2 Hindi kita kikilalanin bilang aking ama

Napatingin ako sa kamay kong nanginginig. Puno ng dugo ang mga ito.

Nakaupo ako ngayon sa isang upuan, nakayuko, kaharap ng isang pulis. Tumutulo pa rin ang mga luha ko. Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso. Nakapulupot parin sa akin ang paboritong kumot ng aking ina. Hindi parin ako makapaniwala sa nasaksihan ko kani-kanina lang. Wala na si mama. Wala na siya. Iniwan na niya akong mag-isa.

"Hija, kanina ka pa umiiyak, okay kana ba? May susundo ba sa iyo?"

Napatingin ako sa kanya sabay iling. Narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Sir may hinahanap po akong dalaga. Ito po ang larawan niya. Ang kanyang pangalan ay Mina Choi Velasquez. Narito po ba siya?"

Napatingin ako sa matandang kitang-kita sa mukha ang pangamba pero hindi mawawala ang pangmayaman at kakaibang aura. Napalingon siya sa gawi ko ng maramdamang may nakatingin sa kanya. Pagkakita palang niya ay agad siyang tumakbo papunta sa akin.

Napahagulgol ako ng tuluyan ng ako'y kanyang niyakap. "Señora, uuwi na po tayo" Tumango nalang ako.

Nakaupo ako ngayon sa sasakyan habang nakabalot parin sa akin ang kumot ng aking ina. "Señora, narito na po tayo. Pwede kana pong bumaba" Sumunod ako sa sinabi niya.

"Narito na kami" Pag-aanunsyo ni Ms. Lin, ang kanang-kamay ng aking lolo. Yumuko ang mga katulong sa akin. Pinatigas ko ang ekspresyon ng aking mukha at walang pinakitang emosyon. Gagamitin nila ang kahinaan ko. Naglakad kami papuntang dining hall. Naghihintay doon ang bagong asawa ng aking ama at ang anak nito sa ibang lalaki. Hindi ko sila pinansin at umupo nalang.

Tumayo ang bagong asawa ng aking ama at naglakad papunta sa akin. "Mina, ayos ka lang ba?"

Fake sincerity. Hindi ko siya sinagot. Kita sa mukha niyang napipilitan lang siya.

"Hey, sagutin mo ako! Nasan na ang respe---" Nanlaki ang mga mata niyang dinuro ang kumot na nakapulupot sa akin. "Alisin mo yan Mina" Niyakap ko ng mahigpit ang kumot.

"Hindi!"

"Ayokong makita yan! Baka magdala yan ng malas!" Pilit niyang kinukuha sa akin ang kumot.

"Hindi! Bitawan mo ito! Bitaw!!"

Napatayo ang anak niya sa ibang lalaki at siyang humablot sa kumot. "Bitawan mo yan Mina! Bitaw!!"

Naiiyak na naman ako. Yan nalang ang natirang ala-ala ko kay mama. "Ayoko nga sabi!" Pilit akong nagpupumiglas.

"Magdadala yan ng malas sa amin!"

"Wag mo siyang hawakan Zach!" Agad akong niyakap ng isa pang anak ng bagong asawa ng ama ko. Si Kuya Micho. Ang tanging kakampi ko sa malademonyong mansyong ito. Napahagulgol na naman ako.

"Mina, wag ka nang umiyak. Nandito lang ako. Wag kang mag-alala, yayakapin ka ni kuya"

Sa gitna ng pagyayakapan namin ay dumating ang aking ama. Hindi parin ako binibitawan ni Kuya Micho. Galit ang unang ekspresyong nakita ko sa kanyang mga mata.

"Mina! Aalis kana papuntang London! Maghanda ka!"

"Pero papa, si mama--"

"Walang pero-pero. Bukas na ang alis mo. Sasamahan ka ni Micho sa London"

"Gusto kong makita si mama!"

"Hindi!"

Mas lalo akong nagalit sa sinabi niya. Pinalampas ko yong pinalayas niya kami ni mama pero ngayon? Sino siya para pagbawalan akong makita kahit na ang katawan nalang ni mama? Sige pagbibigyan na naman kita, pero pagbalik ko ay hindi na kita kikilalalin bilang aking ama.