kahit uwian and even sa bahay. Partida magkapitbahay pa tayo. Late ka na din kase nakakauwi gawa ng hinahatid mo si Mira. And one day I felt this strange feeling. Naiinis ako kapag di ka sisipot o kaya iiwan mo ako bigla sa cafeteria kase magkikita kayo. Pag nagpapasama ako sa mall hindi ka pwede kase  bibisita ka sa bahay nila. Until nasanay nalang ako na hindi na tayo tulad ng dati. Inintindi ko kase nga may girlfriend ka na. Ang di ko lang maintindihan dun ay yung nakalimutan mo na ako."

"Hindi yan totoo Tin."

"Pero gaya nga ng sabi ko okay lang. Naiintindihan ko nga. May priorities ka na. Sabi ko pa dati sa sarili ko tama bang magselos ako? Sino ba ako? Bespren mo lang naman ako. Until one day, nagbago ang ihip ng hangin. Yung dating nakikita ko as a buddy, a true friend and my partner in crime, is no longer the same. I see him more than that. That's when I crossed the line of our friendship. Minahal kita. Sira ulo ko no? I crossed that boundary just to grant my happiness. Kase sabi ko kung pipigilan ko pa to baka di ko kayanin. Baka pwede namang sumaya kahit konti lang. That's when I loved you secretly. Hindi ko talaga gustong sabihin kase ayokong masira yung pagkakaibigan natin dahil lang sa lecheng nararamdaman kong ito. Eh kaso andito na eh. Wala na akong magawa. Sana wag kang magagalit. Pinigilan ko naman eh hangga't kaya ko kaso mahina ako. Nagpadala ako sa nararamdaman ko."

"Hindi naman ako galit Tin sayo. Galit ako sa sarili ko kase kahit gustuhin ko mang suklian yung nararamdaman mong yan para sa akin… hindi ko kaya eh. Mahal kita sa paraang alam ko. Mahal kita pero hanggang kaibigan lang talaga. Sorry." Saka ako napayuko.

"Alam ko. Hindi ko naman hiniling pa na mahalin mo din ako. Tama na sa akin yung nasabi ko sayo at least kahit papano gumaan na yung pakiramdam ko. Actually wala na talaga siya until yung inuman session niyo ni Paul."

"Bakit? A-ano bang nangyari?"

"Hindi mo maalala?" Umiling ako.

"Natalo ka ni Paul sa inumang yun. You are so wasted that time. Kulang na nga lang hilahin kita pataas ng kwarto mo. Good thing,Paul was there to help me. That time napasobra ka talaga sa inom, syempre you experienced usual side effects ng alak. Hindi naman kita maiwanan sa ganung sitwasyon. Baka isipin mong wala akong kwentang kaibigan. And so, I cleaned you up. Don't worry wala akong ginawang masama sayo. Ikaw lang ang may ginawa. Dun siguro nagdecide si Paul na itigil na lahat."

"Ano bang maling ginawa ko? Nagwala ba ako? Binastos ba kita? Ano Tin? Sabihin mo na."

"He saw us...kissing. Wait sa kanya oo ganun ang scenario, but it was only you who did that. I never took advantage of that situation. I didn't kiss you back. Oo masaya pero nakakakonsensya. Dun ulit nanumbalik yung munting pag asa sa puso ko na baka pwede. Kaso, wala talaga eh. Lalo pa nung kumalas ka sa halik na yon at sinabi mong mahal na mahal mo si Mira. That literally crushed all my daydreamings and assumptions. That's the time I told myself, Justin, stop this nonsense. Kase I already got the answer."

"I'm really sorry for causing this much trouble to you Tin. Hindi ko gustong paglaruan yang nararamdaman mo."

"It's fine. At least nabigyang kasagutan na yung problema ko sayo. I'll just endure the pain slowly." 

Niyakap ko siya agad after saying those words.

"Sorry talaga Tin. I'm really sorry." Dun ko na rin di napigilang umiyak. "Wala akong intensyon na saktan ka o paasahin ka."

"After that kiss, I saw Paul right in front of your door. Nagpapaalam na uuwi na. Dun ko nakita yung mga pilit niyang ngiti, yung mata niyang nagtatanong at naghahanap ng kasagutan. Hinabol ko siya just to explain everything. Dun ko din narealize, why do I need to explain myself? It's just Paul. But then I asked myself, si Paul lang? Ano nga ba si Paul sa buhay ko? And like a time capsule, I was brought back to the time Paul approached me and wanted to become my friend. Until the days he is always there to tease me. Sa pagiging feeling close niya. Yung mga araw na babanat siya at mang aasar, yung mga simpleng panakaw niya ng halik, yung mga oras na lagi nalang siyang nakabuntot sa akin at lalong lalo na sa mga oras na akala ko mag isa ako sa mundo. Andun siya lagi. Yung taong akala ko mayabang pero may kabutihan naman pala, yung taong sa dinami dami ng babae sa akin pa nahulog at yung lalaking kahit alam na may gusto akong iba andyan pa rin, lumalaban para sa akin...kahit nasasaktan na siya."

Nagbago ang tingin ko kay Paul sa mga narinig ko kay Justin. 

"Kaya that day, after he left your house, dun nagsink in kung sino ba si Paul sa akin. He's my knight in my darkest days. Siya yung taong ano man ang mangyari hindi niya ako iiwan. Siya yung talagang nagmamahal sa akin even if the process hurts him. Gusto kong aminin sa sarili ko na unti unti na akong nahuhulog sa kanya pero pinigil ko. Natatakot kase ako na kapag nahulog ako sa kanya eh hindi pa pala ako nakakabitaw sa nararamdaman ko sayo. Ayokong gawing rebound si Paul, Dylan. He doesn't deserve that." 

Saka siya napahagulgol pang muli. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko pero alam kong higit pang sakit ang nararamdaman niya ngayon.

"Kung kelan wala na siya at handa na akong palayain yung nararamdaman ko para sayo, saka naman siya bumitaw."

"Sorry Tin. Kasalanan ko lahat ng to."

"Wala kang kasalanan. Ako ang dahilan kung bakit siya sumuko. I was blinded. Naging selfish ako. Basta masaya ako hindi ko na inisip kung may nasasaktan ba ako. Hindi ko inisip that Paul is already suffering from this pain. Hindi deserve ni Paul yung tulad ko. Tama lang siguro na sumuko na siya. Bakit nga naman niya ipaglalaban pa ang walang kwentang tao na tulad ko? Di ba?"

"Hindi totoo yan Tin. Sabi ko naman sayo diba deserve mo lahat ng pagmamahal sa mundo kahit ano ka pa? Dumadating lang talaga tayo sa point na nagkakamali minsan. Hindi mo naman intensyon lahat ng pinaramdaman mo kay Paul. At alam kong ganun din ang iniisip ni Paul. He knows that you have a good heart. Nasaktan ka lang din. Kaya wag mong sasabihin yan sa sarili mo okay?" Tumango lang siya.

"Kakausapin ko siya." Dugtong ko.

"Ha? Wag na Dylan."

"Sa dami ng kasalanan at pagkukulang ko sayo kulang pa tong gagawin ko. Justin, sana mapatawad mo ako sa lahat lahat. Ang gusto ko lang para sayo ay maging masaya but it turned out the other way. So let me fix this mess. Ayoko namang araw araw makitang malungkot ka. Paul deserve you. You deserve each other."

Pinunasan ko nalang ang mga luha niya. Sinuklian naman niya ako ng isang ngiti.

"Yan. Mas bagay sayo laging nakangiti." Tinapik naman niya ako sa braso.

"Bolero ka pa din."

"Minahal mo naman."

"Tang ina mo wag mo ng ipaalala. Nagmumove on na nga ako di ba?"

"Joke lang." Saka ko siya ulit niyakap. "Sorry talaga sa lahat lahat Justin B. Promise I'll make it up to you."

"Wag kang mangako. Gawin mo." Saka naman ako natawa.

"Oo na boss." Saka siya kumalas sa yakap. "So, friends pa din?"

"Nope." Napakunot naman noo ko sa sagot niya.

.

.

.

.

"Bestfriends." Then he gave his sweetest smile. 

After what happened, Paul is right. I've been a jerk. And that's why I want to make things right, especially to this midget. 

Babawi ako because my life won't be amazing without this weirdo.

And that's one of million reasons I know.