Samantalang hindi mapalagay si Jay dahil hindi man lang nagreply si Cissie sa mga messages niya. Tumawag na siya ng ilang beses ngunit wala paring sumagot. Naisip niyang puntahan nalamang ngunit napagtanto niya na baka lalong lumala ang sitwasyon. Wala siyang nagawa kundi antayin nalang ang text nito or kumustahin nalang niya ito kinabukasan. Hindi siya makatulog ng maayos kakasilip sa cellphone niya baka sakaling may reply ngunit wala pa rin.
"Anong oras na ba?" ang sambit ni Cissie habang nakapikit ang isang mata. "Hay, 3 a.m pa pala, nasaan naba ang phone ko?...Huh? Ang daming messages, 10 missed calls. Grabe! Kay Jay galing lahat, nakakahiya," nakaramdam siya ng guilt.
Biglang tumunog ang phone ni Jay kaya napabalikwas siya ng bangon at tinungo ang mesa para basahin ang mensahe. Kahit naalimpungatan siya at nakapikit pa ang isang mata ay dali-dali niyang binasa ang message. Kay laking pasalamat niya at galing kay Cissie ang message. Wala siyang sinayang na segundo at tinawagan niya agad ito.
"Hello, Ciss nasaan ka ngayon? Okay ka lang ba?" aalalang tanong niya.
"Salamat sa pagaalala, sorry din kung hindi ako naka-reply agad. Nakatulog ako sa kaiiyak. Andito pa ako sa room ko, tinatapos ko lang ang pagiimpake,"
"Saan ka tutuloy ngayon?"
"H-hindi ko alam, siguro uuwi na ako sa amin," gatol niyang sagot dito. Halatado sa tono ng boses nito ang kalungkutan. Narinig niya pa itong napabuntong-hininga.
"Huwag muna, sayang naman ilang buwan nalang at graduation na natin. Kausapin ko Lola ko na dito ka muna pansamantala."
"Nakakahiya naman sa inyo, ni hindi nga ako kilala ng Lola mo eh. Baka isipin pa niya na may relasyon tayo."
"Saka mo muna isipin 'yan. Ang mahalaga ay may matutuluyan ka pansamantala. Tutulungan kitang linisin ang pangalan mo at panagutin natin ang sino mang nanira sa'yo."
"Sige. Wala naman talaga akong choice kundi kapalan nalang ang mukha ko eh. Wala naman kasi akong kamag-anak dito sa bayan."
"Sige punta ka dito ng 6 a.m antayin kita sa kanto. Kausapin ko muna si lola sa kusina. Bye see you later."
"Thank you, bye."
Dali-daling tinapos ni Cissie ang pag-iimpake habang tumutulo ang luha niya. Hindi niya mapigilan ang emosyon dahil napamahal narin sa kaniya ang bahay na iyon kahit mala-kalbaryo ang dinanas niya. Inabot din siya ng halos limang taong nanirahan dito. Ang masakit lang doon, hindi man lang maayos ang paglisan niya.
Matapos siyang maligo ay nagpaalam na siya sa amo niya na mukhang wala namang balak na pigilan siya. Kaya bitbit ang maleta niya naglakad siya patungo sa street nila Jay. Malayo pa lang siya ay tanaw na niya ang lalaki.
"Kanina ka pa ba dito? Sorry ah, pinag-antay kita. Nakakahiya na talaga sa'yo," ang dispensang wika ni Cissie sa lalaki.
"Ano ka ba naman, okay lang 'yon. Kung tutuusin may kasalanan din naman ako. Kasi kung 'di kita pinilit na sumali eh 'di sana mangyari sa'yo to," sabay abot nito sa maleta ng dalaga.
Habang naglalakad sila patungo sa bahay nila Jay ay hindi magkamayaw ang mga kapitbahay nila sa pag-uusisa sa kanila. Kaya nakadama tuloy ng hiya ang dalaga dahil nagmukha silang nagtanan.
"Jay, grabe pala mga kapitbahay niyo 'no? Napakamalisyoso. Kahit hindi sila nagsasalita alam ako ang laman ng utak nila. Parang sinasabi nilang nagtanan tayo."
"Don't mind them, they just don't have things in their own to look up to. So they're too busy caring somebody's life. Come on! Hurry up we'll gonna be late in our class."
Hindi nalang pinansin ni Cissie ang mga intrigerang mga kapitbahay ni Jay. Dire-diretso nilang tinungo ang gate ng bahay ngunit nakadama siya na parang may pumipigil sa mga paa niya sa paghakbang. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Jay.
"What's wrong?"
"Ah, eh wala. I feel jumpy. I can't imagine the looks of your Lola. M-mataray ba siya?" utal niyang tanong.
"Of course not! She so kind and I'm sure she will gonna like you. Come! Get inside," yaya nito sa kaniya.
Pagkapasok niya sa loob ng bahay, tumambad sa kaniya ang isang may edad na naka-upo sa sofa. Halatang Chinese ang may-edad ngunit mukha namang mabait at nakangiti itong tumayo at sinalubong sila ni Jay.
"Siya na ba ang sinasabi mo Xiao Sun (apong lalaki)?"
"Opo Nai Nai (lola sa side ng father). Pansamantala muna siya sa atin kasi wala siyang matuluyan. Napagbintangan kasi siya ng amo niya na nakipagrelasyon. May kasalanan din kasi ako Nai Nai, pinilit ko siyang sumali sa banda namin na magperform sa Foundation Day Celebration. Ngayon, may biglang kumuha sa'min ng pictures noong nagpractice kami at napagkamalan kaming may relasyon ng amo niya kaya siya pinalayas," lintanya nito sa Lola niya.
"Magandang umaga po. Ako po si Cissie. Pasensiya na po sa abala. Kapag nakahanap na po ako ng partime job makakahanap din po ako ng boarding house na malipatan," sabay yuko niya.
"Walang anuman 'yon hija. Nabanggit na sa'kin ni Jay kanina ang sitwasyon mo. May extrang room naman dito kaya puwede ka dito hanggang sa graduation niyo. 'Wag mo nang problemahin ang pagkain basta tulungan mo nalang ang maids sa gawaing bahay."
"Opo! Masipag po ako. Sanay na po ako sa gawaing bahay. 12 years old pa lang po ako, nagtatrabaho na ako sa pamilyang Ponce. Kaya maaasahan niyo po ako sa gawaing bahay, Lola" masiglang wika niya.
"Well, sabi mo eh. Mabuti at may kasama na akong maglibot. Ako pala si Lola Nancy at kung sa pamilyang Ponce ka nagtatrabaho, baka matulungan kita kasi family friend namin sila. Huwag kang mag-alala puntahan natin sila minsan doon para linawin ang mga bagay-bagay. At puwede din nating isama natin si Jay para makita niya na apo ko pala ang kasama mo."
"Sige na gayak na kayo. Malilate na kayo sa klase niyo."
"Lola salamat po talaga. Hayaan niyo po, makakabawi din po ako sa inyo," ang wika ni Cissie.
"Oh siya! Bilis na baka malilate kayo," ani uli ng may-edad.
Agad-agad ay tinungo nila ni Jay ang silid kung saan siya matutulog. Pagkatapos mailagay ang mga gamit niya, nagbihis agad siya ng uniporme niya at bumaba. Pagkuwa'y bumaba na rin si Jay at yumaon na sila papuntang school. Sabay silang dumating kaya si Steph ay parang nakakita ng multo sa sobrang gulat. Hindi siya makapaniwalang pumasok pa rin si Cissie.
"Hey Cissie, good morning! How are you? I heard napalayas ka na raw sa bahay ng amo mo," pag-uusyoso nito kahit halatang hindi talaga siya concern kay Cissie. Gusto lang nitong kumpirmahin ang nangyari kahapon.
"Well okay naman. Iba na talaga ngayon ang tsismis, may pakpak na! May umampon sa aking good Samaritan kaya nakapasok pa rin ako. Mahuhuli ko rin kung sino man ang mabait na nagpakana ng magandang bagay sa buhay ko. Makapagpasalamat man lang ako sa kaniya. Pasensiya na siya kasi imbes na malulugmok ako, napaganda pa lalo ang kalagayan ko," sabay ngiti niya at mukhang pinasaringan niya si Steph.
"Pinagbibintangan mo ba ako!" iritang wika niya.
"Bakit, tama ba ang hinala ko?" makahulugan niyang bwelta.
"Aba! Talaga 'tong hina...."
"Ayt! Let's go Ciss, this will lead to a nonsense conversation," sabay hila nito sa braso niya kaya hindi na niya naribig ang mga sinabi ni Steph. Sa kabilang banda, inis na inis si Steph dahil naiwanan siyang hindi man lang natapos ang sinabi.
"Grrrrr! Nakakainis! Huwag kang pakasiguro Cissie hindi pa tapos ang laban! Mag-antay ka ng totoong laban."
Bagama't hindi maganda ang mga nangyayari kay Cissie masaya pa rin siya. Kahit papaano may mga tao pa talagang maawain. At iyon ang ipinagpapasalamat niya sa Diyos.
Kinahapunan ay sabay pa rin sila ni Jay na umuwi at puro sila tawanan sa daan. Kahit pinagtitinginan sila ng mga tao ay wala pa rin silang pakialam. Hindi matatahimik si Steph hanggat 'di niya malalaman kung saan nakatira si Cissie, kaya naman lihim sila nitong sinundan. At habang nakasunod siya ay naiinis siya sa lambingan ng dalawa. Ni hindi man lang makuhang ngumiti si Jay sa kaniya kahit minsan tapos kung makipaghagalpakan ito ng tawa kay Cissie ay wagas. At laking gulat niya ng huminto sila sa mismong bahay ni Jay sabay pumasok sa gate.
"What! Sobra na talaga 'to. Ibig sabihin ay si Jay ang good Samaritan na sinasabi niya kanina?" pagkatapik niya sa noo ay halos mahimatay si Steph sa sobrang selos at galit na naramdaman. Hindi niya mapigilang umiyak sa matinding emosyong iyon. Lahat ng bagay ay nakukuha niya agad, ngunit itong si Jay ang malaking hamon niya. Hindi niya natiis ang eksena kaya umalis nalang siya.
"Magandang hapon Lola," ang bati ni Cissie, "Ano po ang lulutuin natin ngayon? Ako na po ang magluluto."
"Ay naku hija, day off ng maid ay!hindi pa ako nakapamalengke. Kaya ako nalang magsaing at ikaw nalang ang pumunta sa palengke. Mas mabilis ka kumilos kaysa sa'kin. Magsigang nalang tayo ng bangus. Eto ang pera bahala ka na magbudget kung anong panghahalo mo. Teka, saan na ba si Jay?"
"Nasa kuwarto niya po Lola. Sige po ako nalang po mamalengke. Alis na ako Lola."
"Sige para makabalik ka ng maaga at may pupuntahan tayong importante mamayang gabi."
Hindi magkamayaw si Cissie sa pamimili niya dahil naghahanap talaga siya ng mura bago siya bumili. Siya na ata ang prinsesa ng kakuriputan. At hindi naman maipagkakailang laki siya sa hirap at mahalaga sa kaniya ang bawat sentimo. Pagkatapos makapamili ay kumaripas siya ng uwi dahil naalala niya na may lakad pa pala sila ng Lola ni Jay. Pagkadating agad ay nagluto na siya at hinanda na hapag saka siya nagtawag sa maglola para kumain. Nang matapos silang kumain hindi maiwasang magusisa si Cissie tungkol sa pupuntahan nila ng lola ni Jay.
"Lola, saan po pala tayo pupunta ngayon?"
"Pupunta tayo sa amo mo, kakausapin ko sila tungkol sa'yo."
"Ho? Ah eh, bakit naman po? Para saan pa po 'yong pakikipag-usap niyo? Eh talagang ayaw maniwala sa akin mga 'yon. Sayang lang po ang pagod niyo."
"Kilala ko ang pamilyang 'yan. Huwag kang mag-alala family friend namin sila. Aminado naman akong ganoon nga ugali nila pero baka sakaling maliwanagan sila kapag ako na mismo pupunta doon. Huwag kang mag-alala kakampi mo ako doon."
"Kayo po ang bahala."
Hinayaan nalang ni Cissie ang gusto ng may-edad dahil ayaw niyang magkaroon ng hindi magandang impresyon dito. Pagkadating nila sa bahay ng amo niya hindi na maiwasang kabahan. Kahit wala naman siyang kasalanan, naisip niya na baka maging dahilan pa siya ng gulo sa dalawang pamilya.
"Magandang gabi kumpadre. Puwede ka bang makausap sandali?"
"Oy, kumareng Nancy anong sadya mo? Halika pasok ka...Teka bakit kasama mo 'tong babaing 'to?"
"'Yon nga ang sadya ko sa'yo kumpadre eh. Pumarito ako para linawin ang mga bagay-bagay. 'Yong lalaking nakita mo sa picture kasama si Cissie ay apo ko. Misunderstanding lang ito kumpadre, alam kong hindi sila magkasintahan dahil kararating lang ng apo ko galing Maynila. Ngayon, mayroon kasi silang intermission sa school nila at magkasama sila ni Cissie. May maitim talaga na balak ang kumuha ng picture niyon dahil tinapat talaga ang kuha noong kumakain sila ng chocolate. Pero walang malisya 'yon dahil sabi ng apo ko, pagkatapos daw nilang magpractice nagutom daw sila kaya kumain sila pero hindi naman ibig sabihin agad niyon na may relasyon na sila. Ha'mo at paiimbestigahan ko mismo ang tungkol sa nagbigay sa'yo ng picture kung ano talaga motibo niya," litanya ng lola ni Jay.
"Naku mare, pasensiya kana kung naabala kita. Yamang ikaw mismo pumunta rito tungkol sa bagay na ito, aalamin ko rin ang buong katotohanan. Pasok ka muna."
"Salamat nalang pero hindi na kami magtatagal dahil may pasok pa mga bata bukas. By the way, sa amin muna si Cissie tutuloy. Habang hindi pa malinaw ang lahat. Mabait naman 'tong batang ito. Hindi ito maging problema ko. Hindi na kami magtatagal."
"Guyong tuloy na po kami at magandang gabi po,"ang bati ni Cissie na ngayon lang nakahugot ng lakas loob para makapagsalita.
Hindi na niya inaasahan na maging maganda ang pakikitungo sa kaniya ng amo niya dahil kilala niya ang ugali nito. Kapag may tumatak sa isip nito maging tama man o mali hindi ito basta mawawala bigla. Mukhang sa kaniya kumakapit sa ibang diwa ang katagang 'first impression lasts'. Kaya hindi na siya nag-antay pa na tugunin ang bati niya at umalis na kaagad sila ng lola ni Jay. Pagkadating agad sa bahay,
"Lola, sinabi ko na po sa inyo na hindi basta-basta mababago ang isip ni Guyong. Maglilimang taon na akong nanilbihan sa kanila. Kilalang-kilala ko na ang ugali niya," ani ni Cissie.
"Naku hija, hayaan mo na, malalaman din natin ang totoo. Hindi man ngayon pero wala ng usok na mahahawakan. Sige na, akyat ka na para makapagpahinga ka na at maaga pa kayo bukas."
"Sige po, mauna na po ako Lola. Good night," ngiting wika nito sabay panhik nito sa kuwarto niya. Habang nagrereview siya sa mesa biglang may bumukas sa pinto ng silid niya kaya,
"Kabayo! Ano ka ba? Nanggugulat ka ah. Magkakapigsa ako sa ginagawa mo eh," habol-hininga niyang usal habang nakatapik sa noo.
"Grabe naman! Pigsa agad? Hay, iwan mo na iyan hindi pa tayo nakakapagpractice mula ng dumating ka dito eh. Pagkakataon na nating magpractice ng walang hassle at walang magagalit. Sandali lang tauo,"wika ni Jay habang hila-hila siya kaya hindi nalang siya umangal. Habang kinukuha nila ang kani-kanilang gitara biglang hinawakan ni Jay ang balikat ni Cissie kaya halos hindi siya makahinga sa dami ng dagang naghahabulan sa dibdib niya.
"Marami na akong nasaksihang mabuti at masamang bagay sa buhay mo Ciss, kahit buwan pa lang tayong magkakakilala I have seen all your ups and downs even on how you went through a lot of humiliations. Maybe we can call ourselves bestfriend, is that okay with you?"tanong nito habang nakapako pa rin ang paningin nito sa dalaga.
"Huh? Ah eh...sure! Nakakahiya naman sa'yo at pati mga nakakahiyang mga bagay ay nasaksihan mo pa. Marami ka na ngang alam sa'kin kaya bagay lang na maging magbestfriend tayo,"ani nito habang kumakabog ang dibdib.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit siya kinakabahan eh samantalang kaibigan lang naman ang tingin nito sa kaniya. Not unless meron siyang kakaibang naramdamang mas higit pa sa pagiging magkaibigan.
"Eh ano naman ang tawagan natin?" putol ni Cissie sa katahimikan.
"Bezzie para astig! by the way, mauna ka muna sa labas, bibili lang ako ng mainom at manguya natin," sabay talikod nito para kumuha ng pera.
Cissie naman ay napangiti habang tinungo ang waiting shed sa labas ng bahay nila Jay. Hindi niya maipapaliwanag ang sayang nadarama niya dahil first time lang sa buhay niya nangyari ang ganitong feeling. At habang gumagala-gala ang isipan ni Cissie hindi niya napansin ang pagdating ni Jay. Hindi siya napansin ng dalaga kaya naman nilapit ni Jay ang mukha nito kay Cissie sabay ihip nito sa mukha ng dalaga.
"Ay kabayo! este Bezzie pala. Kanina ka pa ba riyan?"nagblush siya sa sobrang lapit ng mukha ni Jay.
"Mukhang gumagala-gala ang utak mo ngayon ah! Guwapo ba 'yan? Kasi hindi mo ako napansin n'ong dumating ako," suspetsa nito.
"Hindi ah! Ang layo naman ng hula mo. Well anyway, ano ba 'yang dala mo?" patay-malisya niya.
"I brought a red wine and snacks. We can drink while practicing."
"Hindi pa ako nakainom niyan baka malasing ako agad niyan."
"Hindi naman malakas sumipa 'to eh, Red wine lang 'to 'no! " sabay abot nito ng isang baso.
Habang nagpapractice ay umiinom sila ng red wine. Mukhang nasasarapan si Cissie sa wine at kung makainom parang tubig lang. Maya-maya pa ay pulang-pula na ang pisngi niya at naging maingay pa. Sa kadal-dalan niya hindi na niya alam ang mga ginagawa niya.
"A-alam mo ba na...na~" sinok "na kung hindi ka nga lang mayaman ay magkakagusto ako sa'yo?" pagkatapos ng sinok napatawa pa ito ng pagak ."S-sino bang tangang hindi magkakagusto sa'yo eh ang bait-bait mo at...at ang guwapo mo pa!" walang patumanggang sinabi iyon ni Cissie habang wala sa katinuan at tinatapik ang mukha ni Jay .
"Oo na, sige na! Hay, ano ba 'yan? Red wine lang naman 'yan, bakit ka ba nalasing?" awat nito sa baso ng tangkang iinom na naman ang dalaga.
"Baka nalasing ako sa kagawapuhan mo!" dahil hindi niya nakayanan ang kalasingan, natapilok siya at tamang-tama ang bagsak niya kay Jay. Yamang mabigat ang lasing naoutbalance sila pareho at lupa ang bagsak nila habang yakap-yakap ang isa't-isa. Pagkatingala niya ay tama ang kanilang paningin na tila pakiramdam ng dalawa ang tumigil sandal ang pag-inog ng mundo. Binasag ni Cissie ang katahimikan.
"S-sorry Bezzie ang lampa-lampa ko kasi," ang awkward na sabi ni Cissie na hindi maitatago ang kulay kamatis niyang mukha.
"No problem Bezzie as long as you're fine. I, uh.. I am very sorry kasi hindi ko naman alam na mahina pala ang tolerance mo sa alcohol. Tara na sa loob. It's getting late already."
"Okay," ang matipid niyang tugon dahil wala siyang mahagilap na sasabihin dala ng pagkablangko ng utak niya sa mga nangyayari. Tila nawala ang pagkalasing niya ng magtama ang kanilang paningin. Maliban doon ay parang matutunaw siya sa hiya ng marealized ang mga pinagsasabi niya sa lalaki. Dali-dali siyang pumanhik sa silid niya, kulang nalang ay magteleport siya dahil sobrang hiya niya. Ngunit sa kabilang banda ay may nakatagong kaligayan sa puso niya hindi niya lang mawari kung ano iyon.