Chapter 4
Arietta's POV
"Arietta," sagot ni Daddy na siyang ikinalingon ko sa kaniya kasabay ng paglingon ni Jaypee sa akin.
"What? Sorry, it's so loud here. I can't hear you." Nakahinga naman ako ng maluwag at hindi ko na hinintay si Daddy na sumagot pa at mabilis akong lumapit sa matanda at inabot ang kamay ko.
"It's Rita Sir," pagpapakilala ko. Inabot niya naman ang kamay ko. "I would like to greet you a happy birthday."
"Thank you Iha."
"Ouch!" daing ko nang maramdaman ko ang kurot ni Mommy sa tagiliran ko.
"What happened Rita? Are you okay?" Ngumiti naman ako sa tanong nito at hindi pinahalata ang sakit ng kurot ni Mommy sa akin.
"Yeah, I'm okay. I think it's ant that bites me." Mabilis kong nilingon si Mommy sa likuran ko and I mouthed her to do not tell him my real name. Kahit sila Daddy at Kuya ay hindi na pinaki-alaman ang naging desisyon ko. I think they're both know my reasons.
"By the way. He's my son, Jaypee." Napalingon naman ako sa lalaking nakatingin din sa akin. Lumapit ako sa kaniya at inabot ang kamay ko.
"Rita," pagpapakilala ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin at lumakad papunta kay Kuya. Naiwan naman ang kamay ko sa ere.
"I'm sorry about his attitude, Rita. He's always like that. Don't mind him."
"It's okay, Sir. Baka allergic lang sa babae." Napatawa naman ang matanda sa sinabi ko. Bumalik na lang ako sa puwesto ko kanina. Ilang beses pang nag-usap 'yong parents ko at 'yong Daddy ni Jaypee kaya hinayaan ko na lang sila roon. Siguro okay lang naman kung kumain na ako? Kanina pa ako natatakam sa mga pagkain na siniserve sa mga bisita and I can't wait to taste that food.
Lumapit ako roon sa table ng mga pagkain. Pinalagay ko sa plato ko ang alam kong masarap. Napapangiti pa nga ako dahil ang daming food na nilalagay sa akin ng lalaki. Hindi naman siya bias sa akin? Nag-thank you naman ako after kong kumuha ng pagkain. Naghanap ako ng table na available at mabuti na lang dahil nakahanap ako kaagad. Sakto ang table na ito sa aming pamilya. Sana makita nila kaagad ako rito. Hindi naman kalayuan ang puwesto ko kung saan ko sila iniwang nag-uusap.
Hinanap pa ng mata ko kung nasaan si Kuya pero hindi ko na siya makita. Siguro kasama niyang umalis si Jaypee. Sayang at hindi niya matitikman kaagad ang mga pagkain dito, mukhang masarap pa naman. Nagsimula na lang akong kumain, hindi ko mapigilang mapangiti dahil sobrang sarap nga ng pagkakaluto nila rito. Nakadagdag pa ito sa gutom ko dahil hindi kaagad ako nakakain kanina pagkauwi ko galing sa school. Hindi pa ako nangangalahati sa kinakain ko nang may umupo sa table ko. Expected ko na sila Mommy iyon pero pagkalingon ko biglang sumibol ang kaba sa dibdib ko.
Anong ginagawa niya rito?
"Hi Miss. You are familiar, nagkita na ba tayo?" nakangiting sabi niya. Nabitawan ko naman ang kutsara at tinidor ko. Mabilis kong hinanap ang mga kasama ko pero hindi ko na sila makita sa puwesto kung saan ko sila kanina iniwan. Nasaan sila? Bakit nila ako iniwan? Bumalik ang tingin ko sa lalaking kaharap ko.
"K-Kilala mo ako?" kinakabahang tanong ko.
"Yes," mabilis na sagot niya. "I told you, familiar ka sa akin." Napakurap ako ng ilang beses nang titigan niya ako nang mabuti sa mukha.
"Sinasabi ko na nga ba. Ikaw 'yon!" Napayuko ako sa naging reaksyon niya. Kilala niya nga ako.
"Please, don't te--"
"Ikaw 'yong future mommy ng anak ko." Napatingin ako ng diretso sa kaniya.
"What?" tanong ko. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya.
"Ikaw ang future mommy ng mga anak natin," nakangising pag-uulit niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko mabubuking na ako. Kinuha ko naman ang kutsara at tinidor na binitawan ko at nagpatuloy sa kinakain ko.
"Hey wife!" Napatingin ako sa lalaking kaharap ko. Nakalimutan ko na nandiyan pa pala siya. Tinignan ko 'yong nasa likod ko baka kasi may tinatawag siya pero wala namang taong lumapit sa kaniya, kaya binalik ko ang tingin ko sa kaniya na nakatingin na rin pala sa akin. Binitawan ko ang hawak ko at tinuro ang sarili ko.
"Ako ba?" tanong ko sa kaniya.
"Yes! You are my future wife."
"H-Ha? Future wife?" kinakabahang sagot ko. Anong pinagsasabi niya?
"You're so cute. Anong pangalan mo?"
"Ari-- Its Rita." Napatayo naman siya at pumunta sa gilid ko. Nagulat ako nang kunin niya ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod nito.
"Nice to finally meet you, Rita. I'm Steven Young, your future husband." Ilang beses akong napakurap nang makita ko ang ngiti niya at pagkindat sa akin.
"Steven!" Napalingon naman siya sa likod nang may tumawag sa kaniya.
"Tsk! Siya na naman." Nakita ko sa likod si Ferdinand na naglalakad palapit sa amin. Bakit ba nandito silang lahat? Oo nga pala, birthday ng Daddy ng kaibigan nila. Ano pa nga ba ang ini-expect ko? Dapat talaga hindi na ako sumama kila Mimi. Mas okay ng lumayo sa mga kaibigan ni Kuya kaysa makakuha na naman ng atensyon.
Napansin ko naman na hawak pa rin ni Steven ang kamay ko kaya mabilis ko itong binawi sa kaniya. Hindi niya naman iyon napansin dahil nakatingin siya ng diretso kay Ferdinand.
"Kanina pa kita hinahanap. Nakita mo na ba sila Jaypee? Sabi ni Reed sa akin magkasama raw sila pero hindi ko naman sila makita. Bakit ka kasi humiwalay sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Ferdinand kay Steven. Hindi niya pa siguro napansin na nandito ako. "Oh! Nandiyan na pala sila Reed at Jaypee." Napalingon naman ako sa tinuturo nito at nakita ko nga silang dalawa na papalapit sa amin. Napapikit ako sa naging sitwasyon ko. Bakit ba kasi ako laging napupunta rito? Ang tahimik ng buhay ko rito kanina habang kumakain. Masama kong tinignan 'yong lalaking katabi ko.
Nakakainis naman!
Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Pagkalingon ko nakita ko si Reed sa harapan ko.
"Kanina ka pa hinahanap nila Mommy. Saan ka ba pumunta?" tanong nito sa akin. Napatingin naman si Steven at Ferdinand sa akin at nakakunot ang noo.
"Kumain lang ako." Sabay turo ko roon sa plato ko na may laman pang pagkain.
"Nasaan 'yong phone mo?"
"Iniwan ko sa bahay," sagot ko.
"Tsk. Puntahan mo muna sila Mommy. Nag-aalala na 'yon sa iyo," sagot niya at hinila ako para makatayo. Napatingin naman ako sa gilid ko dahil hindi pa rin umaalis si Steven doon. "Dude, excuse me lang. Dadaan 'yong kapatid ko," sabi niya kay Steven na siyang kinagulat niya.
"Kapatid mo?" tanong niya.
"Oo, bakit?"
"Shit!" I heard him curse at mabilis na gumilid. Hindi ko alam kung bakit naging ganoon 'yong naging reaksyon niya. Laking pasalamat ko kay Reed dahil nakaalis ako roon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag naipit ulit ako kasama sila. Mukhang nawawalan ng hangin sa paligid ko kapag kasama sila.
Mabilis kong hinanap sila Mommy at nakita ko sila na nakaupo roon sa may malapit sa stage. Napatayo si Mommy nang makita ako. Ilang beses ko pang naramdaman ang kurot niya sa tagiliran ko, pero alam kong ginawa niya lang iyon dahil nag-aalala siya.
Ilang oras din kaming nag-stay roon. Hindi na ako humiwalay kila Mommy, ayoko na ulit maipit doon sa grupo ni Kuya kapag nahiwalay ako. Mas mabuti na kung ganito, mas safe.
After ng ilang oras sabay-sabay na rin kaming umuwi. Pagkarating ko sa bahay, dumiretso na agad ako sa kuwarto ko at nagbihis ng pangtulog at nagtanggal ng make up.
Nasa higaan ako nang kumatok si Kuya sa may pinto. Hindi niya na hinintay ang sasabihin ko nang pumasok siya ng dire-diretso na nakatingin sa akin. Mukhang seryoso siya. Ano kayang sasabihin niya?
"Matutulog ka na ba?" Tumango ako. "Puwede ba tayo munang mag-usap?" Tumango ulit ako. Nakita ko naman siyang umupo sa dulo ng kama ko.
"Ano 'yon Kuya?" kinakabahang tanong ko.
"Alam ko ang dahilan kung bakit Rita ang sinabi mong pangalan sa kanila. Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin ang totoong pangalan mo kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Mas okay na rin 'yon para hindi ka nila guluhin lalo na kung nasa school ka. I will call you Arietta kapag hindi ka nakaayos and I will call you Rita kapag nakaayos ka. Because I know if someone knows your real identity in school, they will use it as a bait for me." Kahit naguguluhan ako sa sinabi niya sa huli ay tumango ako.
"Thank you Kuya."
"But in one condition." Napakunot noo ako. "Stay away from him. Stay away from Steven."
To be continue...