Vanna's POV
"Gising na Vanna."
Gumising ako na nakasandal sa balikat ni---
"Ano ginagawa ng ulo ko sa shoulders mo?"
"Eh nakatulog ka kasi tapos bigla kang sumandal sa akin kaya ayun hinayaan ko na. Tsaka nga pala nasa eskwelahan na tayo, tumayo ka na diyan." Pagkasabi niya nun ay tumayo na siya at inilahad ang kamay niya.
"Kailangan mo ba ng tulong?"
Tinabig ko ang kamay niya at tumayo. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at grabe andami kong bitbit na maleta.
"Sabi ko nga."
Medyo naawa ako sa kanya pero wala na akong oras para sa kanya. Bumaba na ako ng bus at namangha sa itsura ng eskwelahan.
*click*
Pagkarinig ko nun ay lumingon ako at nakitang may bitbit na camera.
"Para saan ba iyan Kyle? Pwede kitang kasuhan sa paglabag ng--" Hindi ko na natapos dahil bigla siyang sumibat.
"Memories."
May pa memories memories pa siyang nalalaman ha? Baka mamaya kakanta iyan ng 'Memories'.
"AAAAAHHHHH!" Rinig kong sigaw.
Tumingin ako sa pinanggalingan at nagulat sa aking nakita. May isang bangkay ng babae sa sahig.
Umiwas ako ng tingin habang pumunta si Kyle sa crime scene. Hindi ko maiwas mag-alala para sa kanya kaya tiningnan ko ang balak niyang gawin.
Hinawakan niya ang pulso ng biktima at napabuntong hininga siya.
"Patay pa ang biktima."
Nang pagkasabi niya nun ay agad na may tumawag. Ang iba ay umiiyak, naluoran, at may naging statue.
Kumuha siya ng ilang imahe sa iba't-ibang anggulo.
"Ano ang pangalan ng biktima at sino ang huling nakakita sa kanya?" Tanong ni Kyle.
May nagtaas ng kamay at nagpakilala sa amin. "Siya po si Rachel Sanchez. Ako rin po ang huling nakakita sa kanya. Ang pangalan ko ay si Erica Cubero. Magkaibigan po kami. Huli naming pinag-usapan ay ang tungkol sa balak niyang pag-cut ng classes ngayong araw."
"May kilala ka pang kumausap sa kanya?"
"Kanina ho nung 3am papunta kami rito at kasama ko sina Julia, Diego, at si Gregg."
"Sige, salamat sa iyong pahayag. Maaari ba naming tawagan ang mga binanggit nitong binibini?"
Pumunta sa harap ang isang umiiyak na babae at tumatahan na lalaki. Nasaan iyong isa?
"Detalye please."
Iyong lalaki na lang ang nagsalita dahil mukhang hindi pa makasalita si Julia ata.
"Ako po si Diego at siya naman si Julia. Magkaibigan kami at oo magkasama kami kaninang 3pm para hanapin ang klase namin at roon na magstudy sa silid-aralan. Iyon rin ang huli naming pinag-usapan."
Napahawak sa chin si Kyle sabay sabing, "May nagho-hold ba ng grudge sa biktima?"
Umiling lang sila bilang sagot.
"Wala po kaming kilalang may galit sa kanya." Sagot ng umiiyak na babae na medyo tumahan na.
Sinuri ko silang mabuti. Si Julia at nakasuot ng school uniform na medyo gusot-gusot. May mga luhang dumaloy sa mga pisngi ni Julia at napaisip ako na maaari siyang maging actress. Si Gregg naman ay may worried look at sige lang sa pagtahan kay Julia. Nakasuot rin siya ng school uniform na tinabunan niya nang jacket. Si Erica naman ay chill lang na parang walang nangyari. Nakasuot siya ng sweatshirt over sa uniform which was really weird pero wala na akong pake roon.
"May tanong lang ako. Anong club ba ang sasalihan niyo?" Pagtanong ko.
"Lahat kami sasali sa Drama Club dahil gusto naming maging mga aktor at aktres."sagot ni Gregg.
Biglang dumating ang ambulansya at sinugod si Rachel sa ospital ng PA.
"Kyle, maaari ba akong tumingin sa camera mo?" Tanong ko kay Kyle.
He nodded at tinanggal ang suot niyang camera at ibinigay sa akin.
Nakaharap si Rachel pataas at malaki ang kanyang mga mata. May dugong lumalabas sa kanyang ulo at kamay. Nag-observe pa ako nang May nakita akong something na out of place. Ipinakita ko iyon kay Kyle at kumunot ang noo niya.
"Paano niyo siya nakita?"
"Naglibot kami sa school dahil hindi namin makita si Rachel. Si Diego naman ay nagpaiwan, sabi niya baka pumunta roon si Rachel. Oo nga pala, kailangan ko siyang sabihan tungkol dito." Sabi ni Julia at tumakbo.
Hindi kaya ay....