Chapter 2

Chapter 2

Arietta's POV

"Good morning everyone. My name is Arietta Vielle, nice to meet you all," kinakabahang pagpapakilala ko. Nakita ko kung paano sila magkagulo after kong magsalita sa harapan. Iba't ibang reaksyon ang narinig ko mula sa kanila.

"Paano siya nakapasok dito?"

"Is she rich?"

"Base on her looks, no. Ginamit niya siguro 'yong pity look niya to enter here in our school."

"Whatever."

"Loser."

"Vielle? Is she a relative of Reed Vielle?" malakas na tanong ng babae sa unahan ko sa katabi niya. Kaya naman naagaw nito ang pansin ko.

"I don't think so. Hindi naman maganda ang looks niya compared to him. So, I think no."

"You have a point."

Napaisip naman ako sa itsura ng kambal ko at sa itsura ko. Ganoon ba talaga kalayo ang looks namin sa isa't isa?

Kung sabagay magkambal nga kami pero hindi naman talaga kami magkamukha. Lalo na kapag ganito ang tipo kong fashion.

"What are you still doing here, Miss Arietta? Find your own chair. Hindi ka hahanapin ng sarili mong upuan." Bigla napabalik ang diwa ko nang tawagin ako ni Miss Perez at marinig ang malakas na tawa ng mga kaklase ko. Tumango naman ako sa kaniya at 'saka naghanap na ng upuan. Sakto namang walang nakaupo sa dulo, isang hilera pa itong vacant. Napangiti ako dahil walang manggugulo sa akin.

Nakangiting umupo ako sa gitna ng limang bakanteng upuan sa likuran.

"I can't believe it!"

"Is she noob?"

"Doon pa talaga siya umupo sa upuan ng mga four kings."

Hindi ko naman mapigilang magtaka. Ano ba ang pinagsasabi nilang lahat? Lahat ba talaga ng gagawin ko kailangang may sinasabi sila?

Saktong pagkaupo ko ay biglang pagbukas ng pintuan sa unahan at nakita kong isa-isang pumasok ang apat na lalaki kasama na roon si Kuya Reed.

Biglang nanlaki ang mata ko. So, ibig sabihin kaklase ko si Kuya?

Oh no!

Bakit pa ako magtataka? Sa Star Section nga pala ako nabibilang.

Nagtama ang paningin naming dalawa at katulad ko ay nagulat din siya nang makita ako.

Para bang nakawala sa mga kulungan ang mga estudyante nang makita ang apat na lalaki sa unahan, mas lalo na ang mga babae. Kahit si Ma'am Perez ay hindi napigilan ang ingay nito nang dumating ang apat.

Iba talaga ang appeal ng mga ito sa mga kababaihan. Well, maliban sa akin. Sanay na ako sa kanila, ganiyan din naman kasi sa dati kong school. Hindi na ako magtataka pa kung mayroon din dito.

Kung sabagay, magaganda naman kasi ang looks ng apat na lalaki na iyon. Isa-isa ko naman silang tinignan. 'Yong isa may mahabang buhok, na kung tutuusin ay bawal dito sa school, para siyang may pagkajolly dahil sinasabayan niya 'yong mga estudyanteng humahanga sa kaniya. 'Yong isa naman ay may hikaw sa tenga, kung titignan para siyang playboy. Nakita ko kasi kung paano siya ngumiti at kumindat sa mga babaeng nakapaligid sa kaniya at 'yong isang katabi naman ni Kuya hindi ko masyadong makita ang itsura niya, natatakpan kasi nito ang mga mata niya ng buhok. Pero kung titignan para siyang ilang sa mga tao. Hindi siya nakikipagtitigan dito.

Bigla akong kinabahan na isa-isa silang umupo sa gilid ko.

Samantalang si Kuya hindi niya pinansin ang mga nagsisigawan sa kaniya. Binigyan pa siya ng way para makadaan siya ng diretso papunta sa gawi ko. And that moment I realized na dapat hindi kami magkakilala, baka kung ano na naman ang masabi ng mga estudyante rito. Mabilis ko siyang pinanglakihan ng mata, mabuti na lang talaga at nakuha niya ang ibig kong sabihin. Nagulat ako nang umupo siya sa kaliwang upuan sa tabi ko.

Naku! Another scene na naman.

Naramdaman ko namang nag-vibrate ang phone ko kaya mabilis ko itong kinuha. Nakita ko ang text ni Kuya roon kaya pasimple ko siyang tinignan at nakita kong nakatingin siya sa akin kaya mabilis ko ring iniwas ang paningin ko at binasa na lang ang text niya.

My better half: What are you doing here?

Me: This is my room.

My better half: Classmate tayo?

Me: Oo?

My better half: Good decision. Mababantayan kita.

Me: Kuya!

My better half: Why? Bawal bang protektahan ang kambal ko?

Me: Bawal!

Nagtaka naman ako nang hindi na siya magreply. Bigla naman akong kinabahan nang pag-angat ko ng tingin ay lahat sila ay nakatingin na sa akin. Sobrang tahimik nila na parang kanina lang ay hindi mo akalaing ngayon lang nakakita ng mga lalaki.

Ano bang ginawa ko?

Napansin ko naman na parang may nakatingin sa gilid ko, kaya tinignan ko ito at nakita ko si Kuya na masamang nakatingin sa akin.

"W-Why?" kinakabahang tanong ko.

"What are you saying?" he asked. Hindi ko naman maintindihan ang sinabi niya this time. Anong sinabi ko? Wala naman akong sinabi sa kaniya bukod sa mga text namin, then it hit me. I remember na he don't like it kapag hindi ako pumapayag sa gusto niya.

"S-Sorry," nakayukong sabi ko.

"Bitch!"

"Ang lakas niya para inisin si Reed."

"She deserves it."

Then I saw him smirk at me saying that he has won. Alam niya kasing wala akong magagawa kung hindi pumayag sa kagustuhan niya.

"Shut the fuck up!" malakas na sigaw niya. Biglang natakot naman 'yong mga estyudyante kaya mabilis silang humarap sa pisara. Napairap na lang ako sa kawalan.

Bossy Reed.

"Dude stay cool," natatawang sabi sa kaniya ng katabi niya sa kaliwa. Napansin niya namang nakatingin ako sa kaniya kaya napatingin siya sa akin. Ayon 'yong lalaking may mahabang buhok at sa tingin ko may pagkajolly. "Hi, welcome to our section. Buti hindi ka natakot umupo diyan?" nakangiting sabi niya.

"Ha?" naguguluhang tanong ko. Sasagot pa sana siya nang batukan siya ni Reed kaya binalik niya na lang ang kaniyang atensyon sa kanina niyang ginagawa.

"Bossy," bulong ng lalaking katabi ni Reed kaya hindi ko mapigilang mapatawa nang mahina. Hindi pa sana ako titigil kung hindi lang ako tinitigan ng masama ni Kuya.

"Hi! Transferee ka? Can you be my date later?" sigaw na tanong ng lalaki sa kahilera ko sa kanan sa pinakadulo. Siya 'yong may hikaw sa tenga. Napakurap naman ako nang bigla siyang ngumiti, para bang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nakita ko na naman ang bulungan ng iba kong kaklase.

Urgh! I hate attention.

"Aray! Ano ba!" sigaw niya nang may tumama sa kaniyang plastic bottle. "Sinong bumato?!"

"Ako! May angal ka? Manahimik ka diyan!" sigaw naman ni Reed kaya wala ng nagawa 'yong lalaki na iyon kung hindi tumahimik. "Stop murmuring!" sigaw niya na naman kaya natigil ang mga bulungan.

"Tsk." Napalingon naman ako sa katabi ko sa kanan. Nakapatong lang ang ulo niya sa mesa na para bang natutulog at walang pakialam sa paligid.

"Okay class, stay quiet!" sigaw ni Miss Perez sa harapan. Lahat naman ay nagsitinginan sa kaniya maliban sa mga lalaking kahilera ko na may kaniya-kaniyang ginagawa. Ganito ba talaga sila kagulo?

"Dahil umalis na si Mr. Gonzales ay kailangan niyong hintayin ang next teacher niyo. Graduating na kayo at alam kong maaasahan na kayo. Kung mayroon pa kayong gagawin, make sure na bumalik kayo before ten o'clock, understood?

"Yes Miss Perez!" we said in unison. Then after that, lumabas na si Miss Perez. Isa-isa na ring nagsilabasan 'yong mga estudyante rito sa loob at nasaktuhan pang natira kaming lima rito.

Bigla namang tumahimik ang loob ng room. Feeling ko kung hindi pa ako lalabas, magiging miserable ang buhay ko rito. Tatayo na sana ako nang may tumawag sa akin.

"Arietta," kinabahan ako nang bigla akong tawagin ni Kuya.

"Cool! How did you know her name?" tanong ng katabi ni Kuya na may pagka-jolly. Naidilat ko ang mata ko at tumingin sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin at tumayo sa harapan ko. "My name is Ferdinand Young. Ferd for short, ikaw?" Sabay abot niya ng kaniyang palad sa akin para magpakilala. Tinignan ko naman ito pero hindi na ako nag-abala pang makipag-shake hands sa kaniya at sinagot na lamang ang kaniyang tanong.

"Arietta."

"Arietta? Familiar sa akin 'yong name mo. Teka, saan ko ba iyon narinig?" tanong niya sa kaniyang sarili. Sasagot pa sana siya nang tawagin siya ng isang kasamahan niya.

"Ferdinand, samahan mo ako," sabi sa kaniya ng may hikaw sa tenga. Aangal pa sana siya pero wala na siyang nagawa nang hilahin siya ng lalaki na iyon palabas ng silid.

"Mamaya na lang ulit Arietta, bye!" paalam sa akin ni Ferdinand. Tinignan ko naman 'yong dalawang natira. Si Kuya na lang at 'yong lalaking nakatungo lang sa kaniyang lamesa. Binalik ko naman ang tingin ko kay Kuya na nakatingin din sa akin. Pasimple kong tinuro 'yong lalaki sa may gilid ko kanina.

"Ano meron sa kaniya?" I mouthed.

"Itanong mo sa kaniya." Pinanlakihan ko naman siya ng mata nang sumagot siya ng malakas. Napaangat tuloy ng tingin 'yong lalaki sa akin. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Para naman akong tangang napangiti na lang sa kaniya. Ngayon ko lang nakita 'yong mukha niya. Actually, nakakatakot siyang tignan. Kaya after kong makipagtitigan sa kaniya ay iniwas ko na ang tingin ko.

"Reed alis muna ako," paalam ng lalaki at umalis na sa kaniyang puwesto palabas ng silid. Nang makaalis siya ay 'saka naman ako nakahinga ng maluwag. Tumabi ako sa upuan ni Kuya. Mabuti na lang at kami na lang dalawa rito kaya malaya akong nakagagalaw.

"I can't imagine myself talking with him. Nakakatakot siyang tignan," natatakot na sabi ko kay Kuya. Napatawa naman siya ng mahina.

"Ganoon lang 'yon kapag panget ang kaharap niya." Masama ko naman siyang tinignan.

"Ang sama mo sa akin. Gusto mong isumbong kita kay Mimi?"

"Isumbong mo, baka nga lalo ka pang pagalitan no'n dahil sa itsura mo. Kung nag-ayos ayos ka siguro baka kausapin ka ni Jaypee."

"Sinong Jaypee?" tanong ko.

"Yong lalaki na huling lumabas." Tumango naman ako sa sagot niya.

"Ano pala pangalan ng lalaki na humila kay Ferdinand kanina?"

"Steven," maikling sagot niya. "Kung magkakagusto ka sa kaniya ay huwag mo ng ituloy. Idadagdag ka lang no'n sa mga bababeng collection niya." Napamaang naman ako sa sinabi ni Kuya. Wala naman akong sinabi na magkakagusto ako sa kaniya.

"Never!" may diing sagot ko rin sa kaniya.

"Mabuti naman. Mamaya sumabay ka na sa akin mag-lunch."

"No!" mabilis kong sagot.

"Why not?"

"Hindi ba nga, bawal nilang malaman?" sagot ko sa kaniya. "Huwag kang mag-alala kaya ko naman sarili ko."

"Matigas talaga 'yang ulo mo." Hindi ko na lang pinansin si Kuya at hinintay na lang matapos ang oras ng free time.

Lunch time.

Mabilis kong iniligpit ang gamit ko at lumabas na rin sa classroom. Mabuti na lang talaga at mabilis ko ring nahanap ang cafeteria rito sa school.

Pumunta naman ako sa line para makabili kaagad ng pagkain dahil nagugutom na talaga ako. Bumili ako ng 1 rice at 1 fried chicken bilang ulam. Isang watermelon juice naman para sa inumin ko. Hindi naman ako maarte sa pagkain.

Okay na sana ang lahat. May pagkain na ako pero hindi ko alam kung saan ako uupo. Halos lahat kasi sila ay may mga circle of friends at mahihirapan akong makahanap ng upuan nito dahil punuan. Kung mas maaga lang siguro akong nakarating dito ay nakaupo ako.

Sinubukan ko namang lumapit sa isang lamesa. Nakita ko kasing malaki pa ang space roon. Napatigil naman sila sa pag-uusap nang makita nila ako sa kanilang harapan.

"Puwede bang makiupo?" tanong ko sabay turo ko roon sa bakanteng upuan nila.

"Bawal ang panget dito," natatawang sabi ng isa at nagsipagtawanan na silang lahat. Tinignan ko naman 'yong ibang lamesa pero sadyang ayaw nila ako paupuin. Nilalagay kasi nila 'yong paa nila roon mismo sa may bakanteng upuan. Malakas akong napabuntong hininga at tinignan 'yong pagkain ko. Wala na talaga akong lakas para makipagtalo dahil gutom na ako. Maghahanap na lang siguro ako ng ibang place para roon kumain.

Tatalikod na sana ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Napalingon naman ako at hinanap 'yong taong iyon, pero hindi ko naman makita. Guni-guni ko lang siguro iyon dahil sa sobrang gutom ko. Aalis na sana ulit ako nang marinig ko ulit ang pagtawag nito sa pangalawang beses. Pero this time, rinig na rinig ko na dahil biglang natahimik lahat ng estudyante sa loob ng cafeteria at lahat ay nakalingon sa isang table.

Ang table nila Kuya.

"Arietta," tawag muli sa akin ni Ferdinand. Nagsipagtinginan naman lahat ng estudyante sa akin. "Dito ka na sa table namin!" After niyang sabihin iyon ay iba't ibang reaksyon ang narinig ko mula sa kanila.

Ito na nga ang kinatatakutan ko, ang makuha ang attention ng lahat. Dahan-dahan akong napabuntong hininga at naglakad palayo.

Mas gusto ko pang mag-isa kaysa makarinig ng mga panlalait nila.

Umalis ako palabas ng cafeteria at naghanap ng lugar na puwede kong kainan. Mabuti na lang at nakahanap ako. Paniguradong mas makakagalaw ako ng maayos dito dahil walang tao.

Nasa isang field kasi ito. Doon ako sumilong sa may malaking puno sa gilid. Sure akong walang magtatangkang pumunta rito dahil sa tirik na ang araw. Mas makakakain ako ng maayos dito ng walang iniisip.

Pagkatapos kong kainin iyon ay malakas akong dumighay. Napatawa ako sa lakas na 'yon. Para bang kumain ako ng kabundok na pagkain sa lakas ng dighay ko. Okay na sana e! Ang kaso nagulat naman ako nang marinig ko ang malakas na hilik sa likod ng puno.

Mabilis ko naman iyon tinignan at nagulat ako nang makita ko kung sino ang taong iyon.

To be continue...