|| "Maraming salamat sa lahat ng ginawa niyo sa akin, pero dito ko na tatapusin ang buhay ko." | |
Sa wakas, nakaabot na din ako sa rooftop.
Tumayo ako sa gitna habang nilalanghap ko ang hangin. Mga dahon na sumasabay sa ihip ng hangin.
Naramdam ko ang mainit na tubig na dumadaloy papunta sa aking pisngi. Mga luhang isa-isa nang pumapatak nang aking tignan ang langit.
"Maraming salamat sa lahat ng ginawa niyo sa akin, dito ko na tatapusin ang buhay ko." Pabulong kong sabi sa hangin nang maramdaman kong may humawak sa bewang ko.
"Itigil mo 'yan!" Sigaw ng isang makapal na boses, masasabi kong lalaki siya.
Agad akong tumingin sa lalaki.
"Ano bang kailangan mo?" Sarkastiko kong tanong sa lalaki.
"Nandito ako upang pigilan ka." Sabi niya, halata sa boses niya na seryoso siya.
"Seryoso ka ba!?" At sinamahan ko ng sarkastikong tawa habang pinupunasan ang pekeng luha.
Ngumiti siya sa akin, "kung may problema ka, nandito ako para makinig sayo."
Bumaba ako at sinundan siya, sapagkat may pakiramdam akong dapat kong pagkatiwalaan siya.
Umupo kami sa isang bench, malapit lang sa kinatayuan ko kanina.
Tumingin siya sa akin, naghihintay na ilabas ko ang problema ko.
"Lahat ng sakit na ibinigay nila sa akin.. Ang pagkawala ng aking magulang at ng kapatid kong bunso, mga pananakit na natanggap ko mula sa kanila, ang pag-papahiya na ginawa nila sa akin.." hindi ko na natuloy ng inunahan ako ng mga luha kong pumatak na aking pisngi.
Bigla niya akong niyakap dahilan ng pagkagulat ko sa kanya.
"Shh.. Shh.. Ilabas mo lang 'yan, nandito ako para sayo." Sabi niya habang hinihimas ang aking buhok upang pakalmahin ako.
Yumakap ako sa kanya at ibinulong ang salitang "Salamat".
Ito ang una kong naramdam na may isang tao na makikinig sa akin, at sa hindi ko ineexpect ay isa pa itong stranger.
Sumigaw ako, sumabay ang agos ng aking mga luha nang hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang polo.