Chapter 6

Kinabukasan ay sabay silang pumasok sa eskuwela, tila nakalimutan na ni Cissie ang kaniyang balak na pagdistansiya kay Jay. Sa bagay tama naman si Jay, hindi naman niya habambuhay makikita ang mga taong iyon, maging pati si Jay hindi niya ito habambuhay na makakasama. Kaya naisip niya na sulitin nalang ang pagkakataong makakasama pa niya ito. At naisip niya na pagkakataon din ito para inisin ang mga nang-aapak sa kaniyang pagkatao dahil pangangatawanan na niya ang kanyang pagkaclose nito sa lalaki.

"Humanda kayong mga bruha at lalong malalaglag ang paningin niyo sa inggit, " wika ni Cissie sa sarili habang nakaevil grin. Pagkadating sa school, timing na sumisilip sa gate ang mga bruhitang taga ibang school kaya naisip niyang simulan na ang resbak niya.

"Bezzie, help naman diyan, ang bigat kasi ng bag ko eh. May dala pa kasi akong attaché case," lambing niyang pakiusap sa lalaki.

"Akin na nga, bakit ba kasi dinala mo lahat 'yan?" sabay abot nito sa bag at tinapik nito ang noo niya. Pagkakuwa'y tiningnan ni Cissie ang mga bruha. Hindi nga siya nagkamali dahil halos maglupasay sa inis ang mga ito. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at kinindatan pa niya ang mga ito na tila ba sinasabi niyang  'Mainggit kayo diyan '.

"Ang bait-bait talaga ng Bezzie ko," sabay pisil niya ang tungki ng ilong nito.

"Hoy! Ipagluluto mo ako mamaya, akala mo ah."

"Oh ba! Anong klaseng luto? Pakbet, kare-kare, or sinigang?"at sabay sinusulyapan niya ang mga bruha sa malayo at nakita niyang pinipigil-pigilan ng tatlo ang isang bruhang mukhang hindi na makapagtiis at susugurin siya.

"Ha ha ha!" hagalpak niya.

"What's that for? Niloloko mo ata ako eh. Bakit ganiyan ka kung tumawa?"

"Bezzie, nakakita ka na ba ng Orangutang gustong maglupasay sa inggit?"

"Hindi, bakit?" curious na tanong nito habang seryosong nakatingin sa kaniya.

"Puwes, makakakita ka na ngayon. Tumingin ka sa likuran mo".

Pagkalingon nito ay nahuli sa akto ang mga bruhang gigil na gigil sumugod kay Cissie.

"Hmm. I smell something fishy, sila ba ang umaalispusta sayo? Huwag kang mag-alala, paiingitin natin sila ng husto," at natulala si Cissie sa sumunod na pangyayari dahil hinalikan lang naman siya ni Jay noo. Para siyang tuod na nakatayo sa harap ng maraming tao. Damang-dama niya ang gentleness ng mga labi nitong dumikit sa noo niya. At halos kapusin siya ng hininga dahil sa sobrang kaba at excitement na hindi niya maipaliwanag.

"Okay ba?" ngiti nito, "For sure himatayin sila sa nasaksihan nila."

Nanlambot ang tuhod ni Cissie at parang siya ata ang himatayin sa eksenang naganap. Hindi pa rin siya makapagsalita.

"Hey, did you hear me?"

"Uh," ang tanging nasambit niya.

"Come on! Let's go. Late na tayo baka magpeperform na naman tayo nito," sabay hila nito sa braso niya kaya sumunod siya na wala parang mahahagilap na salita. Blangko. Wala siyang ibang naisip kundi hayaan nalang niya ang panahon kung ano talaga ang kahinatnan nilang dalawa.

Dumating na rin ang pinakahihintay nilang panahon para sa kanilang Foundation Day Celebration kaya abalang-abala ang lahat. Kinagabihan na ang performance nila. Habang abala ang mga kasama ni Cissie sa paghahanda ng mga instruments, siya naman ang hindi mapalagay kaya hindi ito nakaligtas sa paningin ng kaibigan niya.

"Hey, are you okay?" tanong ni Jay.

"I'm nervous, this is my first time to perform," nangangatal na sagot nito.

"It'll be okay, just enjoy the moment like it will never happen again. Wait, this is very effective. My bandmates before taught me this," sabay hugot nito ng hininga at pagkakuwa'y bumuga.

"Gayain mo'ko," yaya nito sa kaibigan niya, "Come on!" kaya si Cissie ay gumaya din. Hingang-malalim, buga. Hinga, buga. Hinga,

"Prrtttt," umutot ang kaibigan niya nang napakalakas. 'Yong tipong may kasama ng kakaiba.  Tamang-tamang humugot siya ng hininga kaya naamoy niya na ata lahat ng inilabas na utot ni Jay.

"Ha ha ha!" hagalpak ni Jay.

"Walang hiya ka! Akala ko totoo na, 'yon pala eh uutot ka lang," inis na wika nito.

Hindi pa rin ito matigil sa kakatawa.

"Di ba effective? Huwag ka ng magalit oh," wika nito habang pilit pigilan ang sarili  sa  kakatawa.

"Kainis!" asik ni Cissie kaya ng matantiya ni Jay na talagang seryoso na ang kaibigan niya kinikiliti niya ito para tumawa.

"Aww! Tumigil ka na nga. Oo na sige, you're forgiven," wika nito habang nakikiliti.

"Akala mo ah..."

"Ladies and Gentlemen this is moment to witness our very own High School band! This is ..."

"Oy, tayo na pala susunod, get ready," yaya nito kay Cissie. At nagsimula na nga silang tumugtog. Noong simula ay halatadong kinakabahan si Cissie ngunit sa kalaunan ay nakapagadjust na rin siya. Kaya hindi na nila namalayan na patapos na rin ang 6 songs nila. At part ng playlist nila ay request ng audience.

"Guys, we will play 2 request songs. Pero kailangan niyo munang hulaan kung anong favorite bands ko, whoever got the first two correct answers will request us to sing his favorite song as long as alternative, okay? Who wants? Just come over" ani ng bokalistang si Jeff.

"Me!" "Ako" " Ako please" sigawan ng mga audience na 'di magkamayaw.

"Whoa!Whoa! Isa-isa po tayo. Ganito, magturo na lang ako ng 5 na sasagot sa inyo whoever got the correct answers ay magrerequest, alright?Ikaw Miss, come over pati 'yong naka sweat shirt ng pink, ikaw na naka red shirt, pati ka na naka skirt at ikaw na nakablack," turo ni Jeff.

"Now try to guess my favorite bands, you go first and sunod-sunod na kayong sumagot," patuloy ni Jeff.

"Uhm...Bon Jovi", "Creed", "Scorpions?", "Ah...Firehouse", "Metallica"

"Alright, meron na tayong winners. Thank you sa participation niyo. 'Yong una at huling sumagot ang siyang magrerequest," ani ni Jeff.

"Please play Mr. Suave by Parokya ni Edgar, team song 'yan naming mga suave, 'di ba mga pare?" wika ng nakablack na guy.

"Yeaaah!" sagot naman ng mga kagrupo niya.

"Alright, ikaw naman Miss sweatshirt in pink?" tanong ni Jeff

"Please play Here Without You by 3 Doors Down, para 'yan sa gitarista niyo. Pinaparequest 'yan ng friend ko kasi in love daw siya kaniya...Ayiee!"

"Ha! Ha! Ha! Ang tindi mo 'tol in love na agad ang fan mo sa'yo. Okay guys, these songs are for you," at nagsimula na agad silang tugtugin ang request ng audience. Pagkatapos ng Mr. Suave ay tinugtog agad nila ang Here Without You, at habang sumasamyo ang malamig na hangin, naramdaman ni Cissie na parang may mensahe sa kaniya ang kantang iyon at hindi niya napigilan ang luha niya na tumutulo sa gilid ng mga mata niya. Pakiramdam niya tinamaan siya ng kanta. Dahil bagama't totoong magkakasama sila ni Jay ngunit may harang na tila naghihiwalay sa pagitan niya at ng binata. Para bang iyon ay nagpangyaring nag-iisa siya kahit na kasama pa niya ito. Mahal na rin ba niya ang kaibigan niya? Humanga lang ba siya sa kabaitan at sweetness nito sa kaniya? O ano kaya ang naramdaman niya para dito?

"Hey, okay ka lang? Kanina pa tapos ang tugtog natin pero blanko ang facial expression mo," tapik ni Jay sa balikat ni Cissie.

"Ha? Ah, eh I'm fine. Just that my brain is processing something."

"Oh I see, kasama ba ako sa pinaprocess mo?"

"Ano?!" sobrang shock siya sa sinabi ng binata, "hinda ah," depensa niya agad.

"Biro lang, 'to naman eh. O siya, magligpit na tayo."

Habang nagliligpit sila, hindi pa rin makamove on si Cissie sa sinabi ng kaibigan, yamang totoo naman talagang si Jay ang pinaprocess ng utak niya. Samanatala, kasalukuyang nagaganap ang King and Queen of the Night na kung saan pipili ang mga organizers ng dalawang pares na stunning all through out the night.

"Ladies and gentle, hindi pa tapos ang event na ito. We have a surprise for you guys that could truly excites everyone. Pipili kami ng two pairs na stunning sa gabing ito. And then we arranged a dance number for the two who will be selected," bungad ng emcee. Kaya nagkakagulo ang audience sa surprise na ito dahil everyone is excited and hoping na isa kanila ay puwedeng makasayaw ang mga crush nila. Kabi-kabila ang mga bulong-bulungan kung sino ang mapili.

"Now guys, the Queen of the Night is none other than," at nagplay ng drum roll ang DJ.

"None other than Steph De Dios!" palakpakan at hiyawan ang mga tao. Abot-tenga naman ang ngiti ni Steph dahil siya ang napili, palibhasa'y alam na niya kung sino ang tawaging King of the Night dahil binayaran niya ang mga emcee para makuha lang ang gusto niyang maisayaw si Jay.

"Hmm sa ayaw at gusto mo, kailangan mong isayaw ako sa gabing ito. Hinding-hindi mo makakalimutan ang gabing ito," wika ni Steph sa sarili habang nakaevil grin.

"Now our King of the Night is none other than Jay Tan!" Pagkasabi niyaon ay lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. May naiingit at may nagagalit dahil hindi sila ang makakapartner si Jay. Si Jay naman ay nabigla at hindi maipinta ang mukha dahil niya nagustuhan ang nagaganap.

"Let's go Bezzie! I can't take this," sabay hila niya sa kamay ni Cissie.

"Bezzie, please don't do this. Mapapahiya ang school kapag gagawin mo'to. Isipin nilang wala kang respeto," pakiusap niya.

"Bezzie, I can't take that bitch. Besides alam kong plinano niya 'to. I sensed it."

"Please Bezzie, pagbigyan mo na lang siya. Sandali lang naman eh,  para hindi ka magmukhang walang respeto."

"Okay fine! But let's go home right after the dance. I hate this!" wika niya habang dali-daling tinungo ang puwesto ni Steph. At lalo siyang nainis sa reaction ng babae dahil parang naisahan siya nito.

"Hey bitch, I know you planned this. If it's not Cissie asking me to do this, kanina pa ako lumayas dahil 'di kita masikmura. Tumayo ka diyan, 'wag kang assuming princess 'coz I won't be that prince," pabulong na wika nito kay Steph sabay ngiting hilaw nito.

"Oops! Don't be so handsome hindi ko pa nga sinabi sayo ang dapat mong malaman eh," ganti nito.

"What? May dapat ba akong malaman?"

"Now look who's asking. Don't be on such a hurry, honey. Take it easy man, let's dance first, okay? Come on!" sabay yapos nito sa leeg ng lalaki.

"Stop it bitch! Is that how really desperated you are to dance with me at gagamit ka pa ng blackmail? Pathethic!"

"Nah. I just really love to see how Cissie will react on this."

"Don't drag her around, this is just a clever scheme of yours, but you can't break our friendship."

"Wow! Friendship. Such a wonderful word for the two persons having unsettled feelings!"

"What are you talking about? Make it straight to the point."

"Don't you know that your fake bestfriend is loving you all the way na hindi mo alam?" pinagdiinan Pa talaga ni Steph ang salitang 'fake'.

"Ano bang virus ang kumalat sa utak mo at naisip mo 'yan ha? We're like brother and sister. We have things in common and we both enjoy our friendship, that's it. And besides kung meron ngang higit pa sa kaibigan, it's none of your freaking business anyway!" asik nito sa babae.

"Well I just hope that the so called 'frienship' of you guys would last. But I doubt it, sooner or later magkakabukingan kayo at may masasaktan."

"Enough! Ayoko ng makipagusap sa'yo. I have to go, if you don't want to be humiliated then let's go back together."

"Okay," kaya sabay silang bumalik sa puwesto ni Steph, hinatid niya muna ito sa table ng babae. Kahit papaano ay may natitira pa siyang awa nito, hinatid niya Steph para hindi ito mapahiya. Samantalang si Cissie ay hindi pa rin siya makamove on sa kanyang nasaksihan, kaya nasaktan na naman ang damdamin niya. Ngayon narealized niya na talaga pa lang hindi lang kaibigan ang naramdaman niya dito kundi pag-ibig na pala. 'Di niya maiwasang mainggit dahil gusto niya ring makasayaw ang lalaking kaibigan at ngayo'y mahal niya.

"Hey let's go Bezzie," yaya ni Jay.

"Hmmm," binuhat niya ang gamit niya at sumabay kay Jay.

Patlang ang namayani habang naglalakad sila.

"By the way Bezzie, you two looked great together earlier," binasag ni Cissie ang katahimikan.

"Oh please, it was a disaster. She's talking nonsense about you."

"What did she say?"

"Imagine, sinabi niya na hindi daw friend ang turing mo sa akin kundi love daw? I hate her guts to say that knowing na pakana niya ang dance kanina at alam kung may gusto siya sa akin. Sorry na lang sa kaniya dahil hindi ko gusto ang mga tulad niya."

"A-ano naman ang sinabi mo sa kanya?" garalgal na tanong ni Cissie.

"I told her that we're like brother and sister, that we have many things in common and besides, it's none of her business whatever your feeling is."

"What if, what if tama nga ang sinabi niya, anong magiging reaction mo?" Napapikit siya ng matapos niyang masabi niya ang mga katagang iyon.

"Oh come on! I know you Bezzie. Ikaw 'yong tipong hindi magkakagusto sa katulad ko, dahil alam mo na ang mga kahinaan ko pati ang utot ko naamoy mo na eh," hagalpak pa ito ng tawa.

"Oo nga naman, ang bantot ng utot mo, 'no! Hindi man lang nagpasintabi. Dapat sa'yo Utotino ang pangalan eh. Pangalan pa lang bantot na, eh 'di lalo pa kapag umutot na," nakuha pa niyang magbiro kahit gumigilid na ang luha niya sa kanyang mga mata.

"Ha! Ha! Ha! Ikaw talaga Bezzie, hindi naman ata bagay yan sa hitsura ko no," sabay papogi-look nito.

"Ay pero, 'yong girl na nagparequest ng kanta kanina sa friend niya, in all fairness ang beauty. I want to know her!" excited na excited ang aura ni Jay.  Sa puntong ito, lalong hindi napigilan ni Cissie ang luha niya at tuluyan ng pumatak.

"Bezzie, malapit na pala tayo sa bahay, I need to go ahead, jingle na jingle na ako eh," tumakbo na siya kasi ayaw niyang makita ng lalaki ang pagluha niya.

"Wait. Wait up! Hey!''

Hindi na niya pinansin oa ang tawag ni Jay.

#######

Note :

ang completed book po ay nasa ibang site, please head over to my Facebook for the link. it's free.

Facebook : AZKHA-Author