Bryan's POV
Ever wondered how does it feel to sit in a fine restaurant right in front of the person you love? Grabe mga teh! Nagsisigaw yung mga kalamnan ko sa tuwa. Hahahaha.
"Huy by, okay ka lang? Kanina ka pa pangiti ngiti dyan." Agad naman akong bumalik sa realidad. Kung minsan talaga tong si Benedicto napaka panira ng moment.
"Ah oo naman. Na amaze lang ako dito sa restaurant na napuntahan natin." Sagot ko.
"Aba dapat lang! Only the best for my baby." Saka niya pinisil ilong ko.
"Thank you. Oh kain na tayo baka lumamig na yung food." Binigyan naman niya ako ng isang tango bilang pag-sang ayon.
"Nga pala by, dumating na ba si Paul kanina nung iwan mo sa room niyo si Justin?"
"Hindi ko na napansin eh. Pero nagpaalam naman ako sa kanya na mauuna na ako kase nga malelate na tayo sa oras ng date natin."
"Ahh okay. Kilala mo naman si Justin, nagsasalita pag mag isa." Saka kame natawa.
One time kase nung wala kameng pasok sa isang klase namin tumambay kame sa soccer field ng school. Nagpaalam ako sa kanya na bibili lang ng food since mahaba haba pa yung time na aantayin namin. Pagbalik ko, hindi pa man ako nakakalapit eh naririnig ko na siyang nagsasalita mag isa. Maya maya biglang tumili tapos naging seryoso ulit yung boses niya. Akala ko nga nun may nakikita siyang di ko nakikita yun pala iniisip niya si Miguel, yung isang tropa nila Paul at Ben.
"Maiba pala tayo. Nasabi mo na ba kay Tin kung pwede ka na makipagpalit kay Paul para dun ka na sa room namin matulog?"
Speaking of. Nagka emergency pala si Mira kanina. Tumawag yung Mom niya at mukhang may serious problem so she needs to go back to Manila. Di na nga sila natuloy sa dapat na date nila ni Dylan. Ending, hinatid nalang siya ni Dylan pabalik ng Manila leaving the four of us here. Kame pa din ni Tin ang magkasama sa room.
"Hindi pa eh. Ask ko mamaya."
"Sayang naman kase yung araw na andito tayo tapos di tayo magkasama sa room." Saka kumindat ang loko.
"Hoy Benedicto magtigil ka nga! Nakakahiya to."
"Bakit? Ginawa nam-." Agad ko namang sinaksakan ng tuna yung bibig niya.
"Tumahimik ka nga! Mamaya may makarinig sayo." Ang inis kong sabi sa kanya.
Oo na. Oo na. Alam ko na yung tumatakbo dyan sa isip niyo. Nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin at humantong kame sa ganun. Masisi niyo ba ako? Oo naging marupok ako. Inakit kase ako ng walangyang to! Besides, once lang naman yun! Nung 2nd attempt nagpigil kaya ako!
"Haha to naman joke lang syempre. Eh baka lang naman kase namiss mo ako since babad tayo sa kakaaral last week."
"Wow naman. Miss talaga? Akala mo naman hindi tayo magkaklase."
"Magkaklase nga tayo pero di ka naman sweet sa akin. Inookray mo pa nga ako minsan. Nahahawa ka na sa pagiging masungit ni Justin."
"Hahaha. Grabe ka kay Justin! Eh di babawi nalang ako next week. Hindi na kita susungitan masyado." Sagot ko.
"Next week pa pwede namang mamaya." Saka pinalipat lipat ng pagtaas yung kilay niya.
"Nawawalan ako ng gana kumain sayo Benedicto. Itarak ko kaya sa bibig mo tong kutsilyo?"
"Oh oh tignan mo nagsusungit ka na naman. Alam ko na, para mabawasan kasungitan mo meron akong ibibigay sayo." Saka niya inilabas yung isang box sa paper bag na dala dala niya pa mula sa hotel.
"Happy Valentines Baby." Saka niya inabot sa akin yung box.
"Pakilig ka din eh no?" Natawa naman siya sa sinabi ko.
Agad ko naman itong binuksan. Napangiti naman ako sa nilalaman ng box. It was a wrist watch na may mickey mouse design sa loob.
"Alam na alam talaga. Thank you Baby."
"Syempre. Ganun kita kamahal eh." Saglit lang. Parang humaba bigla buhok ko. HAHAHAHAH char.
"Magpapahuli ba naman ako? Syempre meron din akong gift para sayo."
"Aba dapat lang kung hinde magwawala ako dito."
"Ano ka bata? Hahaha." Kinuha ko naman mula sa pocket ko yung bracelet na binili ko last week sa mall.
"Akin na kamay mo."
"Relo din regalo mo by?" Umiling lang ako saka niya inilahad yung kamay sa akin.
"Hapoy Valentines." Ang halos nahihiya ko pang pagbati.
"Uy! Paano mo nalaman na gusto ko to? Thank you!"
"Eh di ba nga nung nakaraang nagmall tayo panay sulyap mo dyan."
"Sweet talaga ng Baby ko. Pakiss nga ako."
Late na ako nakareact nung dumampi yung labi niya sa pisngi ko.
"Benedicto!" Ang halos pabulong kong saway sa kanya.
"Bakit ba? Pakealam ko sa kanila." Wow. Alam niyo sa aming dalawa, siya talaga mas vocal pagdating sa relasyon namin.
Not that I'm shy of what we have but I am really not that showy. Hindi pa siguro ngayon pero malay natin di ba?
That dinner was filled with so much love. Nabusog kame hindi lang sa masarap na food but also with the thoughts that we shared together. Maya't maya nga lang ang paggamit ko ng restroom dahil sa di mapigilang kilig. Hahahaha.
Malamang ganito rin nararamdaman ni Justin right now. I wonder kung saan naman siya dinala ni Paul para sa date nila. Anyways, mabalikan na nga yung jowa ko baka damputin ng iba. Hahaha.
Justin Klyde's POV
All this walk finally paid off. There was a small cottage in the midst of a small lake surrounded by sparkly lights and a table for two. The place is so breathtaking that I almost forgot how long my jaw dropped. I must say, Paul really did great in finding such place like this.
"Like it?"
Agad naman akong napalingon and gave him a thumbs up as a sign of approval.
"Kelan ka pa naging romantic ha?" Pang aasar ko.
"Ever since I met you." I might get a heart attack everytime Paul speaks from his heart. Lakas magpakilig. Bwisit.
"Ewan ko sayo. Lika na kumain na tayo."
Natawa nalang din siya saka kame naglakad papunta sa kinaroroonan ng cottage.
"Wow andaming pagkain!!!" Ang di ko mapigilang pagkamangha.
"Kalma Babe dika naman tatakasan ng mga food." Sinamaan ko nga siya ng tingin.
"Simulan na natin kumain baka tumakas pa yan." Saka ako naupo at nagsimula ng dumampot ng pagkain.
"Loko ka talaga Babe."
"Nga pala anong meron at ang bongga naman netong dinner location natin?"
Binigyan naman ako ni Paul ng pokerface look.
"Ano nga?"
"Isipin mong mabuti Babe kung bakit tayo andito sa Batangas in the first place."
"Swimming? Bonding?"
"Bukod pa dun." Sagot niya saka uminom ng juice.
"Ano pa ba? Yun lang naman." Sagot ko.
Napafacepalm nalang si Paul sa nasabi ko.
"Pasalamat ka boyfriend kita kase kung hinde kanina pa kita tinulak dyan sa lake." Ang naiinis niyang sabi.
Natawa nanam ako sa reaction niya.
"Try mo icheck yung calendar mo Babe."
Agad ko namang kinuha ang phone ko and browsed the calendar.
February 14,2020.
Feb. 14?
Ay pusang gala!
Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti.
"Happy Valentines Babe." Ang nasambit ko nalang.
"Hay nako Babe ang bata pa natin ulyanin ka na."
"Wag mo na akong sermonan. Eh wala naman kase sa akin yang Valentines na yan dati dahil yearly wala naman akong kasama para icelebrate yan. Tagakain nga lang ako ng mga chocolates ng mga kaklase nating babae nun."
"But it's different now. You have me."
"I know. And I'm very lucky to have you." Gosh feeling ko pulang pula na ako after kong sabihin yun. Hindi naman kase ako masyadong showy sa ganyan mga te!
"Eh kung dati palang kase sinagot mo na ako eh di sana matagal ka ng masaya Babe."
"Wow Paul. Grabe lang." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Kung dati ka ng nanligaw eh di sana matagal na ngang tayo. Eh patorpe torpe ka pa kase nun eh."
"Oo na oo na. Kailangan ulitin Babe? At least nagtagumpay pa din naman ako to have you. That's all that matters. Besides ikaw din naman nun nagpaparamdam na ako tapos akala mo puro biro."
"Aba? Malay ko ba? Mamaya mahulog ako tapos puro lang pala biro lahat eh di sinong kawawa?"
"As if I do that!" depensa niya.
"Oo na sige na tapos na yun. Let's just enjoy the night… and the food!"
"Timawa." bulong niya.
"Babe tingin mo pag tinarak ko ba tong tinidor sa noo mo tatagos sa bungo mo?"
"Napaka amazona naman netong syota ko. Sabi ko nga kain nalang tayo." Inirapan ko lang siya saka sinimulang kumain.
While in the midst of eating he brought out a box.
"I almost forgot Babe. Here." saka niya inabot sa akin.
"Hala, nag abala ka pa."
"Open it." Ang masaya niyang sabi. Agad ko namang binuksan yung box.
"Wow!"
It was a necklace with a Sagittarius sign.
"Thank you Babe." saad ko.
"You're always welcome."
"Sorry wala akong regalo sayo. Babawi nalang ako pagbalik natin sa Manila."
"Okay lang. Your happiness is all that matters to me." Heto na naman tong boyfriend ko sa mga matatamis niyang salita. Diabetes talaga abot ko neto. Haha.
"Here let me help you." Saka niya kinuha sa box yung necklace. "Bagay na bagay. Wag mo iwawala yan ha." ang seryoso niyang sabi.
"Yes Boss!" saka nako sumaludo sa kanya. Natawa naman siya sa ginawa ko.
This night will be unforgettable. Grabe kinikilig pa din ako bwisit. Haha.
---
"Babe, wait for me here I'll just use the restroom." Tinanguhan ko lang si Paul bago siya pumasok sa CR.
I was busy scrolling through my phone when someone dragged me out of the place.
"Huy kuya bitawan mo nga ako!!!" I can't even see his face dahil nakahoodie siya.
Binitawan niya lang ako nung medyo nakalayo layo na kame sa restaurant kanina.
"Sino ka ba?! Huwag kang magkakamaling gumawa ng masama magtatawag ako ng pulis!" Pananakot ko pero ako talaga tong kanina pa nanginginig sa kaba.
Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa bago siya umikot paharap sa akin.
"M-miguel?"
"Hi Justin. Kamusta?"
"O-okay lang. Andito ka din pala?"
"Yep. It's a long weekend after all."
"Ah sabagay. Grabe, kinabahan naman ako sayo kanina." sagot ko na ikinatawa niya.
"Sorry. Ang seryoso mo kase kanina. Did I scare you that much?"
"Hindi naman."
"Sino kasama mong pumunta dito?" tanong niya. Dun ko lang narealize na nasa CR pa si Paul.
"I need to go back. Kasama ko si Paul kanina eh. Sorry ha? It was nice seeing you here." Then I started to take a step back to the restaurant.
"Could you stay with me for a while?"
Nilingon ko naman siya agad pagkasabi niya nun.
"May kailangan ka ba Migs? Kailangan ko na kase talagang bumalik baka hinahanap na ako nun."
"Sige. It was nice seeing you too." Nginitian ko nalang siya and went back to Paul.
Pagbalik ko dun wala na si Paul. Pagtingin ko sa phone ko nakailang miscalls na pala siya. Kung bakit ba naman kase nakasilent tong phone ko!
I immediately dialed his number.
"Hello? Babe? Where are you?" Bungad ko ng sagutin niya ang phone niya.
"Ikaw ang nasaan? I told you to wait for me but you're gone!"
"Sorry something came up. Mamaya ko nalang ieexplain. Andito ako ulit sa resto."
"Stay there. Bumalik ako sa hotel. Akala ko kase nauna ka ng umuwi."
"Sige." Then he hung up.
The lake beside the restaurant was filled with benches. I sat on one of them since napagod yung paa ko kakatakbo pabalik kanina.
Naalala ko naman bigla si Miguel. Anong kayang meron dun? He looked bothered.
Few moments have passed and there's Paul.
Nung makalapit siya agad naman niya akong niyakap.
"I thought I lost you!" I hugged him back.
"Sorry." sagot ko saka siya kumalas sa yakap.
"Saan ka ba nagpunta? Pinag alala mo ko Justin Klyde!"
"Migs is here."
"Huh?"
"Kaya ako nawala kanina. He dragged me out here."
"I thought he's in Davao?" Nagkibit balikat na lang ako. Saka kame naglakad na pabalik ng hotel.
"I think you should talk to him." saad ko.
"Why?"
"Parang problemado kasi siya. Tingin ko lang ha? Kase kanina he wanted me to stay for a while with him eh kaso nga I was more worried about you kase alam kong hinahanap mo na ako."
"Sige. I'll try to give him a call tomorrow but for now let's go back. It's getting cold already." Tumango nalang ako sa sinabi niya.
Pagdating ko sa room namin ni Bry wala ang bruha.
"It seems that I'll be sleeping with you tonight Babe." Ang mapanuksong sabi ni Paul.
"At baket??? Malay mo lumabas lang saglit si Bry. Baka may binili."
"Then explain this note here." saka niya inabot sa akin ang kapirasong papel.
{Bes, sa kwarto na ako nila Benedicto matutulog. Wala ako magawa bes, hinatak ako.}
Sus! Ang sabihin niya marupok kase talaga siya!
"So?"
"Anong so? Sige dito ka matutulog pero dyan ka sa sofa."
"Kung papayag ako." Then he pushed me on the bed. Then he positioned himself on top of me.
"Umalis ka nga?!" Saka ko siya tinutulak. Kaso ang lakas mga te!
"Solo lang natin yung kwarto Babe. ano kayang magandang gawin no?"
"Hoy Paulito kung ano man yang tumatakbo sa utak mo wag mo ng ituloy pa!" Panankot ko.
"Gusto mo alamin natin kung anong iniisip ko?" bulong niya sa akin.
Jusko?! Is this the day?! My gosh ayoko pang maging batang ina! Ay bading nga pala ako.
"Knock it off. Hindi na ako natat--."
"Sorry Babe, what were you saying again? Na out of balance kase ako. Nadikit tuloy lips ko sayo."
Kinaltukan ko nga sa noo.
"Andami mo pang palusot bwisit ka." Natawa naman siya.
"Shall we continue?" Aba. Natyempohan ko naman na di ganun katibay ang guard niya kaya natulak ko siya.
"Utot mo! Susumbong kita kay Dylan bukas!" Saka ako dumiretso papasok sa banyo.
"Akala mo naman di ka lalabas?" Pananakot niya.
"Walangya ka Paulito ha?! Tigilan mo nga yang pantitrip mo sa akin!" sigaw ko mula sa loob ng banyo.
"I am not! Ayaw mo pa ba gumawa tayo ng baby?" sagot niya.
"Ewan ko sayo bahala ka dyan!" Narinig ko nalang ang pagtawa niya. Maya maya pa naisipan ko na ring magshower para makatulog na.
After almost 30 mins ay lumabas na din ako ng banyo only for me to find out na tulog na tong jowa kong sira ulo. Baka napagod siguro sa buong araw.
I browsed my IG for a while habang nagpapatuyo ng buhok. Inistalk ko ulit yung pinost netong kumag na to na picture ko. Hineart ko muna dahil nakalimutan ko kanina sa inis ko.
"Jusko itsura ko naman dito." Ang nasabi ko nalang habang tinititigan to.
Maya maya pa may nag pop na icon. May nagchat.
[Seth Miguel Maximilian]
Are you still awake Justin?
Tinignan ko naman ang katabi ko. Sasabihin ko sanang nagchat si Migs kaso mukhang himbing na himbing na sa pagkakatulog kaya di ko na muna inabala pang gisingin.
Replied:
Patulog na din. May kailangan ka ba?
Seth Miguel: I just need someone to talk to.
Me: Can we talk about that tomorrow? Medyo late na din kase.
Seth Miguel: baka di na kayang ipagpabukas eh. Please? Kailangan ko lang talaga ng makikinig sa akin. I'm actually outside the hotel you checked in. We're friends naman di ba?
Luh paano niya nalamang anidto kame? Ano ba kasi talagang problema neto ni Miguel? Pwede niya namang tawagan yung dalawa.
He's been a friend naman. Ayoko naman maging rude kaya kahit lamig na lamig ako, I sneaked out of the room ng hindi gumagawa ng ingay.
Paglabas ko ng hotel ay luminga linga ako sa paligid. Konti nalang din ang nagdaraang tao dahil madaling araw na.
Sa di kalayuan may nakita akong tao. Nakaupo malapit sa dagat. I immediately recognized the hoodie. Nilapitan ko na rin to confirm kung siya nga ba yun.
"Migs?"
Lumingon naman siya then smiled. Umupo naman ako sa tabi niya.
"So anong atin ba?" sabi ko nang makaupo na ako.
"Is Paul already asleep?"
"Yeah. Napagod siguro sa mga naging activities sa araw na to. Siya din kase nagdrive mula manila kaya pagod-pagod talaga."
"I see."
"Akala nga daw niya nasa Davao ka."
"Hindi na ako tumuloy dun. Wala naman na akong dahilan pa para tumuloy."
"May problema ba Migs?" Ang di ko mapigilang tanong.
"My girlfriend broke up with me."
Nabigla naman ako sa sinabi niya pero hinayaan ko lang siya ituloy ang kwento niya.
"I don't know what went wrong. Ang saya pa namin last week then she just messaged me that she wanted some space. I tried to call her but she's not picking up." Then I heard him sob. I patted his back to comfort him.
"Siguro ibigay mo nalang muna yung hinihingi niyang space. Baka may pinagdaraanan lang siya."
"Pwede niya namang sabihin yun sa akin eh? Malay mo matulungan ko siya diba? Eh yan bigla-bigla siyang magsasabi ng ganun. Hindi reason na tapusin niya yung relasyon namin. She left me clueless Tin!"
"Eh kung puntahan mo pa din kaya?" suggestion ko.
"Ayaw niya."
"Hindi mo malalaman ang kasagutan sa mga tanong mo kung nandidito ka lang."
"What if magalit siya kapag pinuntahan ko siya?"
"Iintindihin mo pa ba yun? Wala naman na siyang magagawa kung nandun ka na kesa andito ka, napapaisip. Masasagot lang ang mga katanungan mo kung mapag uusapan niyo mismo ang sitwasyon."
Saglit naman siyang natigil bago siya biglang yumakap sa akin na ikinabigla ko.
"Thank you Tin. Paul must be very lucky to have you. You're such a nice person." Tinapik ko nalang ang balikat niya bago siya humiwalay.
"Wala yun anu ka ba?" Nginitian naman niya ako sa naging sagot ko.
"Siguro kung wala pa akong girlfriend baka niligawan kita."
"Sira ulo! Kung ano anong pinagsasabi mo. Sabog ka ba?" Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Sus kaya pala sabi ni Benedict crush mo daw ako nun." Pang aasar niya. Hayup na Benedictong yun! Humanda ka sa akin pag nagkita tayo!
"Nuon pa yun! Naka move on na ako! Saka may Paulito na ako." Depensa ko.
"HAHAHAHAHA oo na."
"Oh siya balik ka na sa hotel mo anong oras na din eh. Balik na din ako baka nagising na si Paul at hanapin pa ako."
"Salamat ulit Tin sa pakikinig."
"Wala yun. Sana maging okay na kayo ng girlfriend mo."
"Thank you. Goodnight." sagot niya then we parted ways.
Someone's POV
"Enjoy this night fag, wait until your boyfie see this. Sabi ko naman sayo hindi pa tayo tapos. Kukunin ko ang para sa akin."